Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 50 - Inviting Him

Chapter 50 - Inviting Him

Dollar's POV

Pumasok ako sa garahe ng mga Flaviejo... at gusto kong manliit dahil sa kahihiyan... HmN...

Mas mukha kasing showroom ang garahe kesa sa 'normal na garahe'. Glass ang mga walls at marmol ang sahig. And the fleet of cars made a really awesome sight! May Porsche, Ferrari, Bugatti, Lamborghini at Aston Martin. At may Harley at Hayabusa na motor din sa kaliwa ko. At syempre, iba pa ang sasakyan nila Lolo at Shamari kesa kay Rion.

Tss! Kaya pala ambilis niyang magpalit ng sasakyan.

Kahit siguro ibenta ko ang kaluluwa at internal organs ko, hindi ko pa din ma-a-afford ang shipment ng isa sa mga to. Pakiramdam ko tuloy , para 'kong nagingitim na bubble gum sa gitna ng mga sasakyang 'to at literal na nanliit ako sa gitna nila. Mas ngayon ko napatunayan na totoong mayaman sila. At isa lang akong hamak na magandang hampaslupa..

Hmn..Make me wonder kung ito nga ba ang dahilan kaya hindi ako magustuhan ni Rion. Dahil ba hindi namin ka-level ang kayamanan nila?

No, no, no. Hindi siya ganoon kababaw. May iba pang dahilan, feel ko, at iyon ang aalamin ko, soon... Atsaka eh ano ba kung mayaman siya? Tinuruan ako ni Uncle na huwag mainggit sa nakakalamang. Tinuruan ako nila Moi at Zilv na tawagan lang sila kung feel kong magmayaman. O pang-i-spoil ba ang tawag doon?

Ah basta, kahit ano. Mayaman man siya o hindi, magduldol man kaming dalawa sa asin o tumira sa tree house niya na tatlo lang ang haligi... Hmn...parang pang husband and wife thoughts na yun ah! *Dreamy eyes

Pero enough of that. Kaya 'ko pumunta dito ay para hintayin siyang dumating at yayaing maging escort ko o ako ang maging escort niya? Kahit ano, basta together kaming a-attend, holding hands while entering the grand hall...

Alas-dies na ng gabi at sabi ni Lolo kapag alas-once na, matulog na daw ako. May isang oras pa 'ko para maghintay.

Naglakad ako sa bakanteng parte sa gitna ng Bugatti at Reventon at humiga. Malamang dito paparada si Rion at siguro naman hindi niya 'ko sasagasaan. Hehe!

Mahigpit lang talaga ang pangangailangan sa escort lalo na't ready-ng ready na 'ko. Ang totoo, may damit na nga ako. Hahaha! Humilata ako sa sahig at niyakap ang pinakamalaking unan na niregalo sa'kin ni Rion...

^^^^^^^^

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na busina ng sasakyan. Babalik sana 'ko sa pagtulog kung hindi lang bumusina ulit ang gigil na gigil na driver at kung hindi rin lang masakit sa mata ang headlights.

Marahan akong tumayo at dumistansya sa kotse hanggang makaparada iyon nang maayos. Baket ba dito 'ko nakatulog? Ang lamig ng sahig, hindi kaya pulmonya ang abutin ko? Nagkusot ako ng mata nang may naalala 'ko.

10:10 na! Sampung minuto akong nakatulog sa paghihintay!

Mabilis pa sa alas-kwatro na nasa tapat na 'ko ng bagong dating na kotse at hinintay bumaba si Rion. Tinted ang salamin kaya hindi ko siya makita pero kumaway pa din ako. Bumukas ang pinto sa side ng driver's seat at una 'kong nakita ang maputing paa... na... naka-heels?

Eeng!!! Surely, it's not Rion's.

Bumaba si Shamari with all her glory and with her eternal dark aura na halata sa nakataas niyang kilay nang makita ako.

"Shamcy, Shalani, Shawarmi!!!"

"Wha--"

Parang gusto niya akong paulanan ng kung anu-anong salita pero nagbago yata ang isip.

"How's your day and night, bespren?"

Inirapan niya lang ako at pumunta siya sa tagilirang bahagi ng sasakyan niya. And then she cursed... na kahit mga tambay sa bilyaran ay mahihiya kapag narinig siya. Obviously, hindi maganda ang araw at gabi niya.

Nakisilip ako sa tinitingnan niya habang yakap pa din ang unan ko. At kamura-mura nga siguro kapag nalaman mong may mahaba at malalim na gasgas ang Ford mo.

"Damn you, Macario!" Shamari yelled.

Hmn... surname iyon ni tatay Zilv ah. Hanggang sa kalsada ba naman gusto nilang magpatayan?

Nakita kong sinipa ni Shamari ang gulong ng kotse sa sobrang inis at dahil sa sobrang lakas ng ginawa niya, paa lang niya ang nasaktan hindi ang kawawang gulong. No, mali, yung paa pala niya ang kawawa hindi ang gulong. Bwahaha!

Sinubsob ko ang mukha ko sa yakap kong unan para di niya makita ang pinipigilan kong tawa. Ayokong dagdagan ang init ng ulo niya, mamaya niyan hindi lang irap ang abutin ko sa kanya baka sakalin na din niya ako!

Hindi ako nag-angat ng mukha hanggang sa marinig ko ang papalayong yabag este padyak ni Shamari. Parang kahit paakyat na siya sa grand staircase ay naririnig ko pa din ang pagtagaktak ng sapatos niya. Hay... Hirap pigilin ng tawa habang sinu-suffocate ang sarili sa unan.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong garahe hanggang makita ko si Rion na nakasandal sa hood ng sasakyan niya. Parang kanina pa siya doon. Bakit hindi ko yata naramdaman?

"Hello!"

Grabe naman makasandal at makapamulsa o. Remember that 'I'm all yours for the taking, baby' na aura niya?

"Hey." bati niya and smiled lazily.

Oh my heart! Binabati na niya 'ko?!

"May sasabihin ako sa'yo," simula 'ko.

"What?"

Waaah, his voice! So cool and deep!

"Paano naisip ni Vaughn na bakla si Rion?!"

"What?"

Napatingin ako sa pagkakakunot ng noo niya? May nasabi ba 'kong masama?

"Vaughn told you I'm gay? That asshole."

"H-Ha?"

Na-i-voice-out ko pala ang huli kong naisip. Para tuloy naiba ang aura ni Rion.

"Iyon ba ang itatanong mo? Gusto mo bang mahalikan para mapatunayan ko sa'yo?"

(O_O)?

"H-Hindi... eehh... si Vaughn kasi eh.."

"You believed that loser?"

"Hindi no! Pinapatunayan ko nga sa kanya na hindi ka bakla."

"No you don't need to, I'll take care of him."

"Okay... but no offense Rion..."

"What? Are you still doubting my manhood?"

"H-Hindi ah!"

Susme namang lalake 'to o. Nakatatlong halik na nga ako, ngayon pa ba naman ako magdududa?

"You sure? Dahil kung hindi... Hindi lang halik ang ibibigay ko sa'yo..." he whispered.

Humakbang siya palapit sa'kin. Napaatras naman ako at lalong humigpit ang yakap ko sa unan. Pero kelangan ko yatang bitawan yun para mas madali nya 'kong....

Hmm...ano nga bang balak niya? Parang bigla akong kinabahan at... na excite? Well, malandi lang talaga. Bakla ka, bakla ka! O ano? Game na!

Pero dahil tanga lang, hindi ko napansin na kanina pa siya tumigil sa paghakbang habang nakasampung hakbang yata ako paatras. Psh!

"May sasabihin ka di ba?" tanong niya at sinulyapan ang hawak kong unan.

"Ah, hehe,oo nga pala."

Bumalik ulit ako sa tabi niya at tiningala siya.

"Yayain sana kita na maging partner ko sa party sa Saturday. I hope wala ka pang partner, at saka hindi naman siguro bawal na may kasama ka kahit kayo ang organizer di ba?"

Hindi siya nagsalita, nakatitig lang sa'kin. Tatanggihan niya ba? Baka umatake na naman ang 'No syndrome' niya. Hindi ko napansin na mahigpit ko na palang hawak ang unan, nalaman ko lang nang mapasulyap uli siya don. Bakit ba 'ko kinakabahan kung tatanggi siya? Eh di huwag um-attend kapag walang escort!

"Sure."

"T-Talaga...?"

He nodded.

"Aah! Hahahaha!"

Niyakap ko siya sa sobrang tuwa. At ang kawawang unan diretso sa sahig. Napabitiw naman ako sa kanya nang bumalik ang kahihiyan sa sarili ko. Hanu ba yun, nawala ako sa sarili ko. Hehe, syempre joke lang iyong nawala sa sarili, ako pah!

"Thank you! First time ko kasing a-attend sa party, gusto mo bang makita ako ngayon na suot na 'yong dress ko para malaman mo kung tama ang desisyon mo? Tara sa kwarto ko, oh wait, may damit ka na ba? Bili tayo bukas!"

I heard him chuckled. "Meron na, matulog na lang tayo, tara na."

Your room or mine?

Buti na lang nakagat ko labi ko bago ko pa masabi. Ang saya ko talaga.

At dumoble pa nang inabot niya sa'kin pabalik ang unan, inalalayan sa paglalakad at sabay kaming naglakad palabas sa garahe.

(^___^)