IX
Mawala ka'y hindi ko makakaya.
Makakaya ko bang ikaw ay lumaya?
Kung sa iba ka na sumasaya?
Nararamdaman ko'y maaaksaya.
X
Amoy na humahalimuyak.
Kulay mong parang bulak.
Ating pambansang bulaklak.
Sampaguita, katulad mo na kapag nakikita'y nakagagalak.
XI
Apihin ma'y hindi pababayaan.
Saktan ma'y hindi hahayaan.
Dumihan ma'y hindi pahihintulutan.
Abusuhin ma'y hindi papayagan.
XII
Makita kang sumisigaw sa pamilihan.
Sa paglalako'y nahihirapan.
Kitang mahigit kumulang isang daan.
Pinagtitiisan ang gano'ng klaseng pagkakakitaan.
MINA POV
NAGISING ang aking diwa nang maramdaman ang tindi ng init at nanlalagkit na pawis sa aking buong katawan. Alas-kuwatro na ng madaling araw pero sobrang init sa loob ng aming bahay lalo na sa siksikan naming puwesto ni Nay Marcel at Kuya Jerico sa maliit na kutson. Kaya napagpasyahan kong bumangon para magpahangin.
Unti-unti kong pinihit ang parisukat na kahoy na nagsisilbing kandado sa aming pinto na gawa sa plywood at dos por dos na kahoy. Matagumpay ko itong nabuksan at bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Kung ano ang init sa loob ng aming bahay ay siya namang ginhawa sa labas.
Tinahak ko ang daanan na tila nakahain na sa akin. Ang makipot na eskenita na nababalot ng katahimikan. Tanging paghinga ko lang ang naririnig ko.
Nanatili akong naglakad miski ang utak ko ay hindi rin malaman kung saan ako magtutungo. Mabagal akong humahakbang habang mabilis na nagbabalik sa aking isipan ang bawat sakit na dulot ng aking ina. Sakit na lalong nagpapalayo ng aking loob sa kaniya. Sakit na nagdidikta sa akin na hindi ko siya ina.
Siya dapat bilang isang ina ang sumusuporta sa akin para magtagumpay sa aking buhay ngunit parang sa pinararamdam ko ay siya ang nagiging dahilan kung bakit ako bumabagsak. Binabaon. Ipinagkakalulong.
ISANG kamay. Isang kamay ang naramdaman kong humawak nang mahigpit sa aking damit. Malakas ang pwersa ng paghila niya papasok sa isang sulok kung saan hindi nasisilayan ng kahit anumang liwanag. Hindi ko makita ang kaniyang mukha at miski ang kaniyang katawan.
Nararamdaman ko lamang ito lalo nang ipulupot niya sa aking dibdib ang kaniyang matitigas na braso. Niyakap niya ako nang mahigpit nang nakatalikod ako sa kaniya. Ramdam ko ang batak nitong katawan na dumidikit sa akin.
Pinilit kong magwala, gumawa ng kahit anong pagpupumiglas ngunit walang naiipong lakas sa akin dahil tila hinihigop niya lahat iyon.
"Mina..." sambit niya na may kakaibang tono. Hindi galit, hindi masaya kundi tono na nang-aakit at nagpapatayo sa aking malalagong balahibo.
"Wah! Tul—" pagbabakasakali kong sigaw upang humingi ng tulong kahit na malayo-layo na rin ang kabahayan ngunit agad niya naman itong tinakpan ng kaniyang kamay.
"Matagal ko ng pinapangarap 'to. Hmm... Mina. Ansarap mo," malalambing nitong sambit na tila uhaw na uhaw. Libog na libog. Tigang na tigang na kailangan niyang mapunan at ako ang napili niyang instrumento.
"H-huwag po, Kuya. Maawa po kayo sa 'kin," pagmamakaawa ko na sinabayan ng pagbagsak ng luha sa aking sumusukong mga mata.
