Chereads / No More Promises / Chapter 225 - Chapter 24: Again

Chapter 225 - Chapter 24: Again

Days came up so fast. The end of our semester is fast approaching but for me, it is still too long para sa kagustuhan kong makauwi na ng Pilipinas.

"Your ticket is secured, Lance." Kuya sent me a message through chat for this. Meaning, he is now ready to be home at any time. Buti pa sya. Naghihintay nalang ng panahon. What about me?. Still rushing. Still uneasy. Still not yet settled. But, still I'm hoping na makauwi na talaga. Because I miss her. So much!.

"Tnx. I'm still finishing things here.."

"Pero mahahabol mo ba lahat ng yan?." he want some assurance na makasabay ko nga sya pauwi. Na nasa plano na namin ang magsabay. Ang tingin ko pang ticket na binili nya ay same date as me. So, he'll definitely wait for me.

"I'm hoping na matapos na rin agad to."

"Hindi ba pwedeng online na ipasa yan?. I'm too excited.."

Sana all excited sa pag-uwi. Dahil ako. Mas lamang ang takot at kaba kaysa sa saya. "Pwede naman kaso kailangan ng attendance.."

"Pwede ka namang mag-attendance through online bro. Nakalimot ka na ba ha?. hahahaha.."

"Siguro." maikli kong tugon sa huli nyang message. Tama. May online class kami at online din ang pagpasa ng lahat ng requirements dito. Kaya kong umalis anytime soon. Ang kaso. Meron sa bahagi ng katawan ko ang gustong tapusin ang lahat dito bago umalis. Dahil hindi ko alam kung anong uuwian ko sa Pilipinas. Kung may uuwian pa ba ako duon o wala na dahil my wife is not responding at all. Maging video calls ko. Missed lahat. Wala pang isa ang binigyan nya ng panahon na sagutin.

"I heard Mr. Eugenio, that you want to go home now?." isa sa Dean ng school. Isa din ito sa pinakamabait at considerate among all Professors here.

Hinagod ko ang buhok patalikod. "Even if I want it to. I still can't, Dean. The semester is not yet done."

"No. You can." anya sabay paliwanag na matataas naman daw ang marka ko at maganda din ang performances ko rito, clinically. Kaya maluwag daw akong umuwi. Kahit ngayon pa. I asked him how did he knew about me needing to go home. He just said. My brother daw. Tinawagan raw sya nito at hiniling na pauwiin ako. Di ko alam na nagagawa pala ni Kuya na makipagkaibigan sa hindi nya kakilala. At isa pa. Wala rin syang nabanggit sakin noong kachat ko sya. Ibig sabihin ba nun, dati na nyang sinabihan si Dean nang di ko alam?. Kaya ba ganun nalang ako tingnan nung tao?. Naaawa sakin?.

Hindi ako makapaniwalang ganun sya kaluwag sakin kumpara sa iba. He considered my reason even if it's not a big deal for them.

So I've decided to get the opportunity na inilatag nya sa harap ko. Sinabihan ko din agad si Kuya na sabay na kaming uuwi. "Good to know. Okay. Wiat for me there." anya. Saka ko na sya tatanungin about his matter. Dahil ang kailangan ko ngayon. Mag-empake at mag-ayos ng mga gamit rito. Kailangan ko ring magpaalam sa caretaker ng bahay.

Lagpas nineteen hours nang eksaktong may kumatok na sa silid ko. Di ko pa man maidilat pa ang mga mata. Naglakad na ako patungong pintuan para buksan ito. "Hello there US person.." bati nya sakin. Pumasok sya sa loob bitbit ang isang bag pack at isang maleta. "Nagising ata kita?."

"Of course. Dumating ka eh.." sarkastiko kong tugon.

"Oh ho ho!. In a good mood huh?. Looks like you're ready to go on the roller coaster ride hmm?." pagod syang umupo sa may sofa at hinilata ang ulo sa headrest nito.

"Bat ang dami mong bitbit?. Pinalayas ka?." I even joke para maiba ang topic. Gusto ko lang malaman kung ayos na ba sila ng asawa nya.

