Chereads / No More Promises / Chapter 48 - Chapter 47: Weary

Chapter 48 - Chapter 47: Weary

"Oh my God!!." nabungaran kami ni mama sa may bungad na ng hagdanan. Pagpasok palang kasi ng bahay ay hagdan na agad ang makikita. Hawak ni Denise ang panga ko kahit puno ng luha iyon. Hindi ko na mapigilan pa ang umiyak. Gusto kong magalit sa kanya. Gusto ko rin syang saktan at ibalik lahat ng ginawa nya sakin pero, awa ang lalong nanaig sa akin. Naaawa ako sa kanya. Sa galit nya sa akin. Galit na wala naman sana. Kung kakausapin nya lang ako ng matino. Ipaliliwanag ang mga hinaing tungkol sakin. Siguro, kung kaya ko ay, ibibigay ko. Aayusin ko hanggat kaya ko. Hindi yung ganito na halos lahat na kami dito sa bahay ay namomroblema na sa kanya.

"Denise!. Oh my God!. No please!.." ani mama. Humakbang sa ikalawang baitang. Ngunit, imbes pakinggan sya nito. Hinigpitan nya lamang ang hawak na panga ko saka sinipa.

"Ano bang nangyayari sa'yo ha?. Kapatid mo sya Denise. Maawa ka kay Joyce.." pagmamakaawa pa ni mama subalit parang wala itong ibang marinig kundi ang galit nya lang. Galit na pwede nyang ikapahamak anumang oras.

Humagulgol na si mama sa may hagdanan. Di makakilos o makaakyat dahil nasa bungad ako ng hagdanan. At anumang oras. Pwede nya akong itulak pababa.

Sa takot ko, dasal lang ang aking makakapitan. Wala akong maisip na gawin. Naguguluhan ako't blangko ang lahat ng mga balak ko. Wala akong maintindihan sa mga iyon.

Kalaunan. Umalingawngaw ang tinig ni kuya Rozen. "Denise!.." dinig kong may mga bumagsak. Di ko iyon makita dahil sa sobrang labo ng aking paningin dala ng mga luhang ayaw paawat.

"What the hell!!." SI kuya Ryle naman ito.

"Don't come near us.." banta ni Denise matapos dumating nina kuya. "Or else, ihuhulog ko sya.." pinal na himig pa nya. Base sa pagkakasabi nya nun. Para bang pinal na at walang makakapagbago nun kahit sino pa.

"Jesus, Joyce!!." kasunod ng mga malalalim na hininga ng mga taong dumating kanina ay ang matinis na tinig naman ni mommy iyon. Bahagyang basag at gulat.

Kinain bigla ng katahimikan ang paligid. Tipong mga nag-iisip o hindi maintindihan ang mga nangyayari. Hiling ko na, duon sila sa una kong naisip. Sana, mabilis silang makagawa ng paraan para makawala na ako sa mga kamay nyang pinahihirapan akong huminga. "Mommy!.." namamaos ko ng tawag.

"Denise, pwede ba natin itong pag-usapan?.." malamig na tanong nitong si kuya Rozen. Gumalaw sya at binitawan ang panga. God!. Salamat naman!. Malapit na akong malagutan ng hininga pag pinagpatuloy nya iyon. Subalit, segundo lamang ang pahinga ko dahil hinila nya ng matindi ang buhok ko.

"Ryle!.." ani kuya sa kanya. Parang pag-uusap na iyon na ganun lang. Di ko maintindihan pero pakiramdam ko, may meaning ang pagtawag nyang iyon.

Maya maya. May nagtatakbuhan ng mga paa at bago pa ako makatakas sa kanya. Hinila pa nya muna ng malakas ang buhok ko bago binitawan ng tuluyan. Niyakap na sya ni kuya Ryle sa balikat. Nagpupumiglas ito. Habang si kuya Rozen naman ay binuhat ang mga paa nya't sabay nilang diniretso sa silid nito't pinasok na sa loob.

