Chereads / No More Promises / Chapter 138 - Chapter 27: Lutang

Chapter 138 - Chapter 27: Lutang

Kinaumagahan. Kirot agad naman sa ulo ang sumalubong sakin. Ayaw ko sanang uminom kagabi dun sa party. Kaso, hinila ako ng grupo ni Bryce na kaibigan ko na rin at pinilit na makipag-inuman sa kanila. Ang sabi nila. Ang kj ko raw. Malapit na ang uwi namin tapos di pa ako iinom. Wala akong nagawa kundi pagbigyan sila. Maging nga rin si Bamby ay hinila nila subalit mariin kong pinagbantaan ang mga to na wag patitikman nang kahit anong klase ng alak. They just laughed at me. Kinantyawan at pinagtripan. They said na ang strict ko raw para sa kapatid ko. Oh! Why wouldn't I? E nag-iisa yan. Di pwedeng pabayaan dahil ako ang malilintikan! Ngunit kahit ganun. Laking pasasalamat ko pa rin dahil kahit sinabi nilang bigyan ito ng shots, di pa rin nila ito binigyan. Juice lang pala ang laman ng basong iniabot nila rito. Mabuti nalang rin at pinigilan ako ng mga kasama ko na sugurin si Dilan dahil kung hindi. Ako rin ang napahiya sa sarili ko. Lalo na sa mga bisita ni papa. And after that. Ako na ang naparami ng inom sa kanilang lahat. Tuloy, heto ako't sumasakit ang ulo.

Pagkatayo ko ay dumiretso ako ng banyo kahit isang mata lang ang gamit. Naghilamos ako at nagsepilyo bago binuksan ang bintana sa loob ng silid ko. Nilinis ko ang mga kalat na damit at sapatos ko saka binuksan ang pintuan. Tumambad sa pandinig ko ang malakas na kanta na nagmumula sa stereo ni Bamby.

Gising na sya?. Ang aga yata?. Bakit kaya?. Ah, alam ko na!. Excited na talagang umuwi to. Heck! Maasar nga!

Paghakbang ko sa hallway ko. Mas lalo kong naintindihan ang sinasabi ng kumakanta.

Nag-iisang pag-ibig ang nais makamit yun ay ikaw.

Unang linya palang, tagos na. Di ko alam bakit parang ako yung kinakantahan o ako yung lalaking kumakanta. Ito kasi ang nararamdaman ko ngayon. Ang pag-ibig lang nya ang gusto kong makamtam.

Nag-iisang pangako na di magbabago para sayo.

San ka man sana'y maalala mo.

Napasandal ako sa dingding at napapikit sa sarap ng tunog na yun. Sa linyang iyon. Hinihiling ko na sana'y marinig nya rin ang kantang to.

Kailan man asahan di magkalayo.

Nakagat ko lang ang ibabang labi sa sumunod na linya.

Tanging ikaw lamang ang aking iibigin.

Napabuntong hininga ako't napayuko sa may paanan. Damn it! Ako ito eh! Itong ito ako. Hulog na hulog sa nag-iisang babaeng minahal ko.

Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik.

"Damn it!.." bulong ko bago nakangising tumingala habang nakapikit pa rin. Crazy fucker!

At lagi mong isipin walang ibang mahal kundi ikaw.

Lumakas ang pagpapakawala ko ng buntong hininga. Ikaw lang talaga laman ng puso ko Joyce! No one else! It's always been you.

Tanging ikaw lamang ang aking iibigin.

Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik.

Sinabayan pa ni Bamby ang huling linyang to bago napalitan ang kanta.

Sino kayang iniisip nya habang kinakanta to?. Hay! Nagtanong ka pa Lance? Malamang! Si Jaden! Sya at sya lang naman. Wala nang iba. Just like you! Stick to one! Ehem!!

Sana ganyan na rin lang ako. Yung pakanta kanta lang. Titingin sa profile picture ng ultimate crush, maging stalker tapos tatalon kapag nagchat o sineen yung myday! Hay! sarap namang mag-inlove! Subalit as it is. May kapalit pala talaga ang mga ganung kilig at saya. Mas mabigat at kung iisipin mo talaga, napakaunfair.

