Wala ng oras pa si Joyce para magpalit ng suot na uniporme. Exactly 6:00PM ng matapos siya sa pinahuling branch na inaudit. Five branches within the same day ang kanyang pinuntahan. Very exhausting pero rewarding. Kapag ka kasi lahat ng area na pinuntahan niya ay wala siyang na- encounter na anything unusual o problema sa pag- audit, isa na iyong achievement para sa kanya. And it actually makes her feel satisfied with her work. She loves her job and that what makes her stay. Though challenging talaga ang traffic everyday.
Ngayon nga na 7:30PM na, hindi pa siya nakakarating sa mall kung saan sila magkikita ni Francis ngunit natatanaw naman na niya ang entrance ng nasabing establisamento. Sigurado siya naroon na ang lalaki because they are suppose to meet at 7:00PM and apparently she's late. Again. Sa kabutihang palad, hindi pa siya tinatawagan o tinitext ng huli to check where the hell is she at this moment. Actually, malapit-lapit naman na rin siya sapagkat she already reach the mall. Its just that she want to head first in the rest room to do some touch up on her face. Siyempre naman kahit pa ba its just a casual date night, and nothing seems special, she still wants to look good.
Sa kanyang pagtungo sa isang Mexican Restaurant na kanilang napagkasunduan kainan, malayo pa lamang ay tanaw na niya ang lalaki. Naka-civilian attire ito, yellow poloshirt at jeans ang suot. Siyempre, ayaw naman niyang makitang naka uniporme ito ng pulis kapag magkasama sila. Not that it's a bad thing it's just that it catches lots of attention. Napansin din niya ang rubber shoes na suot nitong bumagay sa binata. Kung tutuusin may hitsura din naman ito dangan nga lamang at tila kulang ito ng sex appeal para sa kanya. He waves at her as she approaches him.
"Sorry,.."ang unang katagang namutawi sa kaniyang labi.
Tumayo ang lalaki upang bahagyang iusog ang katabing upuan bilang pagbibigyang-daan sa kanyang pag-upo. It's a gentleman gesture that she appreciates everytime he's doing it.
"Thanks,.." sabi niya rito. " Ang daming area ang inaudit ko ngayon, pasensya na…"
"Okay lang," sagot nito. "So, oorder na ba tayo?"
"Yeah." aniya.
Siya ang nagpasya na sa isang Mexican Restaurant sila kumain. At least they met halfway with their food choices, naisip niya. Available naman dito pareho ang mga tipo nilang pagkain. Siya, makokontento na sa seafood taco with pica de gaio and guacamole samantalang ang kasama niya ay pwede rin namang magfeast sa mga authentic Mexican dishes.
"Ikaw, kumusta naman?" umpisa niya. "parang wala ka ng mga galos ngayon, ha."
Napangiti ito sa puna niya. "Wala na. Wala ng 'nanlalaban'…"
"Buti na lang hindi ka sa mukha nagalusan kung hindi masisira ang gandang lalaki mo…"
Palibhasa'y matagal ng magkaibigan ay nabibiro na niya ito ng hindi inaalintana kung anong magiging dating nito sa kausap. Ganoon din naman ito sa kanya. Nasasabi nito kung anong gustong sabihin ng hindi naman siya napipikon.
"Hahaha, talaga ba? Eh ba't hindi mo pa rin ako sinasagot."
Bahagya siyang nagulat sa inimik nito. 'At talaga yatang umaasa pa ang kumag na ito, oh.' Tila nagpapatutsada pa sa kanya.
"Sinagot na nga kita ng hindi. Ewan ko ba, baka guwapo ka nga kaso bingi ka kaya hindi mo narinig."
"Alin? Ha? Ano 'yun?" sagot nito na hitsurang tila hindi nauulinigan ang kaniyang sinasabi.
"Hay naku Francis, halika dito, lumapit ka sa 'kin, ibubulong ko sa'yo."
