Chereads / No More Promises / Chapter 172 - Chapter 21: Call

Chapter 172 - Chapter 21: Call

Naghintay ako. Isang oras at kalahati. Walang tawag na bumalik. Kinamot ko ang ilong ko dahil sa iritasyon. Imbes na madismaya at magtampo sa kanila. Mas nanaig na sa akin ngayon na may oras rin sila para sakin. I opened my eyes kahit na kanina pa ako inaatok. Tinignan ko ang oras sa screen ng phone ko at pasado alas dos na ng madaling araw. Wala na ring malay ang dalawang nasa harapan ko. Si Karen ay nakanganga na, habang si Winly ay subsob pa rin ang mukha sa mesa na puno ng mga baso't bote ng alak. I tried to sit pero nahihilo kaya sumuko nalang ako. Hinayaan kong mahiga nalang sa sahig hanggaang lamigin.

Tumitig ako sa ceiling at doon ng nagtanong na para bang sasagutin ako nito.

"Hindi na ba sila tatawag?. Inaantok na ako." humikab ako ng mahaba bago muling binisita ang cellphone.

Wala pa rin.

Bagsak ang dalawa kong balikat sa sariling naisip. Wala na yata silang balak na tumawag muli.

Napasinghap nalang ako bago nagpasyang gumilid ng higa. Mas maganda na siguro ang wag maghintay. Itulog ko nalang to. Lilipas din ang lahat.

Nang nasa kailaliman na ako ng tulog. Naulinigan ko ang ingay ng nasa tabi ko. Nagvibrate pa ito kaya medyo nabahala ako. Sinilip ko ito gamit ang isang mata nang abutin ko para sagutin.

It's Kuya Rozen.

"Hello?." I greeted him. Dinecline ko na rin ang video request nya dahil ayaw kong makita nyang nakahiga ako ngayon sa sahig.

"I'm back." he declared. Mababa na ang gamit nyang boses. Mukhang, ptulog na rin yata sya o baka napagod lang.

"Yeah. I'm glad you're back kuya hehe." humagikgik ako ng wala sa oras. Para kasing may kumiliti sa akin na hindi ko maipaliwanag. Nakaramdam ako ng bahagyang saya kahit sa kanya lang.

"As what I've promised. Wala akong binabalewala na pangako bunso."

"I know right. Ahmm, where's kuya Ryle then?."

He cleared his throat after he answers. "Ang sabi nya, may emergency raw sa trabaho nila kaya hindi na sya makakatawag ngayon."

"Ah." malamya kong sagot. I get it. Trabaho pala. Kaya priority. Ako?. Less priority.

Hayst! Magtigil ka nga Joyce! Ayan ka na naman!

"But he assure that after daw nun, he'll contact you again."

And after?. What about the day after tomorrow?. And overmorrow?. Hanggang duon nalang ba?. I badly need you both! Sana makita nyo ito.

"Hmm." tamad kong himig.

Biglang nablangko ang isip ko. Walang mapiling salita para sabihin sa kanya.

"Nakausap ko si Papa kanina." bigla ay anunsyo nya. Nagulat talaga ako dahil hindi ko inasahan na tatawagan nya sila agad. Hindi ako nagsalita. In fact. Napipi ako. Hindi sa walang masabi kundi ay ang kawalan ng lakas ng loob para sabihin lahat ng gusto ko. Ang epekto ng alak ay biglang nawala. Yung dumuduyan kong paningin kanina ay agad bumalik sa ayos at linaw.

"Pinagsabihan ko sya, sila ni Mama. And ofcourse, with Denise."

Nakagat ko lamang ang ibabang labi ko sa narinig. Totoo ba?. Anong sabi nila? Gusto kong itanong subalit kingwa! Bakit hindi ko kaya?! Para tuloy wala akong pakialam sa sinasabi nya na sa totoo ay, interasado ako basta patungkol kay Papa.

"Bukas raw, Papa will flew back to Antipolo."

"Bakit?." hindi ko alam kung bakit ang lumabas pa sa labi ko.

"Anong bakit?. Malamang para samahan ka dyan. Tsk. Si Papa talaga. Hindi man lang nag-iisip ng matino. Porket ayos lang sa'yo na iwan kang mag-isa ay naniwala naman sya. Nakakainis! Kung andyan lang ako, baka inabot na sya ng bugbog ko."

Natawa ako. "At natawa ka pa?. May nakakatawa ba sa sitwasyon mo dyan ha?. Kung hindi pa nagsabi itong dalawa mong kaibigan sa amin ng kuya Ryle mo, baka sa morgue ka nalang namin datnan bigla."

