Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 9 - Shadows #1

Chapter 9 - Shadows #1

Unknown Character's POV

"Put*** *na!" mura ko nang mapatid ako sa isang kahoy na nakaharang sa daan.

Nang mahimasmasan sa nasaktang paa, tinuloy ko na ang pasuray-suray kong paglalakad sa madilim na eskinita.

Ala-una na yata ng madaling araw. At ngayon, itong gabi na 'to ang pinaka-maagang uwi ko galing sa pakikipag-inuman kasama ang mga kumpare ko.

Walang magagawa, masarap ang buhay ko ngayon. Kaya ko ng suportahan ang mga bisyo ko, alak, babae, sugal, bawal na gamot... lahat ng gusto ko.Hindi talaga ako nagkamaling sumali sa grupong kinabibilangan ko ngayon.

"Thish ish maaaayyyyy laaaayyyyffff....!" Pakanta-kanta pa ko habang kinukuha ko sa bulsa ko ang susi ng sasakyan ko.

"Ang ganda ng gabi mo, Velasco."

Nilingon ko ang malamig na boses na 'yon. Dahil madilim sa kinatatayuan niya, hindi ko masyadong makita ang mukha niya.

"Sino ka ha? Bakish mo ko kilashla ha, bata? At umalis ka dyan sa pagkakasandal dyan sa kotse ko!"

Hindi siya kumilos.

"Saan? Sa kotseng 'to na binigay sayo ng leader ng drug cartel na sinalihan mo?"

Napatulala ako. Parang nahulasan ako sa pagkakalasing.

Kung alam niya ang lahat ng tungkol sa'kin at sa grupo ko, malamang kaaway siya.

Hinugot ko ang baril na nasa baywang ko pero hindi ko pa man naiuumang sa kanya 'yon ay napilipit na niya ang dalawang braso ko. Tumilapon ang baril ko sa malayo.

"Put*** *na!" napamura ako sa sakit. Ibinalibag niya ako kaya tumama ang dibdib ko sa gilid ng kotse ko. Hindi ko maikilos ang mga binti ko dahil ni-lock niya 'yon gamit ang dalawang binti niya.

Matangkad na tao siya at walang magagawa laban sa kanya ang height ko at nalalaman sa pakikipaglaban.

"Ngayon, sabihin mo sa kin kung anu-ano ang magdidiin para tuluyang mawala ang grupo nyo." tumayo ang balahibo ko sa paraan ng pagkakasabi niya. Walang emosyon pero malalim at malamig ang boses niya.

Tumawa ako nang mahina para hindi niya mahalata na takot ko. "At pagkatapos kong sabihin sa'yo? Papatayin mo ko! Hindi ako tanga! Wala kang makukuha sakin!"

"Tama. Papatayin din kita dahil magsalita ka man o hindi, papatayin ka din ng mga kasama mo. Malalaman nilang nasundan kita, at ibig sabihin niyon, may butas na sa grupo ninyo!"

"Wala akong pakialam! Hindi ako magsasalita!"

"Ikaw ang bahala."

Pinakawalan niya 'ko. Tumakbo ako palayo. Hindi siya kumilos at nakita ko pa nang magsindi siya ng sigarilyo at sumandal ulit sa kotse ko.

"Run, Velasco. Run for your life."

Narinig ko pang sabi niya. Binilisan ko ang pagtakbo ko at nasa labas na ko ng bayan ng Flaviejo. Pumasok ako sa gubat. Nagkandadapa ako sa siit at humampas sa mga sanga ang katawan ko.

Hindi ko pa din nararamdaman na sinusundan niya ko.Pero hindi ako sinilang kahapon para hindi malaman ang takbo ng isip ng mga vigilante na katulad niya.

Pakiramdam ko ang layu-layo na ng natatakbo ko palayo sa gubat kaya nagulat ako nang makarinig ng tunog ng humintong mga motorsiklo ilang metro sa kaliwa ko.

Tangna! Hindi pa pala ako nakakalayo! Parang binaybay ko lang ang gilid ng kagubatan na malapit sa highway.

Napasandal ako sa isang puno. Hindi ko na kayang tumakbo. Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo sa binti ko dahil sa malaki at matulis na kahoy na nakabaon don. Kung hindi man ako mapatay ng hayop na lalake na yon, malamang mamatay ako dahil sa pagkaubos sa dugo o impeksyon.

Narinig ko ang tunog ng naapakang mga tuyong dahon. At mayamaya pa ay nakita ko sa harapan ko ang dalawang bulto ng lalaki.

Kung ganon, may kasama pa ang lalaking 'to. Hindi ko pa din makita ang mga mukha nila dahil dumoble ang dilim sa loob ng gubat.

"Alam mo kung anong rule kapag ayaw magsalita ng target, Jaguar." paalala ng bagong dating sa kasama niya.

"Shut up, Shrapnel! I know the rules more than you do."

"Cool, dude. I'm just reminding you." at tumawa pa nang mahina ang tinawag na Shrapnel.

Lalo akong nawalan ng pag-asang mabuhay.

Ngayon alam ko na kung sino sila. Jaguar at Shrapnel. Iyon ang mga codename nila. Kabilang sa kinatatakutang grupo ng mga vigilante. Maraming sindikatong katulad namin ang nangingilag sa grupo nila.

Dalawa lang ang tiyak ko: Una, mas bata silang dalawa sa akin ng maraming taon. Pangalawa, hindi man nila ako patayin, mabubuhay ako pero mas gugustuhin ko pang mamatay dahil grabeng pagpapahirap ang gagawin nila sa akin. Base iyon sa reputasyon ng grupo nila.

"I'm giving you second chance, Velasco. Tama ang iniisip mo. Hindi ka namin bubuhayin, pero hindi mo ba gusto na mapapakinabangan ng marami ang sasabihin mo tungkol sa grupo ninyo bago ka man lang mamatay?"

"Hindi!" mamatay akong walang sinasabi dahil kapag ginawa ko 'yon baka patayin ng mga kasamahan ko ang pamilya ko.

" 'Kay."

Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ako sa batok. Nagkapantay ang mga mukha namin.

"Close your eyes, buddy. Mabilis lang 'to." at diniinan niya ang parte ng batok ko gamit ang kamay na naka-glove.

Ilang segundo akong natulala, hindi makahinga at namanhid ang buong katawan.

At ang huli kong nakita ay ang pares ng mga mata na parang hindi marunong makaramdam ng emosyon... Nakakatakot.

At mayamaya ay nagdilim ang buo kong paligid...