Ginger
First day of class ngayon. Maaga akong bumangon dahil ayako'ng malate at excited nadin akong makita yung mga old classmates ko at syempre ang my one and only bestfriend ko nasi Kian.
"Good morning!" bati ko kay Mommy na kasalukuyang naghahanda nang breakfast ko.
"Mukang maganda ang gising mo ah, may nangyari bang maganda? " nakangiti niyang tanong sa akin.
"Nothing Mom, excited lang po ako pumasok! " sabi ko. Umupo na ako sa lamesa pinagmasdan ko ang lahat nang niluto ni Mommy for me, at thankful ako kay God dahil biniyayaan niya ako nang ganito ka asikasong Mommy.
Habang kumakain ay napansin kong wala pa si Daddy. "Ah Mom where's Dad? Bakit hindi hindi pa siya sumasabay sa atin sa breakfast? "
"Ah maaga nagising ang Dad mo, dahil may new project sila sa Las vegas!" sambit ni Mommy.
Tumango na lamang ako, nang matapos akong kumain ay agad na akong nag paalam kay Mommy.
"Mom pasok na po ako bye see you later! " kiniss ko siya both cheeks. Kahit im already 17 years old na ako ganito padin ako ka sweet sa parent's ko, im only child dahil hindi na ako nasundan dahil yun ang gusto nang Mommy ko. Mahirap daw manganak eh!
"Ok sweet heart see you later! Take care i love you! " niyakap ko si Mom. "I love you to Mom, both of you i love you to! " pagkatapos nang ka sweetan moment namin ni Mommy ay lumabas na ako nang bahay upang mag abang nang taxi.
Ewan koba kay Mom at Dad ayaw pa akong turuan mag Drive edi sana hindi ako nahihirapan mag commute ngayon. Makalipas nang ilang minuto ay nakasakay nadin ako.
Malapit lang naman ang school na pinasukan ko, siguro 10 minutes lang ang byahe. Sa San lazaro University ako nag enroll at syempre kasama ko doon si Kian ang bestfriend ko and my love of may life. Tama kayo nang basa gusto ko ang kaibigan ko!
Mga ilang minuto ay nakarating na kaagad ako sa gate nang school. Nagbayad ako nang taxi at bumaba na. Pagkababa ko ay lumanghap ako nang sariwang hangin.
"Na miss ko ang ganitong surroundings, yung tipong amoy nang mababangong bulalak sa garden, amoy nang masasarap na luto sa cafeteria, mga student's at teachers na laging nakangiti. Guard na mabait at syempre ang ngiti nang kaibigan kong si Kian na kasalukuyang papalapit sa akin.
"Hey Ginger, what's up? "
Nabalik ako sa katinuan nang ma realize kong si Kian nga ang papalapit sa akin, suot suot ang kanyang matatamis na ngite na laging pinagkakaguluhan nang mga babae!
"Huh? May sinabi kaba? mabilis kong tanong sa kanya. Nakakahiya ka Ginger alam kong gwapo siya pero hindi eto yung first time na natulala ako sa kagwapuhan nang bestfriend ko.
"Kanina kapa kasi tulala diyan, may problema kaba? " sagot niya.
"Ah e oo naman ok lang ako no, namiss kolang itong school natin! Tagal din kaya nang bakasyon! " sambit ko.
"Buti pa ang school namiss mo, ako hindi! " naka pout niyang sabi.
"Hayy naku ang cute talaga nang best friend ko!" kinurot ko siya sa dalawa niyang pisnge at niyakap.
"Oh ayan na syempre mas na miss kita ikaw paba! Eh mahal na mahal kita eh! "
Bigla siyang humiwalay sa pagkakayap sa akin. "Mahal na mahal din kita Gingerbread! "
Biglang nag slow motion ang paligid, alam mo yung feeling na habang sinasabi niya yung mahal na mahal din kita Gingerbread!
"Bilang kaibigan!" dagdag pa neto.
Natigil ang slow motion effect at bumalik ulit sa dati. Sabi nangaba ayako mag imagination e! Ano pabang aasahan ko eh hangang kaibigan lang naman ako sa kanya.
"Ginger, Kian!" sabay kaming napalingon at nakita namin si Nicole na tumatakbo papunta sa amin.
