Pagka uwi nila Kelly sa bahay pag pasok nila nagulat silang nakaupo na sa sofa sa sala sila Kian at Kim na animo'y wala sa mood.
"Go— Good Evening mga tol." Bungad ni Keith
Sumenyas naman si Kelly kay Jacob kaya lumapit agad ito kay Kian.
"Daddy, binilhan po ako ni tita Kelly ng bagong school bag." Sambit ni Jacob at nag winked sa tita Kelly nya.
"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong agad ni Kian.
Lumapit naman at naupo sila Kelly, Kevin at Keith.
"Ah, kasi kuya..." Sambit ni Kelly pero hindi n'ya na natapos dahil sumenyas sa kaniya ang kuya Kevin n'ya na para bang sinasabi na "ako ng bahala mag explain."
"Nagkayayaan manood ng sine eh si Jacob naman at si Kelly nag enjoy sa palaruan. Lam n'yo naman yang si Kellang isip bata pa rin."
"Eh hindi ba, may usapan hindi pwedeng ilabas so Jacob kapag hindi pa weekend?"
"Eh... daddy ako naman po ang nag pumilit kay Tito Keith na sumunod kami kila tita Kelly sa mall."
"At bakit nga pala kayo nag mall? Ha Kevin di mo man lang kami tinext?" Sabi ni Kim.
"Ahm... sorry kuya wala akong load eh."
"Tsaka ako po ang nay gusto mag mall off naman namin ni kuya Kevin kaya sinama ko s'ya nag shopping kami may uwi nga pala kami sa inyo." Sagot ni Kelly at ibinigay ang mga binili n'ya para sa kuya Kian at kuya Kim nya.
"Nga naman po minsan lang naman po mag off si tita Kelly wag na po kayo magalit wala naman po kaming ginawang masama."
"Yan, pati ang bata tinuturuan n'yo na ring sumagot."
"Hindi po daddy. Opinyon ko po iyon."
"Pero baby boy hindi pa rin tama na makisali ka sa usapan ng nakatatanda." Sabi ni Kelly.
"Sorry po."
"Tsk! S'ya tama na nga yan kumain na ba kayo? Nag luto kami ni Kim ng nilagang baboy."
"Ayos! Gutom na ko kuya." Sabi ni Keith.
"Hoy! Bago ka kumain dyan tawagan mo muna ang asawa mo! Kanina ka pa niya daw tinatawagan di ka daw n'ya ma contact." Sabi ni Kim.
"Eh? Ay, oo nga pala naiwan ko yung phone ko bakit raw tol? Sinabi n'ya ba kung bakit?"
"Hindi ko alam pero parang emergency."
"Eh???"
"Sige na tawagan mo na baka mamaya kung ano na yon."
"Um. Sige taas na muna ako Kelly tirhan mo ko ng nilaga ha?!"
"Tsss! Oo na kala mo naman..."
At pagpunta nga ni Keith sa kwarto nila ni Faith kinuha n'ya agad ang phone n'ya at nakita nyang ang dami na palang miscalls ni Faith.
"Bakit kaya?"
Tinawagan n'ya agad si Faith.
Keith: Sorry babe, naiwan ko kasi ang phone ko sumunod kasi kami ni Siopao sa mall andun kasi kanina sila Kelly at Kevin.
Faith: Kanina pa ko na tawag sayo!!!
Keith: Sorry na nga naiwan ko kasi ang phone ko dito sa kama.
Faith: May asawa kang tao! At alam mong buntis ang asawa mo tapos iiwan mo ang phone mo? Aba naman Keithaniel! Hindi ka na binata!
Keith: Babe sorry na nga naiwan ko kasi nag mamadali ako.
Faith: Huh! Ayan, dyan ka magaling eh sa ibang bagay kaya nga hindi ka makasunod dine sa Bulacan eh kasi marami kang inaasikaso mas inuuna mo pa yan kesa samin ng anak mo!
Keith: Sorry na nga promise hindi na mauulit.
Faith: Wala na... dahil iiwan na kita.
Keith: Ano? Faith! Mag usap tayo ng ayos pupunta ako dyan ngayon rin kung gusto mo.
Toot... Toot... Toot...
