Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 46 - Bees and Terrorist

Chapter 46 - Bees and Terrorist

Dollar's POV

Isa sa mga normal na umaga na ginugugol ko sa paglalakad papuntang school.

Excited na 'kong dumating ang hapon. Pupunta kasi ako kina Lolo mamaya para personal na magpasalamat sa kanya pati na din kay Rion. He-he-he!

Naglalakad ako sa gilid ng highway at iniisip ko na lang na namumulaklak ang mga damo na nadadaanan ko at yumuyuko ang mga puno para batiin ako.

Hmn....I'm wondering kung ilang kabaliwan na ang naisip ko sa ilang taong paglalakad dito. Pero wala akong magagawa, chicken na chicken sa 'kin ang isa't kalahating kilometrong lakarin dahil masaya 'ko.

Hmn? Napabilis ang paglalakad ko nang makita ko ang kotse ni Zilv na nakatigil sa tabi ng daan. That dashing guy in T-shirt and jeans was leaning against his car. And if Rion love rudeness, this man definitely live with that word and mastered being ruggedly handsome from head to toe.

"Zilv?!"

Hindi niya na kailangang lumingon sa'kin dahil kanina pa niya 'kong tinitingnan, with that same expression whenever he sees me.

"Anong ginagawa mo dito tatay Zilv? Umaga pa lang ah, mamaya pa ang pasok mo di ba?"

Sa halip na sumagot ay inabot niya sa'kin ang isang brown paper bag. Hindi ko na kailangang makita ang loob niyon kailangan ko na lang kapain para malaman na dalawang sandwich at Dutchmill ang nasa loob ng supot.

That's Zilv. Sa tuwing makikita niya 'ko sa umaga pag papasok ako, lage siyang may pabaong pagkain sa 'kin. Ewan ko kung hindi siya aware na first year college na 'ko sa halip na grade three pupil.

"Pa'no yan, wala naman kaming break , five hours na diretso ang klase namin?"

"Eat them whenever you feel hungry, kahit nasa harapan mo pa ang professor mo."

"Okay."

That's him, again. Walang kinikilalang rules, walang kinatatakutan.

"Late ka na ba?" Tanong niya at saka namulsa.

"Hindi pa naman, why?"

"May gusto 'kong ipakiusap sa'yo. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat. Only to reveal the last person I'll expect to be with him. Dressed in a plain Marks and Spencer oversized tees and Ferragamo flats. She looked regal as always and....pissed off?

"Shamaw?!"

Teka... Pinaglipat-lipat ko ang tingin ko kay Shamari na naka-cross arms at hindi maipinta ang mukha at kay Zilv na prenteng nakatingin lang sa 'min, as if not threatened by Shamari's obvious hostility.

"Nagtanan kayo!? Baket? Kelan pa? Paano?"

Magkakilala na pala sila, no need for introduction. Pero kelan sila nagka-in-love-an? Ang bilis talaga ni tatay Zilv, hehehe!

"No! He abducted me!" Shamari said disgustedly.

"Yeah, mabuti ng masabihan na kinidnap ka kesa mapagkamalang tinanan ka, now, tell her about your lies then I'll bring you back to your kingdom, princess, unscathed. And I'll also go back to sleeping and we'll be all happy. Watcha think?" Zilv ranted.

Base sa madilim na ekspresyon ni Zilv, halatang kanina pa sila nagbabangayan. This was the first time I saw him losing patience over a woman.

Hmn? What've I missed these past weeks?

"Anoba iyon tatay Zilv?" kulbit ko sa kanya.

Ang aga naman yata nilang mag-away? Hindi niya 'ko sinagot, instead he eyed Shamari and gave her that commanding look.

"Hindi totoo iyong mga sinabi ko." si Shamari yan. Halatang inis at asar dahil hindi sanay na inuutusan.

"Hmn... Alin ba sa mga sinabi mo, bespren?"

"About Sherry."

"Explain." Zilv commanded.

"Hindi totoo na first love siya ni Rion and that there was something between them. I just took the opportunity that you were hurting at that time. Wala akong alam sa love life niya, or if there's any. Imbento ko lang lahat 'yon."

Hindi ako nagsalita. What will I say?

"Now, Zilv, happy?" asked Shamari to Zilv.

"No. Umamin ka na din lang, bakit di ka pa humingi ng sorry, tutal may kasalanan ka naman."

"You, bastard! Sumosobra ka na!?"