Hingal na hingal siyang lumapit sa amin. "Dito din pala kayo nag enroll! " sabi neto.
Nagulat ako nang akbayan ako ni Kian. "Syempre naman, dapat lagi kong kasama itong si Gingerbread no, ayako mahiwalay sa bff ko! "
Inner me. Sige Kian ipamuka mopa sa akin na kaibigan lang ang turing mo sa akin!
Nginitian ko lang si Kian, at hinatak kona silang dalawa papasok sa loob. Si Nicole ay isa sa mga naging kaibigan ko, hindi kami masyadong close pero nakakapag bonding kami.
Nagulat kami nang biglang may mga babaeng humarang sa amin, papunta kami kung saan makikita ang mga section's.
"Papa kian pwedeng pa kiss! Sabi ni ateng girl na halos magmuka nang clown sa kakapalan nang make up at lips stick.
"Huwag kanga diyan, papa kian pwedeng date tayo later please! " sabi naman nung medyo blonde ang buhok.
"Shut up girls, sa akin makikipag date si Papa Kian ok!" sabi naman nung mukang mataray.
Tss. Nagmumuka lang silang tanga sa tingin ba nila papatulan sila nang bff ko no way! May standards ata itong si Kian.
"Ah girls sorry ha pero hindi ako pwede eh, staka busy din ako hanap nalang ka'yo nang iba! " sabi ni Kian.
Nakita ko naman na dismayado yung mga mukha nang mga chakabels na iyon. Poor girls!
Agad na kaming pumunta ka agad kung saan makikita kung anong section kami.
"Guys mag classmate's tayo! Tuwang tuwa sambit ni Kian, siya na kasi yung nakipag siksikan doon dahil sobrang daming tao.
"Ayus iyan tara na pasok na tayo! Si Nicole.
Sabay sabay kaming pumasok, at swerte din ay may tatlong bakanteng upuan pa sa unahan kaya't doon kami umupong tatlo, pinag gigitnaan namin si Kian since siya ang nag iisang lalaki sa amin.
Nag start na agad ang klase, normal na lang naman ang buong maghapon namin sa school, wala pa masyadong ginagawa nag pakilala lang at nagpasulat nang schedule nang mga subjects namin.
••••••
Pauwi na kami, kami nalang ni Kian ang nandito sa waiting shed, nauna nadin si Nicole dahil magkaibang way ang daan namin pauwi.
"kamusta na pala si Tita Clarise!" panimula ni Kian.
"Ah e si Mommy ayun, nasa bahay lang pinatigil muna siya ni Daddy sa pag tratrabaho sa kompanya dahil kaya naman daw ni Daddy mag manage mag-isa! " Sabi ko habang naka tingin sa mga nagdaraang mga studyante.
"Eh si Tito Bert kamusta naman? " dagdag neto.
"Ok, naman si Daddy katulad nga nang sabi ko bussy yun sa business namin! "
Natigil ang pag-uusap namin ni Kian nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya agad kaming umurong dahil medyo nababasa kami.
"Bad trip naman oh umulan pa!" sambit ni Kian.
Nang maalala ko na may payong pala ako sa bag ay agad ko itong kinuha.
"Oh eto may payong ako hiramin mo muna alam kong maglalakad kapa papasok sa inyo! " inabot ko sakanya ang payong ko. Nung una ay ayaw niyapang tangapin pero sa huli ay tinangap din niya.
Mga ilang minuto ay may dumating nadin na taxi. "Oh mauna na ako Kikiam!"
"Osige Ginger bread mag-iingat ka ha! Niyakap muna niya ako, na lagi namin ginagawa pag maghihiway na kami or may pupuntahan kami o di kaya ay napapagalitan kami.
"Ikaw den mag iingat ka, lampa kapa naman!" asar ko sakanya.
"Hoyy hindi ah, ikaw ang mag-iingat! " Nakita kong pinicturan niya yung plaka nung taxi, at binilin nadin niya ako kay manong driver. Natutuwa ako dahil ang over protective talaga niya sa akin.
"Ang over protective naman nang bestfriend ko!" sambit ko.
