Chereads / WHEN YOU CAME INTO MY LIFE / Chapter 5 - CHAPTER 04

Chapter 5 - CHAPTER 04

GINGER

Hindi ko alam kung ano'itong gulong pinasok ko.

Mabait naman akong tao, ni minsan wala akong naging kaaway bukod lang sa kaibigan kong si Kian.

Speaking of Kian siguro hindi ko na muna siya iisipin sa ngayon. Pero kahit papaano namimiss kona ang kaibigan kong iyon! Kaylan kaya kami makakabalik sa dati?

Maaga akong umalis sa bahay dahil eto ang first day nang pagiging slave ko sa asungot na Mr owner na iyon!

Pagkatapak ko sa tapat nang classroom namin ay rinig ko na ang ingay mula sa loob.

Hinga nang malalim Ginger!

Pagkapasok ko ay agad akong umupo sa aking upuan. Wala pa si Nicole at Kian kaya kinuha ko muna ang cellphone ko sa aking bag.

Nagulat ako nang makatangap ako nang iilang message mula sa unknown number?

Unknown number:

Oy. San ka?

Unknown number:

Hey! pupuntahan kita diyan sa room mo bago mag breaktime ok! Huwag mong subukang tumakas kung hindi lagot ka sa akin!

Teka sino ba ito? Sino paba ang ibang nakakaalam nang number ko bukod kay Kian si Nicole at si Mommy at Daddy lang ang nakakaalam nang number ko!

Balak ko sana replyan ang nag txt sa akin kaso zero balance na pala ako kagabi.

Mamaya ko nalang siguro siya rereplayan makapag paload nalang mamaya!

Mga ilang minuto pa ay pumasok na aming Teacher! Mukang hindi papasok si Nicole ah.

Nagsimula nang mag attendance ang aming Guro ngunit wala padin ang aking dalawang kaibigan.

"Wheres Mr Dominguez and Ms Cortez?" Tanong nang aming Guro, ngunit ni isa ay walang sumagot.

"Ok lets start a new lesson!" Nagsimula nang magturo ang aming guro samantalang ako lutang sa aking upuan baka sakaling dumating pa ang dalawa kong kaibigan. Ngunit natapos na ang lesson nang aming Guro ay wala padin sila.

Ilang subjects pa ang lumipas ngunit wala naman pumapasok sa utak ko. Mga ilang minuto ay nag bell na hudyat na breaktime na. Hindi ako sanay na mag breaktime mag isa pero gagawin ko no choice na ako!

Palabas na ako nang pintuan nang classroom but suddenly grab my arm.

"Who the hell are you?"

Hindi niya ako pinansin dirediretso padin siya sa paglalakad ang sakit nanga nang paa ko dahil hindi padin siya tumitigil sa paghatak sa akin!

Napansin kong tumigil kami sa School Garden nang school.

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko masyadong mamukaan kung sino mang poncio pilato na humatak sa akin dito!

Nang humarap siya sa akin staka kolang nasilayan ang kanyang pagmumuka. Well sino paba? Ang asungot na may ari nang ice cream na kinainan namin kahapon.

She paused and look straight at me.

"Ang ingay mo Ms!" He said.

"Abat sorry naman kung sobrang ingay ko! sino bang hindi magiingay pagbigla nalang may humatak sa kanya sa kung saan diba wala!" Sigaw ko sa kanya.

"I dont care basta huwag kalang maingya diyan!" masungit netong sabi.

This men has an attidute. Daig pa ako kala mo laging may mens pag nagagalit eh!

Mga ilang sigundong katahimikan bago ulit siya mag salita. "Do you remember this is the first day na pagsisilbihan mo ako!"

"So!" masungit kong sambit.

"Huwag mo akong ma so! so! babae!" Yan galit nanaman siya.

"Ok fine! fine! hindi kanaman mabiro! so anung first task ko sabihin muna nang matapos na tayo!" Tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang ngiti sa kanyang labi na ikinakaba ko. Mukang may balak na masama etong lakaki na ito ah!

"Hmm siguro ilibre mo muna ako nang makakain tutal gutom nadin ako at mukang gutom kana din!" sambit neto.

"Excuse me bangko ba ako at may patago kaba para ilibre kita diyan!" I shouted.

Natakot ako nang titigan niya ako nang masama kaya sumunod na lamang ako sa gusto niya. Patungo na kami ngayon sa Cafeteria nang pinagtitinginan kami nang mga students sa bawat nadaraanan namin.

Hindi ako sanay sa maraming attention, kaya minsan lagi lang ako nasa loob nang bahay nung bakasyon.

Napatingin naman ako sa katabi ko'na prenteng prenteng naglalakad sa tabi ko habang nakapasok ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa.

"Huwag monga akong titigan!" agad akong nag iwas nang tingin nang marealize kona kanina ko papala siya pinagmamasdan.

