Chereads / No More Promises / Chapter 118 - Chapter 7: Aron

Chapter 118 - Chapter 7: Aron

Habang dumaraan ang bawat pitik ng orasan kada araw, lumalakas rin ang pintig nitong aking puso. Hindi ko maintindihan kung ano nga ba ito. Kung dala ba ng kaba o takot sa di ko matukoy na dahilan.

Few days ago. I stayed as it is. Bangayan dito, birahan duon. Asar dito. Inis duon. Minuto ang pangbubully ko kay Bamby just like how she misses me, doing it to her. In a good way naman. Kumbaga, pamlipas oras lang namin pag pareho kaming bored. I stayed like that not because I wanted to, but because I have to. Kailangan kong maging ako habang naghihintay. Kailangan kong maging matibay para sa susunod na laban. Kailangan kong maging matapang sa paparating pang bukas. Kailangan kong maging malakas para harapin ang bagong silang umaga.

Sa lumipas na araw. Narealize ko lang na, di dapat magpakalunod kakaisip sa 'mga nangyari at mangyayari pa lamang', dapat 'tanggapin ang kung anong meron ka. Gusto mo man o hinde ang sitwasyong kinalalagyan mo ngayon'. Kung nagkamali ka man noon, wag mong hayaang ibaba ka nang pagkakamaling iyon, imbes gawin mo iyon daan upang maging maayos ka at wag nang maulit pa ang maling nangyari na.

Kaya nang mga araw pang dumaan. Sinubukan kong wag isipin ang lahat nang gumugulo sa akin. Hindi naman sa tinatakasan ko ang problema. Hindi sa ayokong isipin. Sinubukan ko lang wag isipin kahit ilang oras lang, para sa aking sarili.

Mababaliw na kasi ako pag di ko ginawa yun! Tsaka, para maibalik na rin sa dati ang pag-iisip kong laging lutang. Lalo na kapag nasa hapag kainan. Tampulan tuloy ako ng tukso nila.

"Kuya ayiiieee!.. si Klare oh.." tukso pa naman lagi sakin ni Bamblebie. Isa si Klare sa mga family friend namin dito. Fil-Ausie sya at talaga nga namang maganda. Laging ngiti lang ang iginagawad ko sa kanya. Pero si Klare, nagpapakita sya ng motibo pagdating sa akin. Lalo na pag lumalapit. Ngunit, gaya ng dati. Ngiti at tango lang ang binibigay ko sa kanya. Hindi na lumagpas pa doon. Etong sina Mama at Bamby lang ang makulit sa lovelife ko. Si kuya?. Umiiling lang tulad ni papa.

"Bamblebie, stop it.. I'm eating.." suway ko madalas. Subalit sa kakulitan nya, di sya papigil hanggat walang naririnig mula sa akin. About Klare, of course.

Kahit sino pa yatang babae ang iharap sa akin. Walang makapagbabago ng tinitibok nitong aking puso. It's always been her and her!

Syempre. Stick to one ako. At kahit ilang libo pa ang ireto nila sakin. No way! Not until my one and only baby!

After we ate dinner. Mabilis akong pumanhik sa taas at nagkulong. Pagod ako at gusto ko nang matulog. Nakadapa akong humiga nang biglang nag-ingay ang nakadapa ko ring cellphone sa side table. Lamp shade nalang ang nagbibigay liwanag sa akin kaya medyo madilim.

"Hoy bro! Kamusta na?. hahaha.." agad umalingawngaw ang maingay at makabasag eardrums na boses ni Aron sa kabilang linya. Tsk! Mabuti nalang di gaanong malapit ang phone sa tainga ko kundi talagang basag talaga pandinig ko.

"Just fine.. ikaw?.." tamad kong sagot. Bumalikwad ako ng higa saka tumihaya. Ginawa kong unan ang kaliwa kong braso habang ang isa ay hawak ang phone.

"Just fine daw?. Bat parang hinde?. hahahahahahahahah.."

Tinawanan pa ako!

Alam na ngang meron e. Nagtanong pa. Nang-aasar!

"Tsk.." singhal ko lang sa kanya.

"Oh ha?.. meron nga?. hahaha.."

Ano bang sinasabi nya?. Abnormal!

Sumandal ako sa headboard at tamad na sinulyapan sya. "Anong 'meron nga' ang sinasabi mo dyan?..." kunot noo kong tanong.

Ngumuso sya. Nagpipigil tumawa. Tapos tinuro ako na para bang may nakakaloka syang iniisip tungkol sa akin.

ABNORMAL TALAGA!!!

"You can't fool me Eugenio.. hahaha.."

"Ano nga?. Nababaliw ka na naman.." iling ko.

