Chereads / No More Promises / Chapter 133 - Chapter 22: Thank you

Chapter 133 - Chapter 22: Thank you

Bumalik nga kami sa taas. Akbay ako ni Ryle. Binubulungan ng mga bagay. Ang sabi nya. Di raw sya totoong galit sakin. Ginawa nya lang yun para takutin ako. Ang sabi pa nya. Dapat daw kasi. Bago ko iniwan ang kapatid nya. Nagpaalam ako. E nagpaalam naman ako sa kanya, nga lang. After na and that made her think na binalewala ko na sya. Ipinaliwanag ko kay Ryle ang buong nangyari noong biglaan ang alis namin. Na di ko naman gusto yun. Saka nya naman naintindihan. Kaya rin ganito sya umakbay sakin ngayon. Siguro kung andito si Rozen ngayon, baka humagalpak na yun nang tawa sa kapatid nyang ubod ng kawirduhan sa katawan. Ang akala ko pa nga noon. Si Rozen ang di ko makasundo sa kanila. Akala ko lang pala iyon dahil sya pa itong kulang nalang tumira sa bahay kung pwede lang dahil sa closeness naming dalawa. At alam iyon ng mga taong malalapit sakin gaya nina kuya at Bamby, Aron. Isama ko na rin si Jaden. Dahil alam mo na. Isa rin sya sa lagi sa bahay kahit pinagbawalan ko na't lahat noon. Tigas talaga ng ulo ng mga taong mahal natin. Di papigil!

"Pero bro.. humanda ka kay papa.. sobrang galit nun sa'yo nang malamang binuntis mo kapatid ko't tinakbuhan pa..hahaha.." pananakot pa nya sakin ngunit may halo itong biro. Sakay na kami ng elevator. Napawi tuloy ang ngiti sa labi ko nang dambahan nya ako.

Kaya ba ganun nalang yung reaksyon ni tito kanina?. Gusto ko itong itanong subalit nauna ang hiya sakin kaya mas pinili ko nalang na mamulsa at magpanggap na di kinakabahan. Kahit ang totoo ay, pawisan na ang batok ko't mga palad sa kamay sa kaba. Nalintikan na!

May pagbibiro man ang punto nya ngunit alam kong may gusto rin syang iparating sa pamamagitan ng isang iyon. Di ko napaghandaan ang katotohanan sa likod ng kanyang mapanlinlang na biro. Alam ko naman na dati pa bago ako umalis ay parang medyo tagilid na si tito pagdating sa akin. I mean, sa amin ni Joyce subalit di nya ito ipinahayag ng harapan sakin. Imbes mas pinili nitong suportahan kami kahit labag na sa kalooban nya.

"Nakatulog na sya.." bigla ay anunsyo ni Tito pagkarating namin sa kama nya. Nakikita ko ngang payapa na syang natutulog. Na para bang walang nangyari. And I wish. Sana, payapa nga talaga sya ngayon. I really do wish that.

Kinumutan sya ni tito bago nya ako hinarap. Nagkunwari naman itong si Ryle na may hinahanap sa maliit na kabinet sa may tabi ng natutulog na pasyente. Di ko tuloy mawari kung saan ibabaling ang tingin.

"Po?. Opo Tito.. ayos lang po.." ang tanga! Bat di ka makapag-isip ng matino Lance?. Kahit ngayon lang please!!!

"Ryle, maiwan ka muna rito.. parating na si Rozen.. lalabas lang muna kami.." paalam nito sa anak. Agad humarap si Ryle samin. Tumango sya kay tito bago ako nginitian.

"Be gentle Pa.." paalala pa nya. Nagitla naman ako ng biglang may tumapik sa kaliwang balikat ko. "Alam mo na.. magagalit ang prinsesa.. hahaha.." tawa pa ni Ryle. Gusto ko rin sanang matawa subalit nanginig ang panga ko't di na makapagsalita nang akbayan ni tito palabas ng ospital. Kinuha nya ang susi ni Ryle saka kami sabay na sumakay ng sasakyan. Di na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta. Basta bahala na kung anong mangyari sakin. Hell! Kinakabahan talaga ako!!

Doon lamang ako nakahinga nang maluwag nang malamang sa simbahan pala ang punta namin. Ilang kilometro mula sa ospital. Medyo matraffic pa nang nasa bungad na kami ng entrance ng simbahan kaya medyo natagalan.

Mabuti at natagalan mo ang katahimikan Lance?.

Naikuyom ko nga ang kanan kong palad dahil sa awkwardness eh. Anong mabuti duon?.

Di na napigilan pang magtalo ang sarili ko at ang konsensya ko. Lagi nalang ganito sa tuwing kasama ko ang pamilya nya o sya. Nalilito. Natutuliro. Nababaliw kakaisip ng kung anu-ano.

Bumaba sya, kaya bumaba na rin ako. Sabay na rin kaming pumasok sa loob at nanalangin.

Muli. Isang mahabang katahimikan na naman ang namagitan sa amin.

Tuloy. Hindi ko na alam ang gagawin. Kung dapat ko ba itong ikatuwa o ikatakot na. Hindi ko alam. Please. Lead me Lord!!

Kalahating oras yata kami namalagi doon bago nagpasyang lumabas at naupo sa mga isa sa upuang nasa tabi lang ng simbahan. May iilang mga puno rito kaya may lilim kami sa taas ng sikat ng araw.

Eto na! Humanda ka na Lance! Ihanda mo na ang panga mo!

Humangin ng malakas. Kasabay nun ay ang pagsinghap ko ng mahina. Pinapakawalan ang kaba na di ko matukoy kung saan nagmula.

