Chereads / No More Promises / Chapter 190 - Chapter 39: Agree

Chapter 190 - Chapter 39: Agree

"Ang haba naman ng usapan nyo?." eto ang kanina pang reklamo ng isa dyan. Nasa banyo ako at kasalukuyan nang nagpapalit ng damit. Kakatapos kong magshower matapos ang mahabang hapunan kanina.

"Babe naman. Syempre, ngayon lang ulit kami nagkita after that long years."

"E bat ako, di mo makausap ng ganung kahaba?."

"You want that too?." sagot ko mula sa likod ng pintuan.

"Of course. Ilang taon din tayong di nagkita. Gusto kong malaman din lahat ng nangyari sa'yo noong nakaraang taon."

"Pano kung ayoko?." tanong ko. Pinihit ko ang saradura ng pintuan at lumabas na. Pinagpag ko pa muna ang basang tsinelas sa may doormat saka yumuko upang ipulupot ang tuwalyang gamit sa basang buhok. Tapos nun ay tumambad sakin ang nakatagilid nyang bulto. Tuko ang kaliwa nyang kamay sa malambot na higaan habang hawak ang bandang tainga. Ang kanan naman ay hawak ang puting unan na nasa harapan ng kanyang tyan.

"Hmm.. paano kung ayaw mo?. Well, I think. Maybe, some other time. Marami namang oras para duon." he said. Giving it up already kahit sinusubkan ko lang naman sya. Of course. Gusto ko ring ikwento lahat sa kanya ang nakaraan subalit parang ayoko nang balikan pa ang masakit na parte ng aking buhay. Pagkatapos kong ibahagi iyon sa kapatid nya't Nanay, pagod agad ang naramdaman ko. But in a good way. Pagod ang isip at labi subalit gumaan naman ang pakiramdam ko sa pagsasabi sa kanila ng buong kwento. Nalaman nila ang dahilan bat ko ginawa ang bagay na hindi dapat. Doon din nila naintindihan na may valid akong rason at hindi lang basta pang sariling desisyon. Bagkus man. Nalaman ko rin na nagalit sila sa akin after knowing what I've done to the member of their family. Di ko alam pero mabilis ko nalang iyon natanggap at walang sakit, pait o guilt akong naramdaman. Siguro dahil na rin natutunan kong patawarin ang sarili ko sa mga pagkakamaling nagawa ko, lalo na sa ibang tao. That moment really thought me so many things. Specifically, loving my endless imperfections that leads me to understand things without judging them easily.

I fix myself then lean on his side. Yumuko ako upang tapunan sya ng halik sa pisngi. "I know your sentiments babe. Wish granted." I poke his nose bago bigla nalang nilaglag ang katawan sa may bandang unan kung saan sya nakaharap at duon inumpisahan ang gusto nyang marinig.

I started from the bottom up to the top. From my pain to our lost Angel to finding who's the main fault about it. And it just leads me, to me, myself and just I. Ako ang may kasalanan at wala ng iba.

"I'm sorry, baby." niyakap nya ako't lihim na pinunasan ang luha sa kanyang mata.

"I'm so sorry too." ako ang dapat magsabi ng ganun at hindi sya.

But after that past years. I saw it that we both have mistakes about that. Mistake by making it kahit na di pa dapat. Not a mistake by having such an Angel and a blessing but unlucky, we had a misfortune of being with her.

Then, I continued.

"Joyce." isang katok ang nagpagising sa akin kinabukasan. Tinanggal ko ang malaking binti nya sa binti ko at tumayo para lapitan ang pintuan kung saan naroon si Bamby.

Yes po. Nasa silid na po ako ni Lance at ipinagbigay alam nya ito sa buong pamilya nya lalo na kay tito. Tito even said na di dapat sa kanya ang desisyon kundi nasa akin na iyon. Tutal, nasa tamang edad na raw kami. We don't need his or their permission for us to do things and such.

Wala akong masabi. Oras lang talaga ang makakapagsabi ng mga bagay kung nasa tamang pwesto na ba o hindi pa.

"Good morning bes." I even greeted her a bit awkward. Ngumiti lang sya saka ako tahimik na hinila palabas.

"Shhh.. may gagawin tayo sa baba.." she whispered habang sinisilip pa ang kapatid sa loob.

"Ano naman?." pagtataka ko.

"Basta." anya. Maingat na hinila ang pintuan saka dahan-dahang simarado ito. "Tara na. Dali." nauna na syang bumaba. Halos tumakbo pa nga.

"Careful Bamby." I reminded her. Binigyan nya lang ako ng isang thumbs up. At nang makarating kami ng kusina. Andun na sina Tito at Tita.

"Good morning po Tito, Tita." bati ko sa kanila.

