Sabay kaming lumaki, sabay kaming nangarap, sabay kaming nadapa at patuloy na bumangon.
Sabay kaming umiyak at sabay din kaming tumahan.
Ako si Ginger Balesteros and i'm in love with my bestfriend Kian Dominguez.
Simula nang nagkamuwang ako sa mundo kasabay niyon ang nararamdaman ko para sa kaibigan ko'ng si Kian. Kahit na alam ko na hangang kaibigan lang ang turing niya sa akin at alam ko din na may mahal siyan'g iba.
Pero hindi ko maiwasan na patuloy na mahulog sa kanya!
Lalo na magkababata kami, halos sa parang kapatid na ang turingan namin at ayako'ng masira iyon dahil lang sa aking nararamdaman.
Pero hindin'g hindi ako susuko para sa nararamdaman ko, at hindi ko pag sisihan ang mga disisyon na gagawin ko.