Chereads / No More Promises / Chapter 176 - Chapter 25: Denise

Chapter 176 - Chapter 25: Denise

Ika-dalawang araw na nila dito sa apartment. May main house naman subalit may gusto nilang makisiksik sakin rito. Kinausap ako ni Mama kagabi na kung pwede dito na muna sila. Nakangiti ko syang tinanguan. Why not diba?. Naisip ko nga. Ito na ang umpisa ng panibagong simula, kaya bakit hindi ako papayag sa suhestyon nya.

She keeps on saying me that she's really sorry for what they've been done. I know already. Natanto ko namang unti unti na silang nagbabago. Nakikita ko iyon at nararamdaman. But the pain is still in me. Malalim ang sugat nito kaya hindi ko pa alam kung kailan ito maghihilom.

I must forgive?. No need to think for that. Yes, of course. I should forgive them. But don't ask me to forget the pain it taught me coz right now?. I don't know yet.

I am very willing to forgive them because they're my family. Iisa ang dugong nananalaytay sa amin. Pero kung sasabihn mo sa akin ang kalimutan na ang nakaraan?. Malabo yatang mangyari iyon. Yes. Past is past. It's already been done and it turn out a memories but sometimes memories are too precious for us to just forget it. Kahit gaano pa ito kasakit, aminin man natin o hinde. Mahirap pa rin itong kalimutan. That's what my point is. I must forgive them but never to forget the lesson.

"I know that you are mad at me." Denise started. Andito ngayon sya sa silid ko. Nakatayo sa likod ng pintuang pinasukan nya lang kanina. Ako naman ay abala sa pagtutupi ng damit. Kumatok kasi sya kanina kaya pinapasok ko na. Baka kasi kung ano iyon. Ito pala. She is currently apologizing.

I just listen to her but not glancing at her for now. Abala ako. Bakit ba?

"And, I'm so sorry." humina ang boses nito.

"Sa tingin mo, maibabalik ba ng isang salita ang natapos na?." I utter sarcastically. Huminto ako sa ginagawa at doon ko lamang sya tinapunan ng tingin. "Okay. Apology accepted. You're forgiven but you know what?." Out of nowhere I snorted. Sinalubong ko ang mata nya. "You see this?." I asked in a sarcastic way again. She slowly nodded while looking at the left part of my body. Where my heart is. "This is already broken. The smallest pieces are already scattered everywhere and I don't know how to fix it now. I'm sorry if I'm hurting you this way but Denise. I don't know if I can forget what you've done to me." Directly, I presume it. Natatanaw ko na kasi ang pagkinang ng gilid ng kanyang mga mata. "Okay na sakin ang saktan mo ako eh." Lumunok muna ako bago nagpatuloy. Muli. Tinignan ko sya sa mata subalit agad itong umiwas at tumingala. She is now leaning on the wall. Pader kung saan bumabalandra ang pintuan sa tuwing binubuksan. Tinanggal ko ang mga nakapatong na damit sa binti ko upang makatayo at makalapit sa kanya. "Pero yung dinamay mo pa pati ang matalik kong kaibigan?. Yun ang hinde ko mapapatawad."

"I didn't mean to--.."

"You did. Diba nga binantaan mo pa ako?. For what huh?. Dahil kay Jaden?. Kay Lance?. Damn it Denise! Matagal akong nagtimpi. Inipon ko lahat ng sakit ng loob ko sa'yo. Gusto kong tulungan mo ako pero ano?. Nasaan ka?." pagdidiin ko sa aking mga ngipin. Kulang nalang mabasag ang mga ito. "Iniwan mo ako!."

"Hindi ko--."

"Tinapakan mo pa pagkatao ko!." naging matalim ang pagtitig ko sa kanya. I saw how regretful she is but damn!. Ako naman itong galit na galit.

