Chereads / No More Promises / Chapter 70 - Chapter 69: Gone

Chapter 70 - Chapter 69: Gone

"Nak.." niyakap at hinagkan ako ni mommy sa kanyang mga bisig. Pikit mata ko rin syang niyakap ng mahigpit at siniksik sa leeg nya ang mukha ko. Humiga ako gaya ng gusto nyang tumabi ako sa bed nya. Dito kami ngayon sa ospital. Tinakbo namin sya kaninang madaling araw. Sumasakit raw ang dibdib nya. Di na nya kayang indahin kaya't minabuti naming idala na rito. "Be a good girl ha?.."

"My, don't say that po.." tiningala ko sya. Nangilid ang luha saking mata. Lihim ko iyong pinunasan nang makakuha ng tyempo. "You're not leaving me po diba?.." umaasa ako hanggang ngayon na malalampasan nya itong pagsubok sa kanya. Ngunit sa tuwing nakikita ko ang paghihirap nya sa pag-inda ng sakit sa buo nyang katawan. Lungkot ang namumutawi sakin. Sana ako nalang itong nakahiga. Sana sakin nalang napunta ang sakit nya. Mommy is so good to me. Wala syang ibang pinaramdam kundi pagmamahal kahit di nya ako tunay na anak. "Lumaban ka po my.. I need you here.." rumagasa ang luha saking mata. Umayos ako ng higa saka sya nagbaba ng tingin para tignan ako.

"I'm tired anak.."

Oh shit!! No way please! Mommy no!

Lalong nanlabo ang paningin ko sa salitang namutawi mula sa labi nya. "Sorry dahil di ko agad sinabi ito sa'yo.. kung alam ko lang na darating ang panahong ganito.. sana, dati pa.."

"Mommy naman.. wag kang magsalita ng ganyan.. makakasama pa kita ng matagal.. makikita mo pa akong maging isang nurse diba?.." pumikit sya't huminga ng matagal. "Mommy.." niyakap ko pa sya. Kulang ang salitang mahigpit sa ginawa ko. No words can express how much I love her. Walang kahit na sino ang makakapantay sa kanya sa puso ko.

"I wish, I can still do that anak.." humikbi ako sa takot. Ano itong mga sinasabi nya?. Para namang nagpapaalam na sya eh. Di ko pa kaya mommy!. "Sana humaba pa ang buhay ko't masilayan kang maging successful anak.. if.. if only I can control everything, I will surely do that for my baby.."

Wala akong mahanap na salita. Nagkagulo ang isip ko't hindi kayang magsabi ng.tunay na nararamdaman. Kung kaya ko lang na gawin din iyon mommy!.

"Always remember that mommy will love you till her last breath.."

"Mommy, no please.. no!!.."

"I'm always by your side forever.." hinalikan nya ako ng marahan sa noo.. matagal at banayad.. dahilan para lalong bumuhos ang aking luha.

"I love you too mommy.." kahit kayhirap bigkasin dahil hindi ko yata kayang magpaalam sa kanya, ay pinili ko pa ring sabihin iyon sa kanya. Baka pagsisihan ko pa kapag pinagpabukas ko pa't, wala na sya.

Ayoko syang umalis... muna.. Wag sana rin muna.. kaso anong magagawa ko kung pagod na sya?. Gusto kong ipakitang magiging successful ako sa kabila ng pinagdaanan ko, para maging proud din sya sakin. Pero paano na ngayon kung sa bawat araw na dinadalaw ko sya ay ganun at ganun ang lagi nyang bilin. Lagi nyang sinasabi na mag-iingat ako. Maging mabait at masunurin kila mama. Wag pasaway at bigyan sila ng maaari nilang maipagmalaki. Sa tuwing lumalabas din ako sa kanyang silid kasama nina kuya. Niyayakap nalang nila ako dahil di ko mapigilan ang maiyak sa katotohanang, mahina na talaga si mommy. Nanghihina na sya't tinaningan na ng buhay ng mga eksperto.

Hindi ko matanggap. Ayokong tanggapin mommy! But what should I do when you say you are tired now and want to rest?. Di ko kayang alisin ang sakit mo. Mas mabuti bang tanggapin ko nalang ng ganun ang lahat?. Mommy naman eh! Paano na ako pag wala ka na?.

"Joyce, umuwi na muna tayo.." hinagod ni kuya Ryle ang likuran ko. Nakatulugan ko na pala ang pagbabantay kay mommy. Di ako magsasawang bantayan sya. Kahit kapalit pa nun ay ang future ko.

"Hmmm.." kinusot ko ang mata bago bumangon sa pagkakahiga sa mga braso. Natulog ako sa upuang katabi ni mommy. Si mama naman, nagpaalam kanina na may bibilhin lang daw.

"Ayos lang ako dito kuya.."

"Umuwi na muna tayo Joyce.. magpahinga ka kahit isang Gabi lang.."

"Wag na kuya..walang magbabantay kay mommy.."

"Andito naman si mama at Rozen.. Tara na.." hinawakan nya ako sa braso at inangat. Tumayo ako subalit nakaramdam ng hilo. Agad nya akong inalalayan. "You should take some rest.. tignan mo nga sarili mo.." Anya pa. Di na ako nakakontra pa. Kahit kontrahin pa yata sya ngayon ay sigurado akong bubuhatin nya akong pauwi ng bahay.

Umuwi nga kami ng bahay. Kumain. Naligo at natulog. Ni hindi ko na maasikaso ang pag-aaral. Napabayaan ko na iyon. Hindi ko pwedeng idahilan si mommy. Pinili ko ito at gusto ko rin namang gawin ito hanggat nabubuhay pa sya. Para sa huli, kung anuman ang mangyari. Wala akong pagsisisihan pa.

"Joyce.." may naulinigan akong tumawag sa pangalan ko. Parang tinig iyon ni mommy. Hinanap ko sya. Nagpalinga linga. Subalit wala akong makita.

"Joyce, wake up!!.." Doon ko natanto na si mama pala ang may ari nun. Magkaboses sila subalit medyo matapang at buo lamang ang kay mama. Si mommy, malumanay at malambing.

"Mama?.." tawag ko sa kanya. Kusot ang mga mata. Malungkot nya akong nginitian. Hinawakan nya ang buhok ko't dinampian ng halik ang aking noo. Nakakapagtaka! "Bakit po?.." bumangon ako sa pagkakahiga. Inalalayan nya rin ako. Tapos umupo sya sa tabi. "Ano pong problema mama?.."

"She's gone anak.." kahit ganun nalang kahina nya iyong sinabi ay para itong pompyang na inilapit sa pandinig ko at pinagsalubong ang mga ito dahilan para kaysakit ito sa aking panindig!

She's gone! She's now gone!. Mommy, bakit mo naman ako iniwan?. Wala na nga si daddy, umalis ka pa ng ganitong kaaga?. Mommy! Mommy ko! Please come back to me please!

"Mommy!.." humagulgol ako't tinakpan ang mukha sa dagat ng luha. "Mommy!.." kulang nalang isigaw ko iyon sa bigat ng pag-alis nya. "Mommy ko!!.." di ko napigilan ang sarili na isigaw ang pangalan nya!

Mommy, you're always in my heart forever! I love you! Ayoko mang tanggapin na wala ka na talaga, pero kailangan. Kailangan para makapagpahinga ka na, kagaya ng gusto mo.