Chereads / The Bond of Magic / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

Narito ako ngayon sa lugar kung saan namin pinapractice ni mama ang aking mahika.

Napagpasyahan kong gawin ang huling naituro sa akin ni mama bago gawin ang aking planong pagpasok sa magic academy.

Nag concentrate ako para mailabas ito ng maayos at huminga ng malalim. Pumikit at dumilat ako upang gawin na ito.

Lumakas ang hangin at lumipad ang mga bagay na nasa paligid ko. May lumabas na tubig sa aking kamay, at ito ay itinutok ko sa ilog. Tumayo ang tubig sa ilog na para bang sumasayaw habang ang aking mga kamay ay aking pinapagalaw.

Napangiti ako sa aking nakikita dahil hindi katulad dati, mas gamay ko na at kontrolado ang aking mahika pagdating sa tubig.

Gumawa ako ng pabilog na tubig sa aking kamay, gumawa rin ako ng hugis ibon gamit ang aking mahika na tubig lamang ang narito. Bakas sa aking mukha ang kasiyahan pagkatapos ko itong gawin.

Sa paglilibot ko sa lugar na ito may nakita akong lugar na nasusunog. Ginamit ko ang aking mahika upang patigilin ang paglakas lalo ng apoy.  Sa pamamagitan ng aking mahika, tumigil ito at naayos ang mga bagay na nasira dahil sa apoy. Bukod sa mahika kong tubig, kaya kong ayusin ang mga bagay na nasira dahil sa apoy.

Nasa bundok ako ngayon, malayo sa bayan at dito sinabi ni mama na maaari kong makita ang daan papuntang magic academy.

Mag aalas sais na ng gabi nung napagpasyahan kong bumalik na sa bahay. Marami akong napagtanto ngayon sa pagkawala ni mama. Mga bagay na dapat kong huwag kalimutan dahil ito lang ang magiging lakas at kakampi ko. Life is not fair kaya kailangan nating maging matatag.

Sa pagkawala ni mama hindi ko alam kung ilang beses na ba akong umiyak at sinisi ang sarili ko sa nangyari. Masyado akong naging mahina para kay mama, kaya siya na halos ang gumagawa lahat ng gawaing dapat na ginagawa ko bilang anak. Pero dahil sa palagi akong nagkakasakit, inaako niya na lahat para sa akin.

Walang magandang bagay dito sa mundo pagdating sa pagpapaalam. Magkukunwari tayong parang wala lang ang nagyari pero pagkatapos ng araw, mayroon pa ring parte sa puso mong kahit kailan ay hinding hindi na mabubuo.

At the end of the day, we will feel sad. It's normal. I feel empty every night. It will fade. More or less, we can still learn more about ourselves even in the darkest hours. We all want to end the pain. But that's how life works. Kahit anong ibato sa atin e kailangan maging matatag tayo.

Inayos ko ang mga gamit ko para sa pagpasok sa magic academy, ngayon pa lang magaayos na ako para hanapin ang daan papuntang magic academy. Dahil kung hindi ngayon kailan pa? Bago umalis si mama ito ang bilin niya sa akin, wala akong iintindihin iba kundi ang pagpasok ko lang sa academy.

Lumabas muna ako at nagikot ikot sa bayan para magpahangin, tititigan ang mga lugar kung saan kami nagpupunta ni mama para makapaglibang. Huminga na lang ako habang iniisip ang ala ala ni mama na masasaya.

Sa paglalakad ko, may lumapit na matanda sa akin.

"alice?" napalingon ako sa matandang tumawag sa pangalan ko.

"i..kaw ulit?" pamilyar sa akin ang matanda. Inalala ko kung saan ko ba ito nakita..

Nanlaki ang mata ko ng naalala ko na, ito yung matandang kinukwento ni mama sa akin tungkol sa magic charm kung saan nila nalaman ang tungkol dito. Ito rin yung matandang binigyan ko ng isda kapalit ang mapa papuntang magic academy.

Sa pagbalik ko ng aking tingin sa matanda ito ay napangiti tila ba alam na ang nasa isip ko.

"malaki ka na Alice, parang kailan lang." sabi ng matanda sa akin na para bang nasubaybayan niya ang paglaki ko.

"wala na po si mama." sa pagkakasabi ko noon para bang hindi na siya nagulat.

