Chereads / No More Promises / Chapter 202 - Chapter 1: Thanks Bamby

Chapter 202 - Chapter 1: Thanks Bamby

After the honeymoon. Back to normal agad kami. Sya sa private clinic na pinapasukan nya. Ako naman, mag-aaply palang.

"Good morning honey ko." hindi pa man nya naididilat ang kanyang mga mata, binigyan ko na sya ng halik sa labi. She automatically groaned. Hindi nagustuhan ang bati ko.

"Di pa ako nagmumumog Lance." kinurot nya ang mga mata saka tumalukbong ng kumot.

Nalukot ang buo kong mukha.

"I don't care about that. Mabango ka pa rin naman kahit bagong gising lang." paliwanag ko pa pero di pa rin sya humarap. "Bangon na dyan. Diba, ang sabi mo kagabi may pasok ka na ngayon?." tinapik ko ang bandang balikat nya to let her know her schedule today. Mabilis syang bumangon. Asking why I didn't told her that as early as possible. Nakamot ko ang ulo. "Akala ko, alam mo na dati Honey?."

Di na nya ako sinagot. Basta nalang nyang binato ang makapal na kumot sa malawak at magulong kama saka mabilis nang tumayo. Dumiretso syang pasok ng banyo at nagpaalam na maliligo na.

"Honey?. Are you mad?." kinatok ko sya sa banyo. Para kasi itong nagdabog kanina.

"I'm not."

"You're honey." pagtatama ko pa. Kahit kasi halikan ko sya ng bagong gising nitong nakaraang araw lang. Ayos lang sa kanya. Ngayon lang parang hinde. "May nagawa ba akong mali?."

"Nothing."

"Then why are you acting mad?." heto na naman ang pagiging STD nya. Small Talk Syndrome. Halata ngang may mali sa kanya. Ganito ba talaga ang mga babae?. Paiba iba ng mood?.

"I am not nga. Bat ang kulit?."

"E kasi nga, parang may mali akong nagawa honey ko?." di nya ako sinagot. Nadinig ko lang na naging mas malakas ang buhos ng tubig sa gripo. At naging mas mabilis ang kanyang pagsalop ng tubig gamit ang tabo.

Iniwan ko sya't mas piniling ayusin ang naiwang mga kalat sa sahig. Ilang sandali lamang ay bumukas na ang pinto. "Still mad?." tanong ko gamit lang ang gilid ng mata ko sya tinignan. Suot nya ang bathroom na pink. At ang basang buhok nya ay nakapulupot ang puti pang tuwalya na isa.

Di nya muli ako sinagot. Tinapos ko ang pag-aayos. Saka tumayo at namaywang. Tignan natin kung hanggang saan ang pagmamatigas mo. Pinanood ko ang bawat galaw nya hanggang sa sya na rin ang nairita sa akin. Ginaya nya ako't pinagtaasan ng kilay. "Now what?." anya. Umubra ang pagiging mataray nya. Natakot tuloy ang dila ko't napaatras bigla.

"What now?." binaliktad ko lang ang sinabi nya kaya naman umusok agad ang butas ng kanyang ilong.

Her breathing became heavy. Halatang malapit nang maubusan ng pasensya sakin. "Hindi mo pa ba alam kung anong ikinagagalit ko?."

Ayun! Atlast! Sinabi nya ring galit sya. Ang mahirap lang sakin. Hindi ko alam ang sinasabi nyang dahilan. WALA AKONG ALAM. WALA AKONG KAALAM ALAM!. Ano kaya yun?.

Nalilito ko syang tinapunan ng tingin. Tapos umiling. Muli na naman syang bumuntong hininga. Malalim na. "Talaga lang Lance ha?."

"Hindi nga kasi honey. Let me know then."

"Ask your father." tinalikuran na nya ako. Ito ang mahirap sa mga babae e. Yung bibigyan ka ng iisipin tapos hindi ipapaliwanag kung bakit at saan galing ang galit nila. Ang kumpliikado talaga nila. Pero ang pinagtataka ko. Hindi naman ganito kalala si Bamblebie. Why my lovely wife?. I guess. Iba't iba nga ang mga traits nila. Like her with my sister.