Kevin: Hello? Babe? Faith!!! Hey!!!
"Kuya?" Bungad ni Kelly.
Pandalas naman si Keith na nag impake.
"Kailangan kong pumunta sa Bulacan ngayon."
"Ha? Pero gabi na kuya."
"Hindi pwedeng hindi dahil galit sakin ang ate Faith mo gusto nyang makipaghiwalay sakin."
"Ano?!"
"Kaya kailangan kong umuwi ngayon sa Bulacan bago pa mahuli ang lahat samin."
"Ba— Bakit ba? Anong ginawa mo?"
"Wala pa nga di ko alam kung bakit s'ya nagagalit sakin."
"Tsk! Gusto mo bang kausapin ko s'ya para sayo?"
"Di na ako ng bahala. Sige na aalis na ko."
"Pero kuya..."
Muah!
Hinalikan ni Keith sa noo si Kelly.
"Sige na nag mamadali ako ikaw nalang mag explain kila kuya, okay?"
"Si— Sige..."
Sa magkaparehong oras naman sa Bulacan Hospital,
"Ano? Bakit di mo sinabi sa kaniya na nanganak ka na?"
"Ayos lang tita. Nabubwisit ako sa kaniya eh. Hayaan n'yo syang mag isip."
"Nako, ikaw talagang bata ka. Paano kung mapano yung asawa mo?"
"Tsss! Hindi ho yun mapapano kupal na yon."
"Ikaw talaga. Kumalma ka na muna at baka magising mo ang anak mo."
"Sorry tita naiinis lang po kasi talaga ako dun kay Keith eh."
"Anak, bata ka palang eh mabilis na ang pag init ng ulo mo pero iba na ngayon nanay ka na kaya kailangan mo ng mahabang pasensya."
"Opo."
Si Mila ang tita/nanay ni Faith ng mawala ang parents nila Faith ito na ang nag alaga sa kanila. Kaya ito rin ang nangalaga muna kay Faith habang nag dadala ng tao sya.
"Nabanggit mo na may kapatid na isang babae si Keith? Kasunod mo ba s'ya?"
"Opo napakabait n'ya po sakin tita s'ya nga po yung naging tulay namin ng kuya n'ya at dahil rin sa kaniya kaya nag bago ang kuya Keith nya."
"Oh... gusto ko syang makilala pati ang pamilya ni Keith."
"Opo tita kapag okay na po sasama ko kayo sa Manila."
"Sige, pero dapat wag ka na munang mag biyahe okay? Mahirap na kapapanganak mo palang."
"Opo ayoko rin naman po doon sa Manila napakainit po dun kung papayag nga po sana si Keith dito nalang kami titira sa Manila."
"Bakit nga ba hindi?"
"Ewan ko po parating andami nyang dahilan kaya nga po di s'ya sumama sakin dito sa Bulacan. Pero naiintindihan ko rin naman po s'ya alam kong ayaw nga lang mahiwalay sa mga kapatid n'ya lalo na kay Kelly."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Ahm... bata pa po kasi si Kelly ng mawala ang daddy nila kaya si Keith at ang mga kapatid n'ya pang mga lalaki ang tumayong tatay kay Kelly dahil nangibang bansa ang mommy nila."
"Ah... yung na kwento mo na nasa Canada?"
"Opo tita, gang ngayon mas gusto pa rin ng biyenan kong babae na mag trabaho. Ayaw n'ya kasing maging pabigat pero pag umuwi daw s'ya di na s'ya babalik sa Canada ayaw na rin kasi nila Kelly na pabalikin pa s'ya don."
"Ah... kaya ba parang ayaw ni Keith na pumunta dito sa Bulacan dahil kay Kelly?"
"Hindi naman po sa ganun pero parang ganun na rin ayaw n'ya lang sabihin sakin pero hindi naman po ako nagagalit alam ko kasi na may promise sila Keith kay Kelly na kapag nag asawa sila doon pa rin sila sa bahay sa Manila dahil hindi sila mag hihiwalay hiwalay mag kakapatid. Lam n'yo nga ang sabi pa nila kay Kelly hindi ito pede mag boyfriend hangga't wala pa silang mga asawang lahat."
