Chereads / Meet Me In My Dreams / Chapter 6 - Kabanata 4

Chapter 6 - Kabanata 4

"Can I see the drawing?"

Josiah shook his head. "It's a surprise."

I frowned. "Bakit bawal makita?"

"Surprise nga kasi. Hindi na magiging surprise kapag nakita mo na Blair."

It's very rare for him to call me by name that's why I really love it when he calls me Blair.

Umupo ako sa damuhan at sumandal sa malaking puno. Pinagmasdan ko ang paligid at lalo akong napayapa. Lalo na nang umihip ang hangin, napapikit pa ako at dinama ito.

"You'll just stay here?"

I nodded. "Wala akong maisip na puntahan. I just want to take a rest. I want to relax."

"Come with me. I know a place."

Dumilat ako at tiningala siya. "I'll go with you!"

Agad akong tumayo at nagpagpag. Nakita kong kumurba ang labi niya.

Sumunod lamang ako sa kaniya. Napangiti ako dahil habang naglalakad kami ay naglalaglagan ang mga dahon. Hindi ko napansing nag-iba na ang paligid at napunta kami sa may dalampasigan.

"Sit and relax here Blair."

Umupo ako sa buhangin at hinayaan kong humampas sa paa ko ang mumunting halon. Nakita kong dala rin ni Josiah ang sketchpad pati art materials niya.

"What are you doing?"

"I'm doing a portrait."

I just nodded and watched the tiny waves touch my foot.

"Can I share you a story?"

"Go on."

I sighed. "Last Saturday, my ex kissed me. He told me he made a stupid mistake because he broke up with me. Now, Matthew broke up with Alyana and he said he wants me back."

"What did you say?"

"I said if he wants me back, he need to broke up with Alyana properly. Kaya lang naman sila naghiwalay dahil kumalat ang video namin na naghahalikan sa university."

Tumingin ako kay Josiah at nakita kong halos magsalubong na ang kilay niya habang gumuguhit. Nakita ko rin na madiin ang pagkakahawak niya sa lapis.

"Tapos?"

Huminga ulit ako nang malalim. "Inaway ako ni Alyana. Inabangan niya ako sa tapat ng classroom namin. Pero hindi ako pumatol."

Tumingin ulit ako sa kaniya at nakita kong hindi na nakakunot ang noo niya.

"Good girl."

"Tapos kaninang uwian hinintay ako ni Matthew para makipagbalikan. Ang sabi ko ayusin niya muna lahat bago ako makipagbalikan sa kaniya..."

Nakita kong tumigil siya at tumingin nang diretso sa akin.

"Babalikan mo siya?" may bahid ng inis sa boses niya at tinaasan pa niya ko ng kilay.

"Ano ba sa tingin mo Jos?"

Umiling siya at nagkibit-balikat. "I don't know. It's up to you Blair."

Binalik ko ang tingin ko sa dagat. "I made up my mind..."

Nanatili siyang tahimik.

"Hindi ko babalikan si Matthew. I need to love myself first."

Nilingon ko si Josiah at nakita ko siyang nakangiti habang gumuguhit. "What's your full name Blair?"

"Why do you want to know?"

"I'll make a calligraphy of your name. Ginanahan ako bigla," he said with a smile plastered on his face.

"Josephine Blair Costales," I answered with a smile.

Nakita kong mas lalong lumaki ang ngiti niya. I felt my heart leaped a beat. He's too cute with that gummy smile.

"Josephine..." he said. "I'll call you Josephine from now on."

I hated my first name since then because it's very old-fashioned but when I heard it from him, it appeals differently to me. It's like a music to my ears.

"I like that more..."

"Okay Josephine, if you say so."

Hindi mawala ang ngiti ko habang gumagawa ako ng sand castle. Halos mapunit na ang labi ko kaya't kinagat ko na lamang ito.

"Tapos na ang sand castle ko!" I exclaimed.

Nakita kong sumulyap siya sa gawa ko at tumayo siya. "You're pretty good at this."

"Madalas kasi kami sa beach kaya natuto ako..." I bit my lip as soon as I saw him scanned my sand castle.

"I'm done with the portrait," it was almost a whisper.

Lumapit ako sa kaniya at nakita ko ang mukha ko sa sketchpad niya. It's so perfect.

