Chereads / No More Promises / Chapter 112 - Chapter 1: Welcome me

Chapter 112 - Chapter 1: Welcome me

Hello. I'm Lance Eugenio.

Siguro, hindi na rin bago sa pandinig nyo ang pangalan kong ito. Hindi naman sa pagyayabang pero gwapo talaga ako. Joke lang!. Tumawa ka naman?. Siguro?. O baka?. Noh?. Aissssshhh! Bahala ka!. Basta para sakin, gwapo talaga ako!. Periodt!

"Huy, kanina ka pa lutang!.. ano bang iniisip mo?.." daglian akong napatuwid sa pagkakaupo nang bungguin ni kuya Mark ang binti kong nakaawang. Kakarating namin dito sa Australia at kanina pa ako tulala. Alam ko iyon. At aware na aware ako dito.

Dinaanan nya ako matapos kausapin at umakyat sa ikalawang palapag kung saan andun ang mga gamit ng aming bunsong kapatid. "Bakit nga ba ako lutang?.." I asked myself like an idiot.

Really Lance! Kinakausap mo na sarili mo ngayon?.

Napapailing ako sa takbo ng isip ko. "Sino bang iniisip mo?.." he asked again nang makababa na sya. Pumasok naman sya ng dining area. Kaliwang side ng bahay. Saka lumabas nang may hawak nang wine at baso. Itinaas nya ito ng bahagya, pinapakita sa akin. Tinignan ko lang ang pagwagayway nya rito. 'Wala ako sa mood uminom. I don't know.. di ko lang feel..'

"Kilala ko na.." sabi nya. Umupo sa upuang kaharap ko.

Wala naman syang binanggit na pangalan subalit bigla nalang pumasok sa isip ko ang pangalan nya. I felt guilty. After nang nangyari samin nung aming monthsary. Umalis na ako nang hindi nagpapaalam. I mean. Walang paalam patungkol sa byahe namin dito. Biglaan din kasi. Imbes. Next week pa ang schedule namin pabalik. Pinaulit iyon ni papa dahil kailangan na raw sya sa office nila. Wala akong magawa. Gusto kong kumontra at sabihing susunod nalang ako pero mahigpit na binilin sakin ni erpat ang bunso. Kailangan daw itong bantayan maging sa school. Hanggang ngayon. Di ko nga maintindihan bat kailangan pang bantayan iyon. Mukhang alam naman na nito ang ginagawa nya. Ganunpaman. Kahit ayaw ko pa. Napilitan na akong umalis.

"Tsk.." tamad kong singhal. Umiwas sa tingin nyang nanunukso.

"Di ka natulog sa bahay nung isang gabi.. saan ka no'n?..." pang-iimbestiga nya.

Bat nya pa tinatanong?. Mukhang alam naman na nya. Tsk.

"Wala kang kausap Mark.. baka estatwa lang kaharap mo.." tinapik nito ang kanang tuhod na nakapatong sa kaliwa. Nakapandewatrong babae. Nakasandal sya habang iniikot sa baso ang kanyang wine. "O di kaya ay multo.." dugtong nya. Nagpanggap na nangilabot pa.

Tsk.. Nababaliw na naman sya.. Palibhasa, di pa nakamove on.

"Ang ingay mo kuya... asan ba si Bamblebie?.." binasa ko muna ang ibabang labi bago nakipagtitigan sa kanya. Paiwas sa totoong usapan namin.

I saw how his annoying smirk marked on his lips. Pinagkunutan ko lang sya ng noo saka nagsalita. "Kanina pa ako gutom.. sila mama?.." palusot ko na naman.

"Oh boy!.. don't try'na change the damn topic.. you know where they are.." mahina syang ngumisi. Umiling pa. "Hmmm... it seems like you don't want to talk about what happened that day huh?.."

"Kuya naman.. pagod ako.." bumuntong hininga ako saka sumandal muli at tumingalang nakapikit. Nakapahinga sa armrest ng sofa ang dalawa kong braso. Kung titignan siguro nya ko. Mukha akong may malaking problema.

Hindi mukha lang bro. May problema ka talaga. After that fiery night with her. Ramdam kong, magbubunga iyon. I know, kasi wala akong ginamit at gamit na proteksyon. Sa bawat sukdulan pa ay sa loob ko tinatapon. Iyon ang kanina ko pa iniisip. Gusto kong iwasan pero hindi ko talaga maiwasan.

"So, ako hinde?.." sarkastiko nyang sambit. Sumimsim sya ng kanyang inumin. Inikot nya iyon atsaka tumikim muli bago nagpasayang ibaba sa side table ang hawak nyang baso. "Wag mong hayaan na maulit ang pagkakamali ko brother.." he said seriously. Na para bang base iyon sa karanasan nya.

Base naman talaga Lance. Ano ba?.

"Ano bang mali mo?.. di ko alam e.." sabi ko. Ramdam ko ang tingin nya sakin. Kahit di ako nakatingin. Alam kong sumama ang timpla ng mukha nya't pagtingin.

