Chereads / WHEN YOU CAME INTO MY LIFE / Chapter 4 - CHAPTER 3

Chapter 4 - CHAPTER 3

Ginger

Maaga akong nagising dahil hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi,  dahil sa kakaiyak!

Mabilis akong nag ayos tapos agad na bumaba para mag breakfast. Wala sila Mommy at Daddy ngayon nag date sila dahil anniversary nila.

Buti pa ang Mommy at Daddy ko may forever eh ako kaya kaylan magkakaroon?  Agad konang nilantakan ang pagkain na nakahain sa lamesa. Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umalis nang bahay.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako kaagad sa school. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang classroom nang marinig ko ang pangalan ni Kian na pinag uusapan.

"Alam mobang may girlfriend nadaw si papa kian!" Malungkot na himig nung isang babae.

"Oo nga eh, pero ok lang iyon may isa pa naman gwapo!  At ang balita kunga ay kaibigan din iyon ni Kian!" Kinikilig nung medyo maliit.

"Ang swerte nung babae no!  Ang gwapo na ni kian at ang bait pa sana all!"

Pagkatapos kong marinig ang mga iyon, ay namalayan ko nalang ang sarili ko na tumatakbo papuntang comfort room.

Nandito ako ngayon sa CR. Nagtatago ako kasi ayakong may makakita sa akin na umiiyak ako. Feeling ko these past few days puro iyak nalang ang ginawa ko.

Magagawa ko eh mahal ko yung tao eh, sabihan nyonang tanga pero diba ganoon naman talaga, nagiging tanga ka pag dating sa taong mahal mo?

Kung pwede nga pakain nalang ako sa lupa papakain na ako, nang matigil na itong kahibangan na eto e!

Nang makarinig ako nang may papasok sa cr ay agad kong pinunasan ang mga luha ko at inayos ang sarili.

Inaabangan ko kung sino ang papasok nang nakumpirma kong si Nicole ito ay agad ko siyang niyakap.

Umiyak lang ako nang umiyak sa balikat niya. "Nicole ang sakit, sobrang sakit!"

"Ginger tahan na! Hinagod niya ang likod ko.

"Hindi niya ba nararamdaman na mahal ko siya, hangang kaibigan nalang ba talaga kami?" iyak kong sambit.

"Ganyan talaga ang nagmamahal Ginger,  pero kung pagod kana sumuko kana kasi ikas lang ang mahihirapan!" sabi ni Nicole sa akin.

"Pero hindi eh mahal ko siya im falling in love with my bestfriend!"

Tinangal niya ang pagkayakap ko sakanya at pinunasan ang mga luha ko. "Ginger eto lang ang sasabihin ko sa iyo, kung napapagod kana kung nahihirapan kana itigil muna naawa na ako sayo these fast few days lagi kang lutang!" Malungkot na himig ni Nicole.

"Pero ang hirap pag nakikita ko silang mag kasama, pag nakakarinig ako nang mga balita about sa kanila,  mas lalo lang akong nasasaktan! Ni hindi nanga ako masamahan ni Kian sa tuwing may kaylangan akong puntahan! Ni hindi nanga niya ako makamusta or matignan manlang!" Hikbi kong sabi.

"Ok lang yan Ginger sa umpisa lang yan makakalimutan mo din yung nararamdaman mo for Kian! The only thing that you can do is to be strong and try your best to forget your feelings for kian ok! Niyakap ko ulit si Nicole.

"Thank you for comforting Nicole,  hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kang kaibigan ko!" hinaplos lang ni Nicole ang likod ko.

"O sige na ayusin mo nayan sarili mo,  at pumasok na tayo sa room baka malate tayo!"

Lalabas na sana kami nang cr nang pigilan ko si Nicole. "Nicole natatakot akong makita siya!"

"Ginger katulad nang sinabi ko, wag kang matakot maging strong ka ok,  nandito lang ako sasamahan kita!"

Thanks for Nicole dahil nandyan siya para sa akin sa sitwasyon ko ngayon feeling ko matagal tagal pa bago ko makalimutan yug feeling ko for Kian!

