Chereads / No More Promises / Chapter 126 - Chapter 15: Hope

Chapter 126 - Chapter 15: Hope

Alas syete nang gabi ang flight ko. Maaga pa iyon kumpara sa iba ngunit kulang nalang liparin ko ang malayong dagat, matawid lamang iyon. Mapuntahan lang si Joyce na wala raw sa ayos na lagay. Expected ko na yun. Batay sa tinext ni Rozen. She got depressed daw. Hindi kumakain nang maayos. Hindi kumpleto ang tulog. Ang mahirap pa. Tulala at laging umiiyak. Nadudurog ang puso ko sa katotohanang, pinagdadaanan nya to ngayon. Gusto ko na syang yakapin nang mahigpit. Kausapin at tulungan. Kaya kailangan ko na talagang makauwi. Ngayon na! Nangako ako sa kanya noon na di sya iiwan kahit anong mangyari. Pero fuck life! Wala akong laban sa dati nang nakasulat na tadhana. Kailangan naming pagdaan dalawa ang ganitong sitwasyon. Gusto kong intindihin simula maliit hanggang malaki ang kung paanong dapat kami pa ang nasa lagay na ito ngunit kahit anong gawin ko. Di ko maintindihan. Wala akong maintindihan kahit isa. Sarado yata ang isip ko sa mga posibilidad na nasa likod ng mga tanong ko. Maraming tanong. Isa rito ang kung bakit pa nangyayari ang ganito?. Kung susumain ko. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang sundin lahat ng dapat, naaayon at karapat dapat sa mata ng tao at ng nasa itaas. Pero bakit ganito?. Hindi ba ako karapat dapat maging masaya kasama sya?. O baka, ako ang hindi dapat para sa kanya?. Damn! No way! Wag naman! Di ko kaya! She's my life and I'll do everything. Anything just to be have, us.

Iisipin ko nalang na pagsubok lang ito. Sinusubukan ako kung susuko ba ako o hinde.

Well. Sorry bruh.. I won't give up!. Lalaban ako kahit alam kong wala akong laban. Aasa ako kahit walang kasiguraduhan. Magtitiwala ako kahit nahihirapan. This is me!. Tough, when it comes to my special someone and of course my family!

Si papa lang ang naghatid sa akin sa airport. Gaya kasi nang nakikita ko noong isang araw pa about Bamby being a crying little baby pag hinatid ako paalis ay ganun ang nangyari kanina. She hugged me tightly na para bang di na nya muli akong makikita pa. Tsk. Kung di pa sya pinagalitan ni papa. Di pa sya hihinto sa kaiiyak.

"Bamblebie, can you please stop crying.." frustrated na pigil ni papa sa kanya. Yakap ko sya at umiiyak talaga sa balikat ko. "Isang linggo lang naman sya dun.. babalik din agad.." dagdag pa ni papa. Medyo kumalma sya't pinunasan ang luha sa mata. Tinulungan ko syang patuyuin ang luha sa kanyang pisngi bago kinausap.

"Don't cry na.. I'll be back as soon as possible.." kalmado kong sambit. Tinanguan nya lang ako. Hinagod ko ang buhok nya sa likod tapos inipit ang takas na buhok sa tainga nya bago nagsalita muli. "And, don't worry.. I'll check your Jaden when I get there.." piningot ko ang pisngi nya. Duon lumitaw ang pilit nyang ngiti. Gaya nya. Pilit rin ang ngiti ko para kumalma na sya. She's my little baby at hindi magbabago iyon kahit magkaroon pa sya ng anak o asawa.

Di nya rin ako hinatid pa palabas nang bahay. Hula ko'y, umiiyak pa rin iyon sa kanyang silid. Ang babaw nang luha nya e. Lalo na pagdating sa Jaden nya. Hay!

"Take care son.." Ani papa sakin. Yinakap ako. I hugged him back. Ngumiti ako sa kabila nang mga luha na nagbabadyang bumaba. Yumuko muna ako ng bahagya bago sya tinignan sa mata. Kumurap kurap ako para mawala ang mainit na luha sa gilid ng aking mata. "Thanks Pa." tinapik nya ang balikat ko ng ilang ulit. Iwas din ang mata nya sakin. Mukhang naiiyak rin. Bakla rin?. Kidding! Baka sapakin pa ako eh!

"Be good there okay?.." inakbayan ako. Tumango lang rin ako sakanya.

"Yes pa.."

"Wag hayaan ang sarili Lance.."

"Of course po.."

"At, wag ipilit ang sarili anak.. if ever she needs space, time to be alone or anything she wants away from you.. let her be.."

Natahimik ako. Pumutok ang bula ng kumpyansa kong baon ko paglabas ng bahay kanina. Kinutuban ako bigla nang masama. Bakit nya sinasabi ito ngayon?. Tinatakot ba nya ako?. Papa naman!

"Be generous to her.."

"Ayoko pa.." di ko alam bakit ko to nasabi bigla.

Sya naman ngayon ang natahimik. "You have to be mature enough to handle your emotions specially on situation like this anak.. wag padalos dalos.. hindi basta ang taong minahal mo.. marami syang napagdaanan at pinagdadaanan.."

Ako rin naman po. Di nyo lang alam. Di ko lang sinasabi. Gusto ko tong isumbat sa kanya pero wala nang oras. Kailangan ko nang umalis at magpaalam.

Lulan ako ng eroplano na punong puno ang isip ko. Napuno sa mga habilin ni papa na di matapos tapos.

Di ko kailanman inasahan na ganito sya kapag may mabigat na problema. Kalmado at talagang tagos sa puso ang mga bilin. Naiintindihan ko naman ang punto nya sapagkat marami na syang experience about life. At papunta palang ako. Pabalik na raw sya. Yan lagi ang moto nya sakin ngayon. That's why di rin ako nagsasawang makinig sa mga payo nyang mahirap balewalain.

Di ko man lang namalayan ang haba ng byahe dahil sa pag-iisip. Nakalapag na pala kami. Nagulat pa ako dahil sinundo ako nila Manang sa airport. Pagod akong dumiretso ng sasakyan at doon tinext si Rozen. "Bro, I'm home.. where exactly are you?.." yan ang eksaktong laman ng mensahe ko. Umaasa na naman sa agaran nitong reply.

Nakarating na kami nang bahay. Kumain na ako't nakapagpahinga pero wala pa rin syang text. Nakatulugan ko nalang ito hanggang umaga.