Chereads / No More Promises / Chapter 121 - Chapter 10: Angel

Chapter 121 - Chapter 10: Angel

Kuya tried to talk to me but I just ignored him like he's not with me. Punong puno ng luha ang aking matang nakaupo sa sahig. Mismong inuupuan ko kanina matapos mahilo. I spread my legs wider than the unusual that I used to. Basta na lamang ipinatong sa nakatuping tuhod ang walang buhay kong mga braso. Yumuko ako't hinayaang sa sahig na dumiretso ang aking luha.

"Lance.." dinig kong tawag sakin ni kuya. Ewan ko ba bakit hindi ko kayang tumingin sa kanya. Sabihin na nyang bakla ako. Sabihin na nya ang lahat ng gusto nyang sabihin. Wala akong pakialam. At mas lalong, wala na akong pakialam sa sarili ko. AYOKO NA!

Ilang ulit pa sinambit ang pangalan ko subalit pakiramdam ko, wala akong narinig. Nagtuloy tuloy lamang ang paglandas ng mainit na luha mula saking mata pababa saking pisngi't panga.

Nalilito na ako!. Natatakot na ako! Wala pa man syang binabanggit na pangalan pero nadudurog na ang puso ko. Sino man sa mga taong may kaugnayan sa kanya ang nawala, hindi ko kayang malaman pa ang pangalan nya. Hindi ko kaya!! HINDI KO KAYA!!

"Lance, can you please calm down.." sita nya sa paghagulgol ko.

Wala e. Paano ako kakalma gayong may isa sa kanila ang nawala?. Paano ko kakalmahin ang sarili ko gayong ang bigat bigat ng dibdib ko?.

"Kuya, anong nangyari?.." Bamby just entered the room. Hindi ko nalaman kung kanina pa ba sya o matagal na. Basta nalaman ko nalang na andito sya nang magsalita sya't dungawin nya ang mukha ko sa ibaba. Isinampay nya ang kaliwang braso nya sa likod ko't lumuhod upang masilip ang mukha ko. "What happened?." she asked again. Sadly. Pinunasan ko ang pisngi saka kumurap upang matignan sya. Humaba ang kanyang nguso habang malungkot pa ring nakatingin sakin. I felt guilty! Paano kaya kung may ideya sya sa amin?. Tatawagin pa ba nya akong kuya o hinde na?. Sa naisip kong tanong palang na iyon ay nasasaktan na ako. Lalo lang akong naluha sa harapan nya.

"Oh.. kuya, anong nangyayari ba?.." frustrated nyang tanong kay kuya Mark. Kuya just stood in front of us. Watching me, closely.

"Wala.. sinumpong lang ng kabaklaan yan.." di ko alam paanong nagawa pa ni kuya ang maging kalmado. Masyado akong obvious at halatang may nangyari nga pero ang pagiging kalmado ni kuya ay naging daan sa pagkalito ni Bamby.

"Eh?. parang hinde e.. may nangyari ba?.." ulit na nya naman. Hindi naniniwala. Ayaw maniwala kay kuya.

"Wala nga.. tsk.. Lance.. tumayo ka na nga dyan at maligo na.. mamaya nalang tayo mag-uusap.." kuya said while grabbing the right arm of Bamblebie just to get of me. Sabay silang lumabas ng sildi pero si Bamblebie ay naiiwan pa ang paningin sakin. Pinilit kong nginitian nalang sya at tanguan. It's the better way para di na sya mamroblema pa. She's too young to get involved.

Anong too young?. Kahit bata yan, involved na talaga sya dahil bestfriend nya yung mahal mo. Ang mali lang, di nya alam. Sana lang. Wala pa syang alam. Dahil kung dumagdag pa sya?. Hindi ko na talaga alam ang gagawin.

Lumabas nga silang dalawa ni kuya. Kagat labi na rin akong nagtitimpi ng iyak upang wag lang nilang marinig. Bakas kasi sa mga mukha nila ang lungkot at awa para sakin kahit di naman nila ang dahilan ng lahat. Probably, kuya knows it already. Pero si Bamby, matalino sya. Malamang. Nagtataka na ito't pinapaulan ng tanong si kuya.