Malakas. Puno ng pwersa. Malapitan. Sapilitan niya akong inihiga sa sahig at naramdaman ko ang lamig na kumakalat sa aking katawan. Nginig sa ginaw at nginig sa takot. Pumatong siya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng katawan niya sa aking hita. Hinawakan ng kaniyang kaliwang kamay ang pulsuhan ko at ang kanang kamay ang pinantatakip sa bibig ko. Parehas kaming walang maaninag pero mukhang gamay na niya ang dapat gawin, ang dapat pigilan at ang dapat takpan. Mukhang napagplanuhan niya ang lahat.
'Diyos ko, tulungan ninyo po ako. Hayaan n'yo po akong makatakas sa mga taong may masamang hangarin sa akin at sa iba pang kapwa namin. Ipinapaubaya ko na po sa inyo ang lahat. Iligtas n'yo po ako, mahal kong Panginoon'
"Mina, akin ka na ngayon. Ako lang dapat ang makatikim sa 'yo," malademonyo niyang sambit at saka ako hinalikan sa leeg. Dahan-dahan, puno ng kabastusan. Ramdam ko ang markang naiiwan ng kaniyang labi lalo nang haluan niya pa iyonng marahang pagkagat. Wala akong magawa, miski ang pagsigaw na nakukulong lang sa aking bibig na siyang sandata ko sana sa kung sino man ang makaririnig.
"Nanggigigil ako sa 'yo, Mina, asawa ko. Magsisiping na tayo." Wala na siya sa sarili. Nababaliw na ito. Wala itong pakialam kahit na may masangsang na amoy na bumabalot sa paligid. Patuloy lang ito sa kaniyang binabalak.
Bumaba ang kaniyang halik sa aking dibdib ngunit nang maramdaman niyang sagabal ang aking saplot ay agaran niya itong pinunit ng walang pagdadalawang isip. Tila isang papel lang ito na inalis sa kwaderno. Wala ng natira sa aking pang-itaas na damit. Labas na ang aking tiyan at ang aking dibdib. Sinamantala ko naman ang pagkakataong pinupunit niya ang aking kasuotan upang makasigaw dahil ginamit niya ang kamay na kaninang nakatakip sa aking bibig.
"Tulong! Tulungan n'yo po ak—" Ngunit panandalian lang ito.
"Huwag ka nang manlaban. Masasarapan ka rin naman sa gagawin natin, asawa ko," bulong niya sa aking taenga na sinabayan ng paghagod ng dila nito na umaastang espada na dumadausdos pababa sa aking leeg patungo sa aking dibdib.
BIGLANG nagliwanag ang paligid. Laking gulat ko na lamang ng makilala ko ang taong nasa harapan ko. Ang nakadagan, ang nakahawak at ang nakasubsob sa katawan ko ngayon.
'S-si k-kuya Erick...'
Hindi ko man maaninag ang nakayuko niyang mukha ay alam ko ang hubog ng katawan niya, miski ang kulay ng kaniyang balat. Ang anak ng Kapitan sa barangay namin. Ang kilalang tao sa aming lugar. Ang kuya na inakala kong anghel sa sobrang kabaitan na may tinatago palang demonyo na matagal nang nakadikit sa kaniyang pagkatao.
Walang hiya siya!
'WHACK!'
Wala pang ilang segundo ay parang laruan na tumalsik si Erick, dahil sa matinding sipa sa tagiliran ni Kuya Jerico habang hawak ang isang flashlight. Kita sa mukha nito ang galit. Inambahan pa ito ng sapak kahit na dumudura na ito ng dugo.
Hinagilap ko ang aking mga damit na nakakalat sa sementadong sahig kasama ang mga garbage bag. Kaya pala masangsang ang amoy, dahil tambakan ito ng basura at wala ni isang tao ang magbabalak pumunta dito na sinamantala ni Erick.
Itinakip ko sa aking dibdib ang punit ko ng T-shirt, gusto ko sanang tumayo upang makalayo na sa gulong nangyari pero hindi makayanan ng hita at binti ko ang aking buong katawan. Dala ng labis na pangangatal.
