The worst feeling is saying goodbye to someone you want to spend every minute with. Kahit pilitin ko mang sabihin na ayos lang na nasa magkahiwalay kaming landas, di ko pa rin maikakaila na ang hirap! Ito na ang pinakamahirap sa lahat ng pinagdaanan ko. Oo, gusto kong lumaban para sa amin. I want to fight for us but she just suddenly given up. Gusto kong malaman nya ang pagkakamali at pagsisisi ko ngunit di nya ako binigyan pa ng pagkakataon to let myself explain everything. She just decided what she wants at wala na akong nagawa o magagawa to change that.
The day after that. Lumipad na rin ako pabalik ng Australia. Imbes na isang linggo ako sa Pinas bago bumalik. Napaaga ito dahil sa nangyari. I want new environment. Gusto kong mapag-isa para makapag-isip ng tama. Gusto kong isipin kung saan ako nagkamali o kung anong mali sa akin. Ngunit kahit saane yata ako magpunta. Ganun pa rin ang isip. Magulo. At sya lang ang laman nito.
Yes! Inaamin ko na simula palang. Mali na ang ginawa kong pagnakaw sa kainusentehan nya but damn! That's my libido! Kinginang tukso yan! Dahil sa kanya'y nangyayari ang lahat ng to!.
Tito, and her brothers talk to me. Sila pa ang humingi ng paumanhin sakin gayong ako dapat. I said na it's okay. Naiintindihan ko naman ang gusto ni Joyce. Nga lang. Hindi ko matanggap. Yun ang problema. Di ko kayang tanggapin na tapos na talaga ang lahat samin! Di ko matanggap na hanggang duon nalang kami.
"Kuya! Ano ba?. Bilisan mo na! Malelate na tayo!." dinig kong sigaw ni Bamby mula sa labas ng silid ko pero di pa rin ako gumalaw. Ayos na ako't handa nang pumasok subalit bumalik muli ako sa higaan. Kalahati ng katawan ko ang nasa kama habang ang paanan ay nasa sahig pa rin. "Hey! Mama! Pahatid nalang ako. Di pa ata gising si kuya.." there you go! Gising ako lil sis! Ayoko lang makita mo akong ganito ang itsura. Daig ko pa di pumasa sa board exam o ang di natanggap sa trabaho sa gulo ng iniisip ko. Mahihiya lang ako kapag humarap ako sa'yo. Manlilit sa sarili ko't mawawalan na nang gana sa mundo.
Ilang minuto ang nagtagal. Umalis na ang lahat sa bahay. Just like days before. Di pa rin ako pumasok. Wala ako sa tamang wisyo. Balewala rin naman kung papasok ako tapos wala namang pumasok sa kokote ko. Useless diba!?. I'm useless!
Yan! Ibaba mo pa sarili mo Lance! Hanggang kailan ka magiging ganyan?;
Hanggat kaya ko pa! Siguro pag nauntog na ako! Duon lang rin siguro ako magigising. O baka pag may bumatok na sa akin. Baka dun na ako tuluyang magising!
"Hoy! what's poppin' freaking!.." binatukan lang naman ako ni kuya Mark. Suot pa nito ang usual attire nya pag on duty. Binaba ang bag sa sahig saka sinipat ang kabuuan ko. Tumayo sya sa mismong harapan ko. Hinaharangan ang pinapanood ko. "You look broken bro.." tinig pagbibiro nya. Nagsalubong ang kilay ko. Sinamaan ko sya ng tingin kaya siguro ito humalakhak. "Yeah! I'm sorry for that bro.." paumanhin nya rin kalaunan bago umupo sa tabi ko't humikab kasabay ang pag-unat ng katawan.
"May napapala ka ba sa ginagawa mo Lance?." bigla ay naging seryoso na sya. Lalo lamang kumunot ang noo ko sa naging tanong nya. "Lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon mo.." pabagsak na syang sumandal sa upuan saka nakapikit na tumingala.
"Ikaw kaya nasa posisyon ko.." pasiring ko. Salubong na salubong ang kilay.