"Syempre naman, diba sabi ko sa iyo nung mga bata palang tayo na Kahit anung mangyari ay proprotekrahan kita, dahil ako ang magiging kuya mo! "
Bigla ko'ng na alala yung mga araw na iyon.
"Osige na sakay kana, padilim nadin mag iingat ka!"
Tumango lamang ako bilang tugon. Pasakay na ako nang taxi nang tawagin niya ako.
"Ginger bread teka lang! " nilingon ko siya nakita kong may inabot siya sa akin na bracelet na may pendat na Letter F.
"Sige bye Gingerbread love you! " sambit pa neto. Tatanungin kopa sana kung anong meaning nung F kaso nakakahiya na kay manong driver.
"Bye ingat kadin, Love you to Kikiam! " sumakay na ako nang taxi at umandar na eto.
Habang nasa byahe ay tinitigan ko ang pendat na inabot sa akin ni Kian. Ano kaya meaning nung F?
Hayy naku bukas ko nangalang Tatanungin sa kanya. Medyo pagod nadin ang utak ko.
••••••
Kinabukasan, ay hinatid ako ni Daddy sa school dahil mamaya padaw ang pasok niya. Kaya masaya ako dahil ngayon nalang ulit ako na ihatid ni Daddy sa school since kasi na lumago yung business namin ay naging busy nasi Daddy. At naiitindihan ko naman iyon.
"Honey nandito na tayo!" Agad na akong nag kiss kay Daddy at nagpaalam na.
"Take care baby i love you! " Niyakap ko si Daddy. "Yes Dad i will love you to!"
Agad na akong pumasok sa room namin, pagkapasok ko laking gulat ko nang sobrang daming babae na nakapalibot kay Kian. At mukang tuwang tuwa pa ang loko.
Sa sobrang inis ko kaya agad akong lumapit doon. "Excuse me, pwede naba akong umupo sa chair ko!"
Hindi ako pinansin nung mga babaeng nakapalibot kay Kian, pati si Kian ay hindi napansin ang presens ko, kaya binagsak ko ang gamit ko sa isang upuan. Halos nakatingin lahat sa akin ang mga classmates ko.
Pati ang atensyon nila Kian at yung mga babaeng nakapalibot sa kanya ay ang sama nang tingin sa akin.
"Tapos naba kayong maglandian diyan, kasi uupo na ako e! " galit na galit kong sabi.
Agad naman silang nag alisan at lumabas nang room namin, so hindi sila taga rito. Mga mamalandi at eto naman si Kian nagpalalandi kaasar!
Pagkatalos nang eksena ko kanina ay nag start na ang klase, habang nag didiscus ang teacher namin sa Physics ay hindi mawala sa isip ko, yung eksena kanina. Nakakahiya bakit ba ga noon ka agad ang reaksyon ko. Kung umasta ako kanina parang halatang nag seselos ako. Oo sige nagseselos na ako hindi kasi ako sanay namay umaaligid kay Kian na kung sino lang, lalo na ang mga babae.
Natapos ang Teacher namin sa pagtuturo nang wala ni isa na pumasok sa utak ko. Nagulat ako nang kalabitin ako ni Kian.
"May problema kaba!" biglang nag init ang ulo ko kaya hindi ko siya pinansin.
Kinakalabit niya ako pero wala akong response. "Uyy galit kaba sa akin? May nagawa ba akong mali?
Oo, kian ang landi landi mo.
"Uyy Ginger bread kung ano man yung kasalanan ko sorry na!" halos matawa na ako sa itsura ni Kian halos lumuhod na siya mapansin ko lang siya.
Hindi ko na siya na tiis kaya nilingon kodin siya. Na ikinatuwa naman nang loko.
"Wala kang kasalanan at hindi ako galit sa iyo ok! Sarkastiko kong sabi.
"Muka bang hindi galit iyan!" malungkot ni'yang sabi.
Agad akong ngumiti sa kanya.
"Wag kangang malungkot para kang bata, hindi ako galit sa iyo ok! Doon ako galit sa mga babaeng haliparot na lumalandi sa iyo!" Bigla kong tinakpan ang bibig ko nang ma realize ko yung mga sinasabi ko.
Break time ngayon at nasa Cafeteria kami, hindi namin kasabay si Nicole dahil sumali siya sa Art Class. Laking gulat ko nang kilitiin ako ni Kian.