"K-kuya Jerico," mangiyak-ngiyak kong sambit. Agad ako nitong nilapitan at iniwan si Erick na naghihingalo at minumumog ang sariling dugo. Isang yakap. Yakap ng pagkaligtas sa inaakalang kong katapusan.
Inilagay nito ang kamay sa aking alak-alakan at batok saka ako binuhat papalayo sa lugar na hindi ko na gugustuhing balikan pa. "Kuya Jerico," banggit kong muli sa pangalan nito. Hindi ko alam ang sasabihin ko, walang salitang pumapasok sa aking isipan kundi ang mga ganap sa madilim na sulok na tambakan ng basura.
"Mina Ann, 'wag kang mag-alala...ligtas ka na. Andito na si Kuya," pagpapakalma sa akin pero kalakip ng kaniyang boses ang awa at unti-unti na ring pagluha.
Sana panaginip na lang ang lahat. Sana hindi na lang nangyari. Sana hindi na lang ako lumabas ng bahay. Kung alam ko lang, hindi na sana ako nagsisisi ngayon.
"NAY!" bungad ni Kuya Jerico sabay sipa sa aming pinto. Dahan-dahan ako nitong inilapag sa upuan na plastik sa sala. Tinungo naman ng aking kuya ang aming kwarto upang makausap si Nay Marcel.
"A-ano ba 'yan? Ang ingay-ingay!" reklamo ng aming ina na halatang naalimpungatan dahil sa ingay na nilikha ng aking kapatid.
Isinandal ko ang aking ulo sa pader. Gusto ko na lamang matulog pero sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ay nanunumbalik lahat. Lahat ng mga nangyari na kailangan ko ng ibaon sa limot.
"Ano!? Walang hiyang Erick 'yan! Halika mga anak at susugod tayo sa bahay nila. Hindi ako papayag na mangyari 'to nang hindi sila nananagot." Ngiti ang sumilay sa aking labi nang marinig ang mga salitang binitawan ng aking Nay Marcel. Naramdaman ko 'yung pag-aalala na parang ngayon niya lang ginawa sa akin.
"N-nay...baka po ikaila lang nila ang nangyari. Mga politiko po sila. Puwede nila tayong baliktarin kung sakali," mahinahon kong pagkakasabi.
Nagtungo siya sa aking puwesto at niyakap ako ng mahigpit. "Wala akong pakialam, Mina. Lalaban tayo. Halika anak, pupuntahan natin 'yang pamilya Gomez." At hinayaan akong magbihis muna sa banyo bago lumabas ng bahay.
NANG makatuntong kami sa gate ng bahay ng Pamilya Gomez ay walang pag-aatubiling nagwala si Inay. Sigaw kung sigaw. Galit kung galit. "Leandro Gomez, lumabas kayo riyan! Gomez! Magwawala ako dito, lumabas kayo riyan!" Pinupukpok pa niya ang bakal na gate.
Nakakahiya man ang ginagawa ng aking ina pero natutuwa ako dahil sa araw na ito ay naramdaman kong anak niya ako.
Bumukas ang gate at lumabas ang kasambahay ni Erick. "Ma'am 'wag po kayong mag-iskandalo po dito," pakiusap nito.
"Nasaan ang amo mo!? Gusto kong makausap sina Kapitan Leandro!" palaban niyang banat.
"Tulog pa po sina Sir. Mabuti po ay bumalik na lamang po kayo mamaya."
Walang pakialam si Nay Marcel dito sa halip ay dire-diretso siyang pumasok sa loob ng gate at nagtungo sa terasa. Walang tigil naman sa pagpigil ang kanilang kasambahay na sinabayan na rin namin.
Parang isang manok na pampagising sa umaga ang aking ina na matagumpay na nambubulabog sa kabahayan ng aming kapitan. Lumabas si Ma'am Silda sa sliding nitong pinto na halatang kakabangon lamang sa higaan.