"You have a great talent Jos."

He remained silent as I continue to examine his work. I flipped it to the next page and I saw the calligraphy of my name.

"It's so beautiful!"

Ngumiti lamang siya habang pinapanood ang reaksyon ko.

"Sana puwede ko 'tong dalhin sa real world."

"Why don't you try?"

Sinulyapan ko siya at nakita ko ang amazed look sa mukha niya. "I'll try."

Ilang minuto pa kaming nanatili doon bago kami nagdesisyong bumalik. Tahimik kaming naglalakad pero hindi ako nakaramdam ng awkwardness. Masaya ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Huminto kami nang makarating na kami sa may malaking puno. Tinaas niya ang kamay niya at ginulo ulit ang buhok ko.

"Will you be here later?" he softly asked.

I nodded. "Yes."

He smiled. "Bye Josephine..."

I bit my lip once again. I love it when he say my first name. "Bye..."

Naglakad na kami palayo sa isa't isa ngunit hindi pa rin mawala ang ngiti sa mukha ko. Hawak ko pa rin ang sketchpad niya. Posible kayang madala ko ito?

Pumikit ako at sinubukan kong bumalik. Ilang minuto lamang ay dumilat na ako. Tumingin ako sa kamay ko at nakita kong nakayakap pa rin ako sa sketchpad.

Nagawa ko!

Agad kong binuksan ang ilaw at pinakatitigan ko ang sketchpad. Sana makita ko na si Josiah.

Pero paano ko nagawang madala dito ang sketchpad? Binuksan ko muna ang cellphone ko at nakita kong message galing kay Mikaela.

Mikaela:

Blair, mamayang 12 PM pa ang klase natin. Wala raw si Sir Galvez.

Napangiti naman ako at agad na nagbihis. Marami na naman akong katanungan at gusto ko na ng kasagutan.

Paglabas ko ng bahay ay bumungad sa akin si Matthew with his car. May hawak siyang bulaklak at chocolates.

"Ang aga Matthew. Bakit nandito ka?"

"For you.."

I raised my hand. "No thanks. Keep that."

"Why? Saan ka pupunta?"

"I'll go to Quiapo."

"Why? I'll take you there. Please, let me."

I sighed. "Fine."

Habang nasa biyahe kami ay panay ang tanong ni Matthew pero hindi ako masyado nagsasalita. I am getting annoyed.

"Dito na, thank you Matthew."

Agad kong binuksan ang pinto ng kotse at hindi na siya hinintay pa. Dumiretso na ako sa matanda at nakita ko ulit siya.

"Magandang umaga po Lola."

"Andito ka ulit. Maupo ka."

Umupo muna ako at nakita ko ang mariin niyang pagtitig.

"May nilabag kang batas ng kalikasan at may kaakibat 'yon na parusa," umpisa niya.

Nakaramdam ako ng kaba. "Ano po 'yon Lola?"

"Bakas. Nag-iwan ka ng bakas. Ang bagay sa ibang mundo ay para lamang sa mundo na 'yon. Bakit mo dinala dito?"

Natutop ko ang bibig ko at nanatiling tahimik.

"Ang hiwaga ng bracelet na 'yan ay may hangganan. Iikli ang panahon na puwede mo magamit 'yan dahil sa ginawa mo. Bukod doon, may tao ka pang ipinahamak!"

"Lola, ano pong sinasabi niyo?"

"Blair, mag-iingat ka na. Ang mundo mundo doon ay iba dito. Ang doon ay para doon lamang at ang dito ay para dito lamang. Ayan ang batas ng kalikasan!"

Tumayo ako sa puwesto ko at hinawakan ang kamay ng matanda. "Ano pong dapat kong gawin?"

"Harapin mo ang maaaring kahihinatnan ng ginawa mo."

Tumango na lamang ako. "Maraming salamat po Lola."

Aalis na sana ako nang marinig ko ang sinabi niya. "Ang bracelet ay ibabalik mo rin sa akin sa tamang panahon kaya't huwag kang mahuhulog kay... Josiah."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ng matanda at naglakad na ako papalayo. Binuksan ko ang cellphone ko pati ang Facebook ko.

I typed the name Josiah on the search engine. There are almost 20,000 people in the results. I closed the application and turned off my phone.

"Kung magkikita kami, magkikita kami."