Chereads / No More Promises / Chapter 68 - Chapter 67: I'm sorry

Chapter 68 - Chapter 67: I'm sorry

"Huy! kanina ka pa tulala?. May problema ba?.." siniko ako ni Winly. Nasa garden kami ng bahay nila Bamby. Ito na yung araw na sinasabi nilang handaan para sa nalalapit nilang pag-alis.

"Kanina ko pa napapansing matamlay ka?.. anong problema?.." ulit nya. Abala kami sa pag-aayos ng mesa sa ilalim ng mga punong nasa gilid ng kanilang pool. Nilagyan din ng christmas lights ang iba't ibang puno at halaman. Nagsabit na rin ang iilan ng ilaw sa ibabaw ng pool.

"Malapit na akong umalis.." mahina ko iyong sinabi subalit natigilan sya. Huminto at tumitig sya sakin ng ilang segundo.

"Anong aalis?. sasama ka sa kanila?." hindi ko alam kung bakit ako natawa sa kanyang sinabi. Napakaimposible naman kasing isipin iyon tapos heto sya't iyon ang unang pumasok sa kanyang utak.ng bnaggitin ko ang balak na pag-alis. Swerte ko naman pag ganun nga!

Di ko maitago ang tumatakas na ngiti saking labi. Ang bolero talaga nya! Alam na nga nyang imposible iyon, sinabi pa. Tsk!

"Ano ka ba?. Hindi.." binaba ko ang hawak na thumbs tacks saka kinaway ang dalawang kamay sa tulalang mukha nya. "I mean. Aalis na rin ako bukas dito.. babalik na akong bahay.."

"Ano!?.." gulat at lumaki ang malalaki nyang mata. Mabilis kong tinakpan ang bibig nya dahil may balak pa syang dagdagan ang agaw pansin nyang mga tanong. May iniiwasan nga akong tao eh!.

Dumaan ang taong parang pusa ang gamit na mata nang lampasan kami. Sa tagal ng pamamalagi ko rito simula nang araw na yun sa may canteen. Hindi na nya ako kinausap gaya ng dati. Wala na yung malambing na tawag nya ng baby. Pati yung mga palihim na sulyap at mga pasagi kunwari sakin kapag uwian na. Di ko nga alam kung paano ko nalampasan ang mga araw na iyon eh. Basta, pinakita ko lang at pinaramdam sa kanya yung mga ginagawa nya rin. He's cold?. So, why not me too?. Ganito talaga ako sa mga tao. Kung anong pinapakita mo sa akin na ugali. Iyon rin ang matatanggap mo mula sakin. Para it's mutual!

"Sabihin mo nga sakin.." dinunggol na naman ako ni Winly sa braso. Di ko alam, natulala ako sa daang nilakaran nya kanina. "Nag-away ba kayo ni boy gwapo ha?.." inulit ang pagbunggo sa balikat ko at itinuro ang lalaking tinutukoy nya gamit ang mapula nyang nguso. "Pansin ko lang ha, dedma sya sa'yo eh.." dagdag nya.

Susmi!!

Binasa ko ang labi sa biglang kaba na bumalot sa puso ko. Ano ba tong baklang to!

"Eh kasi--.." kinamot ko ang gilid ng kilay sa kung paano sasabihin ang lahat sa kanya.

"Eh kasi--?.." ginaya nya ang pagkakasabi ko nun. Kainis sya!!

Humalukipkip sya't tinaasan ako ng isang kilay. "Magsasabi ka o tatanungin ko nalang sya?.."

Ano ba to?. May choice ba ako doon sa sinabi nya?. Lalo nya lang akong pinakaba eh.

Para matahimik na sya. Hinila ko sya sa may gilid. Dumarating na rin kasi iba pang kaibigan ng magkakapatid kaya medyo maingay at kumpulan na.

"Ganito kasi.." bulong ko.

"Ano nga?. Eto naman!. pabitin pa. Ako na nga lang nakaaalam ng sikreto mo eh.." nguso nya.

"Tsk.. okay.." kinalma ko ang sarili bago nagsalita. "Di ko alam kung ano na kami ngayon.." diretso kong sabe. Hiningal ako kahit ilang salita lang naman ang binigkas ko.

"Ano!?.."

"Ssshhhh!!.." hinila ko pa sya palapit sakin. "Ang ingay mo naman eh.."

"O hinde na. ano na?!.." atat pang utos!.

"Kilala mo yung Mitch na nakausap natin sa canteen one time?.." umiling sya. Pero kalaunan, tumango rin. "May pakiramdam ako na may relasyon nga silang dalawa.."

"What the hell!!.." tinakpan ko agad ang kanyang labi, pagkabuka palang nito.Baka may makarinig eh. Mahirap na!

"Seryoso ka ba dyan?. Baka naman guni guni mo lang yun?.." tanong nya matapos mahimasmasan.

