Chereads / No More Promises / Chapter 178 - Chapter 27: New

Chapter 178 - Chapter 27: New

Hindi naging normal ang lahat sa akin pagkatapos kong makipaghiwalay kay Lance. Pakiramdam ko, mali ang ginawa ko. Pakiramdam ko pa, isa ako duon sa iilang tao na sinungaling. Hindi marunong tumupad ng binitawang pangako.

Mahirap. Ang hirap kumain kapag alam mong hindi handa ang lalamunan mo sa pagdaan ng ngunguyain mo. Ang hirap ding kumilos kapag ganitong pakiramdam mo ay laging may nakasabit sa dalawang paa mo. Hindi sya semento. Hindi rin bakal o ano. Kundi sino. Para bang, may kung sino ang humihila sakin para gumalaw. Hindi sa pananakot pero totoo. Mas lalo ring mahirap ngumiti sa harapan ng taong ilang linggo nang andyan para makipag-ayos sa akin. Para bang, naging isa akong payaso. Laging nakasuot ng maskara na nakangiti.

Ang sakit. Sa dami ng pinagdaanan na naming dalawa. Dumaan na naman ito.

Alam ko. Mali ito. Maling manakit lalo kung mahal mo naman talaga ang tao subalit kadalasan, ang mali ay katumbas din ng tama.

Oo, mali sa mata ng iba. Mali sa opinyon ng iba pero sa taong gumawa ng desisyon ay siguro tama para sa kanila. Come to think of it. Nasa isang relasyon ka. Mahal nyo ang isa't-isa, walang duda iyon pero tama bang magmahal kung ikaw na isa ay alam mong hindi sapat ang binibigay mo sa kanya?. Hindi ba, minsan tama ring magparaya upang ibsan ang bigat na nadarama?. Hindi sa sinasabi kong tama nga ako. Na tama ngang makipaghiwalay kung nasa isa kang relasyon. Subalit kung iisipin mo rin ang mas makakabuti para sa inyo, you have to deal with the pain. Just because the decision hurts, doesn't mean that it was a wrong decision. At first, maybe yes or not. It all depends on both sides. Hindi naman siguro mawawala ang may isang masasaktan pagdating sa relasyon. Alam ko rin na masyado na akong mapanakit pagdating kay Lance but I know too that's the only way para sa kanya. Ayokong maging pabigat pa sa kanya. Kung makahanap man sya ng iba after me, I'll accept wholeheartedly. Walang halong biro. That's how I am so supportive towards him. Ayokong ako ang maging dahilan nya upang hindi maabot ang pinapangarap nyang profession. Narinig ko kasi minsan si Karen at Winly na nag-uusap sa bahay noong andito sila bago dumating sila Mama. Nasa loob ako ng silid ko't kakatapos maligo ng madinig sila. Ang sabi nila'y masyado na raw pinabayaan ni Lance ang pag-aaral nya sa abroad. Iyon daw ang sabi ni Bamby kay Winly. Minsan daw hindi pumapasok. Hindi ko alam ang totoong dahilan bat sya ganun. Gusto ko sanang tanungin sya subalit dumating din ako sa punto na kailangan ko ring magfocus sa sarili ko muna. Kaya naman, humantong na ako sa pinakamasakit na desisyon. Ayaw man ng puso ko. Kinunbinsi pa rin ito ng isip ko na maaaring tama nga na ganito na muna. For us to breathe, freely with our own selves.

"Anak, tara na." tawag na ako ni Papa. Papunta kami ng simbahan. Nakapalit na ang lahat, ako nalang ang hinde.

"Andyan na po." tinapos ko lang din ang pagsusuklay ng buhok bago tuluyang bumaba. Napapreno pa ako gamit ang sariling paa ng makitang si Denise nalang ang naiwan sa labas. Malaki ang ngiting pinasadahan ako ng tingin.

"Ang ganda mo." puri pa nya. Ramdam kong totoong totoo nya itong sinambit.

"Thanks. Pero mas maganda ka pa rin." puri ko rin dito. As in. Kung magtatabi kami. Mas maganda naman sya sakin. Pinong pino ang kanyang balat na malapit na sa kulay pink. Ako, kayumanggi. Malapit din sa maputi. Lol. Itim na itim ang buhok nyang umaalon sa tuwing sya'y naglakad. Ako, hindi laging dinadaanan ng suklay. Gusto kong matawa sa sariling isipin na ito. I feel so light. May kung ano sakin ang gumaan dahil lang sa papuri nya. Papuri ay syang pagkain ng ego. Nakakahiyang iyon ang nagpagaan ng loob ko.

"Tara na?."

"Sila Papa?." hanap ko. Akala ko kasi sabay sabay kami.

