Chereads / No More Promises / Chapter 196 - Chapter 45: Talk

Chapter 196 - Chapter 45: Talk

Ang nangyari. Hindi lang ako ang sinukatan kundi na rin ang buong myembro ng bawat pamilya. Hapon na rin nang nagulat ako sa pagdating ng mga kabarkada ni Lance.

"Bro, grabe ka. Gun shot ha?." ito agad ang isinalubong ni Aron sa best friend nya. Natatawa. Nagkamayan ang dalawa.

"Di kami informed pre. Gulat nalang kami ng ipatawag kami ng kumag na to." itinuro ni Ryan si Aron gamit ang kanyang nguso. Ganun din ang sinabi nina Billy, Bryan, Dennis, Poro, Winly, Karen, Paul at Kian.

"Ganun talaga kapag nagmamahal. Hindi na dapat pinapatagal." hirit ni Lance. Kumindat pa nga sakin kahit nasa paligid ang lahat. Kaya napasigaw at pinaulanan sya ng tukso at biro.

"Mga galawan nga talaga ng isang Eugenio oo. Naku!!.." pigil hiningang tili nitong si Winly. Natawa ako sa birada nya. "Kaya sis. Bilisan mo ngang palakihan yang Knoa mo. Iintayin ko sya." anito pa kay Bamby. Mabilis umiling ang isa sa sinabi nya.

"Jaden daw oh. Anong say mo?." ipinasa nito sa asawa ang tanong. Hayun lang din si Jaden sa tabi ng long couch. Nakikipagtawanan kay Ryan. Ang best friend nya noon pa.

"Wala na sa akin ang desisyon." simple lang nitong sabe.

Naexcite tuloy ang Winly. "E kanino kung ganun?."

"Sa Tito Daddy at Tita Mommy nya. Wala ng iba." at ipinasa lang din sa amin.

Mga sira! Sila mga magulang tapos ipapasa sa amin ang desisyon?. Nakupo! Di pa rin sila nagbabago. Makulit pa rin sila gaya ng dati.

"Ano!?." nagtatakang reklamo nya. Napatayo pa. Lumipad agad sa gumilid nyang bewang ang hindi pamirming mga kamay nito.

Parehong nagkibit balikat ang mag-asawa. "Ano sa tingin mo bro?." tanong ni Jaden kay Lance makalipas.

"Hindi pwedeng magjowa ang batang iyon hanggat walang naipapakitang college diploma sa akin. Pasensya nalang." sagot ni Lance. Tanaw ko ang paggalaw ng kilay nito sa amin lalo na sa kanyang kapatid at bayaw.

Natahimik ang bakla. Ganun din ang iba hanggang sa pumutok ang tawa ni Poro at nahawa na rin ang lahat. Pinagtawanan sya hanggang sa humaba ang nguso nya't gumusot ang itsura ng mukha.

"Just like the old time huh?." si Kian.

"Of course. Nothing has changed." priming ani Lance. Ang dagdag nya pa ay, kung istrikto ako noon sa kay Bamby. Mas lalo daw ngayon kay Knoa. Magandang bata pa daw eh. Magiging habulin daw ng mga babae at ng iba pa.

"E pano kung magloko o magrebelde?." si Bryan to.

"Aba. Ibabalik ko nalang sya sa Nanay nya kung ganun. Tutal sila naman magulang nya. Hahaha." maging si Lance ay natawa nalang rin sa sinabi at naging takbo ng usapan.

Lahat ay maingay habang sinusukatan ang iilan. Hanggang sa tumabi sa akin ai Aron. "Congrats." bati nya. May ngiti sa labi ngunit ang may mata ay di mapakali. Pawang may hinahanap sa paligid.

I cleared my throat. "She's not here." tukoy ko sa taong hinahanap nya. Si Denise. Malapit nang palitan ng dilim ang liwanag pero wala pa ito. Di kaya hindi lang isang photoshoot ang ginawa nya?. Pero hindi eh. Ang sabi nya, hahabol sya ngayon.

Kinagat nito ang ibabang labi na para bang kinabahan sa aking sinabi. "Don't worry. Di ko sasabihn sa iba."

"Thanks. Kasi naman. Ayaw nyang ipasabi eh. Alam mo naman na ang trabaho nya. Lahat kaakibat ng fake news."

"Ano bang score na sa inyo?." tanong ko na dahil gusto kong malaman ang tunay na namamagitan nga sa kanila.

"In fact. I don't know yet. Ang hirap kausapin yang kapatid mo e." nagkamot sya ng ulo. Mukhang malaki nga ang problema sa kapatid ko. Hay..

"Bakit?. Inaya mo na bang magpakasal?." I giggled silently. Bahagya muna syang yumuko upang mas magkaintindihan pa kami. Maingay pa kasi itong Winly. Mabuti nalang at naaaliw sa kanya si Lance. Di napapnsin ang pag-uusap namin.

"Hmm.. pero tinanggihan agad ako. Hahaha.." I can sense the bitterness in his voice when he utter this words. Hay naku Denise!. Stop the game. And let love wins.

Sumandal ako sa back rest at humalukipkip. "Bat di mo subukang tanungin ulit?. Malay mo diba?." I gave him some idea ngunit mabilis nya itong kinontra.

"Natatakot ako na baka tanggihan nya muli ako." ramdam ko ang pagpapakatotoo nito. Sino nga ba naman ang di matatakot kapag ganung tinanggihan ka nung una diba?. Masakit matanggihan lalo na kung mahal mo yung taong tumanggi sa'yo. Pag ako iyon?. Hindi ko rin alam ang gagawin.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. "Walang mawawala kung susubok ka ulit Aron. Mahal mo sya hindi ba?." tanong ko. Mabilis pa sa kabayo sya tumango. "Naman pala. E di subukan mo mamaya." bigla syang ginanahan sa narinig.

