Pinanuod ni Eya kung paano hinilamos ng papa niya ang kamay nito sa mukha. Bakit ba kasi nagagalit ito, gusto lang naman niyang gumala kasama ang mga kaibigan sa kabilang bayan. Kanina pa siya naka upo sa office ng ama para mag paalam ngunit hanggang ngayon ayaw pa din siya nitong payagan.
...sana'y hindi nalang ako nagmagandang loob na magpaalam at tumakas na lang... isip isip niya.
"Hija, gabi na at kung mapano ka pa sa daan pwede ipagpabukas mo na lang iyan" bugnot na bugnot siya.
"Papa nangako na ako kay Sheila na sasama ako at ayaw ninyo naman siguro na mapahiya ako sa mga kaibigan ko. Isa pa eighteen na ako kaya ko na ang sarili ko" medyo tumaas ang boses niya. Talagang na uubos na ang pasensya niya sa ama. Alin ba sa GUSTO niyang gumala ang hindi nito maintindihan.
"Exactly my point. Eighteen ka na pero para ka pa ding bata. A spoiled brat parang gusto kong magsisi kung bakit ba kita pinalaki na binibigay agad ang lahat ng hingin mo" may bahid ng pagsuko ang boses nito.
Lumiwanag ang mukha ni Eya, alam na alam niyang konting lambing na lang ang kulang sa ama ay papayag na ito. Nag iisa siyang anak at lumaking nasusunod lahat ng layaw. Siya ang prinsesa ng mga Versoza sa bayan ng Buenavista.
Kilala ang kanilang pamilya dahil sa malaking taniman nila ng kape at niyog dagdag pa doon ay ang malalawak nilang lupain. Bagaman ilang beses na hinimok ng mga tao na tumakbo ang ama niya sa pagka alkalde ngunit umaayaw ito. Marami ang gumagalang sa kanila dahil mabait at magbigay ang Ginoong Versoza at ang maybahay nito sa lahat ng mga kaibigan at nagtratrabaho sa kanila. Marami ang tumatanaw ng utang na loob sa nasabing pamilya.
"Papa naman" sinandya ni Eya na palambingin ang boses at menasahe ang likod ng kanyang papa. "Payagan nyo na ho ako. Pangako mag-iingat ako at uuwi ng maaga"
Huminga ng malalim ang matanda at inabot at kamay ng anak sa balikat niya. "Sige pero sa isang kondisyon"
Kumunot ang noo niya. "Anong kondisyon?"
"Bukas ng umaga ay sasama ka sa akin na pumunta sa anihan ng kape, matagal-tagal ka na ding hindi naka punta doon hija"
Ayaw man niyang pumayag dahil mabobored lang siya doon ay wala siyang magawa total naman ay magsasaya siya ngayon ay pagbibigyan na niya ito sa gusto.
"Oho, sasama ako bukas sa inyo"
"Kung gayon ay gumayak kana sa lakad mo. Siguraduhin mo lang Eya Isabelle na makakauwi ka ng maaga"
Hindi na siya nag aksaya pa ng oras at hinagkan sa pisngi ang kanyang ama at umalis, late na din kasi siya sa oras na pinagkasunduan nilang magkakaibigan.
Pagkababa niya ng hagdan ay nakasalubong niya ang mama. Napailing nalang ang ginang dahil natitiyak nitong hindi na naman naka-hindi ang asawa sa spoiled na anak.
"Mama, alis na po ako"
Tanghali na ng magising si Eya dahil sa sunod sunod na katok. Inis na inis niyang tinungo ang pinto at magkasalungat ang mga kilay na binuksan ito. Bumungad sa harapan ang kanyang ama and she groaned. Naalala nga pala niya na may kasunduan sila kagabi.
"Magbihis kana at aalis na tayo" hindi na nito hinintay ang sagot niya at umalis. Medyo napa gabi na kasi siya ng uwi kagabi. Nagkatuwaan silang mgakakaibigan kagabi at nalimutan ang oras. Mabuti nga at hindi siya pinagalitan kagabi pero may guilt siya kasi nangako siya sa kanyang papa na uuwi ng maaga. Mukhang kailangan niyang pagbigay ito sa gusto para makabawi.
