Sa paglipas ng araw. Maging ang aking sarili ay di ko rin maintindihan. Minsan gusto kong maging masaya tapos maya maya naman ay lungkot ang namumutawi sa akin. Kailangan ko na yatang magpatingin sa eksperto
Pero sa puntong ito. Alam ko at kilala ko pa rin naman ang sarili ko. Dala lang siguro nang mga pangyayari hindi kaaya aya ang lahat ng pagbabago sa akin.
Ganun naman minsan ang tao. Masaya sya ngayong oras na ito pero kapag may biglang nagsabi ng di magandang bagay. Agad na magpapalit ang iyong emosyon. Being happy to being irritated at any small things. Kahit ayaw mo pa. Kahit pigilan mo pa. Di mo iyon matatalo. Siguro. Depende sa isang tao.
Lance, thought me how my real worth is. Pinakita nya iyon sa loob ng ilang taon. Lagi nyang inuulit ulit sakin na may saysay pa ang buhay ko, na dapat lumaban lang ako. Dapat maging matapang pa ako.
Kumapit ako doon. Noon at hanggang ngayon.
But this time. It is not the same. I saw the evidence na niloloko nya lamang ako. Gustuhin ko mang isipin na hindi iyon tunay. Na wala lang iyon subalit malakas ang pintig nitong puso kong totoo nga ang ibinubulong nitong isip ko. Na may babae sya at matagal na nya akong niloloko.
Hindi ako noon naniwala about them, him with this girl named Mitch but, this video made my eyes wide open. Na ganun pala sya. Na mahilig pala sya sa mga babae.
This past few days. Sa galit ko. I ignored all of his calls and texts. Even his chats and video calls. May parte sakin na gusto syang kausapin, tanungin at klaruhin ang lahat but my pride is steady and firm. Not wanting to talk to him.
Umabot na nga sa punto na inoff ko ang cellphone ko para di na nya talaga ako makontak. But he have his ways. He contacted my two brothers. Through them, I have to open again my phone.
"Lil sis.. your boo, called me.. what's up on you two?.." pagod na salubong sakin ni kuya Rozen.
Kinagat ko ang sariling labi. "Kuya.." iyon lang ang nasabi ko. Ang tawagan ang pangalan nya.
Bumuntong hininga sya. "Nag-away ba kayo?.." he asked without any hesitation.
Napakawalan ko ang hininga na kanina ko pa pinipigilan. "Talk to him Joyce.. di yung tinataguan mo sya.."
"I'm damn mad kuya if you only knew.."
"Why is your damn reason then?.." nawawalan na nyang sabi.
"May babae sya.." I said with an anger. Tumingala ako upang humanap na hangin. I need to breathe para di ako sumabog sa kinauupuan ko. "And I feel so stupid kuya.. niloko nya ako.."
"How did you know na may babae nga sya?. Look Joyce. If you want to clear all your thoughts about what you saw on any platforms, talk to him. Let him explain his side first before doing something that makes you both suffer.." di ko alam bat nanlabot ang mga tuhod ko sa sinabi nya. Mabilis ding nag-init ang gilid ng aking mga mata. Pinigilan ko iyon dahilan para maramdaman ko ang pait. "Communication is the key in any relationship Joyce.. if you lack about that thing.. better be ready.. I don't want to warn you but if it's needed, then, I am.. di kita tinatakot pero, kung paiiralin mo ang pride mo, surely, you'll suffer.." huminga sya ng kaunti bago nagpatuloy. "Ayaw kitang pilitin kung ayaw mo talaga syang kausapin but let me ask you one thing.." huminto sya. Di ako umimik. Anong sasabihin ko?. Silence has a sound and he should know that. "Mahal mo pa ba sya?.."
Natigilan ako.
Hindi na yata kailangan pang itanong ang bagay na iyon. Oo, mahal ko sya.
"I know you loved him Joyce.. kahit di mo pa sabihin.. ramdam ko.."
"Pero kuya.. niloko nya ako.."
"Okay. let us tell na ganun nga. na niloko ka nya.. pero di ba mahal mo sya?.. pipiliin mo bang masaktan kaysa sa maging masaya?.."
Anong klaseng tanong ba iyon?. Nangunot ang noo ko. Ano ba ang dapat?. Ang maging masaya kahit nasasaktan ka na?. O ang piliin ang masaktan dahil mahal mo sya?. Tsk! Ang gulo! Mas lalong gumulo ang isip ko.
"Magpapakamartir na lang ba ako kuya?.."
"That's not my point.." he explained.
"Then what?.. Ayoko sa mga taong manloloko, you know that kuya because of what my daddy did to mommy.. tapos sya--?.." di ko matapos ang sasabihin. Nagbuhol buhol lahat ng nasa aking isip.
"Fine.. if your decision is final.. then atleast, clear it to him para di na sya mambulabog pa ng iba. para di na umasa pa.."
Matapos no'n. Binaba na nya ang linya. Natameme ako ng bahagya. Final?. Really?. Handa ba akong pakawalan sya?. Handa ba ako sa sakit na mararamdam kapag wala na sya?. Handa ba akong mapunta na sya sa iba?. Susmi!!. Iniisip ko palang. Nasasaktan na ako.