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Nang matapos ang klase ay nagpunta kami ni Nicole sa mall upang mag ice cream. Dahil sabi nila ice cream daw ang pantangal nang stress. Pero mas masaya sana kung si Kian ang kasama ko,  since bata palang kami ni Kian ay lagi namin itong ginagawa lagi kaming bumibili nang ice cream sa pinaka malapit na ice cream shop sa village namin.

Kaso mukang hindi na mangyayari yun. Si Nicole na ang nag prisinta mag order nang ice cream namin, Strawberry flavor ang kanya sakin naman ay Chocolate strawberry.

"So! bestfriend anong balak mo mag momove on kanaba!" Panimula niya.

"Bat ang daldal nang bestfriend ko ngayon?" sambit ko habang nilalantakan ang ice cream.

"Masanay kana friend, dahil lagi mo na akong makakasama!" So ano nanga plano mo? Dagdag niya.

"Hindi ko alam Nicole, hindi ko alam! Feeling ko kasi wants na hindi ko panghawakan yung nararamdaman ko for kian parang ang laking kakulangan sa akin iyon!"

Nagulat ako nang hampasin niya ako sa braso. "Aray ko naman sakit ha!"

"Ikaw ha ayusin mo iyang disisyon mo sa buhay, wag kang mag paka martir napaka daming lalake sa mundo! Huwag kang mag alala hindi ka mauubusan diyan!"

"Martir na kung martir,  tanga na kung tanga ipaglalaban ko padin yung nararamdaman ko sa bestfriend ko!" matigas kong sabi.

"Hayy nako bahala kanga!  Ikaw yan hindi naman kita mapipigilan at hangang payo lang naman ako bestfriend, pero eto tandaan mo ha wants na saktan ka nyan ni Kian! sumbong  mo sa akin ako uupak diyan!"

Natawa nalang ako sa bestfriend ko. Hysst kaylan kaya ako magiging masaya?

Natigil ang pag uusap namin ni Nicole nang biglang may lalake na umupo sa tabi ko at inakbayan ako.

"Whats up Ginger?"  cool niyang sabi.

Nang tignan ko siya yung lalake na nasa rooftop na natutulog at pinagdramahan ko nang love life ko?

Agad ko inalis ang pagkakaakbay niya at tinignan siya nang masama.

"Hoy ikaw anong ginagawa mo dito ha?" sarkastiko kong sabi.

"Naka upo nakikita mo naman diba!". Abat ang kapal naman nang mukha nang lalake na ito siya pa may ganang mamilosopo.

"Hoyy lalake bulag kaba, ang dami pa kayang bakanteng upuan dito eh bakit hindi ka doon umupo!" Nag iinit ang ulo ko sa lalake na ito.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay kinuha nyapa ang ice cream ko at nilantakan eto. Halos mapanganga nalang ako sa kakapalan nang mukha niya, parang kahapon lang kami nag ka encounter hindi ko inaasahan ang ganitong ugali nang lalake na ito. Kasi kung titignan mo siya mukha nga siyang playboy,  pero alam mo yung playboy na matino ay basta ewan.

"Ang sarap naman neto!" sambit niya habang sinisimot ang ice cream ko.

Ang kapal din naman nang pagmumukha nang lalake na ito, gwapo nga bastos naman!

"Hoy!  Teka bakit mo inubos ang ice cream ko wala kabang pambili niyan at ang akin pa ang kinain mo!" Bulyaw ko sakanya.

Bigla akong kinabahan nang titigan niya ako sa mata, kung nakamamatay lang ang pagtitig kanina pa ako naka bulagta dito!

"Alam mo miss, yung ice cream mo ang sarap!" Bigla siyang lumapit sa akin nang dahan dahan, with matching titig pa sa mata ko! Nagulat ako dahil bigla siyang tumingin sa mga labi ko. " Parang labi mo ang sarap halikan!"

Dahil sa sobrang gulat ko ay nasampal ko siya. Halos manginig ang buo kong pagkatao sa sobrang inis.

