Chereads / No More Promises / Chapter 115 - Chapter 4: Plan

Chapter 115 - Chapter 4: Plan

Naiwan akong tulala sa dinaanan nya patungong silid nito.

Susundan ko ba sya o hinde?. Kanina pa nagtatalo ang isip at ang puso ko sa kung anong dapat gawin. Kasi, kapag sinundan ko sya. Anong sasabihin ko?. Malamang magpapaliwanag ka Lance! Ginawa mo diba?. Alangan naman ipaako mo sa kuya mo ang responsibilidad gayong ikaw ang nagpakahirap dyan!. Mag-isip ka nga!

Pero ano ngang sasabihin ko?. Ngayon pa nga lang ay di ko na alam ang gagawin sa katotohanang iniwan ko sya ng walang paalam. Ano pa ngayong nasa maselan na syang sitwasyon?. Di ko sinasabi na magiging maselan sya sa pagdadalang tao. Nasabi ko ang maselan sapagkat maselan naman talaga ang magbuntis lalo na kung lagi syang stress at maraming iniisip.

Sana, hindi sya ganun. Sana okay lang sya. Sana maayos lang sya. Sana, kahit wala kaming komunikasyon na dalawa, hindi nya pa rin ako pag-isipan ng masama.

ASA ka Lance! Umalis ka nga diba.. nang di nagpapaalam?. Iyon palang masama na. Saan banda naman sya hindi mag-iisip ng masama sa'yo gayong ikaw nga sa sarili mo ay masama na ang tingin mo?. Tsk!

Humugot ako ng napakalalim na hininga bago nagdesisyong tumayo upang sundan si kuya.

Oo. Kahit hindi ko sana kaya tong harapin ang galit nya. I should endure it. Alam kong isa ito sa mga consequences ng nagawa ko kaya dapat lang na kayanin ko.

Oo. Takot ako. Sobrang takot ko sapagkat, una nadis-appoint ko sya sa school at sa pamilya namin. Di ko man sadya. Wala man sa plano pero hindi ko rin naisip na isawalang bahala nalang ito basta. Anak ko iyon at dugo ko ang nananalaytay sa kanya. Kaya hanggat maaari. Gagawin ko ang lahat. Makausap ko lang muli... sya.

Tumayo ako sa likod ng pintuan ng silid nya kung saan nanginginig ang kamay kong itinaas para kumatok. "Kuya.." mahinang tawag ko sa kanya. Hindi sya sumagot. Malamang, di nya rin narinig. Sa hina nang tinig ko, ako lamang ang makaririnig nito.

"Kuya Lance, pahiram ng susi mo ah.. may bibilhin lang ako.." nabitin sa ere ang pagkatok ko sana muli sa pintuan nang biglang sumulpot si Bamblebie sa kung saan. Nahalata nya yata ang pagkakatigil ko kaya napatitig sya sakin. "Are you okay?.." heto na naman yang tanong nyang 'ayos lang ako'. Psh! Bamblebie! Kung pwede ko lang sabihin sa'yo ang lahat. Baka hindi mo ko magawang tanungin ng ganyan ngayon. Baka nga, galit na galit ka na sakin. And worst. Di mo kakausapin ng isang buwan. Mabuti nalang talaga at lihim ng lahat samin.

"Hey!.." may binato sya sa akin na kung ano. Tinignan ko iyon sa may sahig at nakita ko ang isang bulak na binuong bilog. Nagitla ako sa ginawa nyang iyon.

Aba!. Anak Ng!.

"Bakit ba?.." hinarap ko sya. Walang bahid ng kaba. Itinago ko iyon upang wag na syang mag-isip at magtanong pa ng magtanong. Iba pa naman sya magalit pagdating sa mga taong gusto nyang protektahan. Isa duon si Joyce!

Sorry Bamblebie!

Malungkot na bulong ko sa sarili nang matanto ang lahat lahat.

Sorry baby!

Iyon lang ang tanging magagawa ko sa ngayon. Ang ibulong sa hangin ang salitang patawad at ang pangalan nya.

"Psh! Crazyass... una na ako.. I got your keys.. saglit lang ako.." masigla nya pang sabi at itinaas sa ere ang hawak na bugkos ng susi bago tuluyang bumaba ng hagdanan.

Napalunok ako. Ganun ba talaga sya?. Yung tipong kahit may problema ay parang wala lang sa kanya?. Paano kaya maging sya?. I want to ask her badly about how to be brave but I'm to coward to tell her everything. Hindi ko pa kayang umamin sa kanya. Hindi pa sa... ngayon.