Tito just nodded at me wearing his genuine smile while Tita is, staring at me now from head to foot. Nahiya ako bigla. Mabuti nalang napansin iyon ni Bamby at sinuway sya. "Mama." sabay pa ng padyak yan. Parang duon lang din natauhan si Tita.

"Good morning too beautiful Lady. Maupo ka." tuliro nitong itinuro ang upuan sa kanyang tabi. Naupo ako duon na may kaunting hiya. At si Bamby naman ay nakatayo sa magkabilang gilid nila.

Tumingin ako kay Bamby, asking what is this pero nagkibit balikat sya bago inginuso ang brown envelope sa gitna ng mesa. Walang muwang ko pang itinuro ang sarili ko kaya siguro sabay silang natawa.

"What's inside po?." I asked unconsciously. Bago kasi sa akin anb ganito kaya nahihiya pa talaga ako.

"Just open it hija." sabi ni Tito. Kinabahan ako bigla. Ano kayang laman nito at kailangang ako pa ang magbukas?. Tatlo naman sila rito, tinawag pa ako. Hay ewan..

Iniabot pa iyon ni Tita sa akin. Halos manginig at manigas pa ang kamay ko ng hawakan ko ito. Kinakabahan talaga ako as in.

At ng mabasa ko ang tatak ng envelope sa harapan. Nanlaki agad ang mata ko. Damn it! Harvard University!!..

Natutop ko ang sariling labi saka tumingin sa kanilang tatlo. Halos makita ko ang sabay sabay nilang pagtango. Sa pagkakatanda ko ay, wala akong inaplayan na school at lalo na ang ganitong klaseng Unibersidad! Nakakalula! Hindi yata bulsa ang mabubutas sa akin kundi ay ang mga mata ko. Ang oa Joyce!

I slowly pulled the papers in it. Binasa ko ang umpisa ng letter. Halos di ko na matapos basahin iyon dahil sa panglalabo ng mata. Nakasulat lang naman doon ang pangalan ni Lance na nagsasabing, nakapasa sya sa school of Medicine in Harvard. What!?.

"Oh my gosh!." halos tumili ako. Di ako makapagsalita habang itinataas iyon sa kanila. Again. They just nodded at me.

"Yes Bes. He really worked hard for that." Bamby uttered.

Di ako makapaniwala. hanggang ngayon parang impossible sya pero totoo. Feeling ko, ako itong papasok ng Harvard! Naku po!

"Let's congratulate him." naluluha kong suhestyon sa kanila.

"Yes hija. In fact. Kaya ka namin ginising ng ganitong kaaga para ikaw ang mag-abot nyan sa kanya. He really wished back then na ikaw sana ang mag-aabot ng isang pangarap para sa kanya. And I'm surprised that, his wish is surprisingly turning into realities. Here you are and that opportunity. Just.. I'm amazed!." pati ako ay napahanga kay Tito. Di ko rin inexpect ang lahat ng nangyayaring ito. "He did that for you kahit na dinamdam nya ang sakit na naidulot ng paghihiwalay nyo. Ang sabi nya. Kailangan kong maging best sa lahat ng ginagawa Papa. I want to tell Joyce that she is wrong about giving me up." tumawa kalaunan si Tito. Napayuko nalang ako sa hiya. "At kapag nagkita kami. Hindi na ako yung dating minahal nya. hahaha.. that hard headed man. Bibigay din pala nung makita ka.. hahaha." tumawa ulit sya. "He learned a lot from you at ginawa nyang motivation iyon upang maging sya ngayon."

I don't know what to say.

"And I hope, pareho na kayong natuto sa paglipas ng panahon. I don't want to teach you nor lead you both to where you guys want to go. I just want you to know that I'm just here to guide you both for what paths you want to take."

"Thank you po Tito." naluluha kong sambit. Nanginig pa ang labi ko kaya't kailangan ko itong kagatin.

"And know that you are free to call me Papa from now on." he added.

"Me too. Mama is cool. Is it Bamblebie?." tita interfere. Tiningala ang anak.

"Of course, Ma. That's sounds good." Bamby aggressively agreed.

"We don't want to pressure you hija. You're one of the family now. Haha." natawa bigla si Tito sa sinabi ni tita.

"I know po. We already talked about it po and we both agreed for it." Di ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin ito. Sa puso ko yata galing kaya siguro ramdam ko ang pagkatotoo rito.

"Agreed for what?." Bamby questions.

"For marriage and family stuff." I explain while bitting my lower lips.

"O my goodness!.." tili ni Bamby na halos mabulabog ang buong kapit-bahay. She jumped out of joy.

"Mama!. Pa?." she called them both. Malaking ngiti ang ipinakita ng mag-asawa sabay tayo at yakap sa akin. They both whispered their congratulatory. Pure happiness poured in me.

They already agreed. What about my family?. Will they agree as well?

Related Books

Popular novel hashtag