Tess pov
"ate Felicia, kapag nanganak na tayo sabay natin silang ipasok sa magic academy ha?" nandito kami ni ate Felicia sa park kung saan una kaming nagkakilala, naisip ko bigla ang magic academy. Ano kaya ang pakiramdam kapag sabay na namin naipasok ang aming mga anak ni ate.
Si ate Felicia ay isang matalik kong kaibigan mula pagkabata, matanda siya sa akin ng dalawang taon. Sabay kaming manganganak sa susunod na buwan, parehas din kaming nawalan ng asawa dahil sa isang gulong ikinasangkot nila pareho.
"oo naman Tess, yun ang pangako natin sa isa't isa diba noon pa man? Ngayon matutupad na. Sapat naman ang naipon nating dalawa para sa mga anak natin pagpasok dito." habang sinusuklay ni ate ang buhok ko biglang kumirot ang tiyan ko, ganun din ang naramdaman niya. Napatingin kami sa isa't isa at natawa na lamang.
"magkaibigan talaga tayo, panigurado ang mga anak din natin ay magiging magkaibigan." napangiti na lamang ako habang iniisip ang magandang kinabukasan para sa aming mga anak.
"ate buksan mo pinto, tulong ate!" lumipas ang ilang taon nasa edad na siyam na taong gulang na ang anak namin ni ate Felicia, maayos ang pagpapanganak namin ni ate sa dalawang bata. Wala itong kahit ano man na sakit pero bakit sa loob ng maraming taon palagi silang inaatake ng sakit sa katawan.
Alas otso ng gabi kumakatok ako sa bahay ni ate para humingi ng tulong dahil sa anak kong si Alice na sinusumpong na naman ng sakit sa ulo.
Narinig ko ang mga yapak ni ate mula dito sa labas. Mabilis ako makaramdam sa paligid ko, mayroon akong mahika na mabilis makaramdam sa paligid kahit malayo pa lamang ito, malalaman ko agad kung may paparating na panganib kahit gaano ito kalayo at sa mga mata ng aking nakakausap at nakikita nararamdaman ko na kung ano ba ang kanilang gustong gawin o pakay. Kaya kong gawing yelo ang isang bagay o ang tao, ito ang mahika ko.
"Gabi na tess, ano ba kailangan mo sa oras na dapat ay matutulog ang mga tao." ang aga pa para matulog, pumasok ako sa bahay ni ate dala dala si Alice. Nahalata agad ni ate na mayroon itong sakit. Agad niyang pinahiga si Alice at binigyan ng mainit na tubig at may nilabas na mga halamang gamot.
Pagkatapos niya itong gamutin bigla itong lumapit sa akin at tumabi.
"bukas ng gabi magkita tayo dito sa bahay dalhin mo si Alice at dadalhin ko din si Rose. Para saan? Tanong ko sa sarili ko, dahil nagulat ako sa sinabi ni ate Felicia
"para saan ate?" aga kong tanong sa kanya
"kagabi inatake din ng lagnat si Rose, pagkatapos atakihin si Rose si Alice naman. Pagkatapos ni Alice si Rose naman." tila ba napaisip si ate Felicia sa mga nangyayari at pati ako napaisip dahil bakit ganun na lang ang nangyayari sa aming dalawang anak.
Napagpasyahan kong matulog na lang kaming dalawa ni Alice sa bahay ni ate Felicia dahil gabi na rin naman at may gamot na halaman si ate kung sakaling atakihin nanaman si Alice.
Ngunit hindi ito ang inaasahan ko, gumaling si Alice at sumunod naman na nagkasakit ay si Rose.
Bakit ganito ang nangyayari sa dalawa? Mula ng sila ay isinilang wala ng magandang pangyayari ang nangyari sa kanilang dalawa.
Kumain muna kami ng umagahan bago pumunta sa sinasabi ni ate na dadayuhin namin para itanong kung ano ba ang totoong kalagayan ng dalawang bata.
Matanda ang pupuntahan namin. Ang isa sa mga may alam tungkol sa magic charm na ibinigay sa dalawa naming anak.
Pero bakit dito kami pupunta?
"ano ba?! Sabing akin tong manika e!" nagaaway nanaman si Rose at alice.
