Nanatili akong nakatitig sa bracelet ko. Simple lamang ang bracelet at hindi mo maiisip na may hiwagang kaakibat ito.
"Ano pa kayang magagawa ng bracelet na ito?"
Huminga ako nang malalim at sumulyap sa orasan. Puwede na siguro akong matulog para maging mahaba ang oras ko. Susubukan kong malaman ang lahat ng kakayahan ng bracelet na ito.
Nakita kong umilaw ang cellphone ko kaya't tiningnan ko muna ito at nakita kong may message galing kay Hailie.
Hailie:
Bakit ka nawala agad? Saan ka naman pumunta? Are you making excuses?
Nagtipa agad ako ng reply.
Ako:
May pinuntahan lang talaga ako. Sige na at matutulog na ako.
Pinatay ko na ang cellphone at muling humiga sa kama. Nanatili akong nakatingin sa kisame bago ko ipinikit ang aking mata.
Ginawa ko ulit ang paraan upang maisagawa ang astral projection at ilang minuto lamang ay nagbabalik na ako sa astral realm.
Patakbo kong pinuntahan ang lugar na kung saan ko nakita si Josiah. Napangiti ako nang makita ko siyang tahimik na nakasandal sa puno.
"Ano 'yan?" tanong ko.
Nakita kong may hawak siyang sketchpad at may ginuguhit siya.
"I'm doing a portrait," sagot niya.
"Can you do me a portrait?" I asked.
Tinaasan niya ako ng kilay. "I don't do it for free."
"I'll pay you then."
Tumango naman siya at nakita kong nililigpit niya ang sketchpad. "What are your plans for today?"
"Kanina ka pa dito Josiah?"
"Kararating ko lang din. Anong plano mo ngayon?"
Napaisip naman ako. Ano bang magandang gawin ngayon?
"Is it possible for us to travel to another place?"
Nilapag niya sa ilalim ng puno ang sketchpad, pinagpagan ang suot at tumayo na.
"Yes, where do you want to go?"
"Can we go to Disneyland?"
I saw him rolled his eyes. "Parang bata."
"Okay, huwag na lang tayo doon..." may bahid ng lungkot ang boses ko kaya napatingin na lamang ako sa paligid at dinama ang hangin na marahang dumadampi sa aking balat.
"Okay fine, we'll go there."
I looked at him with a smile plastered on my face. In a blink, we're already here on the happiest place on Earth!
Sumunod ako sa kaniya at nakita kong papunta siya sa isang attraction na kung saan puwede kang magpakuha ng litrato. Umupo lamang siya sa bench kaya tinabihan ko siya.
"Why don't you go to rides? It's your chance. I'll just wait for you here..."
"Hindi ako mag-eenjoy kung wala akong kasama so I'd rather stay here and appreciate this place."
"If you say so," he said.
Nanatili kaming tahimik at pinagmasdan ko ang lugar na punong-puno ng mga rides.
"Can I ask you some questions?"
He remained silent so I looked at him.
"C-can I?"
"Okay..."
I took a deep breath. "What's your full name?"
"Why do you want to know?"
"So I can add you on Facebook? So we can be friends in real world?"
He chuckled. "No Blair. Josiah is enough."
I sighed. "Fine, how about your age?"
I looked at him and I saw him glared. I took a deep breath again. "How about your birthday?"
"October 16."
"Year?"
He remained silent again. It means he doesn't want to answer the question.
"You're so mysterious Josiah."
Nilingon niya ako at nagsalubong ang tingin namin. "I don't trust easily. That's all I can give Blair."
"Okay, hindi na ako mamimilit."
"Why did you tried astral projection?"
I was surprised with his question. Nilingon ko siya ngunit nanatili lamang ang tingin niya sa dancing fountain.
"I am heartbroken..."
I heard him laugh so I glared to him. "Sorry, please continue."
"Matthew broke up with me because he said he still love his ex. He is my first love. For me, he's my everything. I gave everything to him but it's not enough. I want to move on. I want to divert my attention. I want to keep myself busy so when my friend told me about this, I didn't think twice."