Ako naman ngayon ang umiling. "Buti nga sana kung ganun nalang pero hinde eh.."

Sumeryoso sya nang makitang seryoso nga ako. "What?. Ibig sabihin, totoo?. Wait.. tinanong mo na ba sya tungkol dito?.."

"Natatakot akong magtanong Win.."

"Gurl, magtatanong ka lang naman.."

"Kahit na.. paano ba ako magtatanong kung iniiwasan ako nung tao?.." natahimik sya. Pinoproseso yata kung totoo ba itong pinagsasabi ko o hinde. Hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko.

"Like seriously gurl?.." nanghihina akong tumango sa kanya. Malungkot nya akong tinignan. Ngayon, nababasa ko na ang awa sa kanyang mga mata. "Gosh!.. paanong nangyari iyon?. Diba sabi mo, niligawan ka nya?. At kayo na?. paanong----?.."

"Hey!.. anong ginagawa nyo dyan?. mag-iistart na tayo.." Ani Aron samin. Kinawayan kami. Tanaw ko sa likuran nya si Lance na lihim akong tinapunan ng tingin.

Di talaga mawala sa isip ko. Ano kayang nangyari sa kanya?. Paano ko malalaman kung ilag naman sya sakin?. Paano ko sya matutulungan kung ayaw nyang magsabi ng laman ng kanyang isip?. hay! Ang hirap talaga nyang basahin!

Kumain na ang lahat. Sumabay din kami ni Winly sa kasiyahan nila. Nakipagkantahan at sayawan kahit nahihiya ako. Kahit mabigat ang loob ko. Kahit iba ang laman nitong utak ko. Kahit nilalamon na ako ng kaba at matinding takot sa mga tinging alam kong sya lamang ang nakakagawa sakin. Pinanginginig buong kalamnan ko!

"Win, cr lang ako.." paalam ko sa kanila. Naglakad ako sa likod patungong banyo sa loob. Pumasok ako doon upang gawin ang kanina ko pang gustong gawin. Nang matapos. Nagsalamin ako't inayos ang buhok. Pinalinsikan ko ng malamig na tubig ang pisngi ko tapos pinunasan muli ng tissue saka lumabas. Ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng makita ang nakasandal na katawan nya sa dingding na semento. Unti unti syang tumayo at nag-angat ng tingin sakin ng maramdaman na lumabas na ako.

"Tapos na ako.. pumasok ka na.." pormal kong sabe. Walang bahid ng anumang emosyon. Lalagpasan ko na sana sya nang hilahin nya ng palapulsuhan ko.

"Can we talk?.."

"We are already talking Lance.." sarkastiko kong sagot kahit nakatalikod ako sa gawi nya.

"Nang seryoso Joyce.."

Kinagat ko ang ibabang labi sa aking narinig. Joyce talaga!? Where's my baby thingy now?. Kingina naman! What happened?. Bakit bigla nalang naglaho?. Bakit?.

Hinila nya ako paakyat sa second floor. Namataan ko si Aron sa bungad ng pintuan. Mukhang binabantayn kung sino ang papasok.

Tinignan nya ako at hinayaan ang ginagawa ng matalik na kaibigan. Hila ako paakyat. Malumanay naman. Dinala nya ako sa may veranda.

Katahimikan ang bumalot muna samin bago ako naglakas loob na magsalita.

"Ano bang pag-uusapan natin?.". nag-iwas ako ng tingin. "Ang alam ko, matagal na tayong tapos.."

"Aalis ka na?.." sa haba ng araw na lumipas. Parang bago at bago pa rin sa pandinig ko ang malamig nyang boses. Gusto ko tuloy matulog na ngayon.

"Di ba ikaw ang aalis?. nakalimutan mo yata." balik tanong ko.

"Joyce naman?.."

Tumaas ang dalawa kong kilay. Joyce ha!?.

"Wala na tayong kailangang pag-usapan Lance. Okay lang ako. At mukhang, maayos ka lang rin naman.. kahit wala ako.. kahit hindi na tayo.." ayos lang ako!!! Hell!! HINDE!

"I'm sorry.." anya. Nag-init ang gilid ng aking mata. Gusto na namang magpaulan ng ilang baldeng luha. Bakit ba ang babaw nalang ng luha ko?. Bat yung iba, kahit nasasaktan na, di pa rin umiiyak?.

Tumango ako sa kabila ng di pagtanggap ng aking puso sa kanyang sorry. Ang akala ko, kapag narinig ko ang salitang sorry mula sa kanya ay magiging okay na ako. Maiintindihan ko na ang lahat. Subalit kabaligtaran pala nun ang dinidikta nitong aking puso. Imbes kapatawaran ang dapat na ibigay ko. Galit pa ang umusbong sa akin. Galit dahil nadurog ang puso ko sa katotohanang niloko nya ako. Ginamit nya lang ako!.