"Stupid!.. don't act like you don't know nothing boy.. asshole.. hahaha.."

Wow sya! Stupid na nga! Asshole pa! Astig nyang kaibigan! Sarap itira mula sa malayo patungong basketball ring!

"Psh.. Ewan ko sa'yo.. yun lang ba itinawag mo?. Ang asarin ako?.." inis kong sabi.

"Oh boy!. wag ka ngang magsungit! Naglilihi ka ba?. hahahaha!.."

DAMN IT! DAMNNNNN IT!!!... Bwiset sya!

"Hahahahahahahahah.. wala ka bang sasabihin sakin, ha?.."

Di ko sya sinagot.

"Ah speechless sya!. hahaha.. baka, namiss mo ako boy.. hahaha.."

Di ko na naman sya sinagot. Bahala sya dyan!.

"Kita mo to!.. naglilihim na sakin.." biglang seryosong himig nya. Nawala ang bungisngis nya.

Kumurap lang ako't binalewala ang mga patutsada nya. Lihim akong lumunok sapagkat ramdam kong may ibig syang sabihin sa mga biro nya.

"May narinig ako.." umpisa nya kalaunan nang di ako umimik. Maging ang paglunok ko pa ay naging mahirap sa susunod pa nyang sasabihin. "Totoo ba yun?.." he asked suddenly. Tanong na parang isang balang tumama sakin kaya ako biglang nanginig at nanlamig. Kumalabog ang puso ko nang sobrang lakas dahilan para mabingi ako ng ilang segundo.

"Na ano?.." napapaos kong himig. Pakiramdam ko, lalagnatin na ako sa kaba. Malamig naman pero naiinitan ako.

"Dude really?. she's pregnant?." diretso na nyang sabe. Walang halong biro. The way he muttered it. It means, he wants confirmation from me.

Natigilan ako't nataranta. How did he know?. Malamang. Kabarkada mo sya't, kakilala rin nya mga kuya ng mahal mo. Di na dapat nakapagtataka ito Lance. Dapat pa nga. Matuwa ka dahil may 'pwede' ka nang kausapin tungkol sa problema mo. Tungkol nang lahat nang tumatakbo dyan sa isip mo.

"At, ikaw ang ama?.." ang oa pa nang pagkakabanggit nya. Lumaki pa ang mata't butas ng ilong. Sa tindi rin ng nararamdaman kong nginig at kalabog dito saking dibdib. Napaupo ako't nakamot ang ulo. Tapos kinuha ko ang remote control sa side table saka inopen ang ilaw sa buong kwarto. Yung tulog na tulog ko nang dugo. Nabuhay bigla. Nabuhay sila't nagsi-akyatan lahat sa ulo ko kaya pakiramdam ko ay para itong lumaki at nabangag ako. Nawala ang kulay sa paningin ko kaya kailangan ko pa munang kumurap para makita ulit yun. Natanaw ko mula sa screen ang kunot na noo ni Aron. Hindi sya nagsalita. Tahimik rin sya, gaya ko. Nag-iisip siguro. O sabihin ko nang napaisip talaga!

"You?! Really.. is... the.. god.. damn.. father?!.."

Goddamn pa daw! Tsk!

"And what?.."

Hinilamos nito ang palad sa buong mukha saka ako tinuro. "What!?."

"E ano nga kung ako ang goddamn father?. Aangal ka?.."

Lakas ng apog kong umamin diba? Pero sa sarili kong pamilya, diko magawa!. So stupid Lance!!

Ang sa isang iglap. Pinaulan nya ako ng maraming mura. Hindi lang simpleng mura. Malulutong pa! "Damn it! Asshole!.." isa yan sa mga natira nyang mura bago natahimik at biglang napipi.

"Bakit?. Paanong--?..." di nya natapos ang gustong sabihin nang bigla syang tinawag ni Tito. May iniuutos ito sakanya. Binati nya pa ako bago tuluyang umalis.

"I'll call you later dude!. I need to know more about this.."

"Psh!.." singhal ko at minura lang naman nya ako.

Mabilis nyang pinatay ang tawag nang wala nang paalam. Bastos talaga!. Pero sa totoo. Naramdaman kong gumaan ang laman ng aking dibdib. Kung sya ang makaagbibigay sakin ng solusyon. Baka nga, kailangan nyang malaman ang lahat. Di naman sa wala syang alam tungkol samin ni Joyce. Actually. Sya pa nga unang nakaalam about us pero nitong huli, nahuhuli na sya dahil masyado na rin syang abala sa babaeng nagpakilig raw sa kanya. O well! Sana lang. Sya na ang sagot sa mga dasal ko para malinawan naman na ako.

Related Books

Popular novel hashtag