"Ano pong atin Mareng Marcel?" mahinahong tanong nito habang ipinapahid ang hintuturo sa pag-itan ng mga mata.
"Ma'am Silda, naandito kaming pamilya para ireklamo 'yung ginawa ng anak n'yong si Erick dito sa bunso kong anak," bumaba kahit papaano ang lakas ng boses ng aking ina ngunit maririnig pa rin ang diin dito.
"Pasok po tayo at baka marinig po ng mga kapitbahay," pag-aaya nito na nahalata ata na may hindi magandang ginawa ang kaniyang anak.
Pinaupo kami nitong tatlo sa kulay kayumangging sofa na tila iniiwasan ng alikabok sa sobrang linis. "Yaya, pakigawa naman kami ng orange juice," utos ni Kapitan Leandro habang naglalakad pababa sa hagdan. "Ang totoo po niyan Mare ay hinahanap din namin ang aming anak at kagabi pa hindi umuuwi. Saglit lang siyang nahiga at hindi namin namalayan na umalis," pagpapaliwanag ni Kapitan at umupo sa tabi ng kaniyang asawa habang katapat naman kaming tatlong ng pamilya ko.
Pinaggigitnaan namin ang isang babasaging lamesa na may pekeng tulip sa gitna na kunwari'y nakatanim sa porselanang hugis bibe na paso.
"Siguro inaabangan ng anak niyo itong si Mina! dahil kanina lang madaling araw, muntik ng magahasa ni SK Erick itong bunso kong anak. Mabuti na lamang at nakita nitong kuya niya," walang pag-aalinlangan na sabi ng aking ina na namumula na sa tindi ng galit.
Bugso...
Hagod...
Laway...
Sabik...
Halik...
"Nanggigigil ako sa 'yo. Mina, asawa ko. Magsisiping na tayo. Matagal ko nang pinapangarap 'to. Hmm... Mina. Ansarap mo. Mina, akin ka na ngayon. Ako lang dapat ang makatikim sa 'yo."
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang nababaliw na isipan ko.
T-tama na! T-tigilan mo na ko! M-maawa po kayo!
"Mina Ann! Mina Ann!" rinig kong sigaw ng aking kuya ng makita akong sinasabunutan ang sariling buhok at kinakamot ang mga hita na tila inaalis ang hindi nakikitang dumi.
Bumalik ang lahat ng nangyari sa isipan ko. Parang isang panaginip. Parang isang bangungot na mabuti na lamang ay nagising pa ako.
Maligo-ligo ako sa luha habang ang lahat ng kaninang nag-uusap ay nakapaligid na sa akin. Natataranta. Hindi mapakali.
"Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong ng aking ina.Tanging pagtango lamang ang aking naging turan habang hinahabol ang sariling hininga.
"Hayaan ninyo at ngayon po ay ipapahanap ko ang aking anak," pagboboluntaryo ng kapitan ng Barangay Gumamela. Hinagilap nito ang kaniyang itim na Walkie Talkie Interphone na nakapatong sa lamesa. Ipinihit nito ang bilog sa ibabaw bago itinapat sa kaniyang bibig. "Pareng Jun, pakisabi sa lahat ng tanod pakihanap si Erick ngayon mismo."
"Yes po, Kap!" sagot ng kung anong boses sa kabilang linya bago ipinihit muli ni Kap. Leandro ang bilog at inilapag sa lamesa.
"Kapitan, tingnan n'yo naman po ang ginawa ni Erick sa leeg ng anak ko. Puro marka, at miski sa dibdib nito mayroon din," pagpapaliwanag ni Nay Marcel at hinawakan ang aking balikat upang igilid ko ito. Nang mas makita ng Pamilya Gomez ang kaniyang tinutukoy.
"Huwag naman po sana tayo nambibintang kaagad, intayin po muna natin si Erick," halata sa boses ni Ma'am Silda ang inis sa inaakalang pambibintang na ginagawa ng aking ina na wala siyang ideya na katotohanan ang lahat ng sinasabi nito.