Halos, mangiyak ngiyak na ako sa katatawa dahil sa dulot nang kiliti ni Kian. "Ki kian tam tama na hahahah!" Agad naman siyang tumigil dahil alam niyang magagalit ako pag pinagpatuloy niya pa iyon.
"Grabe ka Bestfriend kilala mo naman ako, diba at alam mo'ng hindi ako pumapatol sa mga ganoong babae! Sambit neto habang nag pupunas nang pawis.
Huminga muna ako nang malalim dahil hindi padin ako nakaka recover sa kilitian portion namin, kahit na pinagtitinginan na kami ay hindi ako nahihiya dahil si Kian ang kasama ko ay wala akong nararamdamang hiya.
'Wew! Kahit tuwang tuwa kapanga kanina diyan! Nag pout ako na parang nagtatampo. Nagulat ako nang yakapin niya ako mula sa likod kaya para kaming mag jowa dito at pansin ko ang mga masasamang tinginan nung mga babae sa akin. Pwes maiingit kayo!
"Nag seselos kaba bestfriend?
Humarap ako sa kanya upang makita ang mukha niya.
"Ako mag seselos sa mga chakadal na iyon hello! Alam ko naman na hindi mo sila papatulan!" sambit ko.
"Oh yun naman pala eh, bakit nagalit ka kanina nagdabog kapa!"
Hindi ka agad ako nakapag salita at nag thank you nadin sa bell ay natigil ang pag uusisa sa akin ni Kian. Sabay kaming pumasok sa room. Nandoon nadin si Nicole na kasalukuyan nag babasa nang books.
Nag start na ang next subject at maganda naman ang naging flow neto.
Hapon na at pauwi na kami, mag isa lang ako dito sa wating shed dahil nauna nang umuwi si Kian dahil may emergency sa bahay nila. Si Nicole naman asusual ay nauna nadin dahil magkaiba kami nang way pauwi.
Habang nag aabang nang taxi ay naalala ko yung pendant na ibinigay sa akin ni Kian kahapon. Kinuha ko ito mula sa bag ko isinuot ko ito sa wrist ko at pinagmasdan.
Ano kayang meaning nitong F?
Pumara na ako nang taxi at sumakay ka agad, pagkarating ko sa bahay ay nag kiss lang ako kay Mommy wala pa si Daddy dahil gabi na siya nakakauwi.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Humiga ako sa kama ramdam ko ang pagod kaya ka agad akong naka idlip.
••••••
Nakaramdam ako nang uhaw kaya agad akong bumangon, pagkatingin ko sa bed clock ko ay 11:30 Pm na nang gabi.
Naalala ko ay hindi papala ako kumakain, kasabay niyon ang pagkalam nang sikmura ko.
Kaya ka agad akong pumunta nang kusina, sakto naman ay may nakatakip na pagkain doon may note pang nakalagay.
Agad ko itong simulang kainin. Nang matapos ako ay kinuha ko ang phone ko. Nag online muna ako sa facebook, dahil simula nang pasukan ay ngayon ko nalang ulit nakalikot ang social media account ko.
Nag scroll down lang ako nang may makita akong picture's ni Kian namay kasama siyang babae, naka uniform pa si Kian at halatang galing pa itong school, tinignan ko yung oras kung kaylan na upload ang picture.
At sakto naman na kaka Upload lang neto. Bumalik akon'g muli sa picture. Pinindot ko ito upang makita pa ang iba. Bigla akong nanlamig nang makita ko yung sumunod na picture.
Naka yakap si Kian doon sa babae at naka kiss yung girl kay Kian. Naramdaman ko nalang na parang may tumutulong luha sa mata ko. Agad kong ipinatay yung cellphone ko at tumakbo sa kwarto ko.
Doon ko ibinuhos yung mga luha ko. Bakit ganoon yung nararamdaman ko, wala naman kami ni Kian pero kung makapag react ako ay daig kopa ang isang Girlfriend.
Oo sige kaibigan lang ang turing niya sa akin pero yung nararamdaman ko para sa kanya ay higit pa sa isang kaibigan.
Mga ilang minutong iyakan portion ko ay nakatulog na ako.