Chereads / My Mother's Identity / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Halos mag-iisang oras na naghihintay si Cassandra sa waiting shed ng isang barangay hall malapit sa palengke ng kanilang lugar pero wala pa ring jeep na dumadaan. Nabilang na nga niya ng paulit-ulit ang mga piraso ng mga sangkap na pinabili sa kanya ng kanyang nanay para sa ititinda nitong espasol.

Napakainit pa naman ng panahon, buti at may dala siyang panyo na pamunas ng pawis. Nang wala na talaga siyang makitang dumadaang sasakyang pampasahero ay nagpasya na siyang maglakad-lakad, tutal ay may dala naman siyang payong na pananggalang sa init ng araw.

Binitbit na niya ang basket na dala niya saka siya nag-umpisang maglakad pauwe ng kanilang bahay. Nakakailang metro na siya ng nalalakad ng biglang nahulog ang dala niyang bimpo. Nabigla siya at agad siyang yumuko na hindi tinitingnan ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada ng nga oras na iyon. Kaya ganon na lang ang hiyaw niya ng bigla siyang businahan ng malakas ng isang itim na kotse pagkatapos niyang damputin ang bimpo niya sa gilid ng kalsada.

Kinabahan siya ng pagkatapos siyang businahan ng malakas ng driver ng kotse ay iginilid nito ang dala nitong sasakyan at bumaba.

At ganon na lang ang gulat niya ng mapagtanto kung sino ang lalakeng bumaba ng kotse.

Renzo?!

Nagpatuloy ito sa paglakad hanggang sa makita na niya ito ng malapitan.

"Hey, nagpapakamatay ka ba?" sarkastikong tanong nito sa kanya.

Katulad ng una nilang pagkikita ay masungit pa rin ito sa kanya. Hindi siya agad nakasagot sa tanong nito at napangunahan naman siya ng kaba.

"Wait...parang natatandaan kita." Bahagya pang itinuro ni Renzo ang hinlalaki nito sa harapan niya. Wala na siyang balak magsalita at alam naman niyang matatandaan siya nito kahit papaano. Kaya bahala na ito kung ano man ang gusto nitong sabihin sa kanya. Hindi naman talaga niya naisip na baka masagasahan siya dahil sa pagdampot niya ng nalaglag niyang bimpo sa daan.

"Ikaw yung nagdadala ng gatas sa bahay, right?" napangiwi na lang siya ng sa wakas ay maalala na nito kung saan sila unang nagkita.

"O-opo, ako po iyon." sagot niya kay Renzo.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina." Sa pagkakataong iyon ay mas malumanay na itong magsalita sa kanya.

"Bale...nahulog po kasi sa daan ang bimpo ko sir kaya pinulot ko. Hindi ko naman po alam na makakasalubong ko kayo sa daan." Pagtatapat niya.

"Next time, mag-iingat ka. Pwede kang maaksidente sa ginagawa mo." Pangaral nito sa kanya.

"O-po sir...pasensya na talaga." Hingi muli niya ng dispensa sa nangyari. At nagmamadali niyang binitbit muli ang dala niyang basket. Hindi na siya dapat magtagal sa lugar na iyon at nakakahiya na ang mga pinag gagawa niya.

Dahil sa kinakabahan siya habang kaharap niya si Renzo ay mas pinili na niyang tumalikod dito para umalis. At ihahakbang pa lang niya ang isa niyang paa ay bigla na lang nagsalita muli si Renzo.

"Where are you going?"

Bigla rin siyang napaharap muli kay Renzo. "Po?"

"Saan ka kako pupunta? If you want ihahatid na kita, baka mamaya kung ano pang mangyari sa iyo." Nakangiti na ang mga mata at labi nito ng sabihin sa kanya iyon ni Renzo.

Totoo ba ang narinig niya? Baka naman nagkakamali lang siya. At muli niyang tiningan si Renzo na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito.

"H-hindi po, okay lang po ako sir." Tanggi niya.

"I insist." maawtoridad na saad ni Renzo sa kanya. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa inooffer nito pagkatapos nitong buksan ang pinto sa gawing passenger seat ng kotse nito.

At pagkatapos nitong isara ang pinto ng sasakyan ay nagmamadali itong bumalik sa loob ng koste na dala nito.

"Saan kita ihahatid?" tanong nito sa kanya habang sinusuot nito ang sariling seatbelt.

"U-uwe na po ako sa bahay namin sa Banlic." Alangan niyang sagot kay Renzo na nakatitig pa rin sa kanya.

"Okay, ihahatid na kita sa bahay nyo. Tutal din naman ang way ko para sunduin si Jopanny." Ang tinutukoy nito ay ang bunso nitong kapatid.

"Salamat po..." Napayuko pa siya sa hiya dahil medyo malayo ang bahay nila pero ihahatid pa rin siya nito hanggang doon.

"Wear your seatbelt." Paalala nito sa kanya. Nakalimutan niyang magsuot ng seatbelt kaya ibinaba niya ang nasa hita niyang basket para hilahin ang seatbelt na pinapasuot nito sa kanya.

Hindi niya agad nahila ang seatbelt sa magkabilang dulo dahil masyado itong mahigpit at parang nawala ang lahat ng lakas niya para magsuot ng seatbelt na sinasabi nito.

Nang makita nitong nahihirapan sa pagsusuot ay dumukwang na ito palapit sa kanya para ito na ang magsuot ng seltbelt sa kanya.