"Do it or else..." binitin ni Zilv ang sasabihin niya.

"I'll get back to you in this, Zilv, trust me!" Parang nagbubuga ng apoy ang aura ni Shamari.

"Oh sure, babe, now, what? A simple sorry won't hurt, will it?"

"Okay lang, tatay Zilv..." kulbit ko ulit kay Zilv. Pero sa loob-loob ko tumatawa na 'ko. Hehehe! Cute, really cute. Ang sarap nilang tingnan habang nagbabangayan.

"Sorry, Viscos, forgive me, oh please." Shamari plead nonchalantly.

"Okay lang, bespren, sige tatay Zilv, papasok na 'ko." Nginitian ko sila pareho at naglakad na 'ko palayo.

^^^^^^^^

Shamari's POV

I am really furious!

Never in my life na may mag-utos sa'kin. Only this jerk named Zilv. At para ano? Para palubagin ang loob ng mahal niyang kaibigan?

"Sorry, Viscos, forgive me, oh please." I said through gritted teeth.

But Dollar just only smiled. At pagkatapos magpaalam sa 'min ay naglakad na palayo.

Hindi iyon ang inaasahan kong reaksyon sa kanya. I was expecting that she'll jump in glee. Could it be that Dollar got over with Rion? O may iba lang na binabalak ang baliw na 'yon? O baka naman may ginawa na naman ang mas baliw kong kapatid para sumaya siya?

"Sigurado ka bang wala kang maling sinabi sa kanya?" Zilv asked, mukhang nagtataka din sa reaksyon ni Dollar. Itinukod niya ang kamay sa pinto ng passenger seat at ang isa sa bubong ng kotse kaya parang nakulong ako. Our faces were just too close causing me this damn uneasiness!

"W-Wala! Now, ibalik mo na 'ko sa bahay bago pa malaman na wala ako!"

"Should I be scared? Magpapadala ba ang mga Flaviejo ng mga kawal para hanapin ka? O may parusang bitay ang sinumang kakanti sa'yo?"

"Damn you!"

"Love you too, babe." He winked at lumigid papunta sa driver's seat.

Kailan kaya mauubos ang kayabangan ng lalakeng 'to sa katawan! And when will the time come that he'll look at me the same way he looks at Dollar, like I'm also someone precious to him?

Jeez! Bakit ko naisip yun? We're hating each other since day one and falling with this man is a complete suicide!

^^^^^^^^

Dollar's POV

Lumabas ako sa gate ng univeristy at nagsimulang maglakad pauwi. No, hindi pa nga pala 'ko uuwi dahil pupunta pa 'ko kina Lolo Buko.

Ang sarap nga pala ng tulog ko kagabi kahit malunod-lunod ako sa dami ng unan na niregalo ni Rion. Nilabas ko mula sa bag ang pinakamiliit na pillow. Pinagkasya ko talaga sa bag ko 'to para madala ko. Niyakap ko ang unan at sinubsob ang mukha ko doon.

Na-miss ko agad si Rion, pero dahil MIA siya kanina, aabangan ko na lang siya sa bahay nila.

"Aaaaahh! Aray!"

Dahil sa pagkakasubsob ng mukha ko sa unan, hindi ko napansin ang nakausling bato, sa lupa tuloy ako natuluyang sumubsob. Ugh! Plakda ako sa lupa.

Safe ang mukha ko dahil sa unan, pero hindi ang kaliwang siko ko. Dahan-dahan akong bumangon at pinagpagan ko ang katawan ko at hinihipan ang mahapdi kong sugat sa siko.

"Tsk! Dami ko kasing kaartehan! Pero buti na lang s-in-ave mo ko mini power-puffy-pillow! Galing ka nga kay Rion!" Niyakap ko ulit ang unan. Pinasok ko na siya sa bag ko bago pa ko madapa ulit, baka sa bangin na 'ko dumiretso.

Naglakad na ulit ako habang pinaplano ang sasabihin ko kay Rion mamaya.

"Hey Mariella!"

Medyo nagulat ako nang humarang sa dadaanan ko ang giant teroristang si...?

"Bon?"

He chuckled. "It's V-A-U-G-H-N not B-O-N."

"Whatever. Tabi dyan."

"I'll walk you home." he said and gave me his famous lopsided grin. Na makakapagpahigit sana ng hininga ng ibang babae, but not me. Kay Rion lang ako. Kay Rion na kahit hindi pa ngumingiti eh hindi na agad ako makahinga. He-he-he-he!