Antok na antok pa si Eya ngunit nagbihis siya. Napili niyang suotin ang isang white slim fit croptop na binigyang emphasize ang mga dibdib at highwaist shorts. Kahit naman siguro sa kapehan magpunta ay kailangang trend pa din ang suot niya. Mahirap na at baka makita siya ng mga kaibigan na naka damit pansaka, ew. Hindi niya maatim ang kahihiyang iyon. Pagbaba niya ay nakabihis na din ang ina. Naka suot ito ng simpleng t shirt at maong may nakasablay pang maliit na tuwalya sa kaliwang balikat nito. Napangiwi siya.
"Ano iyang suot mo Eya, magbihis ka uli" sita ng ina.
"Mama, trending itong suot ko" reklamo niya. Bukod kasi sa mapapahiya siya pag nag bihis pansaka ay nangangati din ang balat niya.
"Hay, bahala ka basta sinabihan na kita magbihis ng mahaba dahil mainit roon"
"Nagdala ako ng sunblock mahal kong ina" at humalik pa siya sa hangin pagkatapos nitong ipakita ang bote ng sunblock sa ina.
"Ewan ko talaga sa iyong bata ka. O sya dalhin mo itong tupperware at lumabas na, kanina pa naghihintay papa mo sa sasakyan" hindi na siya nagreklamo at maarteng hinawakan ang gilid ng tupperware. Ayaw na niya magreklamo baka kasi ay magsimula na namang magratatat ang ina, para pa naman itong radyo kung dumaldal ay hindi natatapos.
Pagtalikod ng ina ay palihim niyang seninyasan ang isang katulong na kuhanin ang tupperware sa kamay niya. Maarteng naglakad ang dalaga palabas.
Nang maihanda na ang lahat ay nagtungo ang pamilya sa pagmamay-aring kapehan.
"Don Simon mabuti at nandito na ho kayo" bati ng katiwala ng ama sa kapehan. May iilan ding nakangiting bumati sa kanila lalo na sa kanya, may mga binatilyo din kasing nagtratrabaho dito but she just rolled her eyes. Wala pa siyang naging kasintahan ewan ba niya at wala siyang mapansin sa dami ng kaniyang manliligaw.
Nagtuloy sila sa isang kubo, komportable naman. Masarap ang simoy ng hangin at abala ang lahat sa pang-aani. Naiinip na siya pagkat wala siyang ginagawa. Ang ama ay sumasama sa pang-aani. Ang ina naman niya ay tumutulong maghanda ng tanghalian.
Kinuha niya ang cellphone at naglakad palabas ng kubo nagtuloy tuloy siya sa kapehan ng mapansin ang isang matanda na nahihirapang dalhin ang basket. May laman itong mga baonan. Sa malamang ay pagkain ito.
Naawa siya. Kahit naman anak mayaman siya at spoiled ay tinuruan din naman siya ng mga magulang na tumulong. Huminga siya ng malalim at tinungo ang matanda.
"Lola tulungan ko na po kayo" alok niya. Mabait na ngumiti ang matanda.
"Huwag na po Señorita at baka kayo ay mainitan pa"
"Huwag po kayong mag-alala nag sunblock ako bago nagtungo dito" Tinulungan niyang dalhin ang basket ng matanda.
"Bakit po ba kasi kayo nagdala ng mabigat na basket eh, matanda na kayo" dagdag niya.
Imbes na magalit ang matanda ay tumawa ito, natuwa ito na pinakitang ugali ng dalaga. Prangka ito na may bahid na kabaitan. "Nakakatuwa naman po kayo. Oo matanda na ako ngunit masaya akong pinagdadalhan ng pagkain ang apo ko"
"Dapat ho ay apo ninyo ang pinagdala ninyo dito" ng maabot nila ang kubo ay naupo ang matanda sa pagod.
"Kasama ho siya sa nag-aani dito senyora. Maagang gumayak ang batang yaon at nalimutan ang pagkain niya"
Tumango siya.
"Lola" napatulala si Eya ng makita ang lalaki na nagmano sa matandang tinulungan niya.
Sobrang gwapo nito. Hindi niya akalaing magkakatipo siya sa may kayumangging balat kadalasan kasi sa mga manliligaw niya ay puti dahil galing din sa mayayamang pamilya. Hinagod niya ito ng tingin. Nais niyang magpakalunod sa taglay nitong magandang kaanyoan.
Mas lalo siyang humanga ng magtama ang mga mata nila ng may ngiting sumilay sa mga labi ng lalaki.