Chereads / No More Promises / Chapter 159 - Chapter 8: Galit??

Chapter 159 - Chapter 8: Galit??

Minutes, hours and days went by after that tiring fight naging malamig na sakin si kuya Rozen. Kahit kausapin ko pa sya, isang tango lang ang tanging naisasagot nya. Kahit ang ngitian ako o tignan, bihira nalang nya gawin. Di ko alam kung ano pang nangyari noong kinuha sila ng mga tanod. I asked him but he turn silence. Tinanong ko rin naman si Lance kaso wala rin syang sagot. I guess, wala ata ako sa posisyon para malaman ang lahat ng nangyari. Tatanggapin ko nalang kung anuman ang ayaw nilang ipaalam sakin sa pagitan nila.

Mahirap, oo pero sa mundong ito. Walang madali. Kahit pa pilit mong iniiwas ang sarili mo sa kumplikadong bagay. Talagang hahabulin ka nito.

Hanggang sa isang araw. Ibinalita nalang sakin ni papa na umalis na si kuya Rozen patungong Australia. I'm too speechless about not knowing anything into what he said. Andito lang sya kanina tapos babyahe na raw?. What the heck is happening?!!

"Asan po ulit si kuya Pa?.." tanong ko habang di makapaniwala sa kanyang ibinalita.

"He's on the plane now nak. Bakit?.."

"What!?.." sigaw ko.

Nagulat ko pa ata sya dahil di sya agad nakapagsalita.

"Don't say na di mo alam?.." di makapaniwalang anya.

Kinamot ko ang aking ulo saka napayuko nalang. Isang luha ang pumatak galing sa kanan kong mata.

Hindi ako makapagsalita. Bakit umalis sya ng wala man lang pasabi?. Bakit di nya man lang ako sinabihan?.

I don't get you kuya! I thought you're with me?. Bakit ngayon, umalis ka ng walang paalam?. Bakit?

"I'm sorry Papa.." sinsero kong sabi habang puno na ng mga luha ang aking mata. Nanginginig ang kamay kong hawak ang cellphone. Kulang nalang humagulgol ako pero pigil ko ito dahil ayokong mag-alala sya sakin.

He remain silent the entire minutes. "Stop crying na.." sambit nito matapos ang isang mahabang katahimikan sa aming dalawa. I know he's thinking and I am too. Pareho man kaming nag-iisip pero alam kong di pareho ang tumatakbo sa aming isipan ngayon. But knowing Papa. He always look on the positive thought about any problems.

"Alam kong may rason bat nya ginawa yun. Kilala mo naman kuya mo diba?. Di ka na nya matitiis.." tinapik nya ang ulo ko't ginulo ang buhok matapos maupo saking tabi. I secretly wiped out every tears on my cheeks. Saka nya ako inakbayan. "Don't worry. Di naman sya galit.."

"Galit po sya.." nguso ko. Garalgal pa ang boses ko. Pahapyaw lang syang natawa.

"Hindi sya galit." pilit pa nya. Doon ko lamang sya hinarap. Alam kong pulabg pula ang mukha ko kaya siguro sya napahinto nang makita ang kabuuan nito.

"Galit nga po sya Pa. Kung hinde, bakit di nya sinabing aalis na pala sya.." naiiyaj kong himig.

Tumawa na naman sya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?.

Tumayo sya habang umiiling iling. Pumunta sya sa may tv set at doon may kinuhang puting envelope.

"Di sya galit sa'yo nak. See this?. Hahaha.." winagayway pa nito ang hawak na papel. Humakbang sya papalapit sakin. Nakatunganga akong nakaabang sa kanya.

Kabado kong hinawakan ang papel saka binuksan. "I hate him.." bulong ko pa ngunit nadinig pa nya ito.

"But he loves you that much.. biruin mong kahit galit sya sa'yo ay nag-iwan pa ng kanyang sulat."

"Galit nga sya?.." frustrated kong sambit.

Tapos tinawanan nalang nya ako at iniwan patungong kusina.

"Hey." bungad sa kanyang sulat. Di sinali pangalan ko kaya sa isip ko'y galit nga sya. "Alam kong umiiyak ka na ngayon dahil di ako nagpaalam sa'yo. The hospitals call is so sudden. Di ko na nagawang sabihin sa'yo dahil excited na talaga akong pumunta roon. Wag mong isipin na binabalewala kita dahil doon sa nangyari. Nope. Naging malamig ako sa'yo nitong nakaraang araw dahil gusto kong ipaintindi sa'yo ang mga bagay bagay. Kung di kita madadala sa mga salita ko, siguro sa pananahimik ko'y nakapag-isip ka na ng nararapat para sa inyo. Alam mo namang di ako tutol o sang-ayon sa lahat ng ginagawa mo. Gusto ko lang lagi ay ang maayos ka. Hindi umiiyak at lalong di nasasaktan at nahihirapan. Gusto kong mag-aral ka lang at wala nang ibang iisipin pang iba kundi ang makapagtapos lang ng kolehiyo. Pero alam kong di kita kontrolado, lalo na yang puso at isip mo. Kung gayon man. Isang pabor lang kapatid. Wag mo namang pahirapan sarili mo. Wala na si kuya Ryle mo dyan. Alam mo namang busy na sa trabaho. Ganun din ako sa susunod pang mga araw o taon. Wag namang paulit ulit ng pagkakamali. Umupo ka't isipin kung saan nagsimula ang lahat saka ka gagawa ng hakbang na maaaring makakatulong sa'yo. Wag mong isipin ang kung gaano kahirap o kung gaano kasakit ang maaari mong abutin pag ginawa mo ang isang bagay. Basta lagi mo nalang isipin na ito ang magbibigay sa'yo ng kalayaan. Kalayaan para mamuhay ng payapa. Payapa sa lahat."

Pinunasan ko ang luha saking pisngi. "Nak, tubig oh.." maya maya'y alok ni papa. Binigyan ko lang sya ng isang thumbs up.

"Alam mo na kung anong gusto ko. Ang hiling ko nalang ay matupad mo ito. Hanggang dito nalang. Tutal tatawagan naman kita pagkarating ko roon. Wag nang iiyak ha. Alagaan ang sarili. Wag pabayaan sina Papa at Ali. Love kuya Rozen.." with matching heart pa.

Isang ngiti na ang lumitaw saking labi matapos basahin ang kanyang sulat kamay. Totoo nga. Di sya galit.

Related Books

Popular novel hashtag