"No, ayoko nga, may sasakyan ka di ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes. Pero ayaw mo namang umangkas kaya iniwan ko na sa school. So, hatid na kita."

Hmn.. halatang iba ang lahi niya pero fluent din siya sa Filipino ha?

"Ayoko nga, makulit ka pa sa fungi!"

"Okay, pero dito din ang way ko kaya may karapatan akong maglakad dito, ayt?"

"Sure, just keep your distance, mamaya makita tayo ni Unsmiling Prince, magselos pa 'yon."

"Unsmiling Prince, who?"

I didn't answer, I just gave him the look that said 'baket-ko-sasabihin?'

Nilalakihan ko ang mga hakbang ko. Ayokong makapantay siya. Ewan ko ba hindi naman ako galit sa kanya, ilag lang ako sa mga ganitong lalake. Gwapo nga pero mukhang hindi mapagkakatiwalaan.

Nasa likod ko siya at pasipul-sipol. Nililingon-lingon ko siya maya't maya pero ngumingisi lang ang ungas.

"Nalaman mo na ba ang tungkol sa basement, Mariella?"

"Aah, oo matagal na, hindi mo ba alam kung anong meron sa basement ng isang ordinaryong restaurant? Google it, malalaman mo. At wag mo 'kong tawaging Mariella, pa-FC ka ha."

He chuckled again. Ang saya niya ha.

Biglang humangin nang malakas kaya huminto muna 'ko sa paglalakad bukod pa sa napuwing ako. Ano ba yan, mahapdi na nga siko ko pati mata ko pa!

And I heard Vaughn chuckled... again.

Ang saya naman ng araw ng teroristang 'to! Hindi ko na sana papansinin pero lumakas at nauwi sa tawa ang bungisngis niya. Tumigil ako sa paglakad at nakapameywang na hinarap siya.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan, ha? Bunteri?" Bunteri- short for 'Vaughn terorista'

"Nice panty you got!" At tumawa nang malakas...

AND I REALLY SAW RED!

Bago pa siya makatawa ulit ay nakakuha na 'ko ng mga bato at binato sa kanya.

"Hey!Hey!"

"You perv! Gago ka! Aaaaaah!"

Dumampot ulit ako ng malaking bato at binato sa direksyon niya . Pero dahil masyadong napalakas, sa puno sa likod niya tumama ang malaking bato...

Napalingon din siya sa puno at nakipagtitigan sa'kin. He then stopped laughing.

"Aaaaaaaaahh!" I yelled.

At bago pa 'ko makatakbo sa ibang direksyon, hinila na agad niya 'ko para tumakbo.

"Kasalanan mo to!" Sigaw ko sa kanya.

"Ugh! I'm not the one who hit the bee hive!"

"Kung di ka manyakis, di naman kita babatuhin eh!"

Tuloy kami sa pagtakbo. Ayokong lumingon dahil baka putaktihin ang mukha ko ng mga pissed off na bubuyog. Halos naririnig ko pa ang ugong ng paglipad nila.

Tae! Ayokong mamaga at mamula!

"May alam ka bang ilog?" tanong niya.

"Aah! Nakuha mo pang mag-isip ng outing eh wanted na nga tayo sa tropa ng mga bubuyog na yan!"

Gusto ko siyang batukan sa totoo lang. Pero bukod sa hawak niya ang isa kong kamay, pagod na pagod na din ako sa pagtakbo, kaya saka na lang.

"Silly, kelangan nating lumusong sa tubig para tigilan nila tayo!"

"Aahkay, dito tayo."

Lumiko kami sa gubat, kabisado ko 'to dahil malapit na 'to samin bukod pa na dito kami lage naglalaro ni Moi noong bata kami.

Mga ilang minuto din kaming tumatakbo hanggang matanaw ko na ang ilog. Nang makarating kami sa gilid ay hinubad ko muna ang bag ko, samantalang tumalon na si Bunteri. Susunod na din sana 'ko nang maisipan kong lumingon...

Hmm? Nasan sila? Napahawak ako sa puno para mapigil ang pagtalon ko. Sus! Hooo!

Natakasan namin sila o tinigilan nila kami? Gusto kong umiyak sa saya! Pero napaupo na lang ako dahil sa pagod...

Tiningnan ko sa ibaba sa ilog si Bunteri na nakalubog pa din ang buong katawan at ulo sa tubig.

"Hahahahaha! Hoy ahon na!"

Biglang sumungaw ang ulo niya.

"Where are the bees?'

"Wala na, umuwi na! Hahahaha!"

Mukha siyang basang sisiw. Ni hindi na nakuhang maghubad ng sapatos. Hindi rin magkaintindihan ang pagkunot ng noo niya.

"Ba't di mo sinabi?"

"Eh kanina ko lang napansin at saka ikaw diyan ang bigla na lang tumalon. Hahahaa!"

Umahon siya sa ilog at walang pakundangang naghubad ng polo sa harap ko...

"H-Hep! Bawal yan!" saway ko sa kanya.

"Bawal ding magkasakit."

Pumikit na lang ako. Ayokong makakita ng mga kalaswaan ang mga mata ko. They're for Rion's only!

Mayamaya ay naramdaman kong lumapit siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

" P#$^%&*~+% mo! Subukan mong gawan ako ng masama!"

Umurong ako sa pagkakaupo at handa siyang sipain. Naramdaman kong lumapat ang kamay niya sa pisngi ko at narinig ko siyang tumawa na naman. Minulat ko ang mata ko at nakahawak pa din siya sa pisngi ko at tumatawa nga.

"Ang cute mong magmura, pero hindi dahil maganda ang setting dito sa ilog at tayo lang dalawa dito ay gagawan na kita ng masama, at pagod pa 'ko, next time babe."

"Ewan ko sa'yo, manyakis ka talaga!" tinampal ko ang kamay niya.

"Okay, okay, but look at your face."

"Shunga ka ba? Paano ko naman matitingnan ang sarili kong mukha?!"

"Tsk! Use your mirror."

"Wala 'kong salamin!"

Baket ba kase! Kayamot tong Vaughn terorista na 'to!

"See, ni wala ka yatang vanity kit, napakabata mo pa, paano mo naisip na pagnanasaan kita?"

"Tse!"

Lumapit ako sa ilog at nanalamin sa tubig.

Aaaah! Kaya pala! Bukod sa namumula ang kaliwa kong mata dahil sa pagkapuwing kanina, namumula din at may bilog na pantal sa ibaba noon at medyo mahapdi at makati.

Aaaaah! Napaka-disaster ng araw na 'to!

Nakagat pala 'ko ng bubuyog. Mapula ang mata at may sugat sa siko! Wala ng mas papanget sa'kin! Pupunta pa naman ako kina Rion!

Nilingon ko si Vaughn na nagpapagpag ng basang polo. He is bare from the waist up. And his magnificent torso was glistening with droplets of water. No!

Hindi ko dapat binibigyan ng description ang lalakeng 'to. Mas maganda pa din ng ilang exercise at ilang pagkabanat dahil sa pagtatrabaho ang katawan ni Rion!

Tumayo ako at nakita ang mapulang marka sa bandang leeg ni Vaughn.

"Nakagat ka din!"

Namamaga at namumula na din ang kanya.

"Obviously."

Medyo na-guilty ako, medyo lang naman, siya kasi kanina ang nasa likod habang tumatakbo kami kanina kaya siguro naabutan siya ng isang bubuyog.

"Bakit ka kasi nagpakagat?!"

"Tss! Ayoko din naman pero ganon kalakas ang appeal ko kaya pati bubuyog gusto akong papakin."

Inirapan ko lang siya sa kayabangan niya. Mala-Moises lang!

"Pero kasalanan mo kasi kaya tayo nakagat! Kung hindi mo 'ko sinilipan!"

"I did not, not intentionally, blame the wind. At saka pwede mo naman akong sipain o suntukin kesa batuhin, nagulo mo pa tuloy ang mga bubuyog."

Hmn...May point siya pero nunca 'kong sasabihin!

"Paano ka niyan uuwi?" tanong ko sa kanya, malapit na ang bahay namin dito samantalang iniwan niya daw ang sasakyan niya sa school.

"You care, I'm touched, really." then he grinned.

"Ewan ko sa'yo, basta wag ka na lang uminom ng may alcohol, kung ayaw mong mamatay, at wag ka na uling magpapakita sa'kin ha! Sige, adios!"

Naglakad ako sa alam kong shortcut papunta sa bahay. Pero hindi ko napigilang lingunin siya na nagpapatuyo pa din ng damit...