Nang makarating kami sa Cafeteria ay agad akong pumila at siya naman ay naghanap nang aming mauupuan.

Nang makuha ko ang binili ko ay agad ko namang nilibot ang aking paningin at agad ko naman nakita ang mukha nang damuhong iyon. Inis na inis akong lumapit sa aming upuan at padabog itong nilapag.

"Oyan ubusin mo iyan ha!" Sarakastiko kong sambit.

"Ang sungit mo naman diyan pwedeng chill kalang!" May pang aasar netong bangit.

"Tssk chill mo mukha mo! Tahimik kaming kumakain ni Mr asungot nang maisipan kong magsalita, since simula nung first encounter namin sa rooftop ay hindi ko manlang nalaman ang pangalan niya.

Tumikhim muna ako bago ako magsalita. "Ahm ano bang pangalan mo?" Una kong tanong.

"Ako? ah ako si Bryan Smith!" Sambit neto habang kumakain nang burger.

"So mayaman ka pala?" Nakita ko ang pagtango niya.

"Anong strand ang kinuha mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"STEM!" maikli naiyang sambit.

Pagkatapos nang mga katanungan na iyon ay hindi na muli itong nasundan. Nang matapos kaming kumain ay lumabas na kami nang Cafeteria syempre sabi niya eh sumusunod lang ako.

Nakarating kami sa field nang school tanaw na tanaw doon ang mga studyanteng mga nag lalaro nang volley ball at ang iba naman ay kumukuha nang magagandang litrato. Umupo kami sa bakanteng bench at pinagmasdan ang kapaligiran.

"Ma mimiss ko ang ganito!"

"Ako din!"

Laking gulat ko nang sumagot siya sa sinabi ko. Since wala naman kaming mapag usapan ay pinagpatuloy ko nalang ang ganitong conversation!

"Alin ang mamimiss mo dito?" Tanong ko.

Matagal siya bago sumagot. "Siyempre etong buong lugar na ito ano paba?!" Kahit na medyo masungit ang dating nya doon naniniwala ako na may good side din itong lalaki na ito.

"Ikaw anong mamimiss mo dito?" Tanong niya.

"Ako? Siyempre bukod sa lugar na ito pati ang mga tao dito ma mimiss ko!" Sambit ko habang nakatingin sa kabuuan nang lugar.

Mga ilang segundo ang nakalipas nang magsalita siya ulit.

"Ikaw ba Ginger?" Nagulat ako dahil eto ang pangalawang beses na tinawag niya ako sa pangalan ako at clueless padin ako kung saan niya eto narinig or nalaman. "Kaya mobang magsakripisyo para sa taong mahal mo?"

Nagulat ako sa tanong niya pero hindi na sa akin bago iyon pero, nakakapanibago siya dahil mas gusto ko yung ganitong side niya kaysa sa lagi siyang galit.

"Ako! Siyempre oo para sa taong mahal ko gagawin ko ang lahat para lang sa kanya! diba ganoon naman talaga pag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat kahit na mahirap!" mabilis kong sagot.

Natigil ang pag-uusap namin ni Bryan nang tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang Breaktime.

"Oh paano ba iyan mauna na ako sayo! see you around!" sambit ko, tatalikod na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Teka!"

"Bakit?"

Ang tagal niya bago mag salita nagulat ako nang padabog niyang bitawan ang kamay ko at iniwan akong naka tulala doon.

"May saltik nanaman ang lalaki na iyon!" Naglakad na ako patungo sa room.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Natapos ang buong araw na eto na kahit papaano ay may pumasok sa utak ko. Tinignan ko ang bakanteng upuan sa tabi ko!

Bakit kaya hindi pumasok si Kian at Nicole ngayon?

"Ginger, may nag hahanap sa iyo!"

Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin nang classmate kong si Steven!

"Ha sino raw?" Tanong ko.

"Nandiyan sa labas eh ikaw na kumausap uuwi na ako!" Tumango na lamang ako bilang sagot.

Inayos ko muna ang gamit ko at staka lumabas nang pintuan nang Room. Nagulat ako nang makita ko si Bryan na inaantay ako nakasandal siya at nakapikit ang mga mata.

Pinagmasdan ko ang mukha niya.Ang gwapo niya pala pag tulog!

"Hoy babae huwag monga akong titigan baka matunaw ako!"

Agad akong nag iwas nang tingin dahil feeling ko sobrang pula na nang mukha ko!

"B-bakit ka nandito?" nauutal kong tanong.

"Obvious ba siyempre inaantay ka!" Sarkastikong niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong hatakin nang makarating kami sa parking lot ay agad niya akong pinagbuksan nang pintuan nang kotse niya.

Sa likod sana ako sasakay kaso ayaw niya dahil hindi ko daw siya driver. Sungit talaga!

Tahimik kaming nag byabyahe nang bigla niyang buksan ang radyo nang kotse niya! At sakto naman ang favorite song ko ang tumutogtog!

