Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 386 - Kabanata 386

Chapter 386 - Kabanata 386

The day of Mr. Pacheco's Birthday...

Papaalis at ready na ang lahat nakaalis na rin ng mga oras na yon si Mimay dahil may bigla syang lakad kaya ng matapos niyang ayusan si Kelly nag madali na syang umalis at syang dating naman ni Vince para ihatid si Kelly sa venue.

"Alis na po kami." Sabi ni Kelly at sabay-sabay namang napalingon ang mga kuya nya pagkababa nya ng hagdan.

Nasa sala at nanonood ng television ang mga kuya ni Kelly maliban kay Keith na kasalukuyang nasa Bulacan.

"Anong oras ang uwi mo?" Tanong agad ni Kian.

"Kuya Kian naman papunta pa nga lang kami ni Kellang pauwi na agad ang iniisip nyo?" Sagot ni Vince at siniko naman siya ni Kelly na kasabay niyang bumaba.

"Ahm... sasaglit lang ako kuya siguro 9pm? Halos 7pm po kasi ang start ng party eh."

"Okay, susunduin kita ng 8am don. Siguro naman ayos na yon."

"Pero kuya..."

"Kung ayaw mo wag ka ng umalis."

"Teka lang bro, chill lang ako na ang susundo kay Kelly tutal malapit lang naman sa bahay namin yung venue." Sambit ni Vince.

"Oo nga kuya pwedeng si Vince nalang." Pag sangayon ni Kevin.

"Hindi na sasama rin ako kay kuya sa pag sundo kay Kelly mamaya." Sabi naman ni Kim.

"Edi sasama na rin po ako!" Bungad ni Jacob na galing sa kusina at may dalang snack.

"Oh, nakain ka na naman?" Sabi ni Vince.

"Hehe... na gutom po kasi ako eh. Gusto mo po?"

"Di na halos kakakain lang natin ng dinner gutom ka na agad bata ka? Ano ba yang tyan mo gaya ng sa elepante?"

"Daddy si Tito Vince po oh."

"Ha... Ha... joke lang naman. Ha... Ha... cute- cute mo nga eh."

"Tsss!"

Tumayo si Kevin at kinuhanan ng picture si Kelly.

"Ang ganda naman ng Bunsuan. Send ko ito kay Mama."

"Eh?"

"Sending..."

"Sige na alis na kami ni Vince."

"Sige ingat kayo. Vince dahan-dahan sa pag dadrive." Sabi ni Kian.

"Don't worry kuya akong bahala sa Bunsuan natin."

Kelly smirked.

At nung papaalis na si Kelly.

"Sandale!" Pasigaw ni Kian.

"Ku— Kuya?" Ang kinakabahang sambit ni Kelly.

Tumayo naman si Kian at lumapit kay Kelly.

"Anong klaseng damit yan? Bakit hubad ang likuran mo? Mag palit ka!"

"Ah... Kasi kuya..."

"Hubad ang likuran?" Sambit nila Kevin at Kim at nakita nga nilang labas nga ang likod ni Kelly.

"Oo nga bunso, bakit ganyan backless? Baka mamaya sipunin ka." Opinyon ni Kevin.

"Mag palit ka na don kung ayaw mong hindi ka namin payagan." Sabi ni Kim.

"Pero kuya wala na akong ibang dress na pwede."

"Pwes, matulog ka na." Sabi agad ni Kian at maupong muli sa sofa.

"Daddy naman, ang ganda- ganda ni tita Kelly ngayon tapos patutulugin n'yo lang sya? Baka naman po pwedeng gawan ng paraan." Opinyon ni Jacob then Kelly winked at him.

"Alam ko na!" Sambit ni Vince.

Naka white bohemian backless si Kelly sobrang simple lang ng ayos nya natural look kumbaga. Color black naman ang kulay ng hand bag drawstring knit na may design na sunflower at black rin ang gladiator slippers. Habang nag pa kulay na ulit si Kelly ng buhok ng blond at nag pa big curl with her floral bohemian head wrap knotted bandana.

***

Nasa venue na si Patrick pero hindi pa siya na labas sa room nya kahit busy ang taong nasa kapaligiran nya.

Sa compound mismo ni Mr. Pacheco ang venue ng garden party nito at sa mismong compound na yon may mga bahay ang mga anak nito kasama na nga ang mommy nila Patrick at May.

"Mommy, sabi ni Uncle Ching baka malate sila nila Auntie Beatrice." Sambit ni May.

Busy naman si Mrs. Santos sa kaniyang phone "okay, how about your Auntie Jing?"

"On the way na mom."

"Honey, calm down everything is fine. Okay na ang lahat sa venue mga bisita nalang ang kailangan. Right May?"

"Yes Dad."

"Where's Patrick?"

"I'm here dad." Bungad ni Patrick na hindi pa nakabihis.

"Bro! Bakit hindi ka pa nag bibihis?"