"ang mapa na ibinigay ko, yun ang magiging gabay mo sa pagpasok sa academy. Kung saan kayo nageensayo ng iyong ina doon ka magsimula maglakad gamit ang mapa na ibinigay ko." seryoso siyang nakatingin sa akin.

"bakit hindi niyo na lang po ituro ang mismong daan kasama kayo?" alam kong masyado akong maraming hinihingi pero gusto ko na talaga makapasok agad.

"Alice, isa kang batang napakagaling sa mga bagay. Ang isang to ay simple lang sa isang tulad mo. Sabihin na natin isa ito sa unang misyon na gagawin mo." nakangiti pa rin ang matanda habang seryosong nakatitig sa akin.

"wala na po akong oras." tila ba para akong batang gustong makakuha ng candy sa pagpupumilit ko.

"tatandaan mo na ang kwintas mo ang pinunta mo wala ng ibang bagay, makisama ka kay Rose para agad mo itong makuha. Kailangan mo ng malaking pagtitimpi pagdating sa kanya. Magiingat ka Alice." magsasalita pa sana ako ngunit ito'y naglahong parang bula.

Huminga na lang ako ng malalim sa paglaho netong parang bula. Kinuha ko ang mapa sa aking bulsa at napagpasyahan na bumalik sa bahay para kuhain ang mga gamit kong dadahilhin sa academy.

Kinaumagahan naglalakad ako ngayon dito sa bundok papuntang magic academy, nakalagpas na ako sa lugar kung saan kami nag eensayo ni mama. Nagpahinga muna ako saglit at uminom dahil hinihingal na ko kanina pa.

Sa paglalakad ko ng tuloy tuloy pagka angat ko ng aking ulo, nakita ko na ang bagay kung bakit narito ako ngayon. "Magic Academy"

Napakalaki neto, parang isang palasyong punong puno ng ibat ibanv kulay at disenyo. Napangiti ako, dahil pakiramdam ko ito ang tahanan ko na matagal ko ng hindi binabalikan. May pinuntahan ako bago pumasok, ang isang naka assign para sa mga papasok dito na may mahika.

May naka assign na kwarto sa akin, pupuntahan ko nalang ito para ilagay ang mga gamit ko bago maglibot libot sa academy.

"bago ka?" nagulat ako sa isang lalaking biglang lumitaw sa harapan ko. Para siyang isang bata na matagal na hindi nakakalabas sa bahay, pero mukang kaedad ko lang siya.

"oo. Sino ka?" tanong ko sa kanya para malaman kung ano ang pangalan neto.

"ako si edrian. Ikaw, anong pangalan mo?" nakangiti netong tanong sa akin. Weird.

"I'm Alice. Wait, i have to go ilalagay ko pa tong mga gamit ko sa kwarto." maglalakad na sana ako ng bigla niyang kuhanin ang mga dala ko at nauna ng maglakad.

"okay? Thank you." sinundan ko na ito at naglakad na rin.

Napagpasyahan kong magpalibot dito sa academy kay edrian dahil free day ko pa lang naman. Saan kaya si Rose?

"anong magic mo?" nagulat ako sa biglang nagsalitang katabi ko.

"ahh tubig." nagaalangan akong sumagot dahil baka maging isa pa to sa magiging dahilan ng pagkapalpak ng plano ko.

"tubig? Kaya mong gumawa ng tubig?" bahagya akong natawa sa reaksyon ni Edrian.

Bigla kong pinakita sa kanya ang kamay kong may tubig, hugis pabilog. Nanlaki ang mata niya sa nakita at napasigaw na para bang excited dahilan upang takpan ko ang kanyang bunganga dahil baka may makarinig.

"pwede ba ang oa mo." natatawa kong sabi dito

"ngayon lang ako nakakita na may magic na ganyan, pwedeng ipanglaban sa kanya." nagtaka ako kung sino yung sinasabi niya.

"sino?"

"basta babae." nainis na lang ako dahil sa sagot neto sa akin. Tumakbo siya kaya tumakbo na rin ako para mahabol ang mga yapak niya.

Ramdam ko ang mga titig ng mga tao sa paligid habang hinahabol ko si Edrian. Bakit? Dahil siguro sakin dahil bagong salta sa magic academy.