Matunog syang ngumisi. "Pasalubong ang mga yan bro. Alam mo naman na ang buong tropa kapag nalaman nilang umuwi ang mga Eugenio. Hindi mawala-wala sa bukambibig nila ang pasalubong na yan." he stated a fact. Balik bayan daw nga kasi. Yan ang pilit iginigiit ng bawat isa na kaibigan namin.

Di ko naisip na kailangan pa pala ng ganun. Mabuti nalang sinabi nya. Tutal. Sabado pa ang flight namin. Thursday na ngayon. May oras pa para gumala at makapamili ng iuuwi. Di naman bakasyon ang gagawin namin duon. Pero para sa mga mata nila at akala. Ganun nga iyon.

After eating breakfast. Sumama sj Kuya sakin na gumala. Time for us to bond too. "Hindi pa ba tumatawag sa'yo si Joyce?." he asked. Bahagyang bumagal ang paglakad ko dahil sa naging tanong nya. Ibinulsa ko ang mga kamay. Hawak ng kanang kamay ko ang phone na nasa ilalim ng bulsa ko. Being ready for the upcoming calls na nitong mga araw ay walang dumating mula sa espesyal na tao.

"Not.. yet.." hindi pa at umaasa akong hindi pa dun nagtatapos ang lahat.

"Nakakalungkot naman." anya. Huminto kami sa Jordan store at tumingin ng maaaring bilhin. Naisip kong bilhan si Aron. Yang isang yun. Di man lang nagpaparamdam. Dinaig pa nya ang multo.

"Si Bamby, Kuya. Di nya ba alam na uuwi tayo?." I changed again the topic. Ayokong maging dahilan ang bagay na yun para hindi ako makagala ngayon.

"Ahy.. nagtanong ka pa?. Kilala mo sya Lance. Baka nga, naunahan pa nya akong nagtungo rito eh."

"Anong?. Paano ang trabaho nya kung ganun?."

"Tinatanong pa ba yan kung silang dalawang mag-asawa ang usapan?."

"You mean, pati si Jaden ang uuwi?."

"Yup. Bored na ako sa office. Gusto kong mag-stroll muna sa Pilipinas.." dinig ko bigla ang boses ni Jaden sa kung saan. Umikot kami sa pagitan na stall. Nasa kabilang side lang pala sila ng asawa nya. At ang malala pa. Nakangisi ang isa habang naglalaro ang mga kilay nya. "Madaya. Ano kayo?. Tataguan nyo pa ako ha?. Sorry not sorry." itinuro pa kaming dalawa sabay ng iling. Halata sa mukha nya ang pagdiriwang. Mukhang na-salisi gang na naman ang Jaden Bautista ha?. Bamblebiee!!!.

Tsaka. Teka lang. Anong stroll?. Iba talaga pag mapera na. Pwedeng gumala kahit saan.

Naging maingay ang flight namin patungong Pilipinas. Ang sabi pa ng bunso namin. Wala raw nakakaalam na tropa na uuwi kami. I asked Kuya about it. Tumango din sya. Wala din syang pinagsabihan?. Ganun din si Jaden. Ibig sabihin. Magugulat sila sa pagdating namin.

When we got home. Dumiretso akong tawag kay Joyce. Her number is still can't be reach. Pinadalhan ko din ng mensahe si Rozen. Binilin na sana sagutin din ng kapatid nya ang tawag at text ko. Pero ang tanging sinabi nya lang. She's doing well. Nothing more. Nothing less. Taliwas sa gusto kong marinig.

It's like Deja Vu. Are they hiding her again?.

Bakit?. Sa akin na asawa nya?!!. Ako na bahagi nya?. Bakit ba?. Para saan?. Anong ginawa kong mali para pagkaitan nila ng kaligayahan?. Tama ba si Bamby?. Na, I don't deserve her?.

Oh please Lance!. Think. Wag mag-isip ng kung anu-ano hanggat wala ka pang dahilan to judge her.