SUGAR BY: MAROON 5

🎵I'm hurting, baby, I'm broken down🎵

I need your loving, loving, I need it now🎵

When I'm without you🎵

I'm something weak🎵

You got me begging🎵

Begging, I'm on my knees🎵

Habang kumakanta ang favorite singer ko nasi Maroon 5 ay napapasabay nadin ako sa pagkanta. Ewan koba kung bakit pero nakaka inlove ang boses niya.

🎵Your sugar

Yes, please🎵

Won't you come and put it down on me🎵

I'm right here, 'cause I need🎵

Little love and little sympathy🎵

Yeah you show me good loving🎵

Make it alright🎵

Need a little sweetness in my life🎵

Your sugar🎵

Yes, please🎵

Won't you come and put it down on me🎵

Mga ilang minuto pa ay narinig kong sumasabay narin sa pagkanta si Bryan na ikinagulat ko.

"Marunong ka pala kumanta?" Bigla kong tanong.

"Hindi gaano, natutunan ko lang sa Daddy ko!" Sambit neto.

Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa tapat nang aming gate hindi ko na inantay na pagbuksan niya ako at agad na akong bumaba!

"Salamat sa paghatid!" Sambit ko.

"Sige ma magpahinga kana at new task kapa bukas!" Masungit niyang sabi.

Yan nanaman po nagsusungit nanaman siya. Pero thankful padin ako dahil kahit papaano iba ang mood niya kanina hindi yung parati siyang galit at laging magkasalubong ang kilay.

"Ok boss! Sige bye! salamat ulit!" Nagpaalam na ako sa kanya.

Inantay ko munang maglaho ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob nang bahay. Pagpasok ko ay mukha ka agad ni Mommy At Daddy ang sumalubong sa akin.

"Hello anak kamusta sa school?" Tanong ni Mommy.

"Ok naman po Mom! medyo nakaka stress lang pero kaya!" Nagmano ako sa kanilang parehas at kumiss sa cheeks.

"So sino yung naghatid sayo kanina?" biglang tanong ni Daddy.

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig baka malaman nila na pinagsisilbihan ko ang lalaki na iyon. Hindi iyon maari dahil big trouble ang mangyayari.

"Ah Mom Dad classmate ko lang iyon hinatid lang ako dahil ang hirap sumakay kanina!" Pagpapalusot ko.

Nung una ay parang ayaw pa maniwala ni Mommy at Daddy pero sa huli ay nakumbinsi ko din sila.

"Ok! Oh sige na pag rest kana doon at bumaba kana maya maya mag dinner na tayo!" Sambit ni Mommy.

"Ok Mom!" Agad na akong tumakbo sa aking kwarto. Muntik na ako doon ah buti nalang nalusutan ko kasi kung hindi mag uusisa pa sila Mommy at Daddy.

Grabe ang araw na ito kahit nakakapagod atleast naka kilala ako nang tao na kagaya ni Bryan. Kahit na masungit ay may good sides naman siya.

Nagpagulong gulong ako sa kama dahil tinatamad pa akong mag bihis.

Ano kayang Second task ko? Tanong ko sa aking sarili.

Hysst panibagong araw panibagong pagod. Matatapos din eto Ginger 1 week to be slave yakang yaka yan!

Nagbihis na ako ka agad at agad ding bumaba dahil narinig ko ang tawag ni Mommy.

Habang kumakain ay biglang nagsalita si Daddy.

"Oh Ginger naipakilala naba sayo ni Kian ang Girlfriend niya?" Namilog ang buo kong katawan sa aking narinig so girlfriend nga ni Kian yung babae aa Picture.

Nanlamig ang buo kong katawan sa aking nalaman, ni hindi kona makain nang maayos ang pagkain ko. Bigla nalang akong nawalan nang gana.

"Anak ok kalang?" Tanong Ni Mommy.

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa tanong ni Mommy. "Ah opo Mom ok lang po ako!" Sagot ko.

"So hindi pa sayo naipapakilala ni Kian ang Girlfriend niya?" pagulit na tanong ni Daddy!

"O-oopo Dad hindi papo!" Nauutal kong sambit napayuko na lamang ako dahil baka mahalata nila na niiyak na ako. Mabilis kong tinapos ang aking kinakain at agad na tumakbo sa akinh kwarto.

Umiyak lang ako nanh umiyak sa aking kama habang yakap yakap ang aking unan.

"Mukang wala na talaga akong pag asa for kian!" Pero hindi ko kayang makita yung taong mahal ko na masaya sa iba!"

Pero biglang nag flashback sa akin yung tanong ni Bryan kaninang umaga.

"Kaya mobang magsakripisyo para sa taong mahal mo?"

Mukang mali ako nang isinagot kay Bryan kanina, mukang hindi ko kayang isuko nalang basta si Kian! Pero paano? paano ako lalaban kung sa una palang ay talo na ako?