"Chill ate, iinom lang akong tubig tapos mag bibihis na ko."

"Double time!"

"Oo na!"

"Son, aattend si Kelly?"

"Yes Mom, aattend ang sister in law ko."

"Ate!"

"Heh!"

"Daddy pagsahihan nyo nga yang si ate."

"Hey!"

"May, that's enough hindi dapat ganyan baka mamaya ma offend si Kelly. Hindibpa pumayag yun na maging sister in law mo."

"Daddy!"

"Hahaha... sorry brother, kampi sakin sila mom and dad kaya galingan mo mamaya."

"Ewan ko sayo!"

"What plan?"

"Ahm... Wala yon Mom para lang yun kay Patrick. Hehe."

"Anyways, bilisan mo na Patrick ayaw ng lolo nyo na pinag iintay sya."

"Yes Mom."

Ding... Dong...

Biglang may nag doorbell sa bahay ng mga Santos kaya dali-dali namang bumalik si Patrick sa kwarto nya.

"Bro, bilisan mo na dyan!"

"Oo na!"

"Manang, sino ho ang dumating?" Tanong ni Mrs. Santos.

"Madam, dumating na raw po sila Mr. and Mrs. Chipangco."

"Eh? You invited them mom?" Tanong ni May.

"Yes dear, sila ang sponsor ng catering remember?"

"But I thought, you and Mrs. Chipangco..."

"Hindi na sila magkagalit ng mommy mo. Kilala mo yang mommy mo mabigyan lang ng luxurious bag lumalambot na agad." Opinyon ni Mr. Santos.

"Stop that, hindi yan totoo. Sincere talaga si Aurora sa pag hingi nya ng sorry sakin and bilang best of friends kami and she also my cousin I make patawad na lang. para I don't have kaaway na."

"Pero mommy, baka naman una-una lang yan? Kilala nyo si Auntie Aurora parati syang nasa casino mamaya ma scam na naman nya kayo."

"May is right, keep your distance from her from now on." Mr. Santos opinion.

"Fine! But for now I need to entertain her after all birthday ni daddy kaya honey halika na. May, sumunod na kayo ng kapatid mo okay?"

"Yes Mom."

"."

The party is about to start nagsidatingan na rin ang mga bisita ni Mr. Pacheco...

"Young Master,pinapatawag po kayo ni Madam." Sambit ni Mr. Johnsen na pinuntahan si Patrick na umiinom ng champagne sa may mini bridge doon sa garden malayo layo sa mismong lugar kung nasan ang mga bisita.

Naka ternong white loose long sleeve lace up v neck and loose pants na may design black embroidered tree and flying birds sa side ang kasuotan ni Patrick. Habang naka Korean two block haircut naman ang hairstyle nito.

"Bakit raw? Sabihin mo ayoko."

"Pero Young Master, dumating na rin po kasi si Ms. Kelly."

Nasamid namang bigla si Patrick ng marinig nya ang name ni Kelly.

"Ayos lang po ba kayo Sir?"

"Yeah. Kanina pa ba dumating si Kelly?"

"Hindi po halos kararating lang po ni Miss."

"Okay, let's go."

"Wait po lang po."

"Ano na naman?"

"Ahm... ipinagbilin po kasi sakin ni Ma' Lady May na wag nyo kakalimutan yung plano nyo."

"Oo na!"

Samantala...

"No worries, mag start pa lang naman ang party." Sabi ni Mrs. Santos.

"Come here kumain ka na." Sambit naman ni Mr. Santos.

"Ah, mamaya nalang po. He... He..."

"Kelly dear!" Bungad ni May na inaalalayan si Mr. Pacheco.

"He— Hello po..."

"It's nice to see you here Ms. Kelly." Sabi ni Mr. Pacheco.

Kelly smiled at iniabot ang regalo nya kay Mr. Pacheco "happy birthday po Sir godbless."

"May God Bless you too. Salamat dito mag alala ka pa."

"Sana po magustuhan nyo wala po kasi talaga ako maisip na ireregalo sa inyo. He... He..."

"It's okay, most important is you are here."

"Salamat po."

"Don't be shy dear. We're here for you." Sambit ni May na biglang naging clingy kay Kelly.

"He... He... thankies ate."

Napansin naman ng mga bisita na sobrang close ni Kelly sa mga Santos at kay Mr. Pacheco.

"Who's that girl?"

"In fairness she looks stunning."

"Is she from elite family too?"

"Of course, wala ditong invited na hindi natin ka lebel."

Naging usap usapan bigla si Kelly dahil sa pagiging close nito sa pamilya ni Patrick at syempre sa kasuotan rin nito. Hindi nag palit si Kelly ng kasuotan nya gaya ng gusto ng mga kuya niya kanina dahil naka isip si Vince ng solution. Nilagyan ni Vince ng knitted shawl from her ate Alice ang backless dress ni Kelly.