"Heh! Mukhang mga strikto pala sila gaya ng mga kuya mo."
"Opo."
"Pero sa tingin ko maiintindihan naman ni Kelly kung mag decide ang kuya Kevin n'ya na manirahan nalang dito sa Bulacan."
"Tingin n'yo po?"
"Oo, base sa kwento mo mukhang mabait at matalino naman si Kelly kaya sigurado akong maiintindihan n'ya kayo."
***
Isang araw bago ang birthday na ni Mr. Pacheco.
"Gumising ka na dyan Patricio!!!" Pagalit na sambit ni May at ipinahahanap DA sa mga kasambahay nila ang mga pagpipilian ni Patrick na damit for birthday party of their Lolo.
"What the?!!! Close the curtain!!!"
"Ye— Yes Young Master." Sagot ng mga kasambahay nila at dali-daling isinara yung kurtina.
"No! Open the curtain guys hayaan n'yong bumangon na ang isang yan."
"Yes Ma' Lady."
At binuksan nga uli yung kurtina pero ipinasara uli ni Patrick at isinara naman uli ng mga kasambahay nila pero pinabuksan uli ni May at nag pa ulit-ulit nalang.
"Fine!!! Babangon na ko!!!"
"Good, that's my baby Brother. Sige guys iwanan n'yo muna kami."
"Yes Ma' Lady."
At lumabas na nga yung mga kasambahay at bumangon na si Patrick at nakita ang napakaraming mga damit.
"What the? Nasan ba ako? Sa Department Store o kwarto ko pa rin ito?"
"Of course this is your room pa rin baby boy. I just brought here lang the outfit na gusto kong isuot mo for grandpa's birthday tomorrow. I know naman kasi na busy ka kaya here na just pick anything you want."
Bumalik na naman sa pagkakahiga si Patrick.
"Hoy!!!"
"Goodnight ate!"
"Patricio!!!"
"Wala akong isusuot sa mga pinamili mo! Bahala ka dyan matutulog nalang ako!"
"Ohh... okay, bahala pala ako ha? So, di ko nalang pala sasabihin yung plan ko for Kelly."
Iminulat uli ni Patrick ang mga mata nya ng marinig nya yung name ni Kelly.
"May maganda pa naman akong plano tsaka sabi rin sakin ni grandpa aattend si Kelly bukas sayang naman kung hindi aattend ang paboritong apo... Baka I pakilala nalang sa iba si Kelly."
Patrick sit up abruptly "ate wait!"
May smirked "so, do you want to pick an outfit or sleep until you die?"
"Tsk! Oo na! Pero sigurado ba kayo na aattend si Kelly? Nakausap mo ba sya? Sinabi nya ba sayo mismo?"
Binato ni May si Patrick ng unan "dyan ka magaleng!"
"Ate naman eh! Sabi mo tutulungan mo ko eh."
"Tsss! Pumunta ka na dito!"
"Oo eto na nga."
"Wear all them and lemme think kung anong bagay sayo."
"Ate gutom na ko pwede bang kumain muna akong breakfast?"
Clap... Clap
Pagkapalakpak ni May may biglang nag serve ng breakfast ni Patrick.
"Don't me Patrick, dahil hindi ka makakatakas sakin."
"Humph!"
"Come on! Let's eat."
"Yeah."
Samanatala sa Office ni Kelly...
"Ha? So, na nganak na pala kahapon si ate Faith? Na hindi alam ni kuya Keith? Eh kamusta naman daw?" Sabi ni Vince.
"Eh, ayun ka gabi nga eh nag punta agad si kuya Keith sa Bulacan at galit daw si ate Faith sa kaniya at gusto pa nga daw eh mag hiwalay sila."
"Ehhhh... syempre kung ako rin naman si ate Faith eh mauuma ako kay kuya Keith. Aba'y mantakin mo ba naman eh lumalaki ang tyan ni ate Faith eh wala si kuya Keith eh tapos nga'y on na nanganak na eh wala pa ren? Aba'y kainaman iyon!"
