Ginger
Hindi din ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa kakaiyak at kakaisip kung sino yung babae na kasama ni Kian sa picture.
Habang nag breakfast ako ay wala kong gana kinakain ang inihain ni Mommy. "Baby are you ok, may problema ba? " may pag aalala sa boses neto.
Nginitian ko lang si Mommy. "Mom ok lang ako, hindi lang po ako nakatulog nang maayos kagabi!" sabi ko sa inaantok na boses.
"I see, gusto moba wag muna pumasok tatawag nalang ako sa teacher mo?"
"No Mom, papasok po ako ok lang po ako!" ngiti kong sambit.
Agad kona'ng tinapos ang kinakain ko at nag paalam na kay Mommy. Nag aabang na ako nang Taxi sa labas nang biglang may dumaan na pulang kotse sa harapan ko.
Pagkabukas nang bintana ne'to ay bumungad sa akin ang gwapong mukha nang bestfriend kong si Kian. Bigla ko nanaman na alala yung picture kagabi.
Agad akong nag iwas sa mga nakakaakit niyang mga mata.
"Good morning Bestfriend, tara sabay kana sa akin!" ngiting ngiti niyang sabi.
Nginitian ko nalang din siya at sumakay na sa tabi nang driver seat. Nag umpisa na kaming mag byahe papuntang school.
"Alam mo best friend, tuwang tuwa ako kagabi kasi niregaluhan ako ni Daddy nang kotse, at eto siya gamit kona!" tuwang tuwa netong sabi.
"Diba masyado kapang bata para mag drive nang ganitong sasakyan!" sambit ko. Kahit naasar ako sa kanya ay hindi ko pwedeng ipahalata iyon dahil wala ako sa posisyon para gawin iyon.
"Ano kaba naman Bestfriend im already 18 years old kaya pwede na, staka wala namang huli dito sa village natin!" sambit ne'to.
Mga ilang minuto ay nakarating din kami sa school agad ipinarada ni Kian ang bago niyang sasakyan sa parking lot. At asusual ang dami nanaman naka abang kay Kian na Fan girls niya, daig niyapa ang artista pag pinagkakaguluhan.
Hayy naku Kian bakit kasi ipinanganak kang gwapo eh, yan tuloy dami kong ka agaw!
Nauna siyang bumababa nang sasakyan akala ko iiwan niya ako, pero pinagbuksan niya ako nang pinto. "Thank you!" sambit ko.
Pagkababa ko ay agad kaming dinumog nang mga fan girls niya.
"Hello Kian ang gwapo mo talaga!! " sigaw nang mga babae. Umirap nalang ako sa sobrang inis.
Agad konang hinatak si Kian sa classroom dahil ma lalate nadin kami. Pagpasok namin ay saktong dating nadin nang teacher namin.
"Good morning guys!" sambit nang aming teacher nasi Mrs Emma siya ang adviser namin.
"Good morning din po Mrs Emma!" sabay sabay naming sambit.
"Mag aanounce lang ako, bago mag discuss ok!"
"Yes po mamm!" sabay sabay ulit naming sabi.
"Magkakaroon ta'yo nang foundation week next week! Kaya medyo magiging busy din kami mga teacher's ninyo!"
Sabay sabay naman nag hiyawan ang mga classmates ko, samantalang ako ay walang ganang nakikinig.
Kakausapin ko sana si Nicole, ka'so busy siya sa pagbabasa nang books niya. Hysst buti pa si Nicole may pinagkakaabalahan samantalang ako eto, kanina kopa gustong tanungin si Kian kung sino yung babae sa picture na kasama niya?
Nag start na ang klase, pero lutang padin ako. Buti nalang maagang nag dismiss ang teacher namin. Kaya eto ako tumungo na lamang sa desk ko. Nang biglang may kumalabit sa akin pag angat ko nang tingin ko ay si Kian na nag aalala ang mukha.
"Ginger bread ok kalang ba? Mukang pagod na pagod ka!" sabi neto.
Umayos ako nang tindig at nginitian siya. "Ok lang ako Kian, dont worry!"
"Are you sure, diyan kalang bibilhan kita nang yakult alam kong favorite mo iyon!".
Aangal pa sana ako, kaso naka alis na ka agad siya kaya tumungo nalamang ako ulit.
Bakit ba Ginger, bakit nag kakaganyan ka malay mo pinsan niyalang yung kasama niya sa pic. Kung ano ano kaagad iniisip mo!
May kumalabit ulit sa akin at bumungad sa akin ang isang set nang yakult. Agad ko itong kinuha sa kamay niya at ininom ito.
"Thanks Kikiam!" ngiti kong sabi sa kanya.
Ka'so mukang hindi naman niya narinig dahil busy siya sa pagtipa sa cellphone niya, at napapansin ko ay napapangiti pa siya. Sino kaya ka text neto?
Sa sobrang inis ko ay tumayo nalamang ako. Ang akala konga susundan niya ako pero wala, wala'ng Kian na sumusunod sa akin.
Hysst, bakit kasi sa kaibigan kopa ako na inlove eh alam ko naman na hindi magbabago yung tingin niya sa akin. Isang kaibigan lang.
Dahil wala nanaman susunod na teacher ay napag isip ko na pumunta muna sa rooftop nang school at lumanghap nang sariwang hangin.
Pag akyat ko doon, halos mapatalon ako sa gulat nang may tao'ng naka upo sa may pinaka dulo nang railings may librong nakatakip sa mukha neto. Agad ko siyang nilapitan at kinalabit.
"Hoy kuya pwedeng maki upo dito!" sambit ko, ngunit wala akong nakuhang sagot dito kaya agad nalang akong umupo sa tabi niya.
Lumanghap muna ako nang sariwang hangin at pinagmasdan ang mga nagkalat na studyante sa baba.
Tinignan ko naman yung lalake na natutulog sa tabi ko. "Ok lang naman siguro na magdrama ako sayo diba, hindi mo din naman ako maririnig dahil tulog ka!" para akong tanga dito nag uusap sa isang tulog.
Nag buntong hininga muna ako bago simulan ang drama.
"Alam moba yung feeling na gusto mo siya, pero hindi ka niya gusto? Panimula ko. " Ang sakit di'ba? Medyo naiiyak nanaman ako dahil naalala ko nanaman yung picture kagabi!
"Alam mobang iyak ako nang iyak kagabi, kasi nakita ko yung taong mahal ko may kasamang iba!" Ayan na tumulo na ang luha ko.
Kinuha ko ang panyo ko sa bag at agad na pinunasan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. "Masyado ba akong oa mag react ha? Kasi wala naman kami pero ganito yung nararamdaman ko!" sabi ko.
"Pero sabi naman nang iba, pagdating talaga sa ganitong sitwasyon magiging oa talaga tayo!" Tinignan ko naman yung katabi ko, nakakatawa kumakausap ako nang isang tulog.
"Uyy bigay ka naman nang tips diyan kung paano maging perpect? kung paano mapansin nang crush mo! Ano bang kulang sa akin na meron sa iba, alam ko naman na parang kapatid lang ang turing niya sa akin eh, pero hindi ko kayang tanggapin na hangang doon lang kami!"
"Ang arte naman nang love life mo!" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita yung lalaking katabi ko.
Nagulat ako nang bigla siyang gumalaw at tinangal niya tung book na nakatakip sa mukha niya. Napatulala ako hindi dahil sa pagkagulat, dahil sobrang gwapo nang lalakeng nasa harapan ko.
Sapat na ang salitang perpect para e describe siya.
"Ang arte naman nang love life mo!" Biglang banggit neto.
"Kung mahal mo talaga ang isang tao, ipaglalaban mo kung anong nararamdaman mo para sa kanya!" pagpapatuloy neto habang nakatingin sa mga studyante sa baba. Pinagmasdan kolang siya habang nag sasalita.
"Eh paano ako magugustuhan at paano ko ipaglalaban ang nararamdaman ko para sa kanya, kung siya mismo ay ipinamumuka sa akin na hangang kaibigan lang ako para sa kanya!" sambit ko.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Kaya medyo umurong ako.
"You don't have to be perfect to let somebody love you the way you wanted to be loved. Always remember that being simple is the most perpect way to make someone fall in love with you!"
Napatulala ako sa sinabi niya. "Sige mauna na ako may klase pa ako see you around Gingerbread!"
Iniwan na niya akong naka tulala doon. At teka paano niya nalaman ang pangalan ko at Gingerbread pa ang tawag niya sa akin!"
Tumingin ako sa kalangitan at nagisip isip. Tama bang ipaglaban ko yung nararamdaman ko para kay Kian? Paano kung umamin ako sa kanya nang paulit ulit pero paulit ulit lang din ako masasaktan sa rejections niya?
Hayy naku Ginger hindi mopa naman nasasabi kay Kian ang nararamdaman mo para sa kanya! Huwag kangang nega Ginger laban lang!
••••••
Maaga kaming na dismiss ngayong araw dahil may meeting ang mga teachers para sa nalalapit na foundation week.
Since wala naman ibinigay na school works ang mga teacher's ay inaya ko si Nicole sa mall para makapag relax.
Since malapit lang naman ang mall sa school namin ay nilakad lang namin eto para less gastos.
Pagkadating namin doon ay agad kaming dumiretso sa kainan, dahil kanina pa kami nagugutom netong ni Nicole. Buti nalang ay may bakanteng upuan pa kaya agad kami doon na umupo.
Agad na kaming umorder at excited na inantay ang pagkain habang nag kukuwentuhan.
Nang dumating ang order namin ay sinimulan nanamin etong kainin. "Totoo nga ang sabi nila na masarap nga ang mga pagkain dito sa restaurant na ito!" Biglang sambit ni Nicole.
"Oo nga eh, sayang kasama sana natin si Kian ngayon!" malungkot kong himig.
Napansin naman ka agad iyon ni Nicole. "Oyy may problema ba?" Nginitian ko lamang siya at umiling, nagpatuloy lang kami sa pagkain hangang sa magpaalam si Nicole na mag Comfort room.
Naiwan akong mag isa dito'ng nakaupo, kinuha ko ang cellphone ko at nag text kay Mommy na maaga akong makakauwi.
Nang ma bored ako sa kakatipa sa cellphone ko ay, tinignan ko na lamang ang mga taong nag lalakaran sa labas nang restaurant.
"Gingerbread!" Napalingon ako sa kung saan, at nakita ko si Kian napapalapit sa akin at may ka holding hands na babae. Agad nanlamig ang buo kong katawan kasabay noon ang pag sikip nang dibdib ko nang makita ko ang magkahawak nilang kamay.
"Ginger, dito karin pala kumakain?" Tuwang tuwa niyang tanong.
Tumango na lamang ako bilang sagot. "Ah Ginger pwedeng dito narin kami umupo, kasi wala na halos bakante eh ok lang ba?"
Napatingin ako sa magkahawak nilang mga kamay, pinagmasdan ko ang masasayang ngiti nila habang hawak ang isat isa. "Ah oo naman sige upo kayo, paalis nadin kami inaantay kulang si Nicole!" sambit ko.
"Ah ganoon ba sayang bonding pa sana tayo!" Agad naman silang umupo sa lamesa namin ni Nicole, at umorder na. Buti nalang ay saktong dating nadin ni Nicole agad ko siyang hinatak dahil, hindi kona makayanan ang nakikita ko. Ayako'ng umiyak sa harapan ni Kian nakakahiya.
Nag aabang kami nang Taxi sa labas nang mall. "Friend anong nangyari sayo kanina at staka teka si Kian ba yung kasama mo kanina? At sino yung babaeng kasama niya gf niya?" sunod sunod na tanong ni Nicole.
Pero hindi ko siya pinansin dahil lutang ang utak ko. Nang may dumaan na Taxi ay agad akong nag paalam kay Nicole at nagmadaling sumakay. Habang nasa byahe ay doon ko ibinuhos lahat nang luha na gusto kong ilabas kanina pa.
Biglang nag vibrate ang phone ko, nakita kong nag text si Nicole.
Nicole: Mag uusap tayo bukas ok!
Inoff ko ang cellphone ko at patuloy sa pag-iyak.
Tama bang ipaglaban ko yung nararamdaman ko para kay Kian? Paano kung mali ngang mahalin siya? Paano ko ipaglalaban yung taong mahal ko na kung may mahal na itong iba!
Paano ba?