Chereads / No More Promises / Chapter 194 - Chapter 43: Cry a river

Chapter 194 - Chapter 43: Cry a river

"Kailan pa kayo dumating?." tanong ko kila Kuya kahit na puno pa ng luha ang magkabila kong mata. Pinunasan iyon ni Kuya Ryle kahit na yakap pa rin ako. Pareho pa kaming nakaupo sa sahig dahil hindi ko talaga kinaya kanina at nagbreak down ako. Ewan. Bigla nalang bumuhos ng sobra ang luha ko sa kanila. Para bang sa paraan na iyon ay nasabi ko ang lahat ng gusto ko kahit wala pang sinasabi na salita. I am so happy that finally they are home ngunit hindi ko pa rin maikaila ang magtanong sa kung bakit andito sila. Isang katanungan pa rin sa akin na mahiwaga. I already asked them kanina at paulit-ulit pa nga subalit ang naging sagot lamang nila ay ang gusto na nila akong makita. Duon ako umiyak ng sobra sa mga bisig nila.

"Bago ka umalis patungong Batanes." kuya Rozen laugh while saying this.

"Are you even serious?." hindi pa rin ako makapaniwala na dumating nga sila noong umalis ako. Hell shit!. Nagbibiro ba sila?.

They just both nodded at me. Tumingin ako kay Mama. Humihingi ng sagot nya. At gaya nga ng dalawa. Ganun rin ang ginawa nya. "Bakit di mo po agad sinabi Mama?." gusto kong magalit pero puno ngayon ng galak at saya ang buong ako. Walang puwang ang kung anong masama sa akin ngayon.

"They want to surprise you anak." nakangiting sagot ni Mama.

"Don't blame us sister. Sya." inginuso ni kuya Ryle si Lance na kanina pa tahimik na nakaupo sa gilid ko. Wala syang kibo at ang tangi ko lang nakikita ay ang hindi mabura nyang ngiti. My gosh! Anong sya?. Bakit anong ginawa nya?. I can't stop asking again myself.

"Sya nalang ang tanungin, wag kami. Hahaha.." he chuckled. Pinalis ko ang huling luha saking mata bago nalilitong tumingin sa itinuro nila. Wala pa man akong sinasabi ay nagkibit balikat na ito. Tapos sumunod naman ang pagtikhim ni kuya Rozen. Pilit tinatago ang kanyang ngiti.

"Lance?." hindi ako makapulot ng itatanong sa taong to. Sa dami ba naman ng tumatakbo sa isip ko. Puro sya lang ang topic nito. Walang tanong na hindi sya kasama.

"What babe?." ang presko pa nya itong sinabi. Jusko! Bat parang di man lang to kinakabahan?. Parang hindi pa takot sa mga Kuya ko o sa mga magulang ko?. Is he using any potion?. Lol!.

"Sila Kuya, anong meron?." nalito din ako sa sarili kong tanong.

Hindi sya sumagot. Imbes, tumayo sya sa kanyang kinauupuan at inalalayan ako sa pagtayo. Nahiya ako bigla dahil lahat sila ay nanonood lang sa amin.

Nang makatayo na ako ng maayos ay hinawakan nya ng mahigpit ang kanang kamay ko. "Ahm." anya. Nilinis ang lalamunan bago nagpatuloy. "Good evening po Tito at Tita. Ryle, Rozen. Denise at Ali. Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa. Kung pahihintulutan nyo po sana ako. Gusto ko po sanang hingin ang kamay ng anak nyong, si Joyce." Lumingon sya sakin ng sambitin nya ang pangalan. Agad nanlabo ang paningin ko. "Mahal ko po sya at ngayong nagkaroon kami ng pagkakataon muli para ibigin ang isa't isa. Ayoko na po syang pakawalan pa." at tuluyan na ngang bumuhos ang mainit na tubig mula saking mga mata. Nanginig ang labi ko. Marami akong gustong sabihin pero hindi magawa dahil pinangunahan na ako ng pag-iyak.

"Sa totoo lang anak." dinig kong nagsalita si Papa pagkatapos ang momentum na iyon ni Lance. I even heard him clear his throat dahil na rin siguro sa kaba. Di ko mawari kung sino ang tinutukoy na anak ni Papa. Kung ako ba o si Lance na. Nakupo!. Lalo lang aong naiyak. Susme Joyce!..

