Chereads / No More Promises / Chapter 91 - Chapter 90: Bamblebie

Chapter 91 - Chapter 90: Bamblebie

Nagpupuyos ng galit itong si Lance matapos umalis sina Jaden at Bamby. Ihahatid ni Bamby si Jaden dahil tumba na uto sa kalasingan. Sumobra ito ng inom pagkatapos nilang di magkaintindihan. Halata naman na sabik sila sa isa't isa pero pareho din silang nagpapanggap na hinde. Tuloy, nauwi sa di maganda ang una nilang pagkikita matapos ang ilang taon.

"Kahit kailan. hindi ko talaga sya maintindihan.." galit pa rin nyang dagdag. Tinatanaw ang sasakyang palayo na. Sakay ang dalawa. Maingay syang bumuntong hininga saka namaywang na para bang ang bigat ng problema nya.

"You'll soon understand her why's.." sambit ko. Nilingon nya ako. Nagtagpo ang aming mga mata. Kanina ko pa sya tinititigan pero hanggang ngayon, salubong pa rin ang kanyang kilay.

"Just calm down okay.. masyado kang high blood.." tumingkayad ako't pinaghiwalay ang nagdikit nyang mga kilay. Inayos ko rin ang kunot nyang noo. "I know her. At nasisiguro kong, may dahilan talaga sya kaya nya ginawa yun.."

"Ano naman?. ang malaman kung gusto pa rin ba sya nung tao?.. tsk.. her reason is too damn shallow.." umiling sya't bumalik na naman sa pagkakakunot ang noo nya. Nilapitan ko uli sya't hinimas ang noo nya para umayos at bumalik sa dati.

"Alam mo.. Bamby knows what's she's been doing.. wag mong pangunahan ng galit.." mahinahon kong sambit habang nakadantay ang kaliwa kong kamay sa kaliwa nyang balikat at ang kanan na kamay ay sa noo nyang minamasahe iyon para sya'y kumalma.

Natigilan ako nang maramdaman ang init ng hininga nya sa aking leeg. Huli na para umatras ako't lumayo dahil hinila na nya ako sa kamay at duon sumobsob sa dibdib nya. "I'm not mad baby.. I'm just damn worried.. Jaden is my friend and she's my little Bamblebie.. but now, my sister did something wrong.. I don't want to tolerate her..and I don't mind if she'll get mad at me.." sinabi nya iyon sa kabila ng marahan nyang yakap sa akin. Nakapatong ang baba nya sa balikat ko't sa pareho kong likuran ang dalawa nyang kamay.

"Sinabi nya na ba ang dahilan nya for you to get mad at her?..."

"I'm not mad.." giit nya. Give up gurl! Baka pati yan, pag-awayan nyo rin. Mahina akong huminga saka kinagat nalang ang labi. "She said na ginawa nya raw iyon for her to see if Jaden still likes her.. Kita mo?.. ang babaw diba?. tsk..."

"It's not mababaw baby.. malay mo.. iyon lang ang naisip nyang paraan to prove nga na ganun pa rin si Jaden sa kanya.. let's not conclude agad.. di natin alam ang hirap ng naramdaman nya after nyang gawin iyon.." natahimik naman sya.

"Still. I don't get it.." pilit pa nya.

"You don't get it coz you're suddenly blinded by anger.. without knowing how she really feels inside.." niyakap ko rin sya pabalik. "I know her too well.. di nya ugaling manakit ng damdamin ng ibang tao.. mas pinipili pa nyang sya na ang masaktan, wag lang ang iba.."

"Holy cow!.. Kian.." Doon na natapos ang usapan namin matapos marinig ang tili ni Karen malapit sa gate. Palabas na yata sila at nakita kami. I don't know kung nakita nga kami o hinde. Di kasi maayos ang itsura ni Kian. Pagewang gewang ito kung maglakad habang nakaalalay naman si Karen sa braso nya.

Humiwalay kami ng yakap at sabay silang dinulugan. "Saan punta nyo?.." he asked her. Muntik pang matumba si Karen sa laki ni Kian na buhat buhat nya. Siniko ko si Lance at sya ang pumalit sa pwesto nya.

"Uuwi na sana kami kaso walang magdadrive eh.." Ani Karen. Malapit na ring maghating gabi at lahat na yata sa grupo ng mesa ay tumba na. Naunang umuwi lang si Jaden.