Bigla ngang sumunggab ang lalaki sa kanya. Sobrang lapit na halos idait na nito ang mukha sa kanya. Alam niyang sinadya ito ng huli upang asarin siya kayat bahagya niya itong hinampas sa kamay saka niya bahagyang iniiwas ang mukha rito.
"Akala ko ba may ibubulong ka,..?"
"Ay naku,wag na. Ang kulit mo kasi,.."
"Sige, ako na lang may ibubulong sa'yo."
Inismiran niya ito. Hindi naman ito binigyang pansin ng lalaki habang patawa- tawang nakatingin sa kanya.
"Huwag mo ng ibulong, hindi naman ako bingi, sige sabihin mo na…"
"Joyce, ang ganda mo..."
Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ng lalaki. It sounds very flattering but the way he says it makes it sounds more special, more meaningful that it makes her a little bit tense. Pinilit niyang maging pormal.
"Matagal ko nang alam.." sagot niya at saka idinaan na lang sa biro ang lahat. "May twenty ka sa akin mamaya…"
"Twenting ano, twenting kiss?"
"Hahaha, nakakatawa. Clown ka ba?"
"Bakit?"
"Kasi nga funny ka eh,.." sabi niya saka mahinang tumawa.
"O, ako naman.." sabi naman nito. " blinders ka ba?
"Bakit?" tila iritableng tanong niya.
"Because you make my eyes focus on just one thing… you."
Pangkaraniwang hugot lamang iyon pero parang nagpapasaring na rin ito sa kanya. 'Kakaiba rin kung dumiga ang isang ito. Dinadaan sa mga nauusong hugot lines.'
"Hindi ka kabayo Francis para mag-blinders, alam mo kung ako sa'yo alisin mo na iyang blinders na yan para mas makakita ka ng maayos." It's just another way of saying, get over and move on.
"No I can't. It's just that I can't…" seryosong sabi nito.
Ramdam niya ang sinseridad sa sinabi nito. Bahagya niyang nasulyapang nakatitig ito sa kanya kung kayat ibinabaling niya sa ibang bagay ang kaniyang pansin. Mabuti na lamang at nakita niyang paparating na ang waiter na may dala ng kanilang mga inorder na pagkain. Maingat nitong inilapag sa mesa ang mga pagkain saka magalang na umalis. Inisip niyang pagkakataon na ito upang ibahin naman ang takbo ng kanilang pag- uusap.
"O, Francis dig in..."aya niya rito. " best eaten when hot..."
"Hmm,... the smell of Mexican food." sabi nito habang sinasamyo ang pagkaing nasa harapan. "Can you smell the jalapeno?"
"Uhhu,..and it's overpowering." sagot niya. "You know what Francis, I think you should start eating healthy foods. Baka hindi mo alam, you look more than your actual age,.."
Paraan niya ito upang maging light lang ang usapan nila. Pang-aasar na rin niya at the same time. Sigurado siyang tatapatan din ito ng pang- aasar ng huli.
"Hindi nga? Totoo?" tanong nito. " Medyo madalas nga kasi akong puyat nitong mga huling araw eh,.."
Kumunot ang kaniyang noo. Wala siyang ideya kung hugot line pa rin ba ito o hindi na. "Bakit naman?"
"May hinahawakan kasi akong kaso ngayon na medyo kumplikado." pagsisimula nito. "Murder Case tapos at large ang suspect."
Hindi siya sumagot. Hinayaan niya itong magpatuloy. Dati naman na ito nagsasabi sa kanya ng mga kasong hinahawakan nito. Though confidential na bagay, dahil kaibigan siya nito ay lubos ang tiwala nitong hindi naman niya ilalabas ang mga detalye hinggil sa isang krimen.
"Parang Crime of Passion ang dating," pagpapatuloy nito. " Ang victim kasi natagpuan sa loob ng isang motel. It was a very brutal crime. Ginilitan ng leeg ang biktima habang nakagapos ang mga kamay at natatakpan ng duck tape ang bibig."