"Pa'no ako titigil Silda kung nakikita ko 'yung anak kong—" Hindi na napigilan ni Nay Marcel na mapaluha. "Makita ko 'yung anak kong hindi na makayanan ang nangyari. Batang-bata pa ang anak ko tapos ganiyan lang ang mangyayari sa kaniya." Hinagod ko ang likuran niya na lalong nagpabuhos ng kaniyang mga luha sa pisngi nito.
Kami. Ang pamilya namin ay hindi mapigilang mapahagulgol sa harapan ng Pamilya Gomez. Hindi magkandamayaw na mas lalong tumindi ng niluwa ng pintuan ang isang kilalang mukha sa aming bayan.
May pasa sa mukha. Bangag. Matamlay at wala sa sarili.
"Anak! Anong nangyari sa mukha mo?" sabay lapit ni Ma'am Silda sa kaniyang nag-iisang anak. Hinahawakan pa nito ang mukha ni Erick pero tanging pagtawa ang naging turan ni nito na parang nasa ibang mundo kung umasta. "Sino ang gumawa nito sa anak ko?" pahabol pa ng kaniyang ina.
"Ako ho," matipid na turan ng lalaking nasa tabi ko. "Pero masisisi ninyo ho ba ako kung nakikita kong pinagsasamantalahan niyan, ni Erick itong kapatid ko." Inakbayan naman ako ni Kuya Jerico habang sinasabi iyon.
"Erick, umupo ka nga rito!" galit na utos ng aming kapitan sa kaniyang anak.
"Hello, Pa," sabi ni Erick at tila lasing na nagpagewang-gewang maglakad patungo sa puwesto ng kaniyang ama. "Andiyan ka pala Mina. Hi!"
"Erick, totoo ba ang sinasabi ni Mareng Marcel? Totoo bang pinagsamantalahan mo si Mina?" masinsin na tanong ni Kapitan Leandro.
"Yes, pa. Ansaya sana kaso binitin ako!" tuwang-tuwa pa siya habang sinasabi ito at kung saan-saan tumitingin na parang isang baliw. Wala sa sarili. Adik. Lutang. Bangag. Mukhang nakadroga.
Namutawi ang galit sa aking puso. Pakiramdam ko ay isang biro at katatawan lamang sa kaniya ang nangyari. Sa estado ng pag-uugali nito ay hindi nito sineseryoso ang lahat. Nanulis ang aking mga tingin at hindi ko na mapigilan ang sarili kong maglaban sa sariling katawan. Inihagis ko sa kaniya ang lahat ng mga bagay na mahawakan ko. Tsinelas, bracelet at ang babasaging vase na may kalakip na mga bulaklak. "W-walang hiya ka! Erick! Hindi ka na naawa sa 'kin."
Niyakap naman ako ng aking ina at pilit pinatatahan habang ang kuya ko naman ang matapang na nakipag-usap sa kanila.
"Maaari namin kayong ireklamo kahit saan pang korte dahil nilabag ni Erick ang Republic Act eight-five-eight-three o ang The Anti-rape Law of Nineteen ninety seven at tatayo akong testigo sa lahat ng nangyari." Pakiramdam ko ay isang ganap na abogado ang aking kuya sa kaniyang mga sinabi pero alam kong dahil lang ito sa kababasa nito ng mga libro patungkol sa mga batas sa Pilipinas.
"Baka naman po puwede nating pag-usapan po lahat," pagmamakaawa ni Kapitan Leandro na parang isang maamong tupa.
"May isang kundisyon ako..." biglang singit ng aking ina, "ititikom namin ang bibig namin at pinapangakong hindi na ipagkakalat ang nangyari kung bibigyan ninyo kami ng isang milyong piso ngayon mismo,"
Lahat kami ay nagulat sa mga sinabi ni Nay Marcel. Napakawang ang bibig at napamulagat. Takang-taka sa kung anong tumatakbo sa isip ngayon ng aking ina.
Isang milyon kapalit ng mga nangyari?