"You know what I'm saying.." anya.

Malakas syang bumuntong hininga. Halatang naaasar na. "And, you also knew what my point is.."

Di ko talaga sya maloko. Kahit anong sabihin ko yata ngayon. Mahuhuli at mahuhuli nya rin ako. Haynaku! Paano ba to?.Matalino rin pala sya. Hehe.. Not saying na hinde dahil kapatid ko sya. Minsan kasi nagiging mahina sya sa mga bagay na hindi nya alam. Like love. Little does he know na inlove na pala sya sa bestfriend nya. Kay ate Catherine. Jaden's sister. Hindi nya iyon maamin amin samin hanggang sa ikinasal nalang sya bigla. Arrange marriage. At doon nya pa nalaman. Napapailing nalang ako sa katalinuhan nyang iyon. Paanong di nya nalaman?. Napaka-imposible naman!.

"Magkaiba tayo kuya.. tanggapin mo nalang.."

"Ano namang pinagkaiba natin?.. pareho nga nating iniwan mga babae natin eh.."

Napanguso ako. Dumilat. Nakita ko agad agad ang medyo madilim na ceiling. Sa pagkakatanda ko. Hapon na nang makarating kami at baka nasa pagitan na ng alas kwatro at ala singko ang oras. Wala pang ilaw dahil pumapasok pa sa bahay ang sinag nang papalubog na araw.

"Magkaiba ang 'iniwan' sa 'naiwan' kuya.." diin ko sa sinasabi. Tumuwid na ako ng upo saka nagdekwatro nang panglalake. "Magkaiba ang 'iniwan' sa 'naiwan' kuya.." ulit ko upang magpaliwanag sana, kaso inunahan nya ako.

"Alam ko.." singit nya bigla. Kinuha ang baso nyang may laman na wine saka lumagok doon ng diretso. Mukhang nataranta ito bigla. Bakit kaya?. Possible bang alam na nya ang feelings nya kay ate at di nya lang nasabi o baka may iba pang dahilan. I don't know. Di rin palakwento to eh. Ang daming lihim.

"Dahil ang 'iniwan' ay yung taong iniwan nang walang paalam..nang biglaan.. wala nang paliwanagan.. ." napahinto ako para huminga. Kailangan ko iyong gawin para hindi mautal sa bagay na bumabagabag sa akin. Natamaan din ako sa mga sinasabi ko. Kingina Lance! Sige, makipagtalo ka pa. Nasulyapan ko kung paano na naman tumaas ang kilay nya. "--at ang taong 'naiwan' ay taong andyan lang.. naghihintay sa pagbalik mo.."

Matunog na naman syang ngumisi. Umiling pa. Dismayado. "Sigurado ka ba na may babalikan ka pa?.."

Kinutuban ako bigla nang masama kahit hindi naman dapat o sabihin nalang natin na hindi naman talaga masama ang punto nya. Psro naging kakaiba ang kaba ko. Hindi maipaliwanag at nakakatakot.

"Sigurado ka pa ba na tatanggapin ka pa nya?.." sigurado nyang tanong. "You can't fool me little brother.. alam kong natulog ka sa condo mo noong wala ka.. and take note.. oh yes oh yes... I knew that she's living in there since then.." natameme ako sa mga pinagsasabi nya. Is he serious?. Paanong?...

Humalakhak sya. "Kuya Lance!!.." tawag ni Bamby mula taas. Di ko alam problema nya. Pero hindi ko sya sinagot. Kay kuya ako nakatutok.

Natahimik ako. Anong sasabihin ko?. Na oo, doon ako natulog. Na may nangyari nga. Kingina! Ayoko nga! Baka batukan nya ako eh.

"Hahahaha.. just make sure.. na wala kayong ginawa doon ha. o wala kang ginawa sa kanya.. dahil you know my conditions lil bro.. just like Bamblebie.. diploma ha.. dip-plo-ma.." mabagal nya iyong sinabi sa mismong mukha ko dahilan para magitla ako sa pagkatulala. "Diploma Lance.. Diploma.." mabigat nya iyong ibinulong sakin bago umakyat. Pinagpatuloy ang pagdala ng mga gamit ni Bamby sa silid nya. Kanina pa kasi nya kami tinatawag. Di lang namin pinapansin.

And, sa sinabi ni kuya kanina. Alam ko naman iyon. Alam na alam ko sapagkat iyon din ang ibinilin nya sa bunso namin. Sa totoo lang. Sa kanya nga nanggaling ang linyang, 'no diploma, no boyfriend' para kay Bamby. Hindi iyon sakin galing o sa mga magulang. Kundi sa kanya. Pero bago iyon. Syempre dumaan pa muna sakin bago kay Bamby. At iyon nga ang huling paalala nya. Baka raw nakalimutan ko na raw. Di porket pinapayagan nya akong magkalove-life ay magpapabaya na ako. No. Lalo nya akong hinigpitan simula nang malaman nya ang tungkol sa amin ni Joyce.