He hugged me tightly. Yakap na pang apat na taon. Yakap na ang ibig sabihin ay namis nya ako ng sobra. Yakap na, pinapaintindi sakin, na mahal nya ako. Na ako pa rin at wala talagang iba.
"Hmm.. sorry guys.." bigla ay sumulpot si kuya Rozen sa kung saan dahilan para maitulak ko sya nang di nag-iisip. Kamot kamot na ni kuya ang ulo nya. "If you need some private space lil sis.. balcony is free.. you guys can go there.." iling nya. Nagpapanggap na walang nakita kanina. Maging ako man ay di maiwasang magpanggap na may hinahanap sa may lababo kahit wala naman. Kinamot ko ang kilay kahit sa totoo lang ay di naman makati.
"Can we talk?.. in private?.." di ko tuloy matukoy kung sa akin nya ba ito tinatanong o kay kuya. Bahagya kasi akong nakatalikod sa gawi nila. Nahihiya kasi ako and it's my only way to ease the burning heat on my face. Ramdam ko nag init no'n at nasisiguro kong, sobrang pula na ng buo kong mukha.
"Yah.. of course!." si kuya ang sumagot imbes na ako. "But, just on the balcony dude.. no to private rooms.." nakakasuya ang halakhak ni kuya. Awkward! Damn! Of course!! No to private rooms!
"Thanks dude..you can trust me.." ani Lance na bahagya akong hinawakan sa balikat bago binulungan ng, "Coz I can be trusted.." nanindig mga balahibo ko sa leeg sa init nitong hininga nya na dumapo doon. Para itong kuryente na bumuhay sa katawang lupa ko.
"I know.. just.. okay.. you may go.." ani pa rin ni kuya na pinagtaasan ako ng kilay. Binabantaan sa kung anumang gagawin ko o naming dalawa. Palihim ko rin syang tinaasan ng kilay. Nagtatanong sa ginagawa nya.
Kalaunan. Natataranta pa rin syang nagpaalam sa amin. Na para bang mali ang pagpasok nya ng bahay. Tsk. Baliw talaga!
Ilang minuto pa muna bago ko naibalik sa normal ang aking paghinga.
Sabay kaming umakyat sa ikalawang palapag. Kung saan nasa hilagang kanluran nakaharap ang balcony. Tabi iyon ng silid ko mismo. Ngayon ko natanto ang punto kanina ni kuya. Ilang hakbang lang kasi ang pagitan ng balcony sa silid kaya siguro ganun ang sinabi nya. Warning shot!
Para akong upos na posporo na unti unting nauubos. Nakaupo na ako't lahat pero heto pa rin ang puso ko't di mapigil sa pagtambol. Dumadagundong. Daig pa ang isang malaking trumpeta. Nabibingi ako.
"I thought I never had a chance to hug you that way today.." umpisa nya matapos dahan dahang umupo saking tabi. Sa ginawa nyang paglapit pa ay naging blangko na nang tuluyan ang aking isip. Hindi na normal ang aking paghinga. Hinahabol ko na ito sapagkat ang matapang nyang pabango na ang nanunuot sa lalamunan ko. "I miss you so much that all I want to do right now is to hug you.." umusog sya sa mismong gilid ko. Umurong pa ako patagilid subalit wala na palang space sa gawing kaliwa ko. "I miss you, baby.." malambing nyang dagdag. Pumikit na ako dala nang di malabanan na emosyon. Nangingilid na ang mga luha ko. Gusto kong magalit. Magtanong at sumbatan sya subalit mas nananaig sa akin ang kagustuhang yakapin rin sya gaya ng gusto nya. Nangungulila ako sa mainit nyang yakap, katulad ng nabanggit nya. Isa ito sa pangarap na natupad na di dapat palampasin pa.
"Baby, let's fix things please.. you are the only reason why my real home is here.."
Di ko alam bat nalang basta akong tumango. Siguro puso ko na ang nag-uutos sa isip kong gumalaw para sa kanya.
Niyakap nya ako patagilid. Pinahinga ang baba sa kanang balikat ko bago sya nagpatuloy. "What makes you think that I have another woman, hmm?.."
Kinagat ko ang labi. Paano nyang nalaman?. Kumunot ang noo ko't sinilip sya sa gilid ng aking mata. Tiningala nya ako. Our eyes met again. "The uploaded video was just a game.."
Aware din pala sya sa mga ginagawa nya. That's good. Mabuti sa kanya.
"Babae mo?.." paos kong sabe. Hindi ito tanong o sumbat. Gusto ko lang sabihin para malaman nya, at para linawin na rin.
Umiling sya kahit nasa balikat ko pa rin ang kanyang baba. "Kind of.." himig nya.
Agad ko syang tinulak palayo sa akin. Humalakhak sya at mabilis namang bumalik sa dating pwesto nya. "Naniwala ka naman agad eh.. she's just my friend, baby.."
"Friend mo mukha mo.." humalukipkip ako sabay tingin sa makulimlim pang panahon.
"Erin is a family friend.. napromote noon si papa at invited sya sa party.." paliwanag nya naman. Nangungumbinsi ang kanyang tinig.
"Ah.. tapos sumayaw kayo.. hinawakan mo baywang nya tapos dahan dahang hinalikan ganun ba?.." sarkastiko kong sambit. Di ko na matukoy kung ako pa ba itong kausap nya o ibang tao na. Ibang iba sa taong nagplano ng kung anu ano para hiwalayan sya. Damn! Ganito pala ang pag-ibig. Parang panahon. Pabago bago. Lahat pinaparamdam sa'yo ang iba't ibang klase ng lasa ng pag-ibig.
Natigilan sya. Hindi nagsalita o nagkumento. Lumingon ako sa pwesto nya. Nakatitig pala sya sakin.. nang mariin. "What!?.." mataray kong tanong.
Bahagyang umusli ang kanyang nguso sabay ngisi ng kaunti. Halatang nagpipigil sya ng tawa. Damn! Ano bang nakakatawa?.
"My baby, is damn jealous huh?.." noon na lumitaw ang nakakaloka nyang ngisi.
Pinalo ko ang braso nya. "Alis nga dyan!.." di man lamang sya natinag. Akma na akong tatayo subalit hinila nya lamang ako pabalik sa kinauupuan ko.
"Saan ka pupunta?. We're still talking.."
"Anong talking?. Wala namang kwenta tong pag-uusap na to. umuwi ka nalang at duon na sa MGA babae mo.."
Malakas syang humalakhak. Ngunit huminto rin nang samaan ko sya ng tingin. "Damn baby!. I really miss teasing you.. hahaha.." malakas nyang tawa. Imbes magalit ako ay, tumitig pa ako sa mukha nyang di man lang nagbago kahit tumatawa na.
"I miss you.. I love you.." anya nang yakapin muli ako. Umangal pa ako sa kanyang yakap. Nanlaban, subalit bumigay rin nang dumanpi na ang labi nya sa aking pisngi. "I love you, baby.. It's always you.." bulong nya sa tuwing umaalis ang kanyang labi sa aking pisngi. "Ikaw lang.. wala nang iba.." sa huli sa labi na nya ako pinatakan ng halik. Sandali lamang iyon subalit mabilis kumalat sa katawan ko ang init na dulot ng kanyang halik.
"I want forever with you baby.. forever.." mahina nyang sabi bago muling humalik saking labi. Isang halik na naipon sa ilang taon. Ngayon lamang nangyari kaya dumating kami sa puntong naging mapusok na.