Chereads / No More Promises / Chapter 181 - Chapter 30: Happy

Chapter 181 - Chapter 30: Happy

"Ganun ka ba kabagot na maghintay para matulog nalang dyan ha?." muli. Nagsalita si Poro. Tinanong kung anong ginagawa nya doon. That made me realize one thing. Meaning, kanina pa sya rito?. Nauna na sa amin. I can't believe this. Knowing that he's ahead of us, of me?. Geez!.

"Hahaha.." and for that. Tumayo maging ang maliliit na balahibo sa aking kaibuturan. Sa ginawa nyang pagtawa. Sa himig ng boses. Sa ganda ng himig nitong pumasok sa tainga ko , awtomatikong nagbalikan sa akin ang lahat ng alaala, kasama sya.

May iilan pang pumasok kaya ang nangyari, kaming nauna ang nag-adjust para sa mga bagong pasok. Pinapunta kami sa likod. Duon sa part nung taong pamilyar. Si Bryan ay piniling bumaba muna para papasukin sana ang mga babae, subalit mali ang inakala kong gentleman sya. Hindi sya gentleman sa lahat ng tao. Exclusive lamang ito at ako iyong nauna.

"Mauna ka na Joyce. Ako nalang sa gitna nyo ni Win." anya lang. It sounded to me like it is their plan to sit me there, with him.

If you're asking who am I referring to is. Yes. It's Lance. It's him. None other than. Walang ibang lalaki ang nagpapakaba sakin ng ganito at walang ibang tao ang nagbibigay sakin ng pakiramdam na hindi komportable. I feel like I have so many butterflies on my stomach and it tickles me to the point that, I have to bite my lower lip just to ignore his undeniably presence.

"Bilis na gurl. Ano ba!?." kung hindi pa ako itinulak ni Winly patungo sa likod. Hindi pa talaga ako makakagalaw. Para kasing may kung ano sa mata ko na ayaw nang alisin ito sa kanya. Kusa nalang dumidikit.

"Bilis na Win." Eto. Bigla si Bryan na minamadali na ang bakla sa uupuan nya. Hindi pa nga ako nakakaupo, mas lalong dumagdag pa sya.

"Si Joyce naman kasi. Wag na kasing choosy gurl. Oh! Hello gwapo! Di ko alam na andyan ka pala." kinurot pa ako sa tagiliran bago binati ang taong nakatingin sa labas. Dahan dahan itong lumingon sa gawi namin at tinignan lang kami.

Tumingin lang sya sakin na para bang isa akong estranghero.

"Upo na dali. Paalis na tayo." si Bryan muli ang nag-anunsyo ng ganito. Wala sa isip ko ang gawin ang sinasabi nya. Gusto ko pa nga bumaba, tumakbo palabas at pabalik ng eroplano. Babalik na akong Antipolo. Para kasi akong nasampal sa kung paano nya ako tignan. Damn it! Eto na ba yung sinasabi nyang, hindi na sya katulad ng dati after I hurt him?. Hay. Ang bilis. Karma is really a bitch! Binabalik agad sakin ang sakit.

Inanunsyo ng driver ang pag-alis namin sa airport. Eksaktong umupo na rin ako dahil yung tuhod ko, unti-unting nanlalambot at nadudurog ng pinu-pino. Maging ang kabog ng dibdib ko ay higit pa sa normal na tunog ng trumpeta. Pinapabingi ako. Ang magkabila ko ding mga palad sa kamay at paa ay inuulan na kahit mainit naman. Para akong nakasalang sa kumukulong kalan sa init ng pakiramdam ko. Lalo na kapag, di sinasadyang dumidikit ang balat ko sa mabalahibo nyang balat. Kinikilabutan ako, umaakyat hanggang saking ulo.

Grabe! Itong pakiramdam na ito ay ilang taon ko nang di naramdaman sa kahit na sino. Kaya pala kahit may sumusubok o nagtatangkang ligawan ako ay wala akong matipuhan sa kanila dahil wala ni isa sa kanila ang lebel na hinahanap ko. Masyado itong mataas at sa iisang tao ko lang pala ito matatagpuan.

Nakarating na kami't lahat sa Troy Lodge kung saan kami tutuloy pero itong puso't isip ko, hindi pa rin mapakali. Gusto ng kanyang atensyon subalit alam kong hindi ko iyon basta makukuha sa ngayon. Alam ko man o hinde ang pinagdaanan nya after we had part ways, gusto ko pa rin syang intindihin kahit ganyan ang ipinapakita nya.

Our big group ate lunch. Of course. Walang humpay na tawanan ang naganap dahil kay Winly at Poro. They keep on teasing each other like they're really into each other. Nakikisali ako sa tawanan nila. Kahit gaano ko man itago ang lungkot saking mata sa likod ng isang ngiti, may iilan pa rin ang nakakaalam sa totoo kong nararamdaman.

