Chereads / No More Promises / Chapter 66 - Chapter 65: Bakit?.

Chapter 66 - Chapter 65: Bakit?.

It's weekend. Kakatawag sakin ni mommy na kailangan ko na raw umuwi ng bahay. Kailangan nya raw ako. Kailangan nila ako roon. I tried to ask her kung kamusta na sya but she just said that, she's fine now and getting healthier day by day. I hope na ganun nga ang totoo. Na sana nga, maging okay na talaga sya. Yung hindi nya pinagtatakpan ang tunay na sitwasyon nya. Ayoko syang mawala. Ano nalang ang mangyayari sakin pag wala na sya. Hindi na hinihiling ko ang pagkawala nya. Sadyang, di ko lang maiwasan sapagkat, takot ako maiwan mag-isa. Oo, I have this biological family pero iba pa rin pag si mommy. Si daddy naman, hindi ko na sya maasahan ngayon dahil wala na yata syang pakialam sakin. Kahit nga, kamusta lang sa text o chat ay wala eh. Kaya hanggat maaari. Kung anong gusto ni mommy. Ibibigay ko. Mapasaya ko lamang sya. At makasama pa ng matagal.

"Bes..." kinatok ko si Bamby matapos kong kausapin si mommy. Pinagbuksan nya ako at pinaunlakan sa loob.

"Pasok ka.. may problema ba?.." pinaupo nya ako sa sofang nasa paanan ng kanyang kulay pink na higaan.

"Tumawag kasi si mommy.." wala nang pliguy ligoy pa. Malapit na rin silang umalis at nakakahiya kung maiiwan ako rito sa kanila.

"Bakit?. Kamusta na sya?. Is she okay now?.." umupo sya sa tabi ko. Pinatong sa sofa ang kanan nyang paa saka naiwan sa sahig ang isa. Ginaya ko rin ang ayos nya. Pareho na kami ngayong nakaharap sa isa't isa.

"Ang sabi nya, she's getting healthier na pero gusto na nya akong umuwi samin." Wala akong natanggap na tugon nya. "Miss na raw nya ako, sila nina mama.."

"What about Denise?. Diba, iisang bahay ang tinutuluyan nyo?.."

"I don't know bes. Basta bahala na pag andun ako..tsaka, di naman sinabi ni mommy na duon ako didiretso.. Basta ang bilin nya lang ay tawagan ko raw sya pag gusto ko ng umuwi.."

"Then, wag ka na munang umalis hanggang di pa kami umaalis.."

"Pero nakakahiya na bes eh.."

"Tsk.. ano ka ba?. para ka namang others samin eh." hinawakan nya ang kamay ko. "Please, kahit hanggang sa padespedida nalang.." di ako makapagdesisyon ngayon. Masyado akong naguguluhan.

"Susubukan ko bes.. susubukan kong kausapin sina kuya mamaya.."

"Please bes.. magtatagal kami sa Australia at mamimiss kita.." niyakap na nya ako. "Mamimiss kita.."

"Mamimiss din kita bes.." niyakap ko sya pabalik.

Nangilid ang mainit kong luha sa gilid ng aking mata. Suminghap ako. Tumingala upang wag mahulog ang bumibigat nang luha. Agad ko iyong pinunasan nang maglakad bigla si kuya Mark sa gawi namin. Nakaawang kasi ang pintuan. Maya maya. Bumalik syang hawak na ang batok.

"Ehem!.. excuse me.. Bamblebie.." Nginitian nya ako't tinanguan. Humiwalay ng yakap si Bamby sakin. Itinago rin ang pagpunas ng pisngi bago hinarap ang kanina pang naghihintay na kuya nya.

"What?.."

"You know.. ballpen and pencils.. hehehe.." humaba ang nguso hi Bamby.

Bumuntong hininga sya. "Fine. Susunod nalang ako doon.." sagot nya rito. May ipapaguhit yata. Magaling kasi si Bamby sa mga arts.

Di nagtagal. Sabay na rin kaming lumabas ng kanyang silid. Sinabi nyang duon na muna ako tumambay subalit nahihiya ako. Mas pinili kong sa guest room nalang muna.

Naghiwalay kami ng daan. Kanan ako. Sa kaliwa naman sya. Malalampasan ko na naman ang silid ni Lance.

"Damn! Bakit mo yun ginawa?.." dinig kong bahagyang tumaas ang timbre ng kanyang boses. Nakasiwang nang kaunti ang pintuan nya kaya naulinigan ko.

Di ko alam kung bakit mayroong nagsasabi sakin na pakinggan ang kanyang mga sinasabi sa kausap. May kutob akong hindi maganda.

"Mitch, wag ka nang magdeny.. sinabi sakin ni Aron.." oh!. Eto ba yung nangyari sa canteen?.

Lalo akong nabigyan ng interes na pakinggan sya. Sumandal ako ng kaunti sa may dingding at pikit matang nakikinig.

"Pinapalala mo ang lahat.. sinabi ko naman sayong ako ang gagawa ng paraan.." buntong hininga nya.

Ano raw?. Damn! Bigla kong naikuyom ang aking mga kamao. Ano itong nararamdaman ko?.

"Tsk.. damn!.. sabing wag kang makialam eh.. akong bahala sa kanya okay.. maghintay ka lang.." paniniguro pa nya. Unti unti na ring nabubuo sa isip ko ang lahat ng lumalabas sa kanyang bibig. Hell! Niloloko nya lang ba ako? Ginagamit nya lang ba ako?. Bakit?. Nalilito na ako?.

Sa bigat ng pakiramdam ko. Kuyom ang aking kamaong naglakad pabalik ng silid na tinutuluyan. Pabagsak na humiga. Tumingala sa kisame at hinayaang maglayag ang mga luhang kanina pa nagtatago.

Kung alam ko lang dati ito. Edi sana, di ako pumasok sa relasyong ito. Wala sa intensyon ko ang manira ng may relasyon. Nagmahal lang ako't nahulog sa bitag ng kagustuhang magustuhan rin ng taong gusto ko.

Mali ba ang desisyon ko?. Mali ba ang magmahal ng isang tao?. Mali bang mahulog sa taong gusto mo?.

Hindi ko masagot ang sariling katanungan dahil pinanlalabo ng sakit at inis ang aking isipan.

Hindi na sana ako naniwala pa sa mga kilos nyang pinapatay lagi ang puso ko kapag andyan sya. Hindi na sana ako naniwala sa pangako nyang, ako ang mahal nya. Hindi nalang sana sya nangako, kung di nya rin pala kayang panindigan!