"Bastos!"

Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha dulot nang sampal ko, halos bumakat sa kanyang pisngi ang kamay ko.

Pansin ko din ay halos lahat nang tao ay nasa amin ang atensyon sa sobrang kahihiyan ay agad akong tumayo at hinatak si Nicole palabas nang Mall!

"Bestfriend teka nga saglit lang, ang sakit na nang paa ko!" rinig kong reklamo ni Nicole dahil kanina pa kami lakad nang lakad dito sa park.

Ewan koba kung bakit dito ko naisipan pumunta sa park. Basta ayako lang makita ang pagmumuka nung bastos doon sa mall.

"Uyy Ginger pwedeng magpahinga muna tayo napapagod na kasi ako!? hingal na hingal na sambit ni Nicole.

Agad naman kaming umupo sa pinaka malapit na bench. Agad akong nag paalam sa kanya na bibili lang ako nang tubig para sa amin tutal ako naman ang may gusto neto. Ang maglakad na park sa kung saan saan!

Pagkabili ko nang tubig agad ko itong inabot sa kanya at naupo sa kanyang tabi. Mga ilang minuto ay bigla siyang nag salita!

"Ginger grabe ang intense kanina nangyari, grabe yung sampal mo kay kuya halos mamula at bumakat ang kamay mo sa mukha niya!" mahabang litanya ni Nicole.

"Ang bastos niya kasi, sino bang matinong babae ang hindi gaganti pag nababastos na? diba wala!"

"Tama kanaman diyan, kaso bestfriend muka kasing mali kanang sinampal!"

Napakunot ang aking noo sa sinabi niya. "Bakit naman bestfriend sino ba siya?" tanong ko sa kanya.

"Bestfriend kasi!"

Tinignan ako nang mabuti ni Nicole sa mata, halata sa kanya ang kaba at takot nakapag binuka niya ang bunganga niya ay bigla nalang babaril sa kanya at bubulagta siyang duguan sa lapag.

"Nicole bakit ano bang mali ang nagawa ko kanina?" tanong kong muli sa kanya.

"Kasi besfriend yu yung lalaki na sinampal mo kanina ano kasi!"

Kinakabahan na ako sa sasabihin ni Nicole nang biglang may nag salita sa likod ko.

"Dahil ako ang may ari nang mall na kinainan mo at napahiya ako sa lahat nang maraming tao!"

Paglingon ko sa aking likod, nakita ko ang galit na galit na mukha niya at halos umusok ang ilong neto sa galit. Bigla akong kinabahan nang lumapit siya sa akin hinatak niya ang kamay at inilapit niya ako sa kanya.

Naamoy ko tuloy yung pabango niya. Amoy chocolate at yung hininga niya na sobrang bango.

Nagulat ako nang hawakan niya ako sa mukha at tinitigan niya sa mata sa mata. Unti unti niyang nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

Teka gusto ata neto nang isa pang sampal eh, kaso sasampalin koba siya ngayon baka mas lalo lamang siyang magalit sa akin.

Halos one inch nalang magkakahalikan na kami. This is it naba? Bibigay naba ako ibibigay konaba ang first kiss ko na para lang kay Kian?. Nakaw anong gagawin ko.

Sa sobrang pagkalito ay ipinikit ko nalamang ang mata ko. Inaantay na maglanding sa labi ko ang labi niya pero mga ilang minuto ay wala akong naramdaman na dampi nang labi. Agad akong nagmulat nang mata nakita ko ang mukha niyang naka titig sa akin!

Agad niya akong binitawan. "Ang assuming mo naman babae hindi kita hahalikan diyan asa ka!" Masungit netong sabi.

Aba ang kapal nang mukha nang lalake na ito ah . "Hoy para sabihin ko sayo wala din akong balak mag pahalik sa iyo!" sigaw ko sa kanya.

"Tss wala daw eh bakit may papikitpikit kapa diyan!" sambit neto.

"Ah eh tse ewan ko sayo!" tatalikod na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay.