"Are you successful then?"
"Hindi pa sa ngayon pero tingin ko malaki ang tulong ng astral projection sa moving on process ko."
Tumango naman siya. "Ikaw ba? May girlfriend ka ba?"
Narinig ko na naman ulit ang halakhak niya. His laugh echoed in the whole place and it was the most enchanting seconds of my life.
"I don't believe in love," he simply said. "Love is only for fools. Look at you, you became a fool for loving someone."
"But it's the most wonderful feeling in the world," I said.
He shook his head. "I'm fine with my art materials. No thanks."
Tumayo ako at tiningnan siya. "Halika maglakad muna tayo."
Akala ko hindi siya susunod ngunit tumayo rin siya at tumabi sa akin. Sa isang iglap ay nagbago ang paligid at napunta kami sa isang talampas.
"What are we doing here?"
"I don't know. I just wished that I want to go to a place where I can be at peace."
Naglakad ako papunta sa dulo ng talampas at nakita ko ang malalaking alon sa dagat. Malakas ang hampas ng alon.
"Be careful Blair!"
I laughed. "Mamamatay ba ako dito? Panaginip lang naman ito."
Lumapit naman sa akin si Josiah. "Anong naiisip mo?"
Biglang tumulo ang luha ko. "Am I not enough?"
Nanatili siyang tahimik at nakita kong pinagmamasdan niya lang ako. Kumalas ako sa kaniya at tumingin sa kalangitan.
Ngunit biglang humampas ang malakas na hangin at hindi ko nabalanse ang sarili ko. Tinangay ako ng hangin kaya't dumulas ako.
"Blair!" sigaw ni Josiah.
Nakaramdam ako ng takot. Sinubukan akong abutin ni Josiah ngunit hindi siya nagtagumpay. Nilukob ako ng takot habang nararamdaman kong malalaglag na ako.
Nanghihina na ako ngunit naramdaman ko ang sarili kong nakahiga sa kama. Sinubukan kong dumilat ngunit hindi ko magawa. Sinubukan kong pumadyak at gumalaw ngunit hindi ko gumawa. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil hindi ako makadilat. Nilabanan ko ang bigat na nakadagan sa akin. Huminga ako nang malalim at buong lakas akong dumilat at gumalaw.
Bumangon ako at halos habulin ko ang hininga ko. Nilingon ko ang orasan at nakita kong 7 AM na. Sabado ngayon at wala namang pasok.
What happened awhile ago is shit. Akala ko huli na. Akala ko hindi na ako magigising.
Nagmadali akong mag-ayos at nagbihis. Kailangan ko puntahan ang matanda.
Pagkarating ko sa Quiapo ay nakita ko ulit siya sa dati niyang puwesto.
"Magandang umaga po Lola!"
"Mukhang may nangyaring hindi maganda sa'yo. Maupo ka muna."
Umupo ako sa silya na nasa harap niya. "Lola, muntik na po ako malaglag sa dagat kagabi pero po biglang bumalik ang kaluluwa ko sa pisikal kong katawan. Hindi ko po naigalaw ang katawan ko kanina at hindi ko maidilat ang mata ko."
Tumango ang matanda at tiningnan ako. "Mag-iingat ka. Hindi dahil nasa ibang mundo ka ay ligtas ka na. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganoon ang mangyayari sa'yo. Mapalad ka pa. Kung hindi ka naging maagap, baka wala ka ng buhay ngayon."
"Maraming salamat po Lola."
Tatayo na sana ako ngunit bigla niya akong hinawakan. "May kasama ka bang iba sa ginagawa mo hija?"
"What do you mean po?"
"Hindi ka nag-iisa sa ginagawa mo. May kasama ka."
"Opo, si Josiah po."
Huminga siya nang malalim. "Mag-iingat ka sa pag-uwi."
Nagtaka ako sa reaksyon ng matanda ngunit hayaan na lamang iyon. Kailangan ko na lang siguro mag-ingat sa susunod.