"Hindi naman ata makatarungan iyan, Marcel!" walang takot na pagsagot ni Silda.
"Sige, magkita-kita na lang tayo sa korte. Halika na mga anak, pumunta na tayo sa munisipyo," pag-aaya ni Nay Marcel na dali-daling tumayo upang manguna sa kaniyang suhestiyon.
Nakatayo na kaming lahat at akmang maglalakad na paalis ng biglang nagsalita ang kanilang padre de pamilya, "Sige po. Pumapayag na po kami. Maupo po muna kayo at ngayon mismo ay ibibigay namin ang gusto n'yo." Lahat sila ay umakyat muli sa hagdan at mukhang magtutungo sa kanilang kwarto upang ihanda ang hinihingi ni Ina.
"Nay Marcel, bakit ninyo naman pinagpalit sa pera ang hustisya para sa 'kin," sambit ko.
"Mabubusog ba tayo sa hustisya na 'yan? Mag-isip-isip nga kayo. Isang milyon 'yon at paniguradong maipapatingin ka namin sa doktor. May pangkain pa tayo. Maging praktikal kayo! Mahirap ang buhay ngayon!" sermon sa amin ni ina na nasisiguro kong pagbabalik ng kaniyang nakaraang pag-uugali. Mukhang isang malaking pag-arte lamang ang ginawang pagbabago ng aking ina at gusto lamang niyang matupad ang kaniyang plano. Ang magkapera. "Wala kang karapatan, Mina na tanungin ako sa mga desisyon ko dahil wala lang 'yong isang milyon sa utang mo sa 'kin!" Sinabayan niya pa ito ng pagtulak sa aking sintido na dahilan upang ilang ulit akong mapadampi sa kulay kesong mga pader.
Para akong isang manika na hindi na nasasaktan sa mga sinasabi niya at iyon ang nasisigurado kong nagbago. Ang pagiging manhid ko sa pisikal na pananakit na ginagawa n'ya.
NATAPOS na ang pag-uusap. Nagkasundo na pero mayroon pa ring natitirang umaalma. Ako iyon at si Kuya Jerico. Ilang sandali na rin kaming nakauwi sa aming mumunting tahanan at lahat kami ay parang iwas sa isa't-isa.
"Jerico, oh iyan dalawang libo. Ipacheck-up mo 'yang si Mina at ako'y may laro pa sa mga kumare ko," mataray na turan nito bago lumabas ng tahanan na parang walang nangyari at bakas pa rin sa kaniyang mukha ang saya dahil alam nitong may itinatago siyang limpak- limpak na pera.
Nilapitan ako ni Kuya Jerico. "Mina Ann, magbihis ka na at magpapacheck-up tayo," pag-aaya niya at hinawakan ako sa braso upang alalayan. Ngunit pinigilan ko siya.
"Hindi ko na kailangan magpacheck-up. Kailangan ko lang makinig ng musika."
"Sigurado ka?" tanong niya
.
Tumango naman ako bilang pagsagot ngunit hindi pa siya nagpatinag.
"Sigurado ka?" pangungulit ulit niya na sinabayan ng pagngisi na sa hindi ko malamang dahilan ay parang nagkasa sa aking gatilyo.
"Oo nga!" napataas ang boses ko na siya ko ring ikinagulat. "Ipagpaumanhin mo," matipid kong pahabol.
Wala naman siyang nagawa at ibinigay na lamang ang kaniyang cellphone na di-pindot at nagpatugtog sa radyo. Nasaktuhan ko pa ang paborito kong kanta ni Sam Concepcion na pinamagatang 'Dati' na nagpangiti muli sa aking mga labi. Kahit papaano'y nagpakalma sa aking sarili.
Dati rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan~
Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawaya~
At pawang magkakalaban 'pag nagtataya-tayaan~
Pero sintamis ng kendi 'pag nakakasal-kasalan~
Diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina~
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina~
Ang sarap sigurong balikan ang mga alaala~
Lalo na't kung magkayakap mga bata't magkasama at~