"Ku--.." nabitin ang akma kong pagkatok at pagtawag sa kanya nang magulat sa bulto nya. Pipihit palang sana ako paharap sa pinto nang matigilan.

Hindi sya nagsalita. Basta binuksan nya lang ang pintuan ng maluwag saka iminuwestra ang loob sa akin.

Tinignan ko sya. Seryoso pa rin sya at bakas ang galit sa pagkakahulma nang kanyang panga. Para bang nagpipigil lamang syang suntukin ako, ganun.

Nagkatitigan pa kami bago ako nahiyang ibaba ang paningin sa sahig saka nakatungong pumasok nang di sya nililingon.

Kung kabado ako kanina nang matitigan ko ang mata nya. Dumoble pa iyon nang marinig kong ilock nya ang pintuan.

Parang wala ako sa sariling, umupo nalang sa upuang tabi ng bintana nya. Nakabukas iyon at nililipad pa ng hangin ang puting kurtina.

"So, can you explain to me now?.." Hindi man galit ang boses nya pero ramdam ko ang pagiging istrikto nito. Dinaig nya pa si Papa. And speaking of. Sana lang. Di nya sabihin sa kanila dahil kung nagkataon... PATAY AKO!

Umayos ako ng upo. Itinuko ko ang dalawang siko sa magkahiwalay kong mga binti bago humugot ng lakas ng loob para magsalita. "Yes.. I did it.."

Iyon palang ang inaamin ko pero parang malalagutan na ako ng hininga. Huh!!

Nakatayo lang sya. Di sya nagsalita. Nagmura o ang gumalaw. Tumayo lang sya at hinihintay talaga ang matinding paliwanag ko. I closed my eyes and let my heart speak out. "And..I owned it.." paniniguro ko na talaga. Yumuko ako sa kaba na hindi ko na halos maintindihan. Napakalakas nito na tinatabunan ang kung ano mang naglalaro sa isip ko. "But I don't know if.. she let me... know it.." malungkot kong sabe. Hanggang ngayon. Di pa kasi sya nagrereply sa mga message ko. Kaya ko nasabi ito.

"Paano mo nasabing di nya ipapaalam sa'yo?.."

"Dahil hanggang ngayon... umaasa pa rin ako sa mensaheng ipapadala nya.." tumigil ako. Yumuko lalo saka umiling. Nangilid ang luha ko sa katotohanang baka tinataguan na nya ako. "Pero wala pa rin.."

"Sinubukan mo na bang tawagan sya?.."

"Hundred times.." mapait kong sambit. Pumikit ako para pigilan ang luha na nagbabadyang bumaba. Saka ako nagpasyang tingalain sya't muling umayos ng upo Sumandal ako't pagod na tumingin sa naaawa nyang mata.

Nakakaawa ba talaga ako?.

"And her line is already unattended.." nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa

panlalabo ng aking paningin. Kingina! Bakit sa harap pa nya?. Baka bansagan na naman nito akong bakla!. Tsk.

"Ano bang pinag-usapan nyo bago ka umalis?.." umiling lang ako sa tanong nya. "What!?.." hindi nya yata naintindihan.

"Wala.. diba biglaan ang alis natin papunta rito.. kaya hindi ako nakapagpaalam ng maayos.."

"Why don't you text her and explain it that our trip is so sudden?.." hindi ako nakasagot. Di ko rin alam bakit e.

"Paano nya malalaman ang side mo kung di mo ipapaliwanag?.." pagod na nyang tanong.

"I don't know kuya.. di ko alam anong gagawin.. di ko na alam anong dapat gawin.. I'm getting crazy here thinking what should I do.." sya naman ngayon ang natahimik.

Malakas syang bumuntong hininga. Naglakad papalapit sakin bago ako tinabihan. Sumiksik pa talaga sya sakin saka ginulo ang buhok ko.

"You should fix this before it's too late.." mahinahon na nyang sabi. Nabura bigla yung galit sa mata nya kanina.

Alam ko kuya. Paano nga?. Tanong ko na hindi ko na isinatinig pa.

"But for now.. sa atin na muna ito.. alam mo naman na sina Mama.." he continued. Tinapik tapik ang ulo ko ng tatlong beses. Hindi ako tumango o umiling. Hinayaan ko lang sya sa gusto nyang gawin at sabihin.

"Ganito ang gagawin natin.." then he explained what should we do. Marami syang sinabi pero sa bawat plano nya ay kinakabahan talaga ako. Namputcha! Grabeng kaba ang bumuhay sa akin na ngayon ko lang naramdaman buong buhay ko.

Di ko man gaanong naintindihan ang plano nya. Basta nalang akong umoo. Na para bang sa binuo nyang iyon, mabibigyan ng solusyon ang problema ko.