Nahilamos ko ang mukha bago nagpasyang tumayo upang lapitan ang cellphone kong patay na. Tinitigan ko iyon at duon na natulala.

Why I didn't asked who I lost?. So stupid of you Lance!!

A deep breath escaped me. Hindi pa man bumabalik sa dati ang tibok ng aking puso. Dinampot ko na ang cellphone. Wala sa sarili kong dinial ang numero ni Rozen.

"Hello.." malakas na sabi nya. Nagitla ako't parang nagising sa katotohanan.

Kinagat ko ang ibabang labi sa kawalan ng lakas para magtanong.

"Hello Lance.. ikaw ba yan?.." he said furiously.

"Uhmm.... yeah!.." gumaralgal ang himig ko. Lumunok ako pero pakiramdam ko. May nakabara pa rin sa lalamunan ko.

Namagitan ang katahimikan sa magkabilang linya.

"B-bro.." I called him. Napaalunok!

"Sorry b-bro.. nabigla yata kita.." paumanhin nya. Umiling naman ako kahit di nya nakikita.

"No.. uhm.." di ko mabigkas bigkas ang nasa isip ko. Para itong patalim na kusang hinihiwa nang pino ang aking dila dahilan para di ako makapagsalita. Bigla akong napipi ng wala sa oras.

"Bro listen.. I'm doing this not because I want to hurt you, but because I want you to know what had happened." nangalumbaba ako pero dumiretso ito sa pagtakip sa labi at ilong. Sa bibig ako humihinga. Bagsak ang mga balikat sa panlulumo. "My sister, didn't want to let you know about this.." anya. Huminto para huminga. "But I think you have and you should know what's going on in her. I don't know what happened between the two of you. Wala akong ideya dahil wala syang sinasabi.. basta nalang nyang sinabi sakin na wala na kayo.." natigilan ako. Anong nangyari sa kanya?. Paano nyang nasabi ang ganun?. Dahil sa galit?. Selos?. Why?. I need further explanations!! "Bro, she's not okay simula nung umalis kayo.. he got sick at nalaman nalang namin na she's pregnant.. I got angrier at you.. more angrier than you know but I can do nothing.. alam mo naman ang pamilya namin.. we became two simula nang dumating sya.. at alam mong ako nalang ang natitirang kakampi nya.. her daddy knows nothing about this even mama and papa, not until... she lost the baby.."

What the f*ck!!!

She lost the baby...

She lost the baby...

She lost the baby...

What the f*cking hell!! My baby! Our baby! Damn it! No way!

"Nadepress sya at di alam ang gagawin bro.. ayaw nyang tanggapin ang pagkawala ng inyong munting anghel.."

Napanguso ako't nakagat ang labi sa narinig. O damn!! What now Lance ha?. Uwi ka na! Let your own shoulders be her crying on. Help her dude! Damn it!!!

"Na-nasaan s-sya nga-ngayon?.." uutal utal kong tanong. Nadurog na nga ang puso ko ng pino dahil sa baby ko. Lalo pa itong naging pinung pino hanggang sa naging abo nang dahil sa mama nya. O god Joyce!! What can I do to ease your pain?. How baby?..

"She needs you bro.." ang akala ko. Naibaba na ni Rozen ang linya nya. Hindi pa pala! Naibalik ko ang cellphone sa tainga ko't muling nakinig sa kanya, kahit mahirap. Kahit masakit. Ayos lang! "She needs someone who can take good care of her.."

"Uuwi ako.." bigla ay sabi ko. Hindi pa ako nga sigurado kung papayagan nila ay heto ako't pinangunahan na. "Uuwi ako dyan bro.."

"Thanks bro.. if you're here.. pm me.."

"Why?.."

"Para may kasama ka.."

"Bakit?.."

"She's in Cagayan right now.. with papa.." natigilan ako sa naging sagot nya.

Bumuntong hininga lang ako saka umoo. Basta uuwi ako. Bahala na kung mapagalitan! She needs me.

Related Books

Popular novel hashtag