"Teka lang sinabi kobang umalis ka hindi diba? May kasalanan kapa sa akin kaya may kapalit iyong kasalanan na iyon!" may pang aasar na sambit ne'to.

"Wow ha kung hindi ka sana nangbastos kanina sana hindi kita na sampal!" bulyaw ko sa kanya.

"Kahit na, hindi moba alam na doble yung sakit na naramdaman ko kanina!" Sambit ne'to habang nakahalukipkip. "Una sinampal mo ako sa harap nang maraming tao at pangalawa napahiya ako sa maraming tao! Kaya doble din ang kapalit noon!" dagdag neto.

"Edi sorry po, ok kana sorry sorry sorry!" paulit ulit kong sambit sa kanya.

"Pasensya na miss pero hindi ako basta basta tumatangap nang sorry lang, kaylangan mong paghirapan iyon bago kita mapatawad!"

"Abat hoy, napaka arte mo naman para sabihin ko sayo ikaw ang may kasalanan kung bakit kita na sampal!" Nanggagalaiti kong sambit.

"Wala akong paki-alam inuulit ko wala akong paki alam!" Nagulat ako nang tumitig siya sa mata ko halos magbaga eto sa sobrang talim nang tingin niya sa akin.

Sa sobrang takot ko sa kanya bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko. Bigla naman sakin lumapit si Nicole at niyakap ako.

"Hoy mr owner nang Mall,  sino ka para pa iyakin ang bestfriend ko!" narinig kong sambit ni Nicole.

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Nicole nakita ko'ng may kinuha siya sa bulsa niya at inabot niya eto sa akin!

"Oh eto ipunas mo sa uhog mo!" nag aalangan pa akong tangapin eto dahil nakita ko ang talim nang titig ni Nicole sa panyong inabot ni Mr owner nang mall. Pero sa huli ay tinangap ko din eto.

Nakita ko ang pag buntong hininga niya nang ilang beses. "Ok sige ganito na lamang tutal mukang hindi naman tayo mag kakaintindihan ngayon!" tumingin siya sa akin kaya agad akong nag iwas nang tingin. "kung gusto mong tangapin ko ang sorry mo kaylangan mong magtrabaho sa akin nang 1 week being my PA!"

Biglang nag pantig ang tenga ko sa aking narinig."Magulang konga hindi ako hinahayaang gumalaw sa bahay or utus utasan manlang tapos ikaw pang hindi ko kilala ang mag uutos sa akin! Ano ka nakauto nang bata ulol!"

Bigla nanaman bumalik yung galit na galit niyang mukha kaya agad akong napatakip sa aking bibig. "ANONG SABI MO MISS?" galit niyang tanong.

"Nothing!" kabado kong sambit.

Bumalik ulit siya pagkakahalukipkip at pumikit. "Bast eto ang kasunduan sa ayaw mo at sa gusto mo you will be my PA in one week ok!" sambit neto.

"Teka paanong PA ba iyang tinutukoy mo?"  tanong ko.

"Huwag kang mag alala sa school mo lang naman ako pag sisilbihan kaya be ready bukas na ang start mo ok!" sambit niya.

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan niya. "Osige mauna na ako sa inyo! " paalam neto.

Nakita ko ang pagsakay niya sa kanyang kotse. Dumaan pa siya sa harapan namin para mag paalam ulit.

"Kaasar ang mukha nang lalake na iyon!" Naasar kong sambit.

"Wala tayong magagawa bestfriend goodluck nalang sa one week being PA niya, basta sabihin mo lang sa kin pag sinaktan ka or pinaiyak ka ulit noon uupakan ko iyon sa harap mo!  Kahit siya may ari nang buong mall kahit anak pa siya nang Presidente nang pilipinas!" mahabang litanya ni Nicole.

"Thank you talaga bestfriend, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka!"

"Ano kaba wala iyon basta ikaw! Oh tara na pagabi nadin kaya umuwi na tayo!" aya ni Nicole.

Tumango na lamang ako bilang tugon.

Habang nag aabang kami nang masasakyan ay napapaisip ako kung anong mangyayari sa akin bukas.

Good luck to me!