Chereads / No More Promises / Chapter 99 - Chapter 98: Heavy

Chapter 99 - Chapter 98: Heavy

Pagkaalis lang ni daddy. Dumating na rin sina mama. Namili pala sila ng mga kailangan sa bahay ni kuya Ryle. Di ko kasi alam kung saan sila nagpunta. Ang tanging sabi lang ni kuya Rozen ay umalis sila. Yun lang.

"Good evening mama.. ako na po dyan.." sinalubong ko sya't kinuha ang karga nyang isang supot na groceries. Agad nya iyong iniabot sakin nang di sinasabi na mabigat pala.

Tumikhim sya pagkatalikod nya't lumabas muli. May kukunin pa yata. Pinagkibut balikat ko na lang ang hindi matatawarang kakaibang pakiramdam. May kung ano sakin ang gumugulo ngayon. Hindi ko mabigyan ng pangalan sapagkat hindi ko naman talaga alam kung ano. Para bang iba ang tinitibok ng aking puso. Pakiramdam ko'y may ibang mangyayari pa.

Sana lang, wala.

Pagkatapos kong ilapag sa may mesa ang buhat ay kumuha ako ng maligamgam na tubig saka iyon ininom ng dahan dahan. Nakatayo ako't bahagyang nakasandal sa sink. Nagulat na lang ako nang ibagsak ni kuya Ryle ang dalang karton sa gilid ko. Di ko alam kung anong laman no'n na basta nya lang ibinagsak.

"Ma, I'm tired.. call Rozen para sya na magluto.." he said while calling mama outside. Nakagat ko ang labi sa pakiramdam na para bang hindi nya ako nakikita sa harapan nya. Binalewala nya ako na parang hangin lang.

Matapos nya iyong sabihin, iniwan na nya ako't maging yung karton sa tabi ko. Maya maya. Pumasok rin si mama at dumiretso sa karton sa baba.

"Joyce, kunin mo nga yung gunting sa baba.." utos nito sakin. Agad kong ibinaba ang hawak nang baso saka nagmadaling hinanap yung gunting.

Hinanap ko iyon sa drawer na alam kong pinaglagyan pero wala. Sa ibabang drawer pa. Pero eala rin gaya ng nauna.

"Ma, wala po dito.." I said without glancing at her. I heard her heavy sigh and walk through me.

"Eto oh!.. naku naman Joyce.. malabo na ba yang mata mo?.." she said suddenly. Napamaang ako. I didn't know na nasa tabi pala ng baso. She never told me and wala talaga akong ideya kung nasaan nga yung pinapahanap nya.

As usual. I bit again my lower lip to act normally. To atleast breathe like nothing's happened.

Still. Kahit kulang nalang umiyak ako sa kinatatayuan ko. Pinilit ko pa ring gumalaw for them, not to see that I am hurt. It really hurts the way mama and kuya Ryle treated me. Ni hindi ito noon sumagi sa isipin ko na darating ang panahon na ganito sila sakin. I didn't know. But I need to endure it. I have to, kahit na masakit. Kailangan kong tiisin ito dahil alam kong nananakit lang naman sila dahil nasasaktan sila. I get it. Kuha ko naman iyon pero sapat na ba iyon na dahilan para manakit rin sila ng taong walang kasalanan?. Wala naman akong ideya sa nagawa ni mama noon. pero bakit ako ang kailangang magsuffer sa ginawa nya?. I did not say na dapat magdusa sya pero sana naman, wag syang ganito. Wag silang ganito kung wala naman akong muwang sa tadhana ko ngayon.

Huminga ako ng malalim ngunit palihim iyon. Itinago ko upang hindi nya mapansin ang bigat nang nararamdaman ko.

"Saan ko po ito ilalagay?.." I asked respectfully habang hawak ang bote ng toyo at suka.

"Ilapag mo nalang dyan.. tapos umakyat ka na.."

"Pero mama.." humarap sya sakin. Madilim na ang matang nakatingin sa mukha ko.

Pinaloob ko ang labi sa takot na magalit sya.

"Umakyat ka nalang, pwede?.." she closed her eyes intently. Parang sa ganuong paraan nya tinitimpi ang sarili para wag lang magalit sa akin.

Again. Pain, crossed down my heart unintentionally. Kahit ganun ang iniisip ko. Na sadya nyang saktan ako. Pinipilit ko pa ring, hindi sya aware sa ginagawa nya. Na hindi nya gustong saktan ako ng sadya. Sige lang Joyce! Lokohin mo pa sarili mo!.

Sa kagustuhan nya't utos na rin. Umakyat nalang ako sa taas. Nakayukong naglakad sa may hagdanan.

Hindi ko pa nga napansin si kuya Rozen na nakatayo sa may gilid kubg di nya pa ako tinawag. "Are you okay?.." he asked. Nakokonsensya.

Mapait akong ngumiti saka sya tinanguan. Nagiging mahapdi na ang gilid ng mata ko sa pagpipigil na wag maluha sa harapan nya. Ayokong makita nyang nasasaktan ako kahit obvious na siguro sakin iyon.

"Pasok na ako.." gumaralgal pa ako bago ko sya tinalikuran upang pumasok na sa sariling silid.

Alam ko naaawa na sya sakin. Hindi nya man sabihin verbally, ramdam ko iyon at nakikita ko the way he stares at me.

"Hello.." sagot ko sa tawag ni Lance. Ang bungad nya. Kanina pa raw sya tumatawag. Sinabi ko naman na nasa baba ako. He just sighed heavily before he bacame calm.

"Kumain ka na ba?.."

"Busog pa ako.." pagsisinungaling ko. Tumawag si kuya Rozen kanina na maghahapunan na pero di ako bumaba. Sinabi ko lang na busog ako't kakain rin mamaya.

"Eat your dinner, baby.. baka magkasakit ka nyan.." nag-aalala nyang sambit. Ngumiti ako sa pagiging sweet nya.

"Kakain rin ako mamaya.. don't worry.." may isang luha ang pumatak galing sa kaliwa kong mata. Sya lang ang nag-iisang taong nakakapagpasaya sakin ngayon. Pinupunan nya Ang mga puwang dito sa puso ko

"Pupuntahan kita dyan.." bigla nyang sabi. Umiling ako kahit wala naman sya sa tabi ko.

"Wag na.. Gabi na at madulas pa ang kalsada.." giit ko. Kakahinto lang kasi ng ulan. Tsaka, lumalalimna ang gabi. Baka pagalitan pa sya ni tita.

"But I'm too worried.."

"Ayos lang ako.."

"Pakiramdam ko hinde eh.." pilit pa nya. "May nangyari na naman ba?.." alam nya rin kasi nangyayari sa bahay. Kinukwneto ko lahat sa kanya. Pati maliliit na bagay upang gumaan lang ang pakiramdam ko.

"Wala.. sige na muna.. bababa na ako para kumain.." hindi sya tumugon. Ang akala kong pinatay na nya ang tawag ay hindi pala. "Lance?.." I called him. He just growled.

"Take care of yourself, please?.." he almost beg. I heard his heavy breathing also.

"Of course.. ano ka ba?.." hilaw ang aking halakhak.

And he knows it. Alam nya kung kailan totoo ako sa sarili ko o hinde.

"Bukas, pupuntahan kita.. we will talk.." iyon lang at nagpaalam na sya.

Bago ako humiga. Naglakbay muna ang isip ko para bukas. Kung anong pag-uusapan namin o kung anong mangyayari sa akin. Ang dami daming tanong na di ko kayang sagutin ng mag-isa.