"Hey!. Are you okay?." di ko alam bat bigla itong naitanong ni Bamby. Yes. Sya po itong tumabi sa upuang bakante matapos umalis nina Karen at ng kanyang kabiyak.

Pilit ko syang nginitian. "I'm fine. Bakit?." I acted tough again yet my true self is now suffering from it's own pain. I guess. The consequences I did way back is paying me back. And I think. I deserve that.

"You look not." bulong nya sakin. Nagtawanan ang iilan na parang may sariling mundo. Habang kami ni Bamby sa may dulong gilid ay may sarili ding planeta. "Both of you."

"Huh?." without even thinking. Lumabas na ito sa labi ko.

"You and my brother. You guys looks like you are not enjoying this one and a lifetime vacation."

"I am." giit ko. Binulong ko pa. Tapos mahina lang syang tumawa bago umiling.

"Stop denying Joyce. I already know what's going on between the two of you." doon na umawang ang labi ko't hinarap sya. Tuloy yung mga pagkaing bumaba na sa tyan ko ay bigla kong naramdaman saking lalamunan. I want to vomit. Not on the things she confessed but on me who is still in shock. "Kuya told me everything. From the start till the end."

Sa gulat ko ay, nalaglag ko ang hawak na kutsara sa nakaabang na plato. Paanong?. Sinabi nya?. Bakit?. And till the end?. Meaning she knows why I let him go?. Doon ako nakaramdam ng matinding kahihiyan. Hindi ko deserve ang ngiting binibigay nya sakin ngayon dito. Ang ngiting matagal kong di nakita simula ng pumagitna sa amin si Denise at ang kapalaran. Masyado syang totoo, ako dito ang hinde.

"But don't worry. Aware naman ako noon pa tungkol sa inyo."

"Bamblebie." dito ako natauhan. Nagulat nalang ako ng nasa pagitan na namin si Lance. Parehong hawak nito ang sandalan ng aming upuan. "What are you doing?." he asked his little sister.

"Duh?. Kuya, I'm not doing anything. I'm just here to save your damn ass." tumalim ang titig nito sa kanya. Maging ang pag-igting ng kanyang panga ay napakagwapo pa din.

"Anong meron ha?. Share naman dyan Joyce." ang nangyari. Lahat na sila ay nagtanong sa kung ano ang nagaganap. Still. As I am. My mouth is zip. Taon man ang lumipas, di pa rin ito nagbabago sa akin.

"May the one ka na rin ba?." pangungulit pa ng mga lalaki sa akin. Si Lance ay nasa gilid ko pa rin. Pinapagalitan ang kapatid sa pamamagitan ng masamang titig.

I just smiled at me. "Naku! Meron to. Iba ang ngiti eh. Pareveal naman dyan." ani Karen pa. Tapos dumagdag din si Winly at ng iba.

"Saka na." sa totoo lang. Di ko alam kung saang lupalop ko ito napulot. Saying something not even true. Hay..

"Sino?. Name reveal na yan. Taga saan sya? Gwapo ba?. Same kayo ng ospital na pinapasukan?. Mabait ba?." halos sabay sabay ng lahat. Sa ingay ng aming mesa ay buti nalang walang nagrereklamo sa katabing mesa.

"Guys, can you please stop. Ang ingay." reklamo kalaunan ni Lance. Mabilis syang kinontra ng mga lalaki. Sinasabing kj sya.

"Naku! Wag mong pansinin yang Lance na yan Joyce. Bored lang yan. hahaha." ani Aron na ngayon ko lang din napansin. Mas lalo itong pumuti at lumaki ang katawan.

"Shut up." pigil ni Lance dito.

"Ikaw ang manahimik. Diba ayaw mo ng maingay?. Hahaha." nagtawanan tuloy halos lahat. Pwera lang sa amin. I can't afford to smile. His presence is absorbing my whole damn energy. Nakakapanghina!

"Back to Joyce. Kailan kasal?. Invite mo buong tropa ah." si Billy naman ang sumingit. "Basta ba abay mga anak namin." pahabol din ni Deniss.

"She's not even allowed." bigla ay nagsalita na naman sya. I'm just like, di nga?. Bakit naman?.

"Anong hindi pwedeng ikasal?. Close ba kayo?." hirit ulit ni Aron sa kaibigan. I'm no were to find exact words to defind what is happening around me. Nakakahilo!

"She's mine." direkta. Walang preno. Walang halong biro. Nakaseryoso sya ng sambitin nya ito. "Only mine."

Duon na umugong ang hiyawan at kantyawan ng lahat. Tukso dito at doon. Inaasar nila sya pero di man lang ito natinag at nagpakita ng kainisan sa kanila. It's new of him. And I must say. May nagbago ba?. May nabago nga. Naging mature na nga sya. It's not the old Lance.

I can't find any words on how my feelings turn into mixed emotions. The only thing I can see is, my heart is getting lighter, happier and stronger. Still. Deeply, inlove with him.