Amoy na amoy niya ang pabangong gamit nito ng bigla ay maramdaman niya ang pagdantay ng damit nito sa kanyang balat. Kakaiba ang bangong taglay nito at halos nakalimutan na niya ang sitwasyon nilang dalawa ng mga oras na iyon.

Nagtama pa ang mga mata nila ni Renzo bago ito bumalik sa upuan nito, at nagdulot iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanya.

Nakita niya ang paghigpit ng hawak ni Renzo sa manubela nito pagkatapos siya nitong suotan ng seatbelt.

Bakit ba kasi hindi siya marunong magsuot ng seatbelt na iyon! Napahiya naman siya sa sarili niya at nakaramdaman siya bigla ng lungkot sa katotohanang iyon.

Habang nasa biyahe sila ay nanibago ang kanyang pakiramdam. Kung kanina ay init na init siya, ngayon naman ay giniginaw na ata siya dahil sa lakas ng aircon ng kotse nito. Maging ang mabangong amoy nito ay nagustuhan din niya.

"Cassandra right?" bigla ay tanong ni Renzo sa kanya.

Napalingon siya sa gawi nito saka siya sumagot. "Opo sir."

"Don't call me sir, hindi mo naman ako amo right?" Agad ay sagot nito sa kanya habang nakangiti.

Bakit nga ba sir ang tawag niya kay Renzo. Dahil anak ito ni Sir Ramon na dinadalhan niya ng gatas sa bahay ng mga Sebastian?

"O-okay po..." Muli na naman itong napangiti sa sagot niya. Kaya kinabahan namab siyang muli. May nasabi siyang kakatuwa? At isa pa, hindi siya sanay sa uri ng pakikipag-usap nito sa kanya.

"Ilang taon ka na ba? Bakit kailangan mong mag 'opo' sa akin? Hindi naman siguro nalalayo ang edad mo sa akin hindi ba?" Paniniguro ni Renzo sa kanya. Disiotso na siya noong nakaraang buwan at alam niyang bata pa siya kung maituturing pero hindi naman siya ganoong ka immature mag-isip gaya ng iba.

"Eighteen na po ako." Sagot niya kay Renzo na ikinangiti naman nito.

"Really? Eighteen ka na? Ako naman ay twenty three." Sagot naman nito sa kanya habang diretso ang mga mata nito sa pagmamaneho.

"...see, hindi naman ako ganon katanda hindi ba? Kaya h'wag muna akong i 'po', okay? Just call me Renzo." Pagpapakilala nito sa kanya.

Napatango na lang siya bilang sagot sa nirerequest nito sa kany. Sa totoo lang ay parang asiwa siyang tawagin lang ito sa totoo nitong pangalan. Para siyang nawawala sa sarili kapag binabanggit niya sa isip ang pangalan nito, paano pa kaya kung sa personal na niya iyong sasabihin? Napanguso na lang siya sa isipin iyon.

Habang nasa biyahe siya ay manaka-naka na tinatanong siya ni Renzo tungkol sa mg personal na bagay tungkol sa kanya.Halibawa ay kung saan siya nag-aaral ng college? Sinabi niya na hindi siya nakapag-aral ng college pero kahit ganoon ay hindi naman siya mangmang na walang alam. Maging ang mga magulang niy ay tinanong nito at ang huli nitong tinanong ay kung may boyfriend daw ba siya ngayon na mas lalo niyang ikinagulat.

"Wala po akong boyfriend at hindi po iyon ang priority ko ngayon." Tahasan niyang sabi kay Renzo na ikinagulat din nito.

"Okay, manliligaw? Mayroon ka?" Walang kaabog-abog na tanong nito sa kanya muli.

Kahit papaano ay may mga nangliligaw naman sa kanya. Iyon nga lang ay wala talaga siyang balak na magboyfriend sa ngayon lalo na at iniisip niya ang kalagayan ng pamilya niya sa kasalukuyan.

"Mayroon naman po." Hindi nagtagal ay sagot niya kay Renzo. At hindi nakaligtas sa kanya ang biglang pagkunot ng noo nito dahil sa sinabi niya.

Pagkatapos ng huling tanong nito sa kanya tungkol sa kanyang tirahan ay hindi na siya muling kinausap ni Renzo. Nagulat na lang siya ng inihinto na nito ang kotse sa tapat ng tarangkahan ng kanilang bahay.

Nakita pa niya sa labas ng kotse ang mga batang saglit na tumigil sa paglalaro para titigan ang kotseng sinasakyan nila.

"Saan ang bahay nyo?" Napalingon siya sa gawi ni Renzo pagkatapos niyang hawakan ang basket na dala niya. Itinuro naman niya ang gawi kung saan nakatayo ang simple nilang tirahan. Gawa ito sa kalahating bato at sawali.

"Doon po ang bahay namin." Nakita niyang tinitigan saglit ni Renzo ang kanilang bahay at saka muling ibinalik ang tingin sa kanya.

"...salamat po pala sa paghahatid." At muli ay hinawakan naman niya ang seatbelt na nakakabit sa katawan niya. Pero sa pagkakataong iyon ay natanggal na niya ng mabilis ang pagkaka-lock nito.

"Your welcome." Nakangiting sagot nito sa kanya. At tuluyan na siyang bumaba sa kotse nito. Inintay pa niyang makabaling ito saka siya lumakad papasok ng kanilang bahay. Bumusina pa si Renzo bago ito tuluyang lumayo. Napangiti na lang siya pagkatapos

niyang maalala ang nangyari sa kanila kanina.