Unfair naman talaga ang mundo sa ibang tao. Lalo na sa akin o sabihin ko nalang na sa amin. Nasabi ko ito dahil, una, nakuha ko sya pero she's not proud of that. I don't know. Lagi kong hinihiling sa kanya na ipaalam sa iba but she's always been rejecting the idea. Na para bang ayaw nya sa katotohanang kami nga. That we are, exists. Pangalawa. Her family. It's always been complicated simula pa. Ayoko sanang mainvolve dito ngunit di ko iyon maiiwasan lalo na't apektado na rin ako sa tuwing malungkot ito o umiiyak dahil sa nangyayari sa pamilya nya. I'm her crying shoulders. And that makes me realize that maswerte pa pala ako sa pamilyang meron ako. And lastly. Yung anak sana namin. I don't know what should I say. Gusto kong magtampo, magalit, mainis o hindi na maniwala sa lahat ng pwedeng paniwalaan dahil sa pagkawala nya. Gustong gusto ng puso't isip ko na magwala at magpariwara subalit hindi ko magawa. Hindi ko laging magawa dahil sa tuwing binabalak ko nang gawin ang mawalan ng gana sa mundo, ipinapakita sakin ng paligid ko kung anong meron ako. Kung anong dapat kong ipagpasalamat at kung anong kailangan ko pang gawin para ayusin ang mga bagay na mali sa akin.

Malalim kasi akong tao. Not to mention. Hindi ko ugaling magkwento sa iba lalo na sa pamilya ko pagdating sa mga problema ko. Wala lang. Pakiramdam ko. Kaya ko pa naman. Saka nalang ako humihingi ng tulong sa kanila kapag di ko na talaga kaya.

"Ayan!. May pampalit ka na ng profile pic.. hahaha.." bigla ay may nagsalita sa tabi ko. Kanina lang rin ay may naulinigan akong pagkuha ng litrato.

Wait! What!?. Ngayon ko lang narealize na nasa hallway pala ako ng bahay at nasa mismong tabi na pala ng kwarto ni Bamby. Tsk! Badtrip!

Agad akong napaayos ng tayo saka nagkamot. "Tsk. What did you do?." kunyaring tanong ko upang pagtakpan ang pagkapahiya! Nawala talaga sa isip ko na nakatayo pa pala ako. Hayst!

Humalukipkip sya't ipinakita ang bagay na nakasabit sa leeg nya. Yung Polaroid na regalo sa kanya ni ate Cindy nung last Christmas habang ang phone nya naman ay nasa kamay nyang nakahalukipkip na. "Na ah! Don't ask that to me. You should ask that to yourself. What are you doing there huh?.." nanghahamon nitong sabe.

"Bakit ano bang dapat ginagawa rito?.." balik tanong ko. Tumaas ang isang kilay nya't nginusuan ako.

"What do you want?. Wanna see your face while you're in your wildest dreams ehh?.."

"What!? ."

"Oh come'n brotha!. Don't confuse things that are so simple please.. lalo kang nagmumukhang timang eh."

Simple lang naman yung sinabi nya pero para sakin. Double meaning ito.

"What did you just say?.." tinaasan ko sya ng kilay. Nagpataasan kami at dahil sya ang babae. Malamang sya nanalo!

"I said you're getting crazier and... crazier.." inihabol nalang nya yung huling salita nya dahil nakaamba na itong pagsarduhan ako. Nagpanggap akong wala akong gagawin na masama sa kanya kaya napaayos ito ng tayo.

"What!?." pagtataka nya sa paninitig ko sa kanya.

"Humanda ka sakin pag-uwi natin. Kala mo ha.."

"Hanggang banta ka lang naman bro, gawin mo rin kaya... hahaha.."

"Tologa?.." agap ko saka sya sinugod ng yakap sa ulo.

"Mamaaaaaaaaaa!....." yan! Ganyan nya tinawag si mama sa kusina.

Kiniliti ko sya hanggang sa sumuko na rin sya. Sinita kami ni mama. Este ako lang pala. Syempre, bunso. Kakampi! Hay naku! Asan ba kasi si papa?. Kailangan ko ng makakausap ngayon.