Nagdesisyon si Lance na ihatid nalang sila sa kani kanilang mga bahay. Kasama ako. Inuna namin si Kian dahil medyo malayo iyon sa bahay nila Lance. Sinalubong sya ng kanyang nanay. Hinanap pa nito ang sasakyan nya na ang sabi ni Lance ay kunin nalang sa kanila bukas. Sumang-ayon naman si tita. Kalaunan si Karen naman ang inihatid namin. Kanina pa sya tahimik at mukhang malalim ang iniisip.

"Hindi ko alam na kayo pala.." noon ko lang natanto na nakita nya pala kami. Nakunaman!

Sabay naming nilingon ni Lance ang isa't isa.

"Pasensya na.. ayaw naming ipaalam pero dahil nalaman mo na.." sya ito. Nilingon nya ako sa tabing upuan. Harapan ng sasakyan saka kinapa ang kamay ko sa may binti ko at basta nalang itinaas nang magkasalikop naming mga palad. Itinaas iyon ni Lance upang kumpirmahin ang hinala ni Karen.

"We're four years and counting.." proud na sambit ni Lance. Natameme ako't kinagat ang labi sa pag-init ng aking pisngi. Nakakataba ng puso.

Mula sa salamin sa harapan. Pagitan namin ni Lance ay nakita ko kung paano lumaki ang normal nyang mata. Natutop ang sariling labi bago kami itinurong dalawa. "Damn!. Four years is damn lit!.." namamangha nyang himig. "At paanong--?.." di nya masabi ang nasa isip nang naunang bumagsak ang luha nya sa kanyang pisngi. "Di namin nalaman?.." she added. Tears of joy because of her sweet smile.

"Because she wanted to.." nginuso ako ni Lance.. "And I am too.."

Tumitig sakin si Lance at sinabi ang, "I'm too busy with her at nakalimutan ko nang sabihin pa iyon sa iba.."

"Si Bamblebie?.." she said slowly. Hesitating.

Umiling si Lance. Sya lang ang may lakas ng loob na sumagot. Ako?. Wala. Nanghihina ako sa bawat tanong na lumalabas sa kanyang labi.

"We don't want to tell it to her.."

"Pero bakit?.. kaya pala.."

"Simple lang.. dahil ayaw namin.. gusto namin yung pribado at kami lang.. yun ang mahalaga samin.."

"Kaya pala madalas kong pansin ang titig mo kay Joyce noon... ayieee!. Kaya pala... waaaa!... sana all!!.." tili nya bigla.

Tumango tango sya kay Karen. Kinukumpirma ang napansin nya. Lalong lumakas ang tili nito. Kung di pa sinabi ni Lance na kanina pa kami nakaparada sa harapan ng bahay nila ay di pa sya bababa. Masyado syang masaya.

"O my gosh... congrats ha.. pasensya na.. di ko alam eh.. tsaka.. di ko sinasadyang makita kayo kanina.."

"Hmmm.. okay lang.." Sabi ko.

"Wait.. si Kian alam nya rin ba?.." nasa labas na kaming nag-uusap. Masyadong mainit sa loob ng sasakyan. Buti dito may hangin.

Nakapamulsang tumango si Lance matapos tumabi sakin. Kaharap namin sya pareho. Palipat lipat ang mata nya saming dalawa. Parang di makapaniwala.

"Si Aron?. Si Jaden?. Si Billy at Ryan?. Bryle pa?. Alam din nila?.." sunod sunod nitong tanong. Parang baril na nagpapaulan ng bala.

"Hmmm.... hahahaha.." halakhak ni Lance.

"O my gosh.. kaming girls lang ang hinde?.." di pa rin sya makapaniwala.

"Don't worry di ka naman nag-iisa.. hahahaha.." biro pa ni Lance. Natahimik si Karen. Natigilan. Natameme sa akin. Nag-iisip na yan.

Katahimikan ang namutawi samin. Awkward moment.

"Wag mo munang sabihin kay Bamby.. kami na ang bahala sa kanya.." he explained to her kung bakit hindi pa namin sinasabi kay Bamby. Soon. Tumango sya't nangako. Before heading inside. Pareho nya kaming niyakap at binati. Masaya raw sya para samin. Nagpapasalamat ako para doon. Simple pero nakakataba ng puso.