Kanina,

"Oo mga kuy's akong bahala kay Kelly. Sandali lang tatawagan ko si ate Alice." Sambit ni Vince.

"Hala sige balik sa kwarto! Lamig- lamig ganyan ang suot?!" Sabi naman ni Kian kay Kelly na balot na balot ng kumot.

"Kuya naman eh."

"Heh! Akyat na!"

"Opo eto na..."

"Teka!!!" Sabi ni Vince.

"Nako, Vince kung wala kang magiging solusyon sa damit ni Kelly hindi sya aalis!" Sabi ni Kim.

"Meron na kuya! Kaso pupunta muna kami samin wala kasi si kuya Ethan samin walang mag hahatid ng shawl dito."

"Kim, sumama ka sa dalawa."

"Sige tol ako ng bahala."

"Mga kuy's naman kila Vince lang naman kami pupunta eh."

"Mabuti na yung sure na may shawl nga talaga. Alam kong spoiled ka kila Alice at kay tiya Ada baka mamaya pumunta ka sa party na yon ng ganyan lang ang suot mo."

Kevin made a facepalm "kuya, para namang wala kang tiwala sa kanila."

"Ah, basta mabuti na yung sigurado!"

"Wag kayong mag alala kuya dahil may shawl talaga si ate Alice."

"Sya, sya... Tara na at baka malate pa si Kelly." Sabi ni Kim.

"Daddy sama ko sa kanila."

"Hindi na gabi na."

"Daddy naman eh..."

"Naka kotse naman kuya, tsaka gusto rin makita nila Mamay si Jacob. Pwede po ba?"

"Tsk. Sya sige na ingat kayo."

"Yehey!!! Thank you po daddy."

"Sige na."

At ng makarating sila Kelly sa bahay nila Vince baka handa na ang iba't ibang klase ng shawl na meron si Alice.

"Try this one Kelly." Sabi ni Alice.

"Ate, white yung suot ni Kelly kaya dapat hindi white yung shawl. Try mo itong black Pis."

"No tita Kelly, try nyo po itong may design na flowers kami po ni Lola Ada ang pumili nan."

"Um. Kahit ano naman bagay sayo ineng."

"Salamat po tiya. Sige po yan nalang ang gagamitin ko tutal parehas po na floral gaya nitong bandana ko. What do you think kuya?"

"Yeah... sige na yan nalang basta takip yang likuran mo." Sagot ni Kim.

"Hehe... okie."

"Sus, napaka overprotective nemeng kuya yan." Ang pambubuyong sambit ni Alice habang tinutulungan si Kelly sa shawl nito.

"Tsss! Wag ako Alicia."

"Hoy! Maka Alicia ka naman, Mik- Mik."

"Heh!"

"Sandali lang kukuha muna akong makakain nyo."

"Wag na po Mamay mala-late na po kasi si Kelly." Sabi ni Vince.

"Ah, ganun ba... Kahit mag baon nalang kayo ng banana chips?

"Sige po tiya gusto ko po."

"Aba'y Kelly kakain ka naman doon. Wag na."

"Hayaan mo nga sya Vince."

"Pero ate susyalan yon baka naman mapahiya si Kelly."

"Tawagan mo kaming agad kapag na binully ka nila."

"Kuya, di naman ako papayag na i-bully kaya chill ka lang."

"Tsss! Basta tawagan mo kami agad pag pauwi ka na."

"Um."

Sa kasalukuyan...

"Nasan sila mommy?" Tanong ni Patrick Mr. Johnsen dahil hindi makita kung nasan ang pamilya nya.

"This way Young Master."

"Okay."

Bigla namang may sumulpot na isang babae sa harapan ni Patrick.

"Patty!!!"

"Malia?"

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka naman dyan?" She bonked him.

"Tsss! Bakit kasi bigla-bigla ka nalang na sulpot? Kanina ka pa?"

"Um. Hinahanap ko nga si ate May sabi nya kasi may sasabihin sya sakin."

"Eh?"

Sa isip-isip ni Patrick "si Malia ba yung sinasabi ni ate na makakatulong sakin?"

"Huy!"

"Ha? Ahm... come with us papunta ako kila ate ngayon. By the way, Malia he is Mr. Johnsen my assistant."

"Oh... hello Mister nice to meet you please assist me too. Hehe."

Patrick bonked her "behave!"

"Hehe."

Mr. Johnsen smiled awkwardly dahil tinawag sya ni Malia na "Mister" na ang lakas makatanda but he offer his hand to formally greet her"it's my pleasure to meet you Ms. Malia."

But instead of handshakes Malia clap Mr. Johnsen's hand "just call me Malia ayoko ng may Miss right, Young Master?"

"Heh!" Sagot ni Patrick at hinila na si Malia.

"Hey! Lemme go."

"Behave! Johnsen, lead the way."

"O— Opo Young Master."