Chereads / No More Promises / Chapter 155 - Chapter 4: Lost chances

Chapter 155 - Chapter 4: Lost chances

Yung plano na kakausapin namin si Bamby after the party. Di nangyari dahil sa kaunting di pagkakaintindihan nila ni Jaden. Di sa sinisisi ko sila. It's just that. Nanghihinayang ako para sa kanila dahil pareho naman silang sabik sa isa't isa tapos ganun nalang?. Di ko alam kung anong nasa isip kung bakit ginawa iyon ni Bamby kay Jaden pero naniniwala akong may dahilan sya. Kilala ko sya masyado at alam kong di sya marunong manakit ng tao. Lalo na't si Jaden iyon.

After that the incident. Sumabay na rin ako kila Winly. Nagprisinta pa saking si Lance na maghahatid samin kaso pinigilan ko na sya. Sinabi kong antayin nya nalang si Bamby hanggang makabalik. Inutusan Kasi nitong ihatid si Jaden sa kanila dahil naglsing ito at sobra pa. Nginusuan nya ako at pinipilit ang gusto pero pinilit ko rin ang tama.

"Lance, wag makulit. Antayin mo nalang sya.."

"But baby.. gusto kitang ihatid sa inyo.."

"Ow! Baby nga kasi.. hahaha.." tudyo ng tatlo sa loob ng sasakyan ni Kian. Nakasakay na nga kami. Paalis na sana ng pigilan nya kami. Kian is on the driver's seat. Tas si Karen sa tabi. Si Winly sa likod ni Kian at ako sa likod na upuan ni Karen. Lance is leaning on the open window. Smiling while caressing his ear. Naghalong alak at pabango nya ang nanunuot sa lalamunan ko kung kaya't nakapikit akong nakikinig sa kanya.

"Asshole!.." anito kay Kian na nagdirty finger pa.

"Hahahaha.. bro, give it up!." tawa ni Kian sa kanya.

"Kailangan na naming mauna.." sabi ko.

"No please. Kahit ngayon lang.." he plead.

"Paano pag dumating si Bamblebie at eksaktong makita nya kayong magkasama?.." Winly interrupted.

Lance paused a bit but then he recovered. "E di ipapakilala ko sya.." He answered.

"Weh?. Gagawin mo yun?.." natatawang tanong ni Kian sa kanya.

"Oo nga. Ipapakilala mo na sya sa kanya?.." dagdag rin ni Karen na bahagyang tumayo pa para makita pa kami sa likuran.

"Ang tanong. Masasabi mo ba iyon sa harapan nya?.." singit rin nitong si Winly.

"Bakit naman hinde?.." Lance cleared his throat just to spill this. "Pagod na akong magsinungaling at gusto ko nang maging akin na talaga sya kahit pa husgahan kami ng mundo.."

"Wow!!.." Karen.

"Aba! Dapat lahatin na yan!.." si Winly

"Get lost bruh.. hahaha.." si Kian. Sabay sabay na atungal nung tatlo. Di ko rin mapigilan ang tumitig sa mata nya kahit nasa paligid yung maiingay.

Kaya ang nangyari. Pinababa na nila ako. Nung una. Ayoko talaga kaso wala na akong nagawa nang itulak na nila ako palabas ng sasakyan. Sumubsob pa nga ako sa dibdib ni Lance. Kung di nya ako sinalo. Baka lupa na ang nahalikan ko. Pagkababa ko. Mabilis na umandar ang sasakyan paalis kasabay naman nun ang kantyaw at tukso galing sa kanila.

Sabay kaming naglakad patungong garage at duon nya ako inalalayan sa loob ng sasakyan. Ang ibang mga bisita ay nauna. Mga lima nalang yata naiwan sa loob. Sina Aron. Pagkaandar ng sasakyan palabas ay saka namang sumulpot ang minamaneho nitong si Bamby. Nagkagulatan pa nga kami dahil muntik na ang banggaan.

"What the Bamblebie!!.." turo ni Lance sa kapatid.

"What?! Di ko naman alam na palabas ka ah.." angil nito sa kuya.

Nagsalubong ang kilay ni Lance saka ngumuso. Ako. Kahit gustuhin ko mang itago ang mukha ko para di nya makita. Wala na akong ibang choice kundi ngitian sya dahil tanaw na tanaw ako sa gawing bintana ni Lance.

"Oh! Joyce?. what are you doing there?. That's the car of a crazy ape!?.." tinuro ako. Nagtataka na may halong tawa dahil sa itsura na ng kapatid nya.

"Get lost lil sis.." ani Lance kaso isang irap lang ang natanggap nya galing kay Bamby.

"Where are you going huh?. Pwedeng sumama?.." bumaba na sya sa sasakyan kahit nakaharang sya sa way ng sasakyan ni Lance.

"No!.." matigas na kontra pa ni Lance. I poke his arm in a way na di makita ni Bamby. Siniko nya lang rin ako ng palihim. He cleared his throat nang biglang nalukot ang mukha ng kapatid. "I mean. It's already late. Balik din naman ako kaagad.." dagdag nya.

"Kahit na. Kasama naman kayo e. E di ihatid natin sya pareho.." pagpipilit pa nya pero mas mapilit si Lance.

"Maybe next time lil sis.. Sige na please. Joyce is tired at kanina pa sya hinahanap sa kanila kaya we need to go.." matagal muna bago umatras si Bamby upang igilid ang sasakyan nya. Sinaluduhan lang sya ni Lance saka na kami umalis. Isang ngiti lang rin ang iginawad ko para sa kanya. Pinilit ko pa nga iyon dahil nanginginig ako.

"Ano ka ba?. Baka umiyak yun mamaya dahil di mo sinama.." pinalo ko ang braso nya habang nagmamaneho na.

Di sya sumagot.

"Ang lungkot pa naman nung mukha nya.."

"Anong gusto mong gawin ko kung ganun?. Isama sya?. then what?. Magtatanong sya kung bakit ikaw lang inihatid ko.."

"Di ba magandang idea na yun para masabi na natin sakanya ang lahat?. Lance naman eh!?."

Natahimik sya. "Kasasabi mo lang kanina kila Kian na aamin na tayo e. Anong nangyari sa'yo?.."

"Okay fine. Natakot ako. Naduwag ako. Nanghina ako nang makita ko na sya. Lalo na nung kinawayan na nya. Nahihirapan na din ako Joyce, kung alam mo lang.." frustrated nyang sambit.

"Kaya nga tayo aamin na para mawala ang takot natin diba?. Lance naman. Ako rin naman nahihirapan na. Wag naman nating pahirapan ang sarili natin pareho."

"Gusto mong bumalik ulit tayo dun para kausapin sya?.." di ko alam bat pakiramdam ko tunog sarkastiko ang naging tanong nya. Wala namang bahid sa pananalita nya pero ramdam ko talaga.

"Wag na. Next time nalang siguro.." sagot ko. Dumiretso ang sasakyan sa aming bahay sa Antipolo at maya maya nagpaalam na rin sya.

Nanghinayang ako sa pagkakataong iyon na nawala. Yun na sana e. Iyon na sana yung oras para maibsan ang takot namin sa lahat. Ang kaso lang. Pareho pa kaming takot. Di ko alam bat ganito nalang takot namin na ipaalam ang lahat sa kanya. Wala namang yatang masama sa amin ni Lance pero it feels so awkward to me. It's really hard to think. Lalo tuloy naging kumplikado ang lahat dahil parang nagalit pa si Lance. Tsk!

Di ko na alam gagawin.

Related Books

Popular novel hashtag