Humagulgol ako sa bisig ni mama ng takbuhin ako't yakapin. "I'm sorry anak!. I'm really sorry!.." humikhikbi sya habang hinahagod nya ang buhok ko.

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa yakap nya. Kahit pa si mommy na ang pumalit sa kanya ay ganun pa rin. Walang habas na rumagasa ang tubig na galing saking mata. Pinatayo nya ako pero wala akong lakas. Naubos at talagang naglaho nalang basta. Kinailangan pa nilang tawagin si kuya Ryle para lang buhatin ako papasok sa kwarto namin.

Lalo akong humagulgol ng tanungin ako. Puro iling ang tanging naisagot ko. Gusto kong sabihin ang lahat subalit wala akong lakas. Nanginginig ang dila't labi ko sa tuwing binubuka ko ang aking bibig. Natrauma kanina. Masakit ang anit ko. Lahat yata ng parte ng katawan ko. Masakit. Kumikirot. Itong mga pisngi ko'y namanhid. Hindi maramdaman ang lamig na patuloy paring umaagos galing saking mata.

"Oh God!. I'm sorry anak. Bukas, maghahanap na ako ng bahay. Liliipat na tayo.." iyon lamang ang nadinig ko sa lahat ng mga sinabi ni mommy. Kanina pa sya nagsasalita ngunit nabangag nga yata ako. Wala akong maintindihan kahit kanina pa sya nagbibigay ng mga plano nya.

Malungkot akong nilapitan ni kuya Ryle saka hinalikan sa noo. Lalo lamang akong naluha. What the hell!. Bakit ang bait nya tapos sya?.. Bakit?. Ano bang pinagkaiba nila?.

"Gagamutin kita. Stop crying na.." anya sa mahinahon na boses. Sa kabila ng kasweetan nya, di ko pa rin kayang pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Masyado yata akong natakot. Di na ako magtataka bukas o sa makalawa. Ayaw ko na syang kaharap. May trauma na ako!

Umatras si mommy sa higaan ko saka pinaupo si kuya sa harapan ko. Humihikbi pa rin ako kahit dinadampian na nya ng bulak na may betadine ang galos ko sa pisngi at mga braso. Kalmot iyon. Mahahaba kuko nya eh.

"Sabi ko na.nga bang hindi magandang ideya ang iwan ka ng mag-isa dito eh.. tsk..".iling nya bigla. Dismayado na para bang kausap ang sarili.

Marami syang nilagyan ng gamot. Lumabas si mommy kanina at ngayon, may dala na syang isang baso ng gatas na umuusok pa. "Baby, drink this.." inilapag nya sa tabi ko iyon. Hindi ko iyon inabot. Paano ko ba iyon iinumin?. May nakabara pa rin sa lalamunan ko. Maski nga lumunok, hirap ako!.

Inilingan ko si mommy. "No baby. You need to drink this please.." pilit nya. Kinuha nya iyon saka itinapat sakin. Tapos na si kuya at palabas na ng magsalita sya, "Drink that please.." kahit nanlalabo pa rin ang paningin ko. Tiningala ko pa rin sya. Malungkot nya akong nginitian. "Don't worry.. babantayan na kita.." pangako nya bigla. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, kailangan ko syang sundin.

Dahan dahan akong tumango. Doon na naman sya ngumiti ngunit malungkot pa rin ang mga mata. Matapos nun. Umalis na talaga sya.

Kinuha ko ang nasa kamay ni mommy saka nilagok kahit mahirap. Kahit pakiramdam ko may nakaharang, pinilit ko pa ring ubusin iyon. "I love you.." Ani mommy saka ako hinalikan sa noo. Pinahiga nya ako sa kama at kinumutan. Tinitigan ko sya. Di ko alam na tinitigan nya rin pala ako. "Don't worry baby. Di ka na iiwan ni mommy.." hinaplos nya ang bumbunan ko saka hinalikan muli sa noo.