Chereads / No More Promises / Chapter 192 - Chapter 41: Yes or No

Chapter 192 - Chapter 41: Yes or No

Halos hindi makapagsalita si Lance matapos basahin ng malakas ni Bamby ang laman ng sulat. Ultimo lumunok o kumurap ay di ko napansing ginawa nya. Tulala talaga sya't walang masabi.

"Hahaha.. Napipi ka ba?. Bat di ka makapagsalita?." kahit kanina pa si Bamby dito na nang-aasar sa kanya ay wala man lang itong reaksyon. Tinitignan nya lang ang kapatid tapos babalik muli ang tingin sakin. "Baka naman matunaw yang si Joyce, kuya. Wag titigan ng todo please.. hahaha. "

"Naaasiwa na nga ako eh. Makatitig wagas. hahaha." sinabayan ko rin ang pang-aasar ni Bamby.

"Just give me more time please. Hindi ko lang inexpect na makakapasok ako dun."

"So you mean, you're not that confident of your self then?." humalukipkip si Bamby matapos matawa. Nakaupo pa rin ang kuya nya sa kanyang higaan habang kami ay parehong nakatayo sa kanyang harapan. Nauna nang ibinaba nina Mama yung cake. May pasok kasi sila pareho.

"It's not that. I mean. Harvard University dude. Prestigious school. Tapos eto lang ako?. Nakapasok pa?." itinuro nito ang sarili. Umiiling.

Hay.. Why is he talking like that?. Pinagdudahan nya ba sarili nya?. Kung oo, bakit?.

"Tsk. Eto na naman tayo. Bakit ganyan ka magsalita kuya?. Parang ang dating ay, di mo ginawa ang best mo tas basta ka nalang nakapasok ganun ba?." ngiwi ni Bamby sa kanya.

"Why are you doubting yourself Lance?. Stop belittling who is you. Hindi ka lang si Lance. Ikaw si Lance Eugenio na mag-aaral na sa Harvard University." I cheered him up. I saw how his eyes twinkles. Teka. Umiiyak ba sya?.

"Thank you, babe." luha nalang ang huling natanaw ko sa gilid ng mata nya ng bigla itong tumayo at yakapin ako. Dito na sa balikat ko sya humagulgol. Tears of joy na pati ako ay awtomatikong naapektuhan. I can't even control myself for not crying. My babe is too happy and I am too for him.

Iniwan kami ni Bamby dahil umalingawngaw na sa kabahayan ang matinis na boses ni Knoa. Gising na. May maingay na naman panigurado.

Hinayaan ko lang din syang umiyak sa akin. Mukhang hindi pa alam kung paano tatanggapin ang balitang ito. Kinausap ko sya kalaunan ng sya ay matauhan. He even joked after that long line of tears. Nakakahiya raw na umiyak sya. Mas nakadagdag puntos kaya ang pag-iyak nya kanina para sa akin. It's so femine. At mas lalo ko lang syang minahal. Dahil minsan, mas ramdam ko ang pagiging tunay ng isang lalaki kapag lumuluha ito sa mismong harapan ko. I'm not saying na peke na sya kapag hindi umiyak. Sadyang, iba lang talaga ang epekto ng mga luha pagdating na sa mga kalalakihan. Totoo ito. Madalang kasi sa kanila ang magpakita nang luha. Madalas sa kanila ay sinasarili na lamang o sa barkada lang nagsasabi. Nagpapasalamat ako na, heto sya't hindi nagpapanggap at talaga nga namang nagpapakita ng kahinaan.

"So, what's your plan then?." tanong ko na matapos nyang kumalma. Pinaupo ko sya sa single sofa sa tabi ng higaan nya. Naglakad ako papunta sa likuran nya't minasahe sya sa balikat.

"Gusto ko sana bago ako lumipad paalis."

"What?." tanong ko ng tumigil sya. He held my hand and massage it gently.

"Ikasal muna tayo." he then added. Di na rin ako nagulat pa o nagtaka sa kanyang gusto. Ako rin naman ay iyon ang nasa isip. Simula ng mabasa ko ang magandang balita para sa kanya. Gusto kong magsimula ng pamilya kasama sya kahit pa pareho pa naming inaabot ang pansariling pangarap.

"Paano tayo magpapakasal kung hindi ka pa nagpropose?. hahaha.." biro ko para mawala ang kaba.

Hindi sya umimik. Binitawan nya ang kamay ko't umalis sa kinauupuan. Nagtungo sya sa side table kung saan may drawer dun. Binuksan nito ang nasa pinakamaataas na parte saka muling isinara. Humarap sya sakin ng nakangiti.

"Anong gusto mo?. Private proposal ba o in public?." natawa ako. Tinatanong pa ba ang bagay na yun?. Hay.. Presko pa syang humalukipkip sa harapan ko.

"Pwede both?. Hahahaha." kingwa! Bat di ko mapigilan ang kiligin?.

Ngumisi sya't nilapitan ako. Hinawakan ang magkabila kong kamay. "Will you marry me?." suddenly, he asked this. Akala ko na kung anong gagawin nya o namin. Iyon na pala!?.

Teka! Seryoso na ba sya?. Wait lang ha... Wait lang..

"Seryoso ba to?."

"Don't ask questions. just answer me. Is it a yes or a no?."

Kinagat ko ang labi sa pagkabigla. Bigla ring humapdi ang loob ng mata ko dahil sa pagpipigil ko ng luha rito. But then, I can't take it anymore. Basta nalang bumuhos ang mainit na tubig galing sa aking mata. Rumagasa iyon na para bang may pumutok na dam site sa loob ko. Hindi pa man nasasagot ang tanong nya'y heto na ako't hindi na makasagot.

"Oh babe!. Why are you crying?. I need your damn answer." at natawa pa ako sa lagay na iyon. Paano ba naman kasi. Nagtanong pa eh obvious naman na ang sagot ko.

Gusto kong magsalita pero nanginginig ang labi ko. Pinipilit pa yata maging ang dila ko kung kaya't maikling sagot ay di ko man lang maibigay. "Will you marry me, Joyce Ho?." ulit na nya. Atat na sa magiging sagot ko.

Kingwa! Paano ba to?. Tsk!. Bigkasain mo nalang kasi ang oo Joyce para matapos na. Marami pang mangyayari bes. Ano ba!?.

"Yes, babe." at sa wakas. Sa hinaba haba ng iniyak ko, pagsinok at pagpunas ng luha saking pisngi. Tumutulong na nga sya minsan. Nasabi ko rin sa huli. "No words can express how much I want to marry you babe." niyakap ko. Walang humpay pa rin sa pagtulo ang tubig saking mata. Nasira yata gripo nito. Kailangan ipaayos.

Ang hindi ko naramdaman ay ang paglagay nya ng singing saking kamay. Isinilid na nya pala ito sa kanan kong kamay. Ikaapat na daliri. "And, no words can express too how much I thank you for accepting me again in your life. I won't promise to be a good husband to you but I'll do what I can to be the better husband and a father to our family."

"No more promises?." I asked while laughing at his remarks. He chuckled then nodded.

"No more promises babe. I love you." binigyan nya ako ng isang mahinahon, marahan at mainit na halik bago kami tuluyang bumaba para magdiwang. Kailangan ipagdiwang ang kaarawan nya, ang Harvard journey nya at ang engagement namin. Simple lang ang buhay kung wala kang ibang hihilingin kundi ang kaligayahan ng mga taong nasa paligid mo. Matik naman nang susunod ang sa'yo. So, it's a big Yes!