"Hahabol sya?." napahawak ito sa backrest ng couch.

"Pst!." duon ko din narinig ang sitsit ni Lance na direkta na ang mata sa amin. Sumaludo lamang si Aron sa kanya. At mukhang alam na din ni Lance ang ibig sabihin nun dahil nakipag-biruan pa ito sa iba.

"Yes. Baka andito na nga iyon eh. Anong oras na oh." sabay tingin ko sa wrist watch na suot ko. At eksaktong paglingon ko sa may main door ay naglalakad na papasok ang taong topic namin. "And, finally she's here." bulong ko nalang dahil tahimik na nakayuko sa pagitan ng mga braso nya si Aron. Awtomatiko itong napaangat ng tingin ng marinig ang balitang iyon. "She's gorgeous isn't she?." bulong ko pero hindi direkta sa tainga nya. Nakanganga na kasi ito. At parang huminto ang pag-ikot ng mundo sa paningin nya. Damn! Pag inlove nga naman ang mga tao. Wala ng ibang nakikita kundi ang mahal lang nila. Ayie..

"Gwapa!?." as usual. Si Winly ang tumili at talaga nga namang sinalubong ito ng yakap at halik. "Buti nakarating ka?. Kamusta shoot mo?. Sana tinawagan mo man lang ako. Kahit taga alalay lang sa buhok mo. Haha."

"Ayos lang naman." maikli lang na sagot ni Denise sa kanya dahil agad nitong natagpuan ang taong kanya ring hinahanap.

"Parang, ikaw rin ang ipinunta rito. Lapitan mo na." kailangan ko pa munang tapikin ang balikat nya upang matauhan sana subalit kulang pa yata. Buti nalang at tumabi na sa kanya si Lance at binulungan. Di ko iyon dinig dahil masyadong mahina. Tinulak na sya ni Lance pero inunahan na sya ni Kuya Rozen na lapitan si Denise. Kaya nahinto sa gitna ang paghakbang nya. Hinila ni ni Kuya si Denise at sya na ang agad sinukatan ng isang tauhan ng designer.

"Ang bagal. Amp!." biro pa ni Lance sa kaibigan. Pinalo pa sya nito sa likod para lang magising. Doon sya medyo nahimasmasan.

"E sa huminto ang mundo ko e.." pigil ang hininga ni Aron. Kinausap nya si Lance pero wala sa kanya ang mata nito kundi doon sa kabilang dako.

"Gago pare!. Inlove ka nga talaga."

"Di lang inlove pare. Matindi to. Di ko mabigyan ng pangalan."

"Hahaha.. congrats. Dumating na karma mo." sinuntok sya agad ni Aron sa dibdib sa masamang biro nito.

"Walang ganyanan pare. Nagdarasal na nga ako dito eh. Karma pa binabanat mo. Itakas ko kaya yang bride to be mo."

Tong dalawa na to, oo. Tsk!. Kung saan saan napupunta usapan nila. Parehong baliw. Kaya pala naging magkaibigan sila.

"Denise!." ang akala ko babawi itong si Lance, hindi pala dahil iba ang paraan nya ng pagbawi. Kinawayan lang naman nito ang kapatid kong abala. "Usap daw kayo ni Joyce mamaya." kakamot kamot na ng ulo si Lance. Nahiya din. Hay..

Napaayos ng wala sa oras ang taong katabi nya. Kingwa! Magaling mang-asar tong tao na to. Alam lahat ng kahinaan ng lahat. "Ah yes. Punta ako dyan mamaya." sagot ni Denise na may ngiti na sa labi. Lalo naman nang hindi makapagsalita si Aron sa nakikita.

"Putcha!. Speechless ang isang miyembro ng tropa. Hahahaha." kahit pa asarin ni Lance ang taong kaakbay nya ngayon ay wala itong imik.

Ilang minuto lang ay dumating nga si Denise sa may kinauupuan namin. At nagpaalam bigla naman si Aron na iinom ng tubig kahit mayroon naman sa may center table. Sa kusina pa daw punta nya. Palusot ba?. Heck. No! Ako naman ngayon si kupido sa kanila. Di pwedeng ako lang masaya.

"Hi sis." humalik sakin si Denise at binati rin si Lance. Hindi na nakaalis pa si Aron dahil hinarangan na sya ni Lance at inakbayan habang kami'y kausap.

"Hi." unang bati ni Denise kay Aron na hanggang ngayon ay walang imik. Itinulak muli ni Lance ito para makahakbang ng kaunti sa harapan ni Denise. Tumikhim ito ng tumikhim hanggang sa pagkamot nalang ng ulo ang tangi nyang nagawa bago tumayo ng tuwid sa harap nya. "Can we talk?." kinilayan ko si Denise at talaga nga namang sya pa ang nag-insist nito na mag-usap sila.

"Pre, usap daw kayo.." pag-uulit pa ni Lance sa sinabi nya. Natawa nalang din ako sa kanilang dalawa. Bat ang kyut nila?.

Susnako!. Pag nga naman iba ang tama ng pana ni kupido!. Delikado!. Inlove na inlove ang kumpare namin. LoL!

"Ah. Huh!. Okay!. Let's talk.." mahabang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nya bago sinabi ito. Hindi ko mabigyan ng pangalan ang nakikita ko sa kanilang dalawa. Nawa'y gaya nga ng lahat ay maging masaya sila.