"Kuya naman, why so concerned ha?. Heto pa naman ako oh, humihinga." pagmamayabang ko pa.

"At pinagmayabang mo pa?. Alam ba lahat nito ni Lance ha?." medyo iritadong nitong tanong. Naiinis siguro dahil ginagawa ko nalang biro ang lahat. It's the only for me to ease the pain in me. Ayokong dagdagan ang bigat na nandito ngayon, dala-dala ko.

Umiling ako kahit hindi nya naman kita. "Hindi ka nagsabi?. Okay pa ba kayo?." bumuntong hininga ito.

Kinagat ko ang kuko saking hintuturo na daliri. Anong isasagot ko?. Eksaktong isang linggo nang wala syang tawag. Hindi ko alam bat bigla syang nawala. I've texted him pero walang reply. Minsan, seen zone sa messenger. How do I explain that?.

"Ayos lang naman." pagsisinungaling ko.

It's better that way.

"Joyce, wag ka namang magsabi ng ayos lang naman kung hindi ka naman talaga okay. They both told me everything."

"Everything?." nagugulat kong tanong. Nanlaki pa ng bahagya ang mata ng isa isa kong tingnan ang dalawang tao na tinutukoy nya.

"At hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. Are you even sick?."

"What!?. Nope!." agap ko.

"Bakit hindi kita maintindihan minsan?. My goodness Joyce! Kung andyan lang talaga ako." he growled. "Talk to him please. Lance needs you too. Magtulungan kayo."

"But how?."

"Communicate Joyce. Iyon minsan ang kulang sa'yo. Lack of communication that's why you are always misunderstood."

"Hmm. Okay. Tomorrow, I'll call him."

"And Papa too. Don't try to ignore him please."

"I don't. Sya nga ito eh." simangot ko sa kanya.

"Pagbalik nya dyan. I want you to promise me that staring tomorrow, you'll tell everything what's in your head, understand?."

"Eh?." hindi ako makapaniwala. Pabigla bigla ito kung magdesisyon. Paano kung ayoko?.

"That's the only way for you to be finally free Joyce."

"How can I kung may iilan pang ayaw akong tanggapin bilang parte ng pamilya nyo kuya? It's hard to pretend lalo na kung nasasaktan ka na." I say this wholeheartedly.

"Tsk." I heard his heavy sigh. "Don't worry. I'll convince them to talk to you." he added.

"Don't do that kuya." kontra ko.

"Eto ka na naman. Wag pairalin lagi ang katigasan ng ulo bunso. Sumasakit sentido ko."

"I mean. Don't ever convince them. Mas lalong mahihirapan sila na tanggapin ang ako kapag ginawa mo iyon. I want it naturally."

"Sometimes, you have to do such things that will hurt them just so they can see your worth Joyce."

"E paano naman?."

"Di ko sila padadalhan ng pera. I already told it to Papa and he agreed."

"What?. Wag kuya. Mas lalo lang silang magagalit sakin."

"Hinde. Para matuto naman sila. Palagi nalang gusto nila ang nasusunod kahit kadalasan ay mali na. I'm sick of it at ayokong umabot pa sa malala ang lahat."

"What about kuya Ryle?."

"He's at it too. Actually, he suggested this. Masyado na raw kasing magastos si Denise. Lagi pang nagrerequwst samin ng ganito at ganyan tapos malalaman lang namin na iniwan ka pala nila sa ere without anything?. That's bullshit!."

"Siguro deserve ko to?."

"It's the opposite bunso. You deserve better. Maraming ulit ka ng nasaktan at sapat na patunay na iyon na kailangan kang protektahan kahit anong mangyari."

"Thank you. I don't know what to say." sinsero kong himig.

"No, we should say thank you to you dahil minulat mo kami sa katotohanang walang mas mahalaga kundi ang pamilya. Hindi man buo ito. Wala pa ring makakatalo rito."

"Thank you kuya." naluluha kong sambit. Ramdam ko ang sinseridad nito. Nanuot sa dibdib ko kaya't hindi ko talaga napagilan pa ang umiyak. Kuya even tease and laugh at me kasi ang babaw raw ng luha ko. Hindi ko aya kinontra kasi totoo. After a long message pa ng sinabi nya na hindi ko na gaanong naintindihan dahil sa inaantok na ako ay, nagpaalam na rin sya. Sinabi pa nyang tatawag ulit sya bukas kapag andito na si Papa. And not just that. He even mentioned na may inihulog raw syang pera para sa akin. I have no words to utter but just a big thank you. I'm so grateful at natupad ang kahilingan ko. At syempre nang dahil na rin sa tulong ng dalawang ito.

Related Books

Popular novel hashtag