"Wala sa posisyon ang pagharap sa sitwasyon Lance. It's how you deal with it." bumuntong hininga ako. It's how you deal with it?. Eh diba ganito rin naman sya nung nawala sa kanya ang babaeng gusto nya?. Tsk! Napakamot nalang ako sa noo. Nawawalan ng pag-asang manalo sa prinsipyo nya. "Ikaw na rin ang nagsabi diba?. Mahirap ang mga nagdaang araw sa'yo, sa inyo. dadagdagan mo pa ba iyon para sa'yo?.." tumalim ang pagtitig ko sa screen ng tv. "Don't let pain ruin your future. Let it be your key to open your damn eyes for your future with her.. Mag-isip ka nga. Hindi porket sinabi nyang di ka na nya gustong makita ay maniniwala ka na. Damn Lance! Eugenio ka! You have this.." turo nito sa sentido nya matapos umayos ng upo at tumingin sakin. "To think more deeply about everything around you.. tsk!.."
Natahimik ako! Napaisip ng matindi!
"Dapat mong matutunan na hindi lahat ng sinasabi ng mga babae ay iyon talaga ang totoong gusto nila. Dahil ang totoo sa lahat. Lahat ng sinasabi nila ay kabaligtaran lang. They'll say na di ka nila gustong makausap, makita or worst di na mahal but deep inside. they want you so badly.. they want you to stay with them kahit anong mangyari.. and that.. Doon ka kumapit loko!.."
"Paano nga ako kakapit kung bumitaw na sya?.." naiinis kong bulyaw!
"Ay talaga naman oo! Tama nga ang mga matatanda! Nagiging tanga ang isang tao kapag umibig na ito.."
"So what's your damn point?.. That I'm that stupid?!.." hinawakan nya ako sa balikat. Pinapakalma.
"What my point here little brother is, you have to be patient. You have to deal with it that you should grow this way.. separately. Distance is also a response bro. which means, she didn't want love, she wanted to be loved— and that was entirely different."
"Mahal ko nga sya kuya. Ilang ulit ko iyong sinabi sa kanya.. pero hindi nya pa rin ako pinakinggan."
"Magkaiba ang mahal sa minamahal pa Lance. Kakaibang babae ang pinili mong mahalin. She wanted to be loved dahil iyon ang wala sa kanya sa lumipas na taon.. Gusto nyang hanapin ang pagmamahal ng magulang at pamilya nya na nagkulang noon. At lalong gusto nyang mahalin ang sarili nya ngayon dahil may kulang na sa ngayon. Alam mo kung anong nawala sa kanya.. dapat mo iyong maintindihan.."
"What about me kuya?. Anak ko rin naman yung nawala?.."
"Anak mo nga Lance. anak nyo pareho pero intindihin mo ring sya ang nagdala rito at hindi ikaw..." mahina pa syang humalakhak. Pinagtatawanan ang kapalpakan ko. Matapos nya akong pagtawanan ay inakbayan nya ako't muling binatukan. "You know what?. Shot lang katapat nyan eh.. Wanna drink?.."
"Tsk!. Ayoko.." iling ko.
"O come on bro!. Ikaw broken hearted dito.. kailangan mong magpakalasing, hahahaha.."
Sinamaan ko sya ng tingin bago binato ang maliit na bolang hawak ko. Agad itong nagtaas ng dalawang kamay kasabay ng pag-atras. Defensive!
Natatawa pa rin itong umatras palayo sa akin. "Think bro.. andito lang ako sa kwarto.. wag mong hayaan na lunurin ka ng pride mo.. bwahahahahaha!!."
"Get lost!!.."
"No man! You lose! Wahahahhah... Beym!!."
Sa oras na yun. Naisip kong may punto nga si Kuya. Kailangan kong intindihin ang sitwasyon ngayon at wag hahayaang malunod sa ego ko. Tsk!! Tumayo ako't kinatok sya para makipag-inuman! I need to do this! I have to do this! It's a wake up call!