"Grabe 'no, siguro kung ako makakakita nang ganung tagpo, baka isang buwan akong hindi makatulog." sagot niya. "akala ko sa mga thriller- suspense movie lang nangyayari 'yun."
Nagkibit- balikat lang ang binatang pulis habang ngumunguya. Halatang nag- eenjoy ito sa kinakain kahit pa tila sobrang anghang nito. Isang bagay na hindi rin sila magkatugma, naisip ni Joyce. She's not a big fan of spicy food.
"Mga ilang taon na iyong victim?" tanong niya.
"42 but she looks younger than her age." anito.
"Married?"
"Yes. Nangyari ang krimen habang nasa ibang bansa on a trip ang asawa niya."
"Uhmm… so she's having an affair."
"Probably."
"Narecover niyo ba ang cellphone ng victim? Baka may makukuha kayong impormasyon doon."
"Hindi. Wala na ang cellphone ng biktima ayon sa SOCO at hindi na rin ma-contact pa."
Humigop muna siya sa lemon grass lemonade bago nagsalita. "Problema nga iyan."
"Her social media account. Baka meron kayong makukuhang anumang makakatulong na impormasyon."suhestiyon niya.
"Been there. Done that."
"What about CCTV footages from the motel?"
"Wala ring kwenta at walang facial recognition na nakuha ang footage."
She damp tissues on her lips. "Well, its one hell of a crime, I guess."
"Tama."sabi nito. " Kaya nga Joyce, lagi kang mag- iingat sa lahat ng oras. As much as possible iwasan mong umuwi ng gabing- gabi. Napakadelikado ng panahon ngayon."
Tumingin muna siya sa wrist watch na suot saka bumaling sa lalaki.
"Oo nga. It's getting late. I think I should go now."
"No, not yet. We haven't had our dessert." pigil nito sa kanya.
"Sabi mo naman, huwag magpakagabi ng uwi at delikado ang panahon ngayon…"
"Not on my watch, baby…"
Sumimangot siya sa kausap. "Baby ka diyan! Ako nga Francis tigilan mo ha, Baby, Baby, tseh!"
Nagtatawa ito dahil tila napikon siya. "Pero seryoso, Joyce. Mag-iingat ka palagi. Hindi natin alam kung sinong suspect sa krimen na ito, he's still on the loose. Maaaring pagala-gala lang ito sa kung saan d'yan."
"Paano mo naman nasabi?" tila skeptical na tanong niya.
"Because it happened twice." sagot nito. "Hindi ito ang unang insidente na nangyari ang bagay na 'to. Pangalawa na 'to. The same way of killing which makes me think this might be committed by only one person."
Natigilan siya. Is this a case of serial killing? Sa loob-loob niya.
"Kaya nga, I want you to be very cautious everywhere you go. Kung kinakailangan maging mapaghinala ka sa mga taong hindi mo kilala ng lubusan, be suspicious then. Huwag kang basta-basta magtitiwala. And please if there's anything I can do to help, don't hesitate to call me."
"Opo, Police Corporal Francis Manansala." sagot niya. "Masusunod po."
"That's my girl!" nang-aasar na sabi nito.
Tumaas naman ang kilay niya at akmang hahampasin ang lalaki. Ngunit panay naman ang ngisi nitong nakakaloko na tila natutuwang naiinis siya. Ganoon sila kapag nagkikita. Hindi mawawala ang mga asaran. Just like the old times during high school. Sa araw-araw nilang pagsasama noon sa klase ay palagi rin silang nag- aasaran. Kaya hindi na bago sa kaniya ito. Pero iba ngayon, damang- dama niya ang malasakit ng kaibigan sa kanya. Ang pag-aalala. Ang pag-iingat. Kung sana'y natuturuan lang ang puso ay matagal na niyang sinagot ang lalaki ngunit hindi. Tanging pagiging kaibigan lamang ang kaya niyang ibigay rito.