Anong alam ni Papa?. Gusto ko itong itanong subalit pinangunahan ako bigla ng kaba. Natatakot ako na baka pag-ugatan bigla ng away ang simpleng tanong ko kaya mas pinili kong manahimik nalang. I don't want to risk any of this just to find out what's wrong between us.

Hanggang sa almusal. Di nya ako kinausap. Nakapalit na sya't lahat para sa pagpasok. Di nya pa rin ako tinatapunan man lang ng tingin. "Honey?." malumanay kong tawag sa kanya habang naghuhugas ng plato. Kasalukuyan na kasi nyang isinasabit ang kanyang bag. Hudyat na ng nalalapit nyang pag-alis.

"Don't talk to me unless you know a little bit about what made me this mad at you."

"But how?. I don't remember anything." di nya pinansin ang sinabi ko. Basta nalang nya akong hinalikan sa labi saka na lumabas ng pinto.

Hay....

Imbes matuwa ako sa pabaon nyang halik. Lalo pa nya akong binigyan ng palaisipan. Galit pa sya ha pero hinalikan pa rin nya ako sa labi. Astig nya talaga!. Kahit gaano pa yata kalalim ang inis nya sakin, sa labi ko pa rin sya babagsak.

"Natatawa ka pa talaga Lance. Intindihin mo kayang hanapin kung anong dahilan ng galit ng asawa mo?. Mukha ka ng baliw dyan." kausap ko ang sarili ko ng eksaktong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa taas ng mesang nasa tabi ng higaan namin. Si Bamby.. ang nasa kabilang linya.

"What?." bungad ko.

"What agad?. Hindi ba pwedeng good morning muna?." nagtaray na agad. Ano bang meron sa mga babae ngayon?. Ang tataas ng mga kilay nila. Sarap suklayin! Ulol Lance!.

"I'm not in the mood Bamblebie. Now what?."

"Hala sya!. Kinasal lang, naging masungit bigla. Anong meron dyan ha Kuya?." ginulo ko ang sariling buhok. Natawa sya ng makita akong ganun. "Nag-away kayo noh?." tunog paniniguro pa nya.

I'm torn between making a nod or just ignore her statement.

"I heard something. Is it really serious that you want to decline your Harvard dream?."

And then boom! That slapped me!. Baka iyon nga. Baka nga ito ang dahilan kung bakit hindi ko sya maintindihan ngayon.

"Bamby?." I called her name.

"What?. Kuya, kay Papa ko narinig to. Seryoso ka ba talaga?."

Bago kami umuwi ng condo. Nasabi ko sa kanyang wag nalang kaya akong tumuloy ng Harvard at dito nalang maging espesyalista. Tutal may mga schools naman dito sa Pinas na may ganuong kalidad ng school na gusto ko. Pero mariin nya akong binantaan. Sinabi ko itong una kay Papa. Pinagalitan nya rin ako. Di ko pa naman as in tinatanggihan. Balak palang. Tsk.

"I'm still on decision making lil sis. Not yet done." duon sya nabunutan ng tinik. Para bang pasan nya ang mundo kanina at ngayon lang nakahinga ng maluwag ng malamang hindi pa naging pinal ang desisyon ko.

"Pero tutuloy ka pa rin ba o hinde na?." ang sabi pa nya'y gusto lang daw nyang maging klaro ang lahat. Ang sabihin nya, gusto nya lang daw maging successful din ako tulad nila ni Kuya Mark.

"I guess, I have no other choice but to continue what I've started." I heard her bark on my remark. Tumingala ako sa kisame. At duon tumitig. "Ayoko sana eh dahil iiwan ko syang mag-isa kaso baka tuluyan akong hiwalayan ng asawa ko kapag di ko tinapos to." natawa sya ngayon.

"Buti alam mo. Hahahaha. Iyon lang. Bye for now." hagalpak nya saka mabilis pa sa takbo ng butiking nasa kisame ang pagbaba nya ng kanyang linya. Sabi na nga bang tumawag lang iyon para makibalita. Pero atleast, dahil sa pagtawag nya. Naliwanagan ako. Nakuha ko na kung anong dahilan ng galit ng asawa ko. At natanto ko ring, hindi ko dapat pala basta iniiwan ang mga bagay na inumpisahan ko na. "Thanks Bamblebie." I murmured then texted her this. "Thanks lil sis. You made my mind clear. Loveyah!. Regards to Knoa and Jaden."