Paano ba maging isang marangal na tao?. Dapat ba wag nalang patulan ang lahat?. O kailangan rin minsan, pumatol para katakutan ka o di kaya'y malaman nila na tao ka rin. Nasasaktan. Nahihirapan. Sa totoo lang. Mahirap maging mabuting tao. Lahat kailangan mong balansehin. Dapat laging nasa tama. Walang labis. Walang kulang. Subalit, tayo ay tao lamang. Nagkakamali. Nawawalan ng direksyon lalo na patungkol sa ating mga minamahal.

"Imbes, tulungan ako sa bigat ng dinadala ko, dinagdagan mo pa. Nasaan doon ang konsyensya mo?."

"Alam ko namang--."

Muli. Pinutol ko ang akma nyang sasabihn.

"Hindi mo alam!. Wala kang alam!." Kinuyom ko ang mga palad ko dahil sa nginig nito. Gusto kong hilahin ang buhok nya. Isubsob ang mukha nya sa pader. Sampalin ng malakas ang pisngi nya subalit itong puso ko, masyadong malambot para sa kanya. "Wala kang alam Denise. Nasaan ngayon si Bamby ha?. Wala na rin. Iniwan ako dahil dyan sa kahibangan mo. Ngayon ha. Nasaan ang Jaden mo?. Hindi mo rin nakuha hindi ba?. Alam mo kung bakit?. Dahil hindi nakikita ng mata ang tunay na ganda." pagdidiin ko.

"Ginusto mo naman na mangyari iyon diba?."

"Kingwa!. Saang lupalop mo yan nasagap ha?. Sa tingin mo, gagawin ko iyon kung hindi mo ako binantaan?."

"Ang ibig lang sabihin ay, totoo nga ang kayo ni Lance?. Totoo nga kasi kinagat mo ang banta ko."

Bullshit! Tapos na ito eh pero bakit para sa amin ay hindi pa?.

"Sa tingin mo, saan ako pupulitin matapos ng lahat ng mangyari sa parents ko ha?. Kung hindi ako kakagat, sa tingin mo, buhay pa ako rito?."

"Joyce anak, meryenda tayo sa baba. Pakitawag na rin si Denise." nasa kalagitnaan ako ng iba't ibang emosyon sa kaloob-looban ko ng bigla akong tinawag ni Papa. Naestatwa ang taong kaharap ko at wala akong magawa kundi itikom nalang ang aking labi.

"Yes po." sagot ko nalang kay Papa.

"Marami kang hindi alam kaya wag kang magsalita na para bang maraming nalalaman."

"Hindi ako magsasalita kung wala akong alam Joyce. Ano nga ulit nangyari dun sa baby mo?." at dahil nga sa naging tanong nyang iyon. Hindi ko napigilan ang sarili kong dakmahin ang leeg nya. "Namatay sya diba dahil sa kapabayaan mo?."

Sa galit ko ay itinulak ko na lamang sya dahilan para bahagya itong mauntog sa pader. Napaubo pa ito ng bitawan ko. "Akala mo na ikaw lang ang nasasaktan sa atin ha?. Alam mo ba kung anong problema ang idnulot mo sa buong pamilya simula ng dumating ka ha?."

"Sumbatan na ba ito?. Akala ko ba, you're so sorry?. Nasaan iyon ngayon?. Nawala na lang ba na parang bula?."

"I mean that. It's just that."

I cut her off.

"What?. See?. Hindi ko sinasabing pakisamahan mo ako. Ang gusto ko lang ay irespeto mo rin ako bilang miyembro ng pamilyang ito kung gusto mong makuha rin ang respetong hinahabol mo." Matapos kong sabihin ito ay nauna na akong lumabas ng silid at diretsong bumaba. Bahala sya kung bababa ba sya o hinde na.

I'm tired. Physically. Emotionally and Mentally.

Kung anuman man ang sabihin mo sakin Denise. I don't care anymore.

Related Books

Popular novel hashtag