Tumayo si Papa at nilapitan kami. Este, si Lance pala. Akala ko tatabihan nya ito pero mali ang akala ko dahil huminto sya sa mismong harapan nya. Mabilis yumuko itong si Lance. Binibigyang respeto ang Tatay ng babaeng minamahal nya. Yay!. Naku! Yung kilig ko ngayon.. Umaapaw....

"Sa totoo lang talaga. Hindi nyo na kailangan pa ang pagpayag namin dahil nasa edad na kayo at alam kong may kanya kanya nang trabaho. Subalit nagpasasalamat pa ako sa'yo Lance dahil binigyan mo pa rin ng importansya ang paghingi samin ng kanyang kamay. Ipinakita mo lang na, tunay ka ngang lalaki at totoo ang intensypn at pagmamahal mo sa anak ko." kumibot ang labi ko. Gusto ring magpasalamat sa magandang salita na iyon ni Papa ngunit hindi ko po talaga kaya. Nanginginig pa rin ang labi ko sa tuwa, kilig, saya, galak at pasasalamat sa nagaganap. No words can express what I'm feeling right now. Kumbaga, it's a rainbow color. Lahat halo halo.

"Kung maipapangako mo sa amin na pasisiyahin ang Joyce namin. Bakit naman ako hihinde?." ani Papa. Duon nya lang rin tinapik sa balikat si Lance. Nag-angat ito ng ulo upang matignan ito.

"Hindi po ako mangangako. Hindi sa hindi po ako marunong tumupad ng pangako. Ayoko lang pong magbitaw ng pangako dahil natatakot po ako na baka hindi ko po mapanindigan ang naipangako ko. I'm not gonna promise but I will do my very best po para mapasaya sya at maibigay lahat ng gusto nya." nakagat ko ang labi sa narinig. Ibang iba ito kung mag-isip. Kaya ata ako nainlove sa taong to. At habang tumatagal ay mas lalo ko lamang nakikita at nadidiskubre ang ibang anyo nyang mas nakadagdag sa pagmamahal ko sa kanya.

"Pero wag mo syang masyadong iispoiled ha?. Baka di na yan mangailangan ng tulong namin. Hahaha." biro pa ni Papa.

"Opo Tito." sang-ayon din ni Lance. Pinalo ni Papa ang balikat nya ng tatlong beses bago niyakap.

"Papa nalang itawag mo sakin hijo. Tutal, magiging anak naman na kita." that thought made me cry a river. Itong nangyayari ngayon?. Masyadong mabilis. Ang akala ko. May kapalit na naman ang sayang nadama ko sa bahay ng mga Eugenio. Pero mali ako sa inakala ko. Maling mali dahil hindi pala lahat ng bagay ay may kapalit. Kung talagang oras na pala ng lahat. Oras na iyon. At walang makakapigil dun kahit sino pa.

"Salamat po, Pa." mahinang sambit ni Lance.

"Hahaha.. Welcome sa family anak." anunsyo pa ni Papa sa lahat. Hindi na rin nagbigay pa ng saloobin si Mama dahil ang sabi nya ay nagsabi na raw ni Papa ang gusto nyang sabihin. Si Denise naman ay nagcongratulate sa amin ni Lance habang ang dalawa kong Kuya ay natawa lang.

"Anong nakakatawa po?." pinaikutan ko sila ng mata. Lalo lamang natawa si Kuya Rozen.

"Wala po. Basta mahal din kita." bulong nito saka ako hinalikan sa noo at niyakap sabay bati na rin. Lumapit sya kay Lance at nagyakapan ang dalawa. Bumulong sila sa isa't isa at sabay ding natawa. Di ko alam kung anong dahilan ng tawanan nila. Bahala sila dyan.

"May dumi ba ako sa mukha?." kay Kuya Ryle ko rin ito tinanong. Umiling lang sya't bumungisngis.

"Mahal kita kapatid ko." anya rin saka sya humalik sa tuktok ng buhok. Pagkatapos ay kay Lance din sya bumati. Yumakap din sya dito at nagbulungan.

Naiinis na ako! Ano bang di ko alam?.