Umiyak ako sa harapan nila pero wala sa kanila ang umalo sakin. Mabuti na rin iyon para di na ako masaktan pa't umasa na may malasakit sila sa akin. Ramdam ko pa ito noon. Oo, nakangiti sila sa harapan ko pero sa tuwing nakalikod ako't wala na sa kanila. Napapaisip ako. Ayokong mag-isip ng masama sa iba pero base sa ipinapakita nila, napapaisip ako bigla.
Ngayon ko nalaman na, hindi pala lahat ng tao sa mundo ay katulad ng iyong puso.
Kahit ano yatang bait na ipakita mo sa kanila. Kung sadyang, iba na ang tingin nila sa iyo, una palang. Hindi na pala iyon magbabago pa.
Sa hiya ko sa kanila. Kahit puno ng luha ang aking mata. Nginitian ko pa rin sila. Nang buong puso. Walang bahid ng anong galit.
Pagkatapos kong ngumiti. Pinunasan ko ang pisngi. Bago umayos ng tayo saka yumuko sa harapan nila.
"Pasensya na.." sambit ko. Medyo paos pa dahil may luha pa rin saking mata. "Pasensya na po.." muli ko. Kahit sinusuway pa ako ni kuya Rozen. He held my arm para mapaayos ng tayo ngunit nagmatigas ako. Yumuko pa rin ako upang ipakitang kahit nasasaktan na ako, kaya ko pa rin silang igalang.
"Sorry, mama.." pumiyok pa ako sa dulo. Mabilis kong tinakpan ang bibig upang wag na naman kumawala ang aking hikbi. Doon na rin ako umayos ng tayo. Hindi ko alam na tumayo na rin pala si mama. Nilapitan nya ako't hinawakan sa magkabilang braso. Umiiyak sya. Kumikibot ang labi nya. May balak sabihin pero hindi nya masambit dahil sa panginginig.
No words. She just hug me.
Isang bagay na kailangan na kailangan ko ngayon. Mainit na yakap para ibsan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. "Sorry, mama.." kahit ilang ulit kong sabihin ito sa kanya. Kulang pa yata. She caressed my back slowly and muttered sorry too.
Lalong nag-unahan ang luha saking pisngi. Duon ako sa dibdib nya umiyak.
Wala na yatang makakaibsan ng bigat ng damdamin ko ngayon. Kahit yakap, kulang pa rin.
Bumitaw ako sa yakap nya at nagpaalam na, na aakyat na. Pero bago iyon. Humarap ako kila kuya. Muli. Yumuko ako at sinambit ang sorry kuya. Di ko alam kung bakit basta ko nalang ginagawa ang humingi ng pasensya sa kanila. Siguro, ramdam ko rin sa sarili ko na, totoo nga ang sinasabi nila.
First kila mommy at daddy. Naghiwalay sila. Iniwan kami ni daddy para sa bago nya. Tapos sumunod din si mommy. Nga lang di na sya muling babalik pa. Pilit kong iniintindi na nagkataon lamang iyon. Na normal lang iyon sa isang pamilya ngayon pero simula nang dumating nga ako sa bahay nila o sa buhay na nila mama. Naging magulo na ang lahat gaya ng sabi ni kuya Ryle.
Pagtalikod ko lang sa kanila. Bumagsak na naman ang panibagong luha saking mata. Pinangarap ko ang pamilya na ito eh. Hiniling ko ito simula nang umalis si daddy pero bakit ganito rin ang nangyayari?. Mauulit pa ba ang nangyari na o nagkataon lamang ang lahat ng ito. Gusto kong isipin ang pangalawa. Na nagkataon lang ito subalit may kung ano talagang bumubulong sa akin na iyong una ang mangyayari.
Ang bigat ng dibdib ko. Kaya nang pumasok ako ng silid. Sa likod nang pintuan palang. Dumausdos na ako doon habang pigil ang sariling humagulgol. Lalong sumasakit ang lalamunan ko sapagkat iniiwasan kong marinig nila ang iyak ko. Ibinuhos ko ang lahat ng sakit na naramdaman ko kanina lang. Lahat nang luha na natira, sinimot ko na, nang palihim.
Ang hirap at sakit na naghahalo saking ulo at isip ay kulang nalang, sumabog. Pumapalantik ang kirot saking sentido dahil sa matinding pigil na pag-iyak.
"Mommy..." I cried for her. Hiling ko na andyan sya para yakapin ako. "Mommy.." I can't control myself to call her name. To call her, to atleast hug me, silently. I needed it and always will.
Kailanman, hindi pinaramdam sakin ni mommy na hindi nya ako anak at higit sa lahat na malas nga ako. Hindi nya iyon sinabi o naisip man lang. Sa totoo nga ay, kabaligtaran noon ang lahat ng ginawa nya sa akin. Binigyan nya ako ng pamilya at buhay na sagana. Tinuring nya akong tunay na kanya.
Pero bakit kung kailan, nahanap ko ang tunay na akin, sya namang, pinaparamdam sakin na hindi sya para sakin. Mama ko nga sya, pero bakit di ko man lang maramdaman ang mainit na yakap ni mommy sa kanya?. Minsan pang sumagi sa isip kong, sana sya nalang si mommy.
Nang mahimasmasan. Tumayo ako't dumiretso ng banyo. Naligo ako't nagbihis bago naupo sa kama. Harap ng bintana. Malalim na ang gabi. Ngunit dala ng mga nangyayari, hindi ko maisip ang matulog.
Kalaunan. Tinawag ako ni kuya Rozen para sa hapunan. Sinabi ko lang na busog ako.
Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanila ngayong nalaman ko na ang inisip nila tungkol sakin?. Nahihiya ako't lalo pang nahiya sa nalaman.
Kailan kaya matatapos ang lahat ng ito?.
Para sa akin ba to?. Bakit di ako matahimik?. Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako?. Bakit pa ako nabuhay kung wala na din namang nagmamahal sakin ng tunay?. Do I deserve this life?. Do I have to end this?. Do I have to fight or should give it up already?.
Sa lalim ng iniisip ko. Noon ko lang narinig ang ingay ng cellphone ko. Tamad ko iyong kinuha. Si Lance.
"Hey.." bati nya.
"Hmm.." pinaikot ko ang mata ko para hindi matuloy ang luha na namumuo na naman.
"Are you okay?.."
"I'm.. ehem... I'm fine.." Kung bakit pumiyok ka pa eh?.
"Bakit you sound like, you're crying?.."
"Nope..napuwing lang ako.." pagsisinungaling ko.
"You sure?.."
"I'm hundred percent sure.." nilinis ko muna ang lalamunan bago ko ito sinagot. Baka mag-isip sya't di na naman ako tantanan sa kung anong problema ko.
"Okay then.. tumawag lang ako para mag goodnight.."
"Hmm.. good night.."
"I love you baby.." he said softly. Napapikit ako sa lambing ng boses nya.
"I love you too.. good night.." walang dahilan para di ko sya sagutin. Ito lang ang tanging bagay na bumubuhay sa akin ngayon. Si Lance na mahal ako.