"Calm down, gentleman.." anito. Tinignan nya pa ako na parang natatawa. "Namumutla ka na.. relax okay.." dagdag pa nya.

Napasinghap muli ako't sa wakas napabuntong hininga na sa harapan nya. Tuluyan na nga syang natawa sa itsura ko.

"Wag kang matakot. Wala naman akong gagawing masama sa'yo.." deklara nya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Totoong hinga dahil simula kanina, di na normal ang paghinga ko. Lalo na sa pananahimik nya.

"I'm sorry tito.." yumuko ako upang itago pa ang pagpapakawala ko ng mabibigat na hininga. Mga naipon kanina lang.

"You're sorry for what?.." seryoso nyang tugon. Kinagat ko na ang ibabang labi sa kaba. Eto na nga! Seryosong usapan na!!

"I'm sorry for--.." bumuga ako ng hangin saka nagpatuloy. "---for ruining your daughters life.." buong puso ko itong sinabi. Umupo ako ng tuwid saka sinipat sya. Nakasandal sya sa upuan. Nakapandekwatrong lalaki. Ang isang kamay ay nakasabit sa sandalan habang ang isa ay sa nakapatong nyang kanang binti nakalagay. Sa kung saan di nya ako matatamaan. Malayo ang tingin na para bang pinag-iisipan yung sinabi ko. "I didn't know po na aabot ang lahat sa ganito.." pag-amin ko. "Wala po sa plano ko ang saktan ang anak nyo."

"But you... already did?.." tumango ako sa kabila ng takot ko.

"And I'm so sorry for that Tito.." tumingin ako sa kanya pero di pa rin nya ako nilingon. Sa malayo pa rin ang tingin na para bang andun ang kausap nya. Masakit sa loob ko ang ganitong set up pero naisip ko na ayos na rin. Atleast, kinakausap nya pa rin ako.

"Ano nga bang dapat kong sabihin?." bigla ay nangapa ako sa naging tanong nya. Mahina syang nagpakawala ng buntong hininga bago nagdesisyong humarap sakin. Doon ko na nakita ang lungkot ng kanyang mga mata. Bakas rin duon ang galit na pilit nyang di pinapakita.

"You know what gentleman?. Kilala kita e. O kilala nga ba kita?.." Damn! What?!. Nalilitong sigaw ng isip ko. Bahagya syang natawa tapos nagseryoso na naman. "I knew you love my daughter. Alam ko rin na di mo sya gustong iwan noon. Alam ko rin na di mo sya kayang saktan.. Alam ko ang lahat nang iyon dahil nakita ko naman iyon sa'yo. Nakita ko kung paano mo alagaan, protektahan at mahalin ang taong durog na durog. Na kahit pinong pino na ito, sya pa rin ang pinili mong mahalin. Kahit alam mong sugal ito. Sumugal ka pa rin dahil naniniwala ka na muli syang mabubuo kung magmamahalan kayong dalawa.."

I am speechless!

"At dahil nga nagmahal kayo. At alam kong nagmamahalan kayo.. sa di inaasahang pangyayari.. nakabuo kayo.." malungkot nyang himig. Yumuko sya at tumango tango. "That makes me really angry and at same time, sad. nagalit ako sa'yo.. alam mo rin siguro ang dahilan ko. It's too early for that man.." may timbre ng galit ang pananalita nito. Naiintindihan ko naman iyon. Ako man. Kung ako ang nasa posisyon nya. Higit pa yata sa galit ang magagawa ko. "Too early for that at sa pagmamadali nyo.. nawala sa inyo ang una nyong supling.."

Sa oras na namang iyon. Kumirot na naman ang puso ko dahilan para haplusin ko ito ng dahan dahan. Kailangan ko itong gawin para maibsan ang sakit.

"Kahit gusto kong magsusuntok sa galit sa pagkakamali nyo.. hindi ko magawa dahil mas nanaig sakin ang awa para sa anak ko at sa apo ko, sana." huminto sya. "Kung alam lang sana namin agad na buntis sya, di sya sana ganyan ngayon.."

"I'm sorry tito.."

"It's not even your fault.." pigil nga sakin. "Walang may kasalanan rito. Inaamin ko mang may parte ka sa nangyayaring ito pero ayokong magtanim ng galit sa taong nagmahal sakanya ng buong buo. I can't blame you.. even her.." hinawakan nya ako sa balikat. "Alam mo bang sinabi ko sa sarili ko na pag nakita kita humanda ka sakin?." di ko alam bat napatango ako agad. Natawa naman sya. "Sasapakin kita hanggang sa mabasag yang mukha mo?." tuloy nya. Napanganga lang ako. Natawa ulit sya. "Pero nagbago ang lahat ng pananaw kong iyon nang malamang uuwi ka rito para makita sya.." he smiled genuinely. Tinapik ang balikat ko ng tatlong beses. "Nagbago pa iyon nang makita ko kung paano ka tumingin at mag-alala sa kanya.. Ang weird diba?. Hahaha.."

Pilit akong ngumiti para sakanya. "Nagbago ang lahat ng dumating ka kaya wala akong ibang kailangang gawin kundi ang pasalamatan ka.." umawang ang labi ko sa narinig. What po?. "Thank you for loving my daughter. Thank you for always being there when none of us does. Thank you for your time and understanding. Thank you for being you to her. And also. Thank you for making it here.. For making her smile again despite of her agony.."

"Tito?.." napapamaang kong sambit.

"No man. Let me say this to you. Thank you.." Anya saka ako niyakap ng mahigpit.

O man! Thank you too!

Related Books

Popular novel hashtag