Chereads / No More Promises / Chapter 104 - Chapter 103: To become happy

Chapter 104 - Chapter 103: To become happy

Yung sinabi ni Lance na matutulog sya sa condo ngayon. Hindi nangyari. May tumawag sa kanya kaninang tanghali at sinabing kailangan nya munang umuwi sa kanila. Kahit ayaw nya sana dahil gusto nya talagang tumambay dito. Wala syang nagawa dahil pinilit sya ng kanyang kuya. Wala syang nabanggit na kung sino ang may problema. Basta nagpaalam na lang sya't upang makauwi na.

"Sige na.. may bukas pa naman eh.." pangungunbinsi ko pa sa kanya dahil nagdadalawang isip talaga sya.

"Paano ka dito?. Nangako ako sa'yo.." malungkot nyang himig. Nginitian ko sya nang hawakan ko ang pisngi nya. "Andito naman si kuya.. ang sabi nya.. dito raw sya matutulog ngayon.." sa sinabi kong ito. Noon lamang sya nakumbinsi. Kasama ko naman si kuya at safe naman dito sa building.

Napapabuntong hininga na lang sya sa pagkalas ng kanyang yakap sa akin. Binulong pa ang paghingi nya ng pasensya sa hindi nya pagtupad sa naunang pangako nya. Naiintindihan ko naman iyon. Naiintindihan ko sapagkat, alam ko na hindi alam nang pamilya nya ang tungkol sa amin. Kung nasaan sya ngayon o sinong kasama nya. Kay kuya nya siguro, oo alam nya, but most of them ay wala pa ring ideya. Lalo na si Bamby. Nakaramdam nga ako ng awa sapagkat lagi syang andyan sa tuwing kailangan ko sya pero ako. Hindi alam kung anong nangyayari sa kanya. Hindi naman kasi sya palakwento. Minsan lang palabiro pero depende pa iyon sa mood nya. Kung bully sya kay Bamby na kulang nalang umiyak ito sa tuwing niloloko nya. Sya naman sa akin ay laging ingat. Pansin ko iyon noon pa. Simula nang malaman nya ang totoong pagkatao ko't pinaggalingan ko hanggang sa mga nangyayari sa akin unexpectedly. Palagi na syang maingat kung magbitaw ng mga salita. Lagi nya pang pinapaalala sakin ang ngumiti at maging positibo sa lahat ng bagay. He taught me that it's okay to be fine but not to be hurt. Kailangan ko raw matutunan kung paano maging okay nang di nasasaktan. I should look forward to things that really matters not the things that can hurt me. Hindi ako nangako sa kanya na wag nang masasaktan pa pero ang maging masaya, lalo na sa piling nya. Iyon ang sigurado.

"You look happy with him.." Sabi ni kuya matapos kong pumanhik na sa loob. Nakaupo sya sa sofa habang nanonood ng palabas sa TV.

"I am kuya.." kumpirma ko. Ano pang saysay ng pagtatago ko ng feelings sakanya gayong sya lang ang nakakaintindi sa akin, sunod kay Lance, pagdating sa lahat. Noong una. Di ko pa nga inexpect to na sya itong mabait sa akin. Gayong ang ugali nya ang medyo hindi maganda noong una. Same with Lance. But surprisingly. He stand up with me since the day I know the things I shouldn't know. Andyan sya lagi sa tabi ko kahit anong sama pa ang ipakita ko sa kanya dala ng mga emosyon na naghalo halo. Unexpectable.

"You are.." hirit pa nya. Saka ako umupo sa tabi nya at sumandal sa balikat nya. Doon ipinahinga ang pagod kong isip. "You should be proud of him.."

"Proud naman ako sa kanya lagi kuya.."

"Publicly.." he added. Natigilan ako. Natulala sa naghahabulang pulis at kriminal sa tv.

"Kailangan pa bang ipublicize ang mga ganung bagay kuya?.." umayos ako ng upo matapos matauhan sa kanyang huling sinabi.

Lumabi sya ng tignan ko sya patagilid. "Of course lil sis.. kaming mga lalaki.. kapag nagmahal todo yan.. lahat gagawin namin to make you girls happy.." Kinindatan nya ako. "Minsan. Ang mali ng mga babae. Nakakalimutan na nila ang kaligayahan rin naming mga lalaki."

"What do you mean by that?.." nangunot ang noo ko.

Galing sa kalahating pagkakahiga nya sa sofa ay tumuwid ito ng upo at inakbayan ako. Tapos binalik sa screen ng tv ang mata. "On my opinion. Sometimes girls to, should make a way to make us boys become happy.. not that, we're not happy when we are with you girls, but you know.. the mantra, give and take.."

Napaisip ako. Wait!. Matagal mo naman na yang naiisip girl. Mukhang ngayon ka lang natamaan sa lahat ng pag-iisip mo.

"Alam kong masaya si Lance sa'yo.. nakikita ko iyon sa mata nya.. but I can feel that something strange na di ko malaman kung ano.. and then.. he said na, you told him daw na you like your relationships in private.." di ko matukoy kung tanong nya lang ba iyon o nasabi nya lang.

Hindi ako umimik. So ibig nyang sabihin. He wants us to be in public?. Like, dating somewhere in public?. E ginagawa naman na namin iyon lagi eh. What's his point?.

"Of course, he agreed with you.." he paused. "---for you to become comfortable with each other but do you ever think how he feels about it?.." huminto sya. Sa tv pa rin ang mata. "Sumagi ba sa isip mo kung masaya ba sya sa desisyon mo o hinde?.."

"I don't know.." halos bulong kong sagot sa kanya. Natamaan ako ng sobra, sapagkat, hindi ko man lang naisip ang sinabi nya. Sa dami ba naman ng problema ko. Tsk. Hay!

"Did you asked him?.." he asked. Inilingan ko lamang sya.

"Sa isang relasyon lil sis.. kailangan nyong malaman ang nararamdaman ng isa't isa. Hindi lang iyong isa lang palagi ang napapakinggan.. if you want to last longer.. you should know how to communicate with each other.."

Di ko alam ito. Ang akala ko. Okay lang na ako lang tong naririnig ang boses.

Now I know. Kami pala dapat dalawa.

"Anong nararapat kong gawin, kung ganun?.." I looked away. Sa kisame ako tumitig na para bang doon lalabas ang sagot na hinihintay ko.

"Ask him kung anong gusto nya.. then if he answers.. pag-usapan nyo kung anong pareho nyong gusto.. to that.. pareho kayong magiging masaya.."

Hanggang pagtulog. Iyon pa rin ang iniisip ko. Kung paano sya tatanungin at kung paano syang papasayahin.

Related Books

Popular novel hashtag