"Alice bigay mo na lang kay Rose ang manika mo, bibili na lang tayo ng bago." palagi na lang inaagaw ni Rose ang mga gamit ni Alice, gusto niya lahat napupunta sa kanya. Wala naman akong magawa kundi hayaan at sabihan si Alice na bilhan na lang siya ng bago.
Ayokong lumaking maramot si Alice, sinabi ko noon sa sarili ko na kailangan lumaking maayos si Alice. Yun naman ang kabaliktaran ni Rose.
Si Rose ay isang malditang bata, hindi ko alam kung saan niya ito nakuha dahil hindi naman ganito ang nanay neto. Siguro namana sa tatay neto.
"pero ma, kakabili mo lang neto e" angal ni Alice
"sige na Alice pagbigyan mo na si Rose." walang nagawa si Alice kundi ibigay na lang kay Rose, agad na tumakbo palabas si Rose dala dala ang manika habang naka dila kay Alice. Napatingin na lang ako kay Alice na ngayon ay malungkot, huminga na lang din ako ng malamin.
Lumapit si ate Felicia sa akin, at agad humingi ng pasensya sa inasal ng kanyang anak.
Palagi kong sinasabi kay ate na wala lang yun, mga bata pa lang naman sila magbabago pa ang lahat pagdating nila sa tamang edad. Magiging maayos din pakikitungo nila sa isa't isa.
Nasa byahe kami ngayong apat papunta sa matanda na sinasabi ni ate Felicia, may kakaiba akong nararamdaman. Niyakap ko si Alice dahil ito'y nilalamig mabuti nalang kahit manipis na jacket ay may extra si Rose. Ayaw pa nga neto ipahiram dahil raw baka marumihan.
Si ate Felicia may mahikang magbuhat ng mabibigat, kahit anong bagay kaya netong buhatin. Kahit isang building ngunit hindi naman niya ginagawa ito dahil ito ay lugar ng mga tao.
Kaya nga napagpasyahan naming maglaan ng pera para ipasok ang mga anak namin sa magic academy.
Ang mga bata ay siyam na taon lamang, kaya wala pa itong mahika hindi pa namin alam kung anong mahika na ang meron sila. Lalabas ito kapag sila ay sampung taong gulang na.
"nandito na tayo." ginising kami ni ate Felicia, kakarating lamang namin sa lugar na sinasabi ni ate. Tinignan ko ang oras.
Inabot kami ng isang oras sa biyahe, grabe naman pala ang layo nito.
"Ma saang lugar to?" yumuko ako sa kagigising lang din na si Alice. Nginitian ko siya.
"Nandito tayo sa lugar na makakatulong sa inyong dalawa ni Rose." ngumiti ako kay Alice at kay Rose na kagigising lang rin, pero sinimangutan lang ako neto.
"kayo ba si Tess at Felicia?" agad tanong ng matanda habang kami ay mainam na tinititigan
"opo nanay." nanay? Mukang matagal na kilala ni ate itong matanda.
"ganun ba? Bakit kayo naparito?" parang alam na ng matanda kung bakit kami narito, pero nagtanong pa rin siya upang makasigurado kung tama ba ang kanyang iniisip.
"hindi po ba na alam nyo tong magic charm na nabigay sa amin para sa anak naming dalawa ni tess?" alam nya? May nakakaalam pa pala tungkol dito na ngayon ay buhay pa. Halos lahat kasi na may kinalaman sa magic charm ay pumanaw na maliban lamang saming dalawa ni Felicia.
Ang magic charm na ito ay binigay sa aming dalawa dahil ang dalawang anak raw namin ang may kapangyarihang kakaiba pagkatapak sa magic academy. Sa amin ito pinamana bago pumanaw ang dati netong mayari. Ang magic charm na ito ay para sa dalawang anak lamamg namin at dapat namin itong ingatan.
Subalit sa nakikita ko sa mga mata ng matanda, ito ay parang isang malaking problemang hindi namin basta basta matatapos.
Huminga ang matanda bago magsalita.
"ang magic charm na ito ay hindi basta basta lang ipinagkaloob sa inyo, ito ay may kondisyon dapat niyong malagpasan."
Napatingin ako sa matanda na tila ba nagtataka.
"anong ibig nyong sabihin nanay?" sabay naming tanong sa matanda na tila ba labis na naguguluhan.