"Nauna na sila. Sunod nalang tayo." she said while smiling. Nginitian ko nalang din sya bago kami sumakay ng kotse. Sya ang nagmaneho rito sa sasakyan ni kuya Rozen. Ilang minuto lang din ay nasa simbahan na kami.

Wala pang isang oras. Natapos na ang misa. Sama sama ulit kaming lumabas hanggang sa nagpaalam sila Mama na ililibot daw nila si Ali. Wala akong nagawa kundi sumang-ayon sa kanila.

"Saan tayo?." masiglang tanong ni Denise matapos tanawin ang sasakyan ng aming mga magulang na paalis.

Tumayo ako sa harapan nya't tinignan pinanood sya. "Uwi nalang tayo." simple kong sabi.

Tapos bigla syang tumingin sa gawi ko't pumadyak sa sementadong daan. "Ugh! Wag naman muna sis. Ano ba?." natatawa nyang siring. Kunwari pa syang umirap sakin habang natatawa.

Nagkibit balikat nalang ako't pinagbigyan sya. Nayayamot na rin kasi ako sa bahay. Una, sa mall kami nagpunta. Namimili sya ng mga damit habang ako ay nagtatanong kung kumukuha pa ba sila ng sales lady. Marami na kaming napuntahan na store subalit lahat sa kanila ay hindi na kumukuha. Nanlumo ako. Gusto kong magpart time job.

Hanggang sa sya na rin ang napagod. Nagyaya sa kainan. Sya pa rin ang umorder ng pagkain. Bucket nga lang.

"Ang dami nito?." nanlaki ang mata ko sa nakikita.

"Treat ko yan. Kain na."

"Hindi ko naman birthday ah?." parang bata kong nguso. Kumuha ako nung spicy chicken saka kumagat duon. Agad nanuot ang init ng sili sa labi ko, unang kagat palang. Pero unfairness. Ang sarap. Crunchy and juicy.

"Alam ko. Masyado ka kasing sunog kilay sa studies mo kaya ayan." turo nya sa mga pagkain. "Atsaka, pansin kong nangayayat ka kaya patatabain kita. Hahaha." halakhak nya. Tuwang tuwa sya na kahit ang gilagid ng ngipin nya ay nakikita ko.

Napapailing nalang ako sa mga sinasabi nya. "Salamat. Salamat sa masasarap na pagkain sa harapan ko." walang halong biro. Sinsero ko itong sinabi.

"Para ka namang walang pera e. Kumakain ka pa ba da school nyo?." magkaiba kasi kami ng school. Engineering kasi kinukuha nya ako nursing at wala sa iisang school iyon.

"Hmm.." ungol ko dahil abala ako sa pagnguya nung manok. Nakangiti syang tinaasan ako ng kilay.

"Walang biro?. Totoo?." muli. Tinanguan ko lang din sya.

"Bat parang hindi halata?." inambaan ko sya ng suntok subalit mabilis nya itong iniwasan kaya kami parehong natawa.

Hindi ko alam bat ganito naging takbo ng usapan namin ngayong araw. Ang sarap. Magaan lang ang hangin sa paligid. Hindi nakakasakal o nakakabigat ng damdamin.

"Alam kong wala ako sa posisyon para magsalita sa'yo." she starts. Natigilan ako kalaunan sa kinakain. Nagpatuloy sya. "Wala ako sa lugar para pagsabihan ka subalit kung sakali mang kailanganin mo ng kausap o ang mapagsasabihan ng mga bagay, andito lang ako. Wala itong halong kaplastikan ah. Baka mamaya sampalin mo ko, haha." biro pa nya. "Sa totoo lang, hindi ka man magsalita sa akin, ramdam ko ang bigat ng dinadala mo. Alam mo yung pakiramdam na parang ako ang nahihirapan sa'yo?. Ganun." umayos ako ng upo at pinakinggan pa sya. "Oppss.." iniharang nya ang dalawa nyang kamay sa pagitan namin. Natawa naman ako. "Sa tuwing nakikita ko kasi yang mata mo, naluluha ako na hindi ko alam. Masyado syang malalim at madilim. Mahirap basahin."

"Bat kasi kailangan mong basahin?." biro ko dito. Umirap sya.

"Of course. Kung magtatanong ba ako, kakausapin mo ako?. Duh?. If I know you."

"Hahaha." wala akong ibang magawa kundi matawa nalang.

Tama naman sya. Kung sakali man na magtatanong sya, hindi ako sasagot. Unless sa harapan mismo nila Mama.

"Wag kang mag-alala. Ikaw ang una kong pagsasabihan kapag sakaling di ko na kaya, Don't worry sis.."

"You?. Called?. Me?. Sis?.." ang oa!

"Tsk! Wag oa bruh." pilyo kong biro. Tumayo sya't niyakap ako ng mahigpit.

May nagtapos man, heto naman at may nag-uumpisa.

Thanks to her. Nakakangiti ako ngayon.