"Ayyy... iyon nga kaya dali-dali si kuya Keith nag paroon sa Bulacan eh kanina ngang madaling araw eh sumunod si kuya Kian kasama si ate Rica baka kasi kain naman ng pamilya roon ni ate Faith eh wala na kaming pakialam sa anak ni kuya Keith kaya ayun nag pasya sila na pumunta muna roon. Eh iyon nga eh hindi alam ni kuya Keith na paparoon sila kuya at ate."
"Ay, maganda nga iyon para walang masabi sa inyo ang pamilya ni ate Faith. Eh paano pala si Jacob?"
"Ay ayun, may pasok naman sya eh sabi ni kuya Kim eh sya na laang daw ang bahala pag dating nung bata dahil maaga naman daw ang labas nya."
"Ah... kala eh walang mag aasikaso pwede naman dun sa amin muna kung gusto nyo andoon naman si Mamay at si Ate Alice."
"Salamat pis, pero okay lang babalik din naman agad sila kuya Kian dahil nga eh may trabaho rin. Tsaka di naman alagaain na si Jacob matured na ang isip ng batang iyon."
"Ay oo mas matured pa nga yun sayo. Joke! Hahahaha..."
"Heh! Ikaw nga'y lumayas layas na rine baka ika'y masapak ko laang."
"Tsss! Oo na! Okay na kaya yung nga order kong pastries?"
"Oo okay na yun kala mo naman karumami eh. Para naman dalawang box lang ng cheesecake. Ay malamang iyon eh tapos ng ayusin."
"Ay siya, ako eh aalis na baka mahuli pa ako sa meeting. Nga pala, bukas na yung birthday party ready ka na?"
"Yeah. Pero tinatamad ako bahala na."
"Sira! Sayang din yun malay mo may ma-close kang deal dun sure maraming malalaking negosyante ang nandun."
"Yun nga eh, nakakahiya brad! Sure yayamanin ang mga tao dun."
"Aba eh, bakit naman? Kung sa yamam lang aba eh sa Batangas tayo ang isa sa pinakamalaki ang lupain don kaya wag ka ngang ganyan. Samahan kita gusto mo?"
"Di na salamat nalang isa lang yung nasa invitation baka di ka papasukin dun."
"Iba talaga pag yayamanin eh no? May pa invitation pa.
"Oh eh kala ko ba eh yayamanin din tayo? Bakit parang na down ka naman dyan dahil lang sa invitation."
"Charot lang! Sige na, alis na ko yung bayad dun ko nalang iwan sa cashier mo."
"Um. Ingat."
"Yah, you too. Good luck bukas! Tawagan mo ko pag gusto mong mag pa sama gagawa ako ng paraan para makapasok. Hehe..."
Kelly smiled "oo na. Bye na salamat."
"Um."
Pagkaalis ni Vince Kinuha ni Kelly ang phone nya at may tinawagan.
Kelly: Oo pupunta na ko bukas pwede mo ba akong ayusan Mims?
Mimay: Aba oo naman. Ikaw pa ba?
Kelly: Salamat Mims. Punta ka nalang na samin o ako ang pupunta sayo?
Mimay: Ako na lang ang pupunta sa inyo 5pm naman ang start ng party di ba?
Kelly: Um. Pero parang call time lang ata yun sabi sakin ni Mr. Johnsen.
Mimay: Ah... syempre nga naman filipino time. Sige maaga naman ang labas ko bukas. Chat nalang ako sayo bukas.
Kelly: Okie. Thankies.
Mimay: Siya sige na baba ko na ah? Baka malate na kasi ako.
Kelly: Don't worry di lang ikaw si Vince din hehe... Dumaan pa kasi yun dito.
Mimay: Ah ganun ba? Okay sige andito na yung service ko. Bye na ah.
Kelly: Okay, ingat ka.
Mimay: Salamat. Chitchat tayo later.
Kelly: Um. Byie.
Knock... Knock...
"Pasok."
At pumasok si Leny ang secretary ni Kelly.
"Ms. Kelly..."
"Ano po yon?"
"Dumating na po yung order nyo for Mr. Pacheco gusto nyo po bang ipa deliver ko na?"
"No ate, ako po mismo ang mag bibigay."
"Eh? Kala ko hindi kayo aattend?"
"He... He... nag bago po kasi ang isip ko."
"Oh... I see."
"Pakidala na lang po dito yung gift."
"Sige Miss."