Chereads / No More Promises / Chapter 124 - Chapter 13: Bamblebie

Chapter 124 - Chapter 13: Bamblebie

"Kuya, patingin na kasi.." kanina pa ako kinukulit nitong si Bamby. Gusto nya raw malaman kung anong laman nung envelope na iniabot sakin ni papa kagabi. Ang tsismisa din nito minsan! Nakikiusyoso, in a good way naman. Tipong, sakin nya mismong sinasabi na gusto nya itong makita. Kaysa tanungin pa si papa. Di ko sya pinansin. Nginisihan ko lang sya sa tabi.

Nasulyapan ko sa gilid ng aking mata kung paano tumulis ang kanyang nguso. "Ganyan ka na talaga ngayon ha.." bigla ay sumbat nya. Di ko magawang tumingin ng diretso sa kanya sapagkat nagmamaneho ako patungong grocery store. May pinapabili si mama sa kanya at syempre. Kailangan kasama nya ako. Hindi sya pwedeng lumabas nang di ako kasama. Ewan ko ba. Sa higpit nila sa kanya. Sana lang. Hindi nila pagsisihan. "Naglilihim na." gusto kong humagalpak nang tawa sa mga pinagsasabi nya. Kinagat ko nang todo ang aking labi para lang pigilan ang ngiting gustong kumawala sakin. Tsk! Bat ang kulit nya?. Tsaka, bat sya curious sa bigay ni papa?. May ideya ba sya dito?. Sinabi ba ni papa?. I don't know. Maybe?.

"Huy! Ano ba!?.." galit na nyang tapik sa braso ko dahilan para medyo lumiko ang direksyon namin sa kalsada.

"Hey!.." suway ko. Mabuti wala pang nakasunod sa amin na sasakyan. Kung meron man. Nalintikan na!

"Nagsasalita ka pala e.. psh! Kainis!.." siring nya't nagdabog na umayos ng upo saka humalukipkip. Diretso na sa daan ang tingin nito. Nawala na sa akin. Problema nya? Hay! Mga babae nga naman! Sobrang kumplikado!

"Bakit ba kasi?.." I asked. Tinatago ang isang magandang ngiti. Ganyan kasi sya e. Nagdadabog o humahaba ang nguso kapag di nakuha ang gusto nya. Tsk!

"Nagtanong ka pa?. May gusto nga akong malaman, ayaw mo naman sagutin tapos magtatanong ka pa ng bakit?. Are you even sane?.."

Tuloy, di ko na napigilan pa ang humagalpak!

Di man nya kumpirmahin ang dahilan kung bakit gusto nyang malaman ang bigay sakin ni papa. Alam ko na. Iisa lang naman lagi ang dahilan nya. Si Jaden! Si Jaden na crush nya. Si Jaden daw na miss na nya. At si Jaden raw na gusto rin sya! Tsk! Tsk! Sinabi nang diploma muna ang atupagin eh! ano itong pinapahiwatig nya?.

"Crazy! Focus!." turo nya sa daan. Sinadya kong ilihis ang sasakyan namin para kausapin sya pero mukha yatang seryoso sya't hinawakan pa ang braso kong hawak ang manibela.

Dahan dahan kong iginilid ang sasakyan. Kung saan may isang tindahan ng prutas. Huminto ang makina ng sasakyan pero hindi pa rin umayos ang salubong na kilay ng kasama ko. "Why are damn curious 'bout Papa's gift hmm?.." ako naman ngayon ang may lakas nang loob na magtanong pabalik sa kanya.

Pabagsak itong sumandal bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "I'm asking coz I knew you won't lie.."

Wiw! Damn Lance. Natamaan ka ba dun!?. I already lied Bamblebie! Sorry for breaking your beliefs about me.

"Ngunit sa pagtatanong ko palang sa'yo.." anya. Sumeryoso ng todo ang mukha nya. "Halatang nagtatago ka na.."

"Eh?.." di makapaniwalang usal ko. Matagal syang tahimik bago nagdesisyong humarap sakin.

"Uuwi ka sa atin?.." she asked abruptly! Natigilan ako pero di ko iyon pinahalata sa kanya. So meaning, alam na nya. Alam nyang may ticket ako pauwi. Paano kaya nya nalaman?.

"Wag ka nang mag-isip.. kuya Mark already told me what papa gave you..it was a round trip plane ticket?.." di ko tuloy malaman ang sinabi nya. Kung tanong ba iyon o sinabi nya ang sama ng loob nya. Malungkot ang mga mata nya kahit nakangiti ito sa harapan ko. Halatang pinipilit nya lang maging masaya para sakin kahit ang totoo ay naiinggit na ito. Not in a bad way. maybe. Gustong gusto na rin kasi nitong umuwi. Ayaw lang talaga nina papa.

"Hmmm.. yes.. it's a plane ticket.." kumpirma ko. Ano pang saysay kung magdedeny ako diba?. May ideya na sya e. Katangahan nalang kung magsisinungaling pa ako! "Did kuya told you why I have to go to the Philippines?.." umiling lamang sya.

"Wala syang sinabi na dahilan. he just told me that you have to go there just to fix things that I didn't know.. would you mind if I ask what is it?.."

What the hell! Kuya naman!!

Umurong ang mga titik na handa nang lumabas kanina. Di ko alam bat ganun ang nangyari. Basta nalang akong napipi nang wala sa oras.

Natahimik sya. Di ko tuloy alam kung natutuwa ba sya o hinde. Lamang sakin ang hinde sapagkat makakauwi ako, sya ay hinde. Makikita ko ang mga kaibigan namin. Sya hinde.

"Fo-for sc-school.." garalgal pa ang boses ko. Iyon lang din ang pinasafe na idahilan ko. At di ko na rin kailangan pang alamin kung anong dahilan nya kung bakit gusto nyang umuwi. It's so obvious naman. At iisa lang iyon. Si Jaden. Puro Jaden! Tsk. Tsk. Sinabi nang diploma muna ang atupagin. Ano itong ipinapahiwatig nya?

Di pa rin sya nagsasalita. Yung katahimikan kanina. Dumoble pa. At sa pagkakataong ito. Nababahala na ako. Di kasi sya ganito. Sobrang tahimik kapag may gustong malaman. Mas lalo itong maingay sa ganitong sitwasyon. But this time. It's unusual! Nakakatakot ang pananahimik nya. Di ko mawari kung nag-iisip ba sya o nagpapanggap lang na walang masabi just to watch over things. Like me. God! Ngayon ko lang napagtanto na, may oras palang tahimik ito at hilig ang manood sa mga taong nasa paligid nya. Nawala iyon sa isip ko. At sa pagkakataong naiisip ko ngayon ito. Pinababaliw ako!

Posibleng may ideya na nga sya sa totoong dahilan ko! Damn it!!

Pinagpapawusan ako ng malamig. Kinutuban ng masama at di na alam ang gagawin.

Sa katahimikang namutawi. Nakagat ko lamang ang sariling labi upang pigilan ang magsalita't baka mapaamin ako bigla. Mahirap na! Mahirap pa naman kausapin ang mga taong galit o may matinding paninindigan sa sarili.

Pinaandar ko na lang ang sasakyan patungong grocery store. I talked to her tungkol sa bibilhin namin. She handed me the list at naghati kami para mas madali ang pamimili.

Pagkauwi. Hinintay ko si papa and talked to him about Bamblebie. Nanlumo ako sa narinig mula sa kanya. "Hindi pwede Lance.." yan ang tanging sabi nya nang itanong ko kung pwede ko bang isama si Bamby. Mahigpit nya itong sinabi at di na talaga mababago iyon.

"I talked to papa.." sabi ko matapos nyang papasukin sa kanyang silid.

"And?.." she said without looking straight at me. Sa malayo na ang tingin. Like she had an idea about what I'm thinking.

"Hindi daw pwede.." halos ibulong ko nalang ito sapagkat kanina ko pa pansin ang pagiging matamlay nya.

Habang nakayuko. Tumango tango sya sakin. Na para bang sinasabi nyang ayos lang. Kahit ang totoo ay hinde. Kahit ang totoo ay nasasaktan sya sa katotohanang hindi sya pinayagan. "I'm sorry.." naglakad ako papunta sa tabi nya at niyakap sya. "Don't get mad please.." kinurot ang puso ko sa sariling payo. Maging ako ay di ko maiwasang magtampo sa desisyon lagi nila papa.

Umungol lang sya sa pagitan ng yakap ko. Naghintay ako ng sasabihin nya subalit walang dumating. Kumalas ako ng yakap sa kanya at nalaman ko lang na umiiyak na pala sya. "I understand po.." she said sobbing. My heart melts again. Pinunasan ko ang luhang nag-uunahan na sa pagbaba. Nahabag ako. Nalulungkot dahil malungkot sya. Sana makagawa ako ng bagay na maaaring makapagpasaya sa kanya. Not today but definitely over tomorrow. Sana!