Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

RION aka Jaguar (Complete)

πŸ‡΅πŸ‡­Royal_Esbree
67
Completed
--
NOT RATINGS
223.2k
Views
Synopsis
Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviegjo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing everything to avoid her for many reasons including his traumatic past and secret night job...
VIEW MORE

Chapter 1 - Ang Barya...

Dollar's POV

Lunes. Ito talaga ang favorite kong araw, baket? Teka lang lalagpas muna 'ko kay manong guard

Ok lusot ulit.. *Grin

Napatunayan kong 'when you look people in the eyes, di na nila mapapansin kung anong suot mo.. at makakalusot ka sa rules ng school na 'to tungkol sa complete uniform.

(^_^)

Medyo talented ako sa ganyan.

"Dollar!"

Iyan, 'yan ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko ang araw na to, lumingon muna 'ko sa may-ari ng matinis na boses na tumawag sa'kin at saka humanda sa pagtakbo nang mabilis.....

Ito ang hinahanap ko lage, adrenaline rush. Kapag kase hinahabol ako ni Stacy (ang isa sa mga bida-bidang officers ng Student Council ng University) mas napapabilis ang pagpasok ko sa unang subject ko ngayong araw. Enjoy ako sa pagtakbo kesa pakinggan ang mga isasampal niya sa mukha ko na mga rules and reg na nilabag ko.

Unang tuntong ko pa lang kasi dito ay pinag-iinitan na niya ko! Ano bang masama kung:

1. Naka-flat black shoes ako? (required kasi na two inches ang sukat ng heels na isusuot, asar ha,kayo kaya ang magsuot ng ganon kataas, eh naglalakad ako pagpasok sa school atsaka gusto kong madali akong makakatakbo)

2. Wala akong ID?(nakalimutan ko, nakasabit yun sa salamin eh)

3. Nakahighlights daw buhok ko (Psss. Natural 'yan, ayaw maniwalang medyo mestisa ako)

Ahm iyan lang naman ang sa tingin ko ay napansin ni Stacy, pero minsan pag naaabutan nya ko ay marami pa syang napupuna like bakit daw nakatupi ang long sleeves ko (hello! kainitan kaya ng tanghali mo ko nakita! )

At wala sa tamang sukat ang skirt ko? (Sorry kinapos sa tela!) at ire-recite na nya ang piece nya na "you are the exact opposite of the word student! you are that,you are blah blah,.............

Di ko naman iniintindi, I'm busy combing my dark brown hair habang nakatingala sa pininturahang mukha niya. Teka lang nasan na ba tayo ah oo nga pala, natakbo ko,

"Dollar Mariella Viscosssssss!" sigaw pa din niya.

Malawak lawak din 'tong University namin pero sige lang takbo lang, walang pakialam kung may nabangga na grupo ng mga estudyante na ngayon ay nagbubuga na ng mga mura.. Sorry!

Nilingon ko si Stacy, medyo malayu- layo na rin ako pero nakita ko pa din nang may kinausap siyang mga estudyante at tinuro ang direksyon ko.

Ay linsyak na yan! Humingi ng back-up!

Ano ba kasing problema sa kanila, bakit ganon na lang ang pagsamba nila sa rules and reg eh ilang pirasong papel lang naman yun di ba! Oo, oo ganyan kabaluktot ang prinsipyo ko. Sinisisi ko sa dalawa kong kaibigang lalake na walang kinatatakutan kundi lumilipad na ipis.

Pumasok ako sa isang room nang medyo nakayuko..... pinakiramdaman ko muna ang paligid...

Hmmmnnn...walang tao ah, tahimik... Lumilinga-linga 'ko.

"Aray kup---!"

Sakit nun ah, nabangga ang paa ko sa kanto ng paa ng lamesa. Natuloy na ko sa pag-upo dahil sa kawawa kong paa (Y_Y)

Ang bilis ng karma ngayong umaga ha! Narinig ko yung boses ni Stacy, naku di ko nga pala nasarado ang pinto. Nagtago na lang ako sa ilalim ng lamesa, teka bakit may mge desks, di naman to faculty room ah. Naglakad ako ng paika-ikang nakaupo (Hmmmn? imagine-in nyo na lang kung paano)

Sige Dollar, tawid sa kabilang lamesa sa hindi makikita nila. Bakit nga ba umabot sa ganito ang adrenaline rush na hinahanap ko? Kung kinausap ko na lang si Stacy ay di nakapasok na sana 'ko sa klase ko. Pero huli na, pag nahuli ako nun ay baka kaladkarin na 'ko sa guidance office, assaulting an officer ata yun? Weh?!

Nangalumbaba na lang ako habang himas-himas ang kaliwang paa ko. Nasa ilalim pa din ako ng lamesa. Hay, ano nga ba tong room na napasukan ko? Nagpalinga-linga 'ko at dahil nasa ilalim nga lang ako ng lamesa (paulit-ulit talaga?!) ay limited lang ang nakikita ko, katulad ng isang pares ng malaking... black leather shoes?

Hmmmnn.. Inangat ko pa ng medyo ang tingin ko....

A pair of legs.... Mukhang strong... halata kahit naka-slacks....

Hmmmnn...paano kaya to sumipa? Malakas din kaya talaga?

Higher...and higher.....

"TEKA! ARAY!"

Sa sobrang pagkagulat ko ay masyadong napa-exag ang pagtingala ko kaya umumpog sa lamesa ang ulo ko. Paa at ulo ko na ang nasaktan, ano kaya ang sunod? Balikat, tuhod? Paano ba naman eh pag-angat ko ng tingin ay biglang umurong 'yung swivel chair at niyuko ako ng may-ari ng pair of legs na pinagnanasaan ko!

"Are you done?" came that baritone voice. At sinilip ako sa ilalim.

You know that dangerous and serious look on his handsome face? I almost gasped.

Huli na nang ma-realize ko kung gano katanga ang pagkakaupo ko sa ilaim ng lamesa, nakahawak ang kaliwa kong kamay sa nasaktan kong kaliwang paa at ang isa naman ay nakasapo sa nasaktan kong bumbunan. Okay, idagdag nyo na din na medyo napanganga ako sa nakita ko, at huli na din nang ma-realize ko kung gano kasagwa para sa ibang makakakita na may babaeng nasa ilalim ng lamesa habang may prenteng nakaupong lalake sa harap nito.

Eeeng!!!!!!!!

Hindi niya na kailangang magsalita para itanong kung anong ginagawa ko sa ilalim ng lamesa. His eyes asked it all, nadoon ang paninita and amusement? No, imagination ko lang yata 'yon because I'm sure that this is the kind of guy na hindi madaling mapaluguran at ano nga ba ang nakaka-amuse sa posisyon ko sa ilalim ng lamesa? And why does he have to look verrrrrrry handsome kahit visible sa mukha niya ang kaseryosohan?

Hinamig ko muna ang sarili ko and slowly give my sweetest smile ever!

"Hello! Gumulong kasi 'yong barya ko and I think sa direksyon na 'to 'yon pumunta, teka 'asan na ba yun?" with matching linga-linga pa sa sahig.

Thank God for giving me the talent sa bilis sa pagdadahilan.

Nakatingin lang siya sa 'kin ng ano pa nga ba eh 'di seriously. Parang sinusubok kung totoo nga ang pinagsasabi ko, hehe! Ngiti at beautiful eyes lang katapat neto.

"Can you walk?" tanong niya at pinagkrus niya ang mga arms niya at patamad na sumandal sa headrest ng upuan.

"Ha? Oo naman.." at lumabas na 'ko sa ilalim ng desk niya.

Haaay, napasarap ako dun ah. Humakbang ako at mas naramdaman ko ang pagkirot ng paa ko.

-_-

Nang lumingon ako sa kanya ay busy na siya sa kung anu-anong sinusulat niya at noon ko lang napansin na naka-school uniform siya. Hmn, He must be one of the students in the higher years. Ngayon ko lang siya nakita pero sabagay, madami din namang estudyante sa school na to. Ano kayang schedule ng pagpasok niya? *Grin

"Nahanap mo na ba ang hinahanap mo?" tanong niya nang hindi nag-aangat ng tingin sa'kin

OO, OO! Ikaw na, ikaw ang hinahanap ko!

"Ahm pwede bang bumalik na lang ako, kasi male-late na ko." Pa-cute ko.

Saka niya 'ko tiningnan. Okay, I know that questioning look. Sino nga ba namang mag-aaksayang hanapin ang nawawalang barya kundi ako lamang, at imaginary barya pa ha!

"Lumang barya na kasi yun, alam mo na pamana pa sa 'kin, iniingatan ko kasi baka after 10 years, malaki na lalo ang value niyon pag pinapalit sa bangko" palusot ko.

Tumango lang siya. Di ko alam kung naniwala nga sa 'kin si Unsmiling Prince, 'di ko mabasa ang reaction ng mukha niya, poker face and that made him had that mysterious arrive. Sige, gogora na muna ko dahil ilang minuto na 'kong late sa Statistics. Tsk, tsk, tsk...

"Sige sa susunod ulit ha!" paalam ko sa kanya